Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 55158 times)

hot_chili

  • I am a very hot
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 377
BARF/ Raw feeding
« on: March 20, 2012, 09:37:19 pm »
Anyone here who does this? Ive been reading a lot of positive stuff about raw feeding kaya lang Ive never tried it. Nakakatakot naman i-try without knowing the do's and dont's kasi baka magkasakit ang furbaby ko.
Shes been fed dry dog food when she was a puppy then nagsawa so I mix the dog food with human food (mostly veggies, cooked meat, liver and fish) pero now nagsasawa na naman sya I tried giving her a cube of raw chicken and she liked it. Advice?
« Last Edit: March 20, 2012, 09:38:54 pm by hot_chili »

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #1 on: March 21, 2012, 12:07:25 am »
Me! me! me! ;D I've posted some links about this on the Best dry dogfood thread, gusto ko na nga rin sana gumawa ng thread pero kakaunti pa lang ang nakikita kong interested kaya sabi ko next time na lang hehe. Buti na lang you've asked for this, hindi ako masyado magmumukhang pushy and epal hahaha!

Pero mind you, may issue rin between the advocates of raw feeding, minsan kasi pag BARF (Biologically Appropriate Raw Food or Bones And Raw Food) some will tell us to add veggies and fruits in their diet kasi nga this is what wolves eat daw in the wild, for them Dogs are omnivores. But for Raw feeders, plant matters are not needed because dogs are carnivores, nangyayare lang yan pag walang available prey kaya no choice talaga but to eat what's available, or trip lang nilang tikman yung mga fallen fruits or veggies. Raw feeders' techniques are: Prey model or literally giving the whole chicken, pork, rabbit, mice, or larger animals, feed the whole carcass then keep yung matitira, the other one is Frankenprey or variety of parts.

Anyway, I've heard of raw feeding almost 4 years ago, but I stopped for some reason. Pero last October nagbalik-lob ako ;D at gustong gusto ko ang results sa mga anak ko. Actually mahaba ang discussion on raw feeding, I could go on discussing this forever ;D that's why the best thing I could give is to provide you links that I personally visit from time to time. Comment, ask, chuva chuchu na lang kayo after reading para mas interactive ;D

If you are new to raw feeding and confused, read these:
http://rawfed.com/myths/index.html
http://rawfed.com/myths/feedraw.html
http://preymodelraw.com/why-pmr/
http://www.rawlearning.com/
http://healthypets.mercola.com/sites/healthypets/archive/2011/02/15/raw-meat-the-best-and-healthiest-diet-for-pet-cats-and-dogs.aspx (browse her site for more information regarding raw feeding)
http://www.petmd.com/dog/nutrition/evr_dg_focusing_on_protein_in_the_diet#.T2ijccXxVoU

If you are ready to start with raw feeding, read this:
http://www.raw4dogs.com/calculate.htm
http://www.facebook.com/groups/261761471359/doc/10150200515531360/
(browse their group, super dami ng info sa fb group nila)
http://preymodelraw.com/how-to-get-started/
http://preymodelraw.com/getting-started-quick-start/

if you'll ask me what and I feed my boys, look at this ;D:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=361753433911281&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=369228796497078&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=372047629548528&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=324196621000296&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=258370840916208&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
we just started with sardines, so hindi pa sila ganun kaeager kumain nito hehe. Fish oil ang binibigay ko as source of Omega 3.

Sa dami ng links, sasabihin ko pa rin na, Happy reading! haha!
« Last Edit: November 06, 2012, 12:21:37 am by abuanddiego »
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #2 on: March 21, 2012, 11:07:10 pm »
Thanks for posting this, Abu! I'm planning to get my first dog kasi and I've been reading about what my options are on food.

Matagal ko na nga nababasa about raw feeding sa ibang forum dati pero nawala na kasi yung forum na yun eh. You seem to be very knowledgeable about dog care and I really appreciate your comments on all the other pet threads here.

