Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 53750 times)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #20 on: April 05, 2012, 10:19:16 pm »
hotchili..sis pag kaya nilang lunukin, it means maliit yung part na binigay at kailangan mo pang lakihan ang serving. Try mo magbigay ng mas malaking part and see kung try nya lunukin ulit. pag sinubukan, it means na maliit pa rin yung cut at kailangan mo pa ulit magbigay ng bigger piece. Try a quarter or a half chicken. Mas malaki mas naaaliw sila at mas makakalinis ng teeth.

About sa bone, walang problema pag raw pero kailangan iwasan yung mga weight bearing bones like knuckles, hooves kasi pwedeng masira ang ipin nila sa tigas ng mga buto na yan. basta stay away from those parts na walang meat at halos bone lang ang makikita. Stay away din from soup pack kasi ang kailangan talaga nila ay yung part na covered with meat.

When you buy your meat, for example chicken, buy by the whole then pacut mo into quarters or into half. Kahit anong breed and age, kaya nila kainin yan, maaamaze ka sa mga kayang gawin ng alaga mo ;D Isa pang masama ibigay ay cooked bones kasi nagiging brittle na ang bones once maluto. Ito usually yung nagcaucause ng intestinal lacerations and not the raw ones, kasi pag raw malambot pa ang buto, kahit sa kamay pwede syang mabali.

rainbow.. salamat sis dahil naiintindihan mo at nakakarelate ka sa sinasabi ko ;D mahirap kasi magkwento lalo kung di dog lover ang kausap, di sila makarelate tapos parang di nila ganoon sineseryoso yung mga sinasabi mo kahit buong puso ang pagkwento ;D It really takes a dog lover to know and understand another dog lover.

Oo sis, hindi talaga aakalain na kaya nilang kumain ng malalaking parts. Minsan mas malaki pa nga sa kanila yung food nila, pero sisiw na sisiw. Some dogs know how to self regulate naman, titigil sila pag busog na kaya okay lang magbigay ng malaking parts. Supervision lang talaga ang kailangan sa raw feeding. Natry na pala nila ang raw fish, yung bulldog nasasanay na at nakakain nya na yung sardines, at first kukunin sa kamay ko tapos kakagatin ng onti pero iluluwa din, pero ngayon gusto na nya. Pero yung tzu kailangan ko pang turuan, maarte kasi sa pagkain, kahit yung organs ayaw nya pag raw, pag malamig din yung food ayaw nya, kaya thaw ko muna bago ibigay, pero yung isa kahit frozen lamon kung lamon hehe.

Say it like you mean it!

wild flower

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #21 on: April 10, 2012, 01:22:30 pm »
sis pwede ba ilaga kahit konti yung chicken liver?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #22 on: April 10, 2012, 03:42:53 pm »
pwede naman, lalo kung di pa sanay sa raw. sa shih tzu pan-seared ko sandali kasi ayaw nya pag raw ang mga organs, maarte kasi sa pagkain yun. pag bago ang food aamuyin muna maigi saka sya magdedecide kung kakainin o hindi, samantalang yung isa lunok lang ng lunok. pero pwede rin frozen ibigay.
Say it like you mean it!

mac0308

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #23 on: April 11, 2012, 09:37:26 am »
hi makikisali, we're into raw feeding rin kase pero ngayon laging chicken lang kinakain ng mga alaga ko. fireworks nga kase pag ibang meat ang kinakain :)
btw french bulldog, bichon ang alaga namin nadagdagan pa ng american bulldog na 2 mos pa lang at sobrang takaw sa chicken. :)

eto ang reference namin,same lang rin ng pinost ni sis darcey, you may want to like the page pede kayo magtanong sa mods, si wendell :)

https://www.facebook.com/note.php?note_id=216115601816670
God's limited edition.
Husband's priceless possession :D

wild flower

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #24 on: April 17, 2012, 10:20:54 pm »
help po. nag-raw na kami ng shih ko today. ok naman, kinain naman nya yung prinepare ko sa kanya. ang problema, the whole day sya hindi nag-poop. normal ba yon?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #25 on: April 17, 2012, 11:24:02 pm »
^yung tzu ko minsan 2 days hindi nagpoopoop ;D ngayon lang ba kayo nagstart? chicken ba ang binigay mo? anong part? may kasama pa bang iba like liver and other organs?

