sis arizonakennel, pansin ko rin na di nila masyadong gusto ang ibang food once nagraw. aamuyin munang mabuti bago isubo diba

etong mga binata ko, ayaw nila ng commercial treats, para bang napakaforeign sa kanila ng amoy, minsan kahit fruits or veggies sisipatin muna bago isubo. dati nga di ko napansin na spoiled na pala yung food na nabigay ko, naku inisnab talaga may parang hmpf! sound pa. sabi ko bakit ayaw kainin eh gustong gusto nya yun, nung chineck ko ayun panis na pala!

nakakatuwa kasi natututo rin sila maginspect kung ano yung magandang food sa hindi, hindi sila basta-basta mapapano hehe.
regarding veggies, di na ako nagbibigay, minsan as treats lang. nagbibigay na kasi ako ng Raffavit (natural ingredients) kaya feeling ko di na nila need ng veggies and fruits. Pansin ko rin kasi lumalambot ang poop nila pag may fruit and veggies kaya stick na lang ako sa meat.
about vets naman, unfortunately wala pa atang vet na pro-raw sa atin, kahit sa US kakaunti ata sila. I follow 2 holistic vets sa fb,
eto sila:
http://www.facebook.com/doctor.karen.becker?fref=ts http://www.facebook.com/drpeterdobias?fref=tsvery helpful ang inputs nila, sa kanila ko nahahanap yung mga questions na di ko mahanap-hanap ang sagot hehe.
sis minnie, yan nga ata yung treat holder na sinasabi ko. sana naman makahanap tayo ng matinong treat bag haha!
yung required percentage, di naman daw kailangan masunod daily, as long as there's variety sa meat and organs, mababalance naman daw yan through time. parang sa tao rin daw, hindi naman natin chinecheck yung food natin every meal time, but as long as may variety, we can still be healthy.
Maganda yung idea with pre-packed meals pero ang isang naiisip kong issue is baka maging dogfood industry sya in the long run, yung tipong sa kanila na lang umasa ang pet owners at mawala na yung sense of research and preparation. Maganda rin kasi kung alam natin by heart ang raw at willing tayo to prepare for our dogs despite our busy schedules.
Ako personally I love shopping for meat products, mapa grocery, palengke, or yung mga nagkakatay ng meat, pinupuntahan ko para makapili ng parts. May times kasi na kahit sa groceries dinidisplay pa rin nila yung lower quality meats (greenish with foul smell) parang nakakainsulto pag ganun kasi the price is still the same with new batches. parang ano yun lokohan? So kung ako ang buyer, mas gusto ko pa rin ako pipili ng meat nila para sure ako sa quality. Sarap kasi mamili sa meat section, para akong nagluluto-lutuan, tapos nakakatawa reaction ng mga tao pag nalalaman nila na para sa mga alaga ko yun haha!
nako sis alam mo yung mga tao samin sabi sakin, bakit di ka magvet tutal mahilig ka sa hayop. naisip ko rin noon na ipursue since I took a pre-med course naman, sabi ko baka kaya ko. kaso di ko feel yung mga vet schools satin, at feeling ko di ko rin kaya magopera ng animals haha kaya wag na lang. If ever matuloy ka update mo kami ha

di ba sila pihikan with food? kung hindi baka di naman hanap-hanapin. yung bulldog ko king of all timawa

kahit nakaraw magana kahit sa cooked meat, kahit pag binigyan ko ng kibbles gustong gusto pa rin.