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #3 on: March 21, 2012, 11:10:07 pm »
Also, sa isang forum, they mentioned feeding their dogs mice and rabbits  that are supposed to be fed to pet snakes. Sa US apparently that's readily available. Ikaw ba Abu natry mo na with mice and rabbits?

hot_chili

  • I am a very hot
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 377
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #4 on: March 21, 2012, 11:38:35 pm »
thanks sis abuanddiego, buti merong knowledgable dito sa GT about raw feeding. I will read the links you posted and hopefully ma-practice ko na to with my dog, I was hesitant pa, kasi my dog is a lhasa apso im thinking baka for big dogs lang ang raw feeding, but then I saw the pics you posted and you have a shih tzu  :)
Ive started giving him chunks of chicken breast as a reward/treat. And talagang di sya naghesitate kainin yung raw meat. unlike sa ibang human food I feed him minsan ang tagal nyang inaamoy bago kainin

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #5 on: March 22, 2012, 03:52:30 am »
rainebrowbrite.. walag anuman. I'm just a very curious person kaya kung san-san ako napapadpad na sites hihi, madami na rin akong nasalihang forums before, at ang dami ko rin natutunan sa kanila, yung isa parang wala na nga, Phil Pet Finder member ka rin? thanks for the nice words ha, malapit lang talaga ang loob ko sa mga aso at nakita ko kasi sa kanila yung bagay na inaasam-asam ko eversince my world began haha! kaya parang ganti ko na itong pagshare sa fellow owners ang mga nalalaman ko para mapreserve natin ang lahi ng mga ito at makita rin ng iba kung ano yung nakita natin sa kanila ;)

naku di ko kaya ang rabbits kasi pet rin ang tingin ko sa kanila, tsaka magagalit sakin ang pamangkin ko kasi love na love nya ang rabbits, baka isumpa ako nun haha! Nung one time nga na nagluluto ng rabbits sa isang cooking show, mahilig kasi ako sa cooking shows (halata naman haha) di na ako nagsalita na rabbit yun kasi alam ko mahuhurt sya, pero after watching, sabi nya "Rabbit kinakain?" Napatango na lang ako, di ko alam na alam pala nya na rabbit yung niluto sa tv. Nalungkot talaga sya after ng show :( Sa mice naman, kinikilabutan ako, so next question please... hahahaha!

hot_chili.. you're welcome sis! salamat din dahil gumawa ka ng thread about this, mashashare ko na rin sa wakas lahat ng gusto ko tungkol dito hahahaha! Take your time, ang tagal ko rin nagresearch about raw feeding, actually yung ibang links, kelan ko lang din nahanap so yung ibang info na nakuha ko noon narealize ko na hindi rin lahat tama so kailangan magresearch ulit. Lurker tuloy ako sa site ng iba hehe.

Marami na rin akong naringgan ng ganyan, lalo sa mga small breed ang alaga, but dogs are dogs no matter what size they are, so don't worry much on feeding raw meat. Mind you, praning at babyng baby ko mga bugoy na to but not even once that I hesitated on giving them raw meat. Mas takot pa nga ako sa dog food kesa raw hehe. Yung shih tzu, mas magaling pa kumain ng chicken kesa bulldog. He will take it from my hand then pupunta sa isang corner to eat by himself, talagang nginunguya nya yung parts mabuti bago lunukin. Pero yung isa, dyosmio, I don't trust him ;D grabe pagka-gulper nun kaya todo bantay ako pag kumakain, I even hold his food while eting to stimulate chewing and to prevent choking and regurgitation yuck! haha!

Yung dalawa rin baliw na baliw sa chicken. Iba ang excitement nila dito kesa dogfood and homecooked. Ano ang brand ng dog food ng baby mo and ilang months na siya? Pwede naman magshift kaagad sa raw feeding, basta do it in moderation and with one type of meat muna. Chicken is the safest choice but include variety of parts and not just the meat itself kasi pag newbies, the more na meaty ang ibigay, the more na loose ang stools. Kailangan talaga ng bones to hold the poop, but as time goes by, masasanay na rin sila at magiging firm na rin ang poop.