nasa adjustment period pa kayo kaya ganyan. yung mga alaga ko kakaunti ang poop pag nakaraw at mas maliit compared pag nakadog food. at dahil natural food ang raw meat, ang pwedeng maging cause ng hindi pagpoop is that naabsorb mabuti ng katawan ang kinain kaya less ang waste product unlike pag kibbles na ang dami parati ng poop. Nasanay na kasi tayo na maraming beses sila nagbabawas (from eating dog food) kaya akala natin ganun ang normal pero sa raw normal lang ang less stools. pero expect mo na magiging loose ang stools nya, malansa na parang may diarrhea tapos minsan may bone bits and blood pero normal lang yun sa newbies, magiging firm din yan after few weeks.
Say it like you mean it!

wild flower

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #26 on: April 18, 2012, 12:59:43 am »
actually last night pa kami nagstart. bale naka 3 servings na sya. may liver, gizzard, neck saka breast. 65grams per serving. parang kulang nga sa kanya kasi naghahanap pa. problema ko nga di pa sya nagpo-poop :(

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #27 on: April 18, 2012, 02:25:51 am »
Wag ka magworry sis, it will take months naman bago makita ang tunay na effect ng isang pagkain sa kanila. Lalabas ang initial results within 2-3months, then patagal ng patagal mas lalabas ang desired effects. So yung one day feeding nyo wala pa talaga tayong gaanong masasabi, observation lang talaga ang magagawa mo sa ngayon. Kami nga during our first few months, nagkaroon ng allergy tong mga to at nagtae. As in biglang namula yung balat at sumasabog ang poop kaya kinabahan ako at binalak ko huminto. Pero may detoxification/adjustment stage kasi sa raw feeding, at nangyayari to during the first few weeks-months at depende sa dami ng toxins ang dapat ilabas bago malagpasan ng isang dog ang stage na ito. So hang in there, kasi lahat ng raw feeders dadaan sa ganyan at lilipas din naman eventually ;)

Ilang taon at ano ang weight ng dog mo? Pag gusto pa it means kulang pa ang serving, so pwede ka magadd until umayaw sya. Pwedeng maubos nya ang more or less 200grams sa isang meal. Paunti-unti kasi ang serving nyo, yan siguro ang dahilan bakit naghahanap pa sya. Ang problema lang pag one big meal pag nagbawas isang bagsakan din kaya magugulat ka sa changes ng poop nya. Ulitin ko ulit, expect mo na ang loose blood-like stools para makapagready ka.

Ang raw feeding naman okay lang kahit cold turkey ang pagshift basta stick with one type of meat (a piece or part with bone covered with meat) at wala munang organs. Kasi organs at meat ang nagcacause ng loose stools. So dapat sa umpisa may bones talaga to hold the poop. So gaya ng suggestion ng ibang raw feeders, isusuggest ko rin na wag ka muna maglagay ng organs and stick with chicken muna for about 2-4weeks or until maging firm ang stools nya for one straight week. Then pag okay na ang poop you can start adding organs or meat pero pakurot-kurot lang para di mabigla ang tyan at maiwasan ang sabog na poop.

Relax lang sis, normal lang yan kasi kakastart nyo pa lang. Baka mas magulat ka pa pag naglabasan yung nakakatakot na signs like allergies, loss of hair, diarrhea, vomitting ;D Browse ka lang parati sa mga raw feeding sites para mabawasan ang worries mo ;)
Say it like you mean it!

wild flower

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #28 on: April 18, 2012, 12:09:19 pm »
^thanks sis. kanina nagpoop na sya. darker yung poop saka onti lang. so okay lang wala munang organs? meat and bones lang muna?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #29 on: April 18, 2012, 03:05:33 pm »
^walang anuman. firm ba ang poop o medyo loose? yes sis wala munang organs, yung chicken muna ibigay mo sa ngayon. pag nakita mong firm ang poop nya for one straight week or more dun ka na pwedeng magadd ng organs or other type of meat, pero in moderation.
Say it like you mean it!

