^parts to avoid: weight-bearing bones like knuckles, legs, basta yung mabibigat sis at di kayang ngatngatin. yung mga fats okay lang basta in moderation at nakaattach sa meat. essential din kasi ang animal fats (omega 6, you can research on this) kasi nakakatulong sa skin and coat condition. pero sa umpisa minimal lang ang ibigay kasi nakakalambot ng poop. keep in mind that dogs are carnivores so protein is safe as long they're human-grade, ang masama is yung overly processed at poor quality like by-products. Pero kung fresh, there's nothing to worry about.
Oo sis mahal ang beef kaya once in a blue moon ako magbigay

alam ko mura sa tagaytay and batangas area, around 180-200 lang pero goodluck namin sa byahe diba! Nakikita ko rin yung turkey pero di ako nagbibigay kasi malalaki na yung bones, baka mahirapan kagatin, mabungi pa sila hihi. pero yung jumbo chicken ng magnolia natry ko na, pero mas gusto ko pa rin yung normal chicken kasi sakto na yung weight nya, pag malaki kasi ang daming chopping portion.
Halos lahat kasi ng parts binibili kahit yung bones lalo pag sa soup, kaya wala masyado natitira. unless ibigay for free yung organs ang swerte nyo

ang alam ko lang na very useful at hindi mabili is organs, paa ng manok (for glucosamine) and yung cow green tripe. pero yung bones, chicken heads at hiwalay na fat and skin, don't waste money on them, hindi sila essential sa raw feeding, ang ratio kasi is 80% meat 10% bones 10% organs, kaya sa meat nyo na lang ilaan ang money.
Maganda nga sis kung magprint ka ng reading materials, bigyan mo na rin si ate para makapaghanda sya kamo

panoorin mo rin ng vids para maging familiar sya sa pagkain ng raw meat. About vets naman, isa lang ang solusyon dyan pag nagalit sya, magpalit ka ng vet!

Okay lang naman magsuggest sila pero kung ipupush nila ang gusto nila ngayong nakapagresearch ka namang mabuti, ibang usapan na yun. Eto may share ako sayong secret: in vet schools, very limited daw ang background on animal nutrition and usually, dogfood companies din ang nagfufund ng studies nila. kaya most of the info, sa kanila din galing. Eto yung rason bakit halos lahat ng vets bilib sa prescription diets. Pansin mo parang may magic sa diets na yun at may specific use pa diba. Pero try to check their label, hindi naman ganun kaganda ingredients. Yan ang secret behind prescription diets

marami akong pinost na helpful links sa best dry dogfood thread, kahit dito, backread ka lang. Ang mas mahalaga is alam mo how to check the label para sure ka na hindi makakasama yung food na binibigay.
Wala naman age pinipili ang raw diet, I've even read stories na mas naging active at gumanda yung older dogs nila nung nagraw. para nga daw naging puppy ulit at nagextend pa ang life. Tyaga at faith lang talaga ang kailangan kasi the more na nagtagal sa ibang diet, mas matagal ang detox period. Unlike pag puppies, madali sila magadjust.