Btw, the latest site that I always visit is the Raw Feeding group on fb, they're using the prey model method. I've tried it with my dogs pero hindi talaga practical for the three of us, nahihirapan ako maglinis after kasi wala naman akong katulong sa dalawang to. Siguro pag sumipag ako gagawin ko talaga ang prey model, but for now frankenprey lang ang keri namin.

sorry sa haba, marami lang talagang tumatakbo sa isip ko lalo pag dogs ang topic hahaha!
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #6 on: March 22, 2012, 07:31:32 am »
^Ayos lang ang haba ng post sis! Very informative naman eh!

Yes, member ako dati ng Phil Pet Finder forum. Ang hirap nga ngayon na wala na siya kasi very informative yung thread ng raw dun di ba.

I'm scared and grossed out by mice :) Pero if it's cheaper but still as nutritious, it might be a good alternative din. Pero gross talaga ang mice.

Sa US kasi, apparently, they farm rabbits for food ng other animals. Dito sa atin parang wala ganun. Ang alam ko nga din, they are farmed to be pets dito :)

On a side note, yung malalaking rabbits terrify me hehe

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #7 on: March 22, 2012, 12:35:09 pm »
Abu, have you tried feeding your dogs meat saw dust?

If reputable naman source, I wonder if this this is ok for raw feeding or cooked. I read some feed it raw while some feed it cooked.


abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #8 on: March 22, 2012, 03:25:29 pm »
^yes sis sa bulldog ko and pits and tzus ng kuya ko, natry na namin ang saw dust. but that was 2 years ago na ata. ang problema kasi sa saw dust puro sya fats, minsan nakakachamba kami ng ground meat talaga pero madalang pa sa solar eclipse yun ;D pag ang nakuha nyo ang yung usual saw dust, almost half ng bigat nun eh fats at mawawala rin once lutuin. Kung raw pwede naman ibigay pero in moderation na lang because too much fat is not good rin, pancreatitis ang bagsak, kumbaga as side dish lang ito hehe.

Most people give this kasi mura, pero pansin ko mga lalake madalas ang nagbibigay nito. Well, what do you expect from boys? Hindi naman sila ganun ka-OC ::)

Ewan nga bat nawala sila eh, ang haba pa naman ng thread dun about raw feeding. Pero sabi ko okay lang kasi may background na naman kami sa raw feeding, mostly experiences talaga yung makukuha ko sa PPF.

Ang nabasa ko lately sa raw feeding group on fb, large amounts of red meat ang dapat talagang ibigay. Larger animals daw ang kailangan like pig, cattle, vison? goodluck naman sa atin dito ;D etc. kasi pag smaller animals too bony daw for dogs. Ayaw talaga nila na gawing staple diet ang chicken, rabbit, mice and other smaller animals kasi hindi daw ito enough for dogs. As minor part of the diet pwede, pero kung gagawing staple wag daw. But since kelan lang kami ulit nagraw, chicken pa rin ang staple diet ng mga anak ko, I've tried giving pork and fish sa bulldog pero nagfifireworks pa ang pwet nya ;D Sa shih tzu di ko pa magawa kasi kasama namin sya sa loob ng bahay at malalatigo ako pag sya ang nagfireworks hehe. Tsaka ang mahal ng pork and beef, di ko pa ata keri na gawing staple yun lalo na't 2 sila. Frankenprey pa lang ang kaya kong ibigay for now. Pero minsan, iniisip ko rin na bumili ng whole pig, meron daw kasing meat supplier nearby na mas mura magbenta, oh diba ang taas ng pangarap! haha!
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #9 on: March 23, 2012, 01:19:34 am »
I watched the healthypets video na sis. It answered my concerns about bacteria. I really liked this video.  The host really seemed knowledgeable on what she's saying. Naka bookmark na siya sa akin and will check out the rest of her site too.

When I read about the diet including bones, I always thought that it meant na when the dog bites into the meat, it's the bones particles na nasasama. I didn't expect that they eat the bones too! Na amaze naman ako! And it's so quick pala when they eat it. Yung napanood ko wala pa five minutes, done na siya!

