Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 56066 times)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #140 on: October 25, 2012, 03:52:18 am »
^hotspots ba yung sinasabi mo sis? based kasi sa mga kwento ng gr owners, sensitive daw ang skin nila at prone sa hotspots. I have a friend noon na laging may hotspots ang gr nya, kawawa nga kasi nalalagas yung hair. pero alam nyo nagagwapuhan at nabibibuhan talaga ako sa gr, yun nga lang eh di ko kaya yung energy nila kaya hanggang tamad na dogs lang ako haha!

about the tripe naman, kapag kasi yung nabibili sa groceries or palengke na color white, bleached na sya so wala na yung enzymes na very healthy for dogs. ang alam ko not for human consumption yung green kaya wala sa market. pero 2 years ago nakabili ako sa robinsons supermarket, ewan ko nga san nila nakuha yun hehe. parati ako nagtatanong sa mga groceries pero wala daw sila nung color green eh, laging clueless nga mga mukha nila pag sinasabi ko hehe.

naku sis ayaw kasi namin ng pigs, mabaho haha! sa totoo lang joke time yung farm na yun, wala kaming tanim kundi tubo at mga niyog na andun na talaga hihi. nung nabili kasi hindi na sya ginamit for farming, ginawa nalang rest house for our lola, gift sana sa kanya yun kaso she passed away bago natapos. pero noon nag-alaga ng baka dun pero binenta na rin maloko kasi yung mga caretakers, naku pati mga halaman namin kinukuha at binebenta ::) tsaka hindi rin kasi kami into farming kaya di namin magamit as business hihi. naiisip nga rin namin magalaga/tanim ng kung ano-ano pero di talaga namin kaya buhay dun, sobrang bagal haha! pag andun ako try ko maghanap ng beef sa market kasi around 200 lang daw yung 300+ dito sa manila.
Say it like you mean it!

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #141 on: October 25, 2012, 11:50:30 am »
Yes hotspots!  :) Walang vet nakasolve ng problem, kung ano ano pinapalagay sa akin, as in kamot sya ng kamot. Pinalagay pa ng cone nkakaawa. Tapos ngayon after a while na nakaraw ako, wala nang problema.  ;D

Actually bibo ang golden retriever pero ikaw nakatayo lang hehe. Kasi tapon mo lang ball tapos balik sayo ang saya saya na nila!  ;D

Ahh oonga e pero healthy daw sobra ang tripe sayang wala available dito.

Pero ang sarap naman pag may farm pwede maglaro mga dogs ang wide ng space.  :)
Raw fed dogs!!!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #142 on: October 25, 2012, 08:37:00 pm »
@arizonakennel, sis, binabalik sayo ng golden mo yung ball? :( haha parang mga aso ko madadamot!! lol! kukunin lang tapos iinggitin ako, pag kinukkuha ko, ayaw ibigay. hahahaha! akala ko dati natural na ibibigay nila sayo, pero bakit itong dogs ko hindi. lol!

ganda ng story mo about hotspots sis, gusto ko na tuloy mag raw. :( konting hintay na lang!!! :D excited na ko for my 2 goldens. :)

what meats do you give them mga sis? aside from chicken pork and beef... pwede ba goat? lol! though i dont know saan nakakabili. tamang tama may Monterey na bagong bukas malapit dito samin (kaso mukhang lilipat na kami house :( )

--

btw, sis abuanddiego, ulan ulan galore na naman. :( baka di kami matuloy mag lakwacha sa UP on Sunday pag ganito pa din :(

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #143 on: October 26, 2012, 12:06:33 am »
^hay nako binati ko pa kasi! ayan ayaw tumigil since yesterday kainis!

yung binibigay ko sis chicken, pork minsan beef, tapos mga organs like liver, heart, gizzard, kidney, lungs, pancreas, green tripe. mahirap kasi maghanap ng ibang meat di ko alam san ko hahanapin hehe. pwede naman ang goat, lamb, turkey, carabao ;D kaso problema yung source, hindi sila laging available sa groceries. ang mangyayare nyan is paminsan lang sila makakatikim parang treats lang sila.

^^ang sabi ng friend ