hotchili..sis pag kaya nilang lunukin, it means maliit yung part na binigay at kailangan mo pang lakihan ang serving. Try mo magbigay ng mas malaking part and see kung try nya lunukin ulit. pag sinubukan, it means na maliit pa rin yung cut at kailangan mo pa ulit magbigay ng bigger piece. Try a quarter or a half chicken. Mas malaki mas naaaliw sila at mas makakalinis ng teeth.
About sa bone, walang problema pag raw pero kailangan iwasan yung mga weight bearing bones like knuckles, hooves kasi pwedeng masira ang ipin nila sa tigas ng mga buto na yan. basta stay away from those parts na walang meat at halos bone lang ang makikita. Stay away din from soup pack kasi ang kailangan talaga nila ay yung part na covered with meat.
When you buy your meat, for example chicken, buy by the whole then pacut mo into quarters or into half. Kahit anong breed and age, kaya nila kainin yan, maaamaze ka sa mga kayang gawin ng alaga mo

Isa pang masama ibigay ay cooked bones kasi nagiging brittle na ang bones once maluto. Ito usually yung nagcaucause ng intestinal lacerations and not the raw ones, kasi pag raw malambot pa ang buto, kahit sa kamay pwede syang mabali.
rainbow.. salamat sis dahil naiintindihan mo at nakakarelate ka sa sinasabi ko

mahirap kasi magkwento lalo kung di dog lover ang kausap, di sila makarelate tapos parang di nila ganoon sineseryoso yung mga sinasabi mo kahit buong puso ang pagkwento

It really takes a dog lover to know and understand another dog lover.
Oo sis, hindi talaga aakalain na kaya nilang kumain ng malalaking parts. Minsan mas malaki pa nga sa kanila yung food nila, pero sisiw na sisiw. Some dogs know how to self regulate naman, titigil sila pag busog na kaya okay lang magbigay ng malaking parts. Supervision lang talaga ang kailangan sa raw feeding. Natry na pala nila ang raw fish, yung bulldog nasasanay na at nakakain nya na yung sardines, at first kukunin sa kamay ko tapos kakagatin ng onti pero iluluwa din, pero ngayon gusto na nya. Pero yung tzu kailangan ko pang turuan, maarte kasi sa pagkain, kahit yung organs ayaw nya pag raw, pag malamig din yung food ayaw nya, kaya thaw ko muna bago ibigay, pero yung isa kahit frozen lamon kung lamon hehe.