I found this video with explanation and a demo of how her dog does it. Very informative for beginners I think :) 

http://www.youtube.com/watch?v=stZCSUJa4EU
http://www.youtube.com/watch?v=FFnLn6uSEls


« Last Edit: March 23, 2012, 01:32:30 am by rainebowbrite »

darcey_bebe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 35
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #10 on: April 03, 2012, 12:46:58 am »
Shifting to Raw Feeding

Benefits:
-muscled body that is not "doughy"
-less itching & scratching
- 90% less doggy odor
-almost odorless & smaller poops
-cleaner teeth = fresher breath
-stable energy, no hyperactivity
-no internal/external parasite infestation
-no vitamins/supplement
-healthy dog = healthy skin = healthy coat
-stronger immune system
-less vet expenses

1. The dog must fast for two days (water only)

2. Start w/ one protein source only e.g. Chicken for the first 3wks or up to a month. Then add another protein source such as Pork, then wait for another 3wks or so, then add Beef, then Fish, Quail, Rabbit, Pigeon, Guinea pig, Lamb, Turkey, etc. (at least 3-4 protein sources) You may also give whole egg(s) once a week or once every two weeks, egg shell is another source of calcium too 
(chicken egg, quail egg, duck egg, etc.)

3. Recommended food amount is 2-3% of your dog's ideal body weight per day. 10% for puppies (except when it exceeds the adult's daily ration)

4. Balanced meal is whole prey model diet, e.g. 1 whole chicken w/ entrails, 1 whole quail, 1 whole rabbit, etc. Small dogs can't finish 1 whole chicken to achieve whole prey model diet so as a rule of thumb we follow the 80-10-10 guide.
80% - meat
10% - bones
10% - organ meat (5% of w/c is liver)

Example:
An average adult shih tzu weighs 5kg
2% of 5kg is 100grams
The dog will eat 100grams of food daily.
80% of 100g is 80g Meat
10% of 100g is 10g Bones
10% of 100g is 10g Organ Meat (5% is Liver)

80g Pigs Heart X P80/kg = P6.40
10g Chx Feet / Neck X P60/kg = P0.60
5g Kidney X P50/kg = P0.25
5g Liver X P80/kg = P0.40
Total = P7.65/day (beat that! this is the cheapest! I can even serve premium cut steak still to beat the price of premium commercial dog food.

Large Breed - 30kg dog
2% of 30kg is 600grams
The dog will eat 600grams of food daily.
80% of 600g is 480g Meat
10% of 600g is 60g Bones
10% of 600g is 30g Organ Meat (30g Liver)

480g Pigs Heart X P80/kg = P38.40
60g Chicken Feet X P60/kg = P3.60
30g Pig's Kidney X P50/kg = P1.50
30g Pig's Liver X P80/kg = P2.40
Total = P45.90 / day (beat that w/ premium commercial dog food)

5. Never feed your dog w/ chicken only because this is raw feeding and not chicken diet.

6. You will only achieve balance w/ a variety of protein source in time.

7. You may fast the dog once a week when you already have at least 3 protein sources.

Credits: Philippine Pitbull Club

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #11 on: April 03, 2012, 07:19:24 am »
^hi! how long na kayo on raw feeding? may iclear lang ako, kasi sa example mo you use pig's heart as the main protein/meat source. ang pagkakaintindi ko kasi sa 80% meat, and based na rin sa sinabi mo, it should come from a prey's body, and not just the muscle meat (heart, gizzard, tongue). The latest info that I've found out is that it should be a red meat source like pork, beef, lamb, etc., eto yung dapat nating gawing staple sa diet. gusto ko lang iclear lalo na sa newbies on raw, kakaunti pa lang kasi tayo dito who's into raw feeding. baka kasi isipin nila na muscle meat yung dapat ibigay daily, at first start with a single animal meat, pag sanay na ang dog kayo maglaro ng meat source para di sila mabigla. Pano natin malalaman na nakapagadjust na sila, check the stools, pag naging firm na for 3 or more days, safe na to try another protein source. Pero parating in moderation pag magadd kayo ng bagong meat kasi baka maloka kayo sa loose stools pag binigla ang pagbigay ;D

pero ang mura ng nasa examples mo, saan yan? ng madayo. Ako kasi I spend for as much as 100pesos per day sa mga alaga ko. Usually kasi ang price ng meat, muscle meat and organ meat is twice the amount of what you posted, yung chicken feet and neck lang yung talagang mura, so medyo mahal din ang raw feeding, almost the same price with premium dog food, pero ang maganda dito ay healthy talaga sila kaya sa vet bills tayo makakatipid.