OD

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1693
  • Registered seller #351
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #30 on: April 18, 2012, 05:20:47 pm »
I vetted in this years agoa when we had our first large breed dog, a Rottweiler. I became convinced enough to toss a raw chicken wing one day much to the 10month old pooch's delight. Actually, it was the head of the Rottweiler Club in Thailand and a prominent figure in Rottweiler clubs and shows in Asia who sealed the decision for me to give it a shot. Ayun lang, the dog had clean teeth after as there truly was no meat residue and the same applied to her gut coz she passed on very loose stool after. And when I say loose, as in it was all liquid-y so we got scared that we didn't try for another time. But I'm regaining the curiosity on this radical diet regimen but for a shih tzu naman.
"People don't care how much you know until they know how much you care."

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #31 on: April 18, 2012, 06:01:02 pm »
the dog had clean teeth after as there truly was no meat residue and the same applied to her gut coz she passed on very loose stool after. And when I say loose, as in it was all liquid-y so we got scared that we didn't try for another time.

This is normal for newbies. Just like what I said earlier, adjustment stage lang yan. Actually kahit malagpasan nila ang adjustment stage, may mga times na bigla na lang magiging lose ang stools pero babalik din sa normal. Naishare ko yan sa shih tzu thread nung biglang lambot ang poop ng tzu ko, but after two days balik na sa dati. As long as active, may appetite and responsive sila, there's no need to worry.

Madalas kaya tumitigil ang mga newbie raw feeders dahil sa mga ganitong bagay, but always keep in mind that this is just the adjustment/detoxification period. So don't be scared, dadaan talaga lahat ng raw feeders sa liquid-y poop, allergies, bald spots, itching, vomitting, etc. some even call this as the "ugly stage" but after that, start na magwork ang magic ng raw.

My boys had been through hell, sabog na poop, mala-ihi ng lasing, red spots all over na parang yeast infection :P pero few months after biglang nawala at puro muscles na ang nakikita ko ngayon.

Raw feeding is not as easy as buying a bag of dogfood then serving into a dog bowl, it requires a lot of homework and a lot of effort that's why I'm posting every information I know that could help us answer our questions. When one wants to try raw feeding, he should be willing to take the risk, otherwise he won't be able to see the magic of the most appropriate food for our pets ;)
Say it like you mean it!

wild flower

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #32 on: April 22, 2012, 05:29:57 pm »
sis abuanddiego, i noticed madalas mag scratch yung dog ko ngayon, Im thinking its because of raw chicken im feeding her. or is it because of the weather? should i stop giving her raw muna?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #33 on: April 22, 2012, 05:59:57 pm »
Bakit mo naitanong kung dapat ng magstop sis? Takot ka na? ;D Have you checked the links I've posted, kung babasahin mo silang lahat, mababawasan ang worries mo. Raw feeding requires alot of reading and owners should have the drive to learn in order to understand it better.

Yung scratching pwedeng dahil sa weather, insect bites, allergies, pwedeng dahil din sa raw. Pero kung nabasa mo yung recent post ko, nashare ko mga nangyare sa mga aso ko pero di ko tinigil ang raw feeding. I even have a friend na sinabihan akong tumigil na kasi daw baka allergic but I just have so much faith in raw feeding at mahirap na yung tibagin haha!

Those negative effects can be signs of detoxification lalo kung nagdogfood sila. Pwede ring kulang lang sa omega 3, when we give raw kasi it contains different parts of an animal, and animal fats are rich in omega 6 that's why nagiging unbalanced ang ratio ng omega 3 and omega 6. To balance out the omegas, we need to supply omega 3 fatty acids, at makukuha yan sa fish oils. Ang ginawa ko noon I gave them fish oils everyday, it will take months bago makita ang effect pero mapapansin na nalelessen yung redness. So ang isusuggest ko sayo sis is to give him fish oil and just continue raw feeding. But it's still up to you kung itutuloy mo or hindi.

yung fish oil naman local brand binibili ko, ATC brand. According to my research, for every 10lb, 100 mg of EPA and DHA ang kailangan. Usually 300mg ang laman ng isang capsule. So ang 1 capsule is good for a dog weighing 30lbs, kung 10lbs lang ang dog, pwede kahit every other day, kung more than 30lbs, give it twice a day.

