Hi sis. sa mga sites kasi na napuntahan ko, lahat naman sinabi na okay lang kung whole meat ang ibibigay kahit sa puppies. as soon as nawean na sa milk, safe naman daw to switch kaagad. may nababasa din ako minsan about ground meats. pero sa dami ng sites na nakita ko, hindi naman naging issue yung pagbigay ng whole pieces sa puppies. may iba pa nga whole animal binibigay sa litter, then sabay-sabay sila kakain. iba-iba rin kasi yung types of raw feeding--prey model, frankey prey, etc. nasabi ko na rin to in my previous posts, balikan mo na lang. ang alam kong issue lagi ng first timers is choking eh. at isang solution yung laging sinasabi, give bigger pieces. ang sabi kasi, may aliw, cleaning and exercise factor ang pagchew ng meat and bones. okay naman ang ground meats pero yun nga lang di nila maachieve ng todo yung mga nasabing factors.
actually, natry ko na magbigay ng whole pieces nung maliliit pa mga alaga ko. mga 3mos sila nun at wala naman naging problema, yung aspin 2mos lang ata. kailangan lang talaga is supervision at inaadvice na malaking parts ang ibigay to avoid choking.
yung shih tzu and aspin namin, magaling sila magchew ng meat. kahit sa wings, neck, drumstick, todo nguya sila bago lunukin. minsan tinitear pa nila yung meat bago kainin yung bone. kaya rin nila magself-regulate, aayaw at aalis na pag busog na. pero yung bulldog ko ang problema kasi he doesn't know how to chew. 4yo na sya pero lagi ko pa rin hawak yung meat kasi pag binigay ko lulunukin nya lang tapos isusuka pag di kinaya (kadiri diba). i tried giving him big pieces pero nagsusuka talaga sya. ang gawain kasi nun nilalaro nya yung pagkain pag nilagay ko sa floor,tapos hingal na hingal sya, dahak pa ng dahak. since prone sa heatstroke ang snub breeds, takot ako baka atakihin eh mainit satin compared sa US (dun kasi inaadvice to give whole pieces, or pieces as big as as the dog's head) so madali din macontaminate ang food sa atin so hand-feeding yung nakita kong okay sa kanya. while yung iba pwede ko iwan ng food without worries, siya naman kahit ang laki-laki (22-25kgs) sya yung parang puppy kung kumain. sabi ko nga wala din pala sa size ang galing nila sa raw meat, kasi iba-iba talaga sila ng personality. so as owners, yan yung mas kailangan natin bigyan ng pansin. dapat alamin natin yung ways nila in handling raw meats. hindi rin daw kasi lahat ng dogs alam ang gagawin. so kung hirap at clueless we have to find ways para makakain sila ng maayos, without comprising the benefits of the said factors.
siguro nabasa mo na rin na ang safest to give for first-timers is chicken. pero kung medyo hesitant ka, pwede naman ground meat kaso walang maghohold ng poop so expect na mas messy. for the first few weeks kasi kailangan nila ng mas maraming bone to hold the poop, pero as time goes by kahit konti ang bones, firm pa rin ang stools. ang usual ratio is 80%(meat)-10%(bone)-10%(organs), pero pag bago pa lang, mga 20-30% of bones ang kailangan. a chicken with a bone is fine, wings, leg, thigh, breast okay yang mga yan for small dogs. pero supervise pa rin, pag hind magchew, hold the meat muna hanggang kagat-kagatin nya. usually natututo naman sila, after some days kaya na kumain mag-isa. expect for loose stools, as in may liquid, minsan may blood and bone pieces pa yan. pero tuloy lang until magfirm ang poop. then pag nagfirm pwede na magadd ng new meat like pork or beef, pero 10% lang muna. wait for the poop to get firm bago dagdagan ang serving ng new meat.
ganyan lang ginagawa ko sa mga alaga ko at naging okay naman sila sa raw diet. don't forget to add fish oil pala kasi pambalance yan ng omegas. pansin ko sa tzu ko, mas madalas mangati at mas maselan nasa bahay kasi at di nadudumihan. he eats around 250g of meat, tingin ko halos same sila ng amount ng dog mo. noon 1 fishoil capsule lang sya, pero ngayon 2/day na. yan lang nagpapaalis ng kati-kati nya. tingin ko kasi mas mahirap magadjust sa raw feeding ang indoor dogs. dogs need some bacteria daw kasi from the soil to have a better immune system. so kung masyado silang malinis, may tendency na mawindang ang system nila sa raw meats. it happened to my shih tzu, nagkaron sya ng bacterial infection and parasite. same sila ng kinakain for almost a year pero yung bulldog ko wala naman, weird diba.
sorry sis at napahaba, i wanted to share our story kasi para malaman mo yung experience namin since maliit pa sila. then ikaw na bahala magjudge, me ganon?

if you have the link pala about giving ground meat to puppies, post mo din dito. check ko ulit baka may namiss din kasi akong info.