do you strictly follow the recommended daily serving of 2-3% of their body weight? Yung mga binata ko kasi, shih tzu weighs around 5.3kg while the bulldog around 22-24kg, they can eat more than the suggested serving. yung maliit kaya umubos ng almost 250grams or 1/4 kilo, yung isa naman hanggang 700-800grams, tapos kung hindi ko pipigilan kaya nya makaisang kilo in one day. There would be times that they eat less but usually more than the suggested daily serving ang nacoconsume nila. Take note, moderate exercise lang ang ginagawa ng mga to pero para pa ring mga PG pag hinainan ko ng pagkain ;D I started to give raw sardines pala, so far gusto naman ng bulldog, pero yung maliit medyo naninibago pa.

Another question, would you know kung malaki na ang percentage ng pitbull owners who's into raw feeding? May mga pits kasi ang kuya at tatay ko, at pababalikin ko sila sa pitbull club ng lalong maconvince haha! Do you give any supplements like fish oil? Ano pala ang dogs mo? Post ka rin ng pics nila :)
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #12 on: April 04, 2012, 09:54:15 am »
Wow Darcey! Ang mura ng computations mo ha!

1 kilo of whole chicken pala is 99 in SM hypermart Main Ave. Hindi ko lang alam ilang kilo ang isang buo hehe





abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #13 on: April 04, 2012, 12:01:30 pm »
^Same observation, san kaya may murang meat ng makatipid naman kahit papaano. Dito kasi sa manila mahina ang 100 per kilo. Pag nakaraw kasi parang nagpapakain ka na rin tao ng isang tao ;D Pero okay lang naman as long as healthy sila.

Tama ka sis nasa 99-115 ang kilo ng whole chicken. Yan usually ang price sa sm malls, ang aking suki haha! Whole chicken na ang lagi kong binibili tapos hati na lang yung dalawa kong binata, isang araw lang sa kanila ang 1 kilo :-\
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #14 on: April 04, 2012, 07:06:14 pm »
^bulldogs kasi dog mo, right sis? Takaw kasi talaga nila di ba hehe

Hindi pa ako nagraraw feeding kasi feeling ko kulang pa ngipin ng alaga ko. ngayon pa lang nabubuo front teeth nya eh hahaha

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #15 on: April 05, 2012, 09:16:32 am »
hay nako sinabi mo pa, lahat kakainin, kahit sabon di patatawarin! tahimik lang yun at laging nakaupo or higa lang sa isang corner pero pag nakakita ng pagkain, nababaliw, madalas pa nangbabalya o mang-aapak ng paa. bully at food obsess mga bulldogs, madalas pag naubos na nya yung 500-600 grams, gusto nya pa kumain pero pinipigilan ko na lang. kung hindi kasi kokontrolin, lolobo talaga sila dahil tamad kumilos.  they act like puppies pa kahit matanda na, kaya parang may puppy ka forever. yung maliit di ko akalain na lalakas din sa raw, sobrang arte nun sa pagkain, pero nung nagraw kami parati syang ganado at di na nagskip ng meals.