Taken from a raw feeding fb group
"For a healthy dog, the only supplement you might consider is a good quality fish oil, especially if you feed mostly supermarket meat, which tends to be grain fed and grain finished. That means that the Omega 3:Omega 6 ratios are out of whack. A good fish oil (not cod liver oil) will bring the ratios back into balance. For fish oil, a maintenance dose (to bring Omega 3:Omega 6 ratios back in line) is 100mg DHA+EPA per 10lb of dog. A 100 pound dog would get 1000mg DHA+EPA total, daily. A typical gelcap contains 300mg DHA+EPA. Don't go by the number on the front of the bottle, read the back, and make sure you're reading per gelcap, not per serving."

Beneficial din ang fish oil, research mo lang sis sa net, pero without soy or tocopherol (other term for vitamin e) or any plant matter yung dapat ibigay kasi di nila kayang idigest ang plant matters, waste of money lang kasi hindi maachieve ang full effects.
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #34 on: April 25, 2012, 10:41:48 pm »
Hi Abu! I just started my Sherlocke today on chicken breast fillet. I have to hand feed each slice sa kanya pa, otherwisw deadma sya. Pero Pag subo, saglit lang ubos na. I but it into small pieces pa kasi. Gradual lang muna.

She's being a picky eater na kasi din kay aI decided to switch na kahit madami pa kibbles nya. Deadma talaga sa Orijen. She only eats it pag super hungry na siya.


abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #35 on: April 26, 2012, 12:52:02 am »
hi rainbow! welcome to the club haha! Gawin mo na lang treats yung Orijen ;D or pwede din ialternate basta wag lang sabay sa raw, ubusin nyo na lang para di masayang.

Normal lang yan lalo na kung nasanay sa kibbles. Minsan wala talaga silang idea na pagkain yung raw meat eh kaya tayo na lang gumawa ng paraan hehe. Ako nga minsan winawagayway ko pa yung meat pag ayaw nila, tapos maeexcite biglang sunggab! ;D Gaano kalaki yung binibigay mo? Okay lang naman kahit bigger pieces--quarter, half or a whole, kaya nila yan don't worry. Yung tzu ko kahit noon na puppy pa, kaya nya kumain ng chicken wing, backs, thigh, drumstick, etc. ako lang may ayaw kasi nahihirapan ako maglinis ng mukha nya pagtapos haha. Pero nasasanay narin ko, kaya kahit malaking part binibigay ko na. Malaki na sya, bahala na sya sa buhay nya kung pano nya kakainin yun haha! But seriously, the more complicated the meat is, the more it helps in cleaning their teeth and mas nastimulate sila physically and mentally, kumbaga exercise na rin yun para marelease ang energies. Manonotice mo patagal ng patagal sa raw, magiging calmer sya.

Kamusta yung poop nya? Pero kakastart nyo lang kasi kaya pwede pang magbago yan. Kasi pansin ko pag meat lang binigay without bones, loose ang stools, lalo na kung kakastart pa lang talagang parang diarrhea na.  Nabasa ko rin sa raw feeding site na mas okay daw kung one big meal ang ibigay kesa gradual, basta one type of meat ito ha with some bones, para mas mabilis ang adjustment period. Nung nagstart kami one big meal ginawa ko, ilang weeks, months pa ata yung loose stools pero wala akong care, yung ibang tao pa nga nagalala haha! It depends kasi sa dog kung gano sila katagal masasanay, basta stick with one type of meat lang muna and wait til maging firm ang poop and always have faith in raw feeding, then eveything will turn out fine haha!
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #36 on: April 26, 2012, 12:51:37 pm »
Hindi pa naman loose poop. Softer than normal lang, tipong may naiiwan na little after you pick it up.

I cut the breast fillet ng 1 inch width lang tapos mga 3 inch length.  So far kasi pag hindi nya kayang lunukin agad, she just picks it up, bites a little tapos gives up. Sasanayin ko lang muna sa lasa tapos pag mukhang excited na siya sa meat, move na to bigger cuts na pede ngatngatin.

