^May picture ako ng tzu nung 3months pa lang sya eating raw, kaso andun sa isang laptop na nagloloko. try ko irecover tapos post ko para makita mo. Yung bulldog hindi ko nakuhanan kasi noon pa yun at hindi kasi ako mapicture na tao haha. Natural na curious at mahilig lang talaga ako magexperiment kaya malakas ang loob ko sumubok ng mga bagay-bagay, pati sila tuloy nadamay hehe pero okay lang kasi maganda naman ang raw feeding.
Sa raw kasi, kailangan medyo matibay ang sikmura

kasi syempre nakakadiri yung thought na kakain ng hilaw, kasi hindi naman tayo sanay sa ganyan. Pero yun nga, di naman tayo ang kakain at iba kasi ang nature ng dogs kesa humans. Sa mouth pa lang, iba yung teeth nila, matatalas na matulis, designed for ripping and not for chewing kagaya ng sa atin. At ito yung kailangan natin maintindihan para mas lalong matanggap ng society ang raw feeding. At dapat may strong will tayo na ituloy kasi ang daming tao na hindi nakakaalam nito, kaya expect mo na marami kang maririnig once subukan ang raw sa kanila. Yung mga matatanda samin pag nakikita na kumakain mga alaga ko ng raw, natatakot bat daw hilaw pinapakain ko baka daw mapaano. Kahit yung vet namin, nung nalaman na nakaraw kami, sabi sakin magingat daw for salmonella. Pero kung kakaririn natin ang raw feeding, malalaman natin na iba talaga ang dogs, carnivores sila at sadyang iba ang digestive system nila satin. Maikli lang yung digestive tract nila tapos highly acidic pa kaya hindi kayang magtagal ng bacteria sa bituka nila, bago pa macontaminate ay nadigest na yung meat kaya hindi problema ang salmonella. Kumbaga wala sa dictionary nila ang salmonella, tayong mga tao lang ang nagiisip ng ganoon kasi nga we always humanize them. Kaya dapat pag may aso tayo, kailangan maging aso rin tayo in a way para mas maintindihan at maibigay ang needs nila.
Okay lang yan sis, ubusin nyo na rin kasi sayang naman, mahal ang premium brands. Trial and error naman kasi talaga pag may pets tayo. Try lang ng try hanggang sa makita saan sila mahihiyang. Ang importante, observant tayo and we never stop from learning. Pero tama ka, isa kasing problema sa raw is pag wala tayo sa bahay, parang awkward ibilin sa iba na ganito ganyan sya pakainin tapos raw meat yung dinedescribe mo

Syempre mawiwirduhan at mandidiri sila kaya ako iniexplain ko sa mga tao samin habang pinapakain mga to ano ang raw feeding para kahit papano maintindihan nila ginagawa ko at wag mandiri samin hehe. Kung ilang oras or 1 day lang naman mawawala, okay lang kahit magfasting muna sila, damihan mo na lang yung meal nya kung alam mong mawawala ka for one day. Maganda rin kasi yan sa digestion nila, kasi para syang nagrest pag nagfast sila for a day.
Bulldogs was my dream dog ever since I was in grade 4. Nung bata pa ako gustong gusto ko magkaroon, pero di pa namin kaya, kaya yung ate ko binigyan na lang ako ng coin bank na bulldog

Hanggang ngayon buhay pa yun at nakadisplay. Alam ko expensive sila at medyo rare pa nga noon pero pinangako ko sa sarili ko na isang araw magkakaroon din ako ng ganitong lahi. I remember having dogs kahit di pa ako nagaaral. Tapos lagi akong binibigyan ng aso, nagumpisa sa askal, tapos nung grade 2 nagpabili ako ng shih tzu nung may nadaanan kami sa petshop sa isang mall. pero dahil mahal pa ang 12k noon haha! dinala ako sa sta. cruz at jap spitz ang nauwi ko. tapos nung grade 6, dalmatian naman ang napagtripan ko. Pero sadly, napabayaan ko sila habang nagaaral

then after college, sinuwerte ako at natupad ang minimithing pangarap

Yun nga lang may kapalit ang cuteness ng bulldogs, medyo high maintenance at kailangan tutok ka talaga pag ganito ang alaga. From the climate pa lang dapat oc na tayo, yung sakin may fan 24/7. Prone din sila sa skin problems and other health issues kasi sadyang kakaiba ang built nila than other breeds. Same with French bulldogs they are like mini bulldogs, halos parehas sila ng behavior at sa food intake na lang nagiiba kasi mas maliit na yung French. So mas makakatipid pag ganyan ang alaga kesa english bulldogs.
Sakin naman okay lang gumastos ng malaki sa food kasi basic needs talaga yan, at since pinili ko ang lahing ito, I just have to deal with his katakawan

Ang mahirap lang pag may health issues gaya nya na may mange tapos kailangan ng maintenance, aside from dagdag gastos, emotionally draining kasi alam mo na may mali sa kanya. But as long as you have the love, commitment and passion, magiging madali lang ang lahat. Kahit nakapikit kaya silang alagaan

Sorry naman sa haba, inatake lang ng passion sa raw feeding at bulldogs haha!