okay lang yan sis, di problema ang teeth sa raw feeding. kahit kulang kulang ang ipin, dogs will always be dogs, gagawa at gagawa sila ng paraan makakain lang. nasubukan ko magraw nung 3mos pa lang mga to, believe me, alam nila pano gagawin. umiikot ikot yung leeg at ulo at lumalagutok talaga yung chicken ;D relax at parati mo lang sya isupervise, magiging okay din ang lahat. mas okay kung bigger parts ang ibibigay to avoid choking, kasi pag maliit mas lunok lang sila ng lunok. Pag malalaking parts, challenging at nastimulate ang mind kaya mababawasan din ang pagiging hyper. Yung bulldog, kaya niya lunukin ang buong drumstick or breast, tapos isusuka tapos kakainin ulit yak! yung maliit natuto na rin lumunok kahit medyo malaking part, nagfefeeling large breed na din! kaya todo bantay ako pag kumakain sila
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #16 on: April 05, 2012, 09:38:05 am »
^excited na ako to try raw feeding nga. Talaga kaya nila on 3 months! Naks. Iba talaga dogs. Sana hindi na pala ako nag Orijen at nag try na agad ng raw feeding. Pag nangalahati na siguro ko Orijen mag raw feed na kami. Para may remaining naman ako in case walang time para magbantay sa pagkain nya ng raw pede muna kibbles.

Gusto ko din talaga ng bulldog since bata pa ako. Aside from expensive, nung nalaman ko na matakaw e napa atras ako. Although may french bulldog namana na mas maliit, so less food din right? hehe

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #17 on: April 05, 2012, 11:17:30 am »
^May picture ako ng tzu nung 3months pa lang sya eating raw, kaso andun sa isang laptop na nagloloko. try ko irecover tapos post ko para makita mo. Yung bulldog hindi ko nakuhanan kasi noon pa yun at hindi kasi ako mapicture na tao haha. Natural na curious at mahilig lang talaga ako magexperiment kaya malakas ang loob ko sumubok ng mga bagay-bagay, pati sila tuloy nadamay hehe pero okay lang kasi maganda naman ang raw feeding.

Sa raw kasi, kailangan medyo matibay ang sikmura ;D kasi syempre nakakadiri yung thought na kakain ng hilaw, kasi hindi naman tayo sanay sa ganyan. Pero yun nga, di naman tayo ang kakain at iba kasi ang nature ng dogs kesa humans. Sa mouth pa lang, iba yung teeth nila, matatalas na matulis, designed for ripping and not for chewing kagaya ng sa atin. At ito yung kailangan natin maintindihan para mas lalong matanggap ng society ang raw feeding. At dapat may strong will tayo na ituloy kasi ang daming tao na hindi nakakaalam nito, kaya expect mo na marami kang maririnig once subukan ang raw sa kanila. Yung mga matatanda samin pag nakikita na kumakain mga alaga ko ng raw, natatakot bat daw hilaw pinapakain ko baka daw mapaano. Kahit yung vet namin, nung nalaman na nakaraw kami, sabi sakin magingat daw for salmonella. Pero kung kakaririn natin ang raw feeding, malalaman natin na iba talaga ang dogs, carnivores sila at sadyang iba ang digestive system nila satin. Maikli lang yung digestive tract nila tapos highly acidic pa kaya hindi kayang magtagal ng bacteria sa bituka nila, bago pa macontaminate ay nadigest na yung meat kaya hindi problema ang salmonella. Kumbaga wala sa dictionary nila ang salmonella, tayong mga tao lang ang nagiisip ng ganoon kasi nga we always humanize them. Kaya dapat pag may aso tayo, kailangan maging aso rin tayo in a way para mas maintindihan at maibigay ang needs nila.

Okay lang yan sis, ubusin nyo na rin kasi sayang naman, mahal ang premium brands. Trial and error naman kasi talaga pag may pets tayo. Try lang ng try hanggang sa makita saan sila mahihiyang. Ang importante, observant tayo and we never stop from learning. Pero tama ka, isa kasing problema sa raw is pag wala tayo sa bahay, parang awkward ibilin sa iba na ganito ganyan sya pakainin tapos raw meat yung dinedescribe mo ;D Syempre mawiwirduhan at mandidiri sila kaya ako iniexplain ko sa mga tao samin habang pinapakain mga to ano ang raw feeding para kahit papano maintindihan nila ginagawa ko at wag mandiri samin hehe. Kung ilang oras or 1 day lang naman mawawala, okay lang kahit magfasting muna sila, damihan mo na lang yung meal nya kung alam mong mawawala ka for one day. Maganda rin kasi yan sa digestion nila, kasi para syang nagrest pag nagfast sila for a day.