OT: I saw a bulldog, not sure if english or american, kahapon sa pooch park ortigas. Ang lapad and and lalaki ng paws! Mukhang hindi ko kaya i move yun! hahaha Yung sayo nabubuhat mo ba? :)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #37 on: April 26, 2012, 05:14:22 pm »
Observe mo lang yung poop kasi pwede pa yan magbago for the coming days/weeks. Yung mga anak ko hanggang ngayon nagbabago ang poop pero bumabalik din agad sa normal haha!

May iba ngang dogs na ganyan, yung shih ko rin ganyan paminsan, at first nga kailangan ko pa laru-laruin sa harap nya yung chicken kasi maarte talaga yun sa pagkain. Kung yung bulldog sunggab ng sunggab, sya parang iniinspect muna bago kainin. Pero nung naexperience nya yung crunch ng buto, ayaw na tumigil, tuwang tuwa na sya sa raw. Gutumin mo na lang bago ioffer para no choice na talaga. Offer mo for 10-15mins tapos pag di pinansin, kunin mo na ulit then offer na lang sa next feeding. Iparealize mo sa kanya na mawawalan sya ng food pag umayaw sya para matakot haha!

-----
Pag maliit or pandak na mataba, malapad pati legs, pango, lawit ang dila tapos hirap huminga, english bulldog yun haha! Nung maliit kahit nung nag1yr na sya, kaya ko pa sya buhatin pero patagal ng patagal, naku para akong nababalian. Pag tinignan mo sya parang madali lang kasi maliit sya, pero once buhatin, para kang bumuhat ng malaking bato or drum na puno ng tubig or semento hahaha solid kasi yung katawan nya. Nasanay na rin siguro ako sa tzu kaya nakakapanibago pag sya yung binubuhat. Minsan may mga time pa na nageemote sya, lalayo sya samin tapos uupo sa isang corner at kahit anong tawag di sya lalapit. Andun lang talaga sya ayaw gumalaw so wala akong choice kundi buhatin sya haha! Pero ang maganda sa kanila, masarap picturan kasi hindi nga magalaw, lagi lang steady sa pictures ;D Gusto ko magpost ng pics nya pero ayokong ipublic yung album sa fb haha!
Say it like you mean it!

rainebowbrite

  • enjoying being a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 231
  • well well well
    • wanderlust
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #38 on: April 28, 2012, 10:42:22 am »
^Yesterday, I fed her chicken breast fillet na quarted, not strips anymore. So medyo matagal nya nginuya nguya. Ang funny ng sound habang nagaganap ito! I took your advice and gave 1 big meal na lang (kahit bata pa pup ko), para gutom talaga at kainin ang pagkain nya! Next week, baka pede na buong breast fillet pag like na nya talaga ang food.

____

I think nakita ko na bulldog mo today on FB. I was browsing dogs in the city fb page and a comment there is from your name sake minus the and avatar is a bulldog :) Ang laki!

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #39 on: April 29, 2012, 12:17:43 am »


So medyo matagal nya nginuya nguya. Ang funny ng sound habang nagaganap ito!

____

I think nakita ko na bulldog mo today on FB. I was browsing dogs in the city fb page and a comment there is from your name sake minus the and avatar is a bulldog :) Ang laki!

That's the perfect way to eat raw meats, yan ang magaalis/prevent ng tartar because the meat acts as floss, and very mentally and physically stimulating yan sa kanila, in short marami talagang benefits ang raw ;D basta sis kung mapansin mong nagloosen ang stools, it's time to add bones, pwede ka magbigay ng chicken quarter or wings, any part with bone but covered with meat. Ito ang mas masarap pakinggan kasi lumalagutok talaga yung buto at gagawin nila ang lahat maubos lang yung food. Messy lalo na kung long-haired, pero sanayan lang yan.

_______
Si diego na nga yung nakita mo! pero front nya lang yung ganung looks, kasi super bait at duwag nya, kahit sa bata takot sya ;D
Say it like you mean it!

 


Latest Stories

Load More Stories
Close