Bulldogs was my dream dog ever since I was in grade 4. Nung bata pa ako gustong gusto ko magkaroon, pero di pa namin kaya, kaya yung ate ko binigyan na lang ako ng coin bank na bulldog  :) Hanggang ngayon buhay pa yun at nakadisplay. Alam ko expensive sila at medyo rare pa nga noon pero pinangako ko sa sarili ko na isang araw magkakaroon din ako ng ganitong lahi. I remember having dogs kahit di pa ako nagaaral. Tapos lagi akong binibigyan ng aso, nagumpisa sa askal, tapos nung grade 2 nagpabili ako ng shih tzu nung may nadaanan kami sa petshop sa isang mall. pero dahil mahal pa ang 12k noon haha! dinala ako sa sta. cruz at jap spitz ang nauwi ko. tapos nung grade 6, dalmatian naman ang napagtripan ko. Pero sadly, napabayaan ko sila habang nagaaral :( then after college, sinuwerte ako at natupad ang minimithing pangarap ;D Yun nga lang may kapalit ang cuteness ng bulldogs, medyo high maintenance at kailangan tutok ka talaga pag ganito ang alaga. From the climate pa lang dapat oc na tayo, yung sakin may fan 24/7. Prone din sila sa skin problems and other health issues kasi sadyang kakaiba ang built nila than other breeds. Same with French bulldogs they are like mini bulldogs, halos parehas sila ng behavior at sa food intake na lang nagiiba kasi mas maliit na yung French. So mas makakatipid pag ganyan ang alaga kesa english bulldogs.

Sakin naman okay lang gumastos ng malaki sa food kasi basic needs talaga yan, at since pinili ko ang lahing ito, I just have to deal with his katakawan ;D Ang mahirap lang pag may health issues gaya nya na may mange tapos kailangan ng maintenance, aside from dagdag gastos, emotionally draining kasi alam mo na may mali sa kanya. But as long as you have the love, commitment and passion, magiging madali lang ang lahat. Kahit nakapikit kaya silang alagaan ;)

Sorry naman sa haba, inatake lang ng passion sa raw feeding at bulldogs haha!
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #18 on: April 05, 2012, 01:28:34 pm »
Ayos lang sis!  Natuwa nga ako basahin eh :)

"Kaya dapat pag may aso tayo, kailangan maging aso rin tayo in a way para mas maintindihan at maibigay ang needs nila." Love this!

I'm really amazed pag nakikita ko videos that they consume the whole thing, pati shih tzu. Imagine that, ang liit nila tapos ganun lang wala na agad chicken wing or whatever. Hindi naman ako nadidiri to see them eat pork/beef/chicken na raw. Wag lang fish kasi kahit ako hindi kumakain nun eh hehe

I read nga na bulldogs are expensive, not just food but also madami possible health concerns. I'm sure your dogs will benefit talaga sa raw food na pinapakain mo. I believe talaga yung nababasa ko na raw feeding is the best talaga for dogs. Kaya nga mas okay gumastos din sa pagkain ng dogs kasi di ba, healthy food, less sakit. In the long run, mas maganda yun! Parang tao lang na if we eat healthy, healthy body rin :)

hot_chili

  • I am a very hot
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 377
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #19 on: April 05, 2012, 09:35:30 pm »
yung din ang isa kong problem na iniisip pag nag raw feeding na ko, kasi ngayon raw chicken chunks pa lang ang binibigay ko as treat pero kahit medyo malaki sya parang i chew nya lang ng 2 times tapos nilulunok nya agad. baka pati pag may bones ganun din gawin ng pet ko eh ang liit nya. Nabasa ko pa dati na baka masira ang intestines nila pag nakakain ng buto ng chicken is it true? may certain parts ba ng chicken na di pwede sa kanila?

 


Latest Stories

Load More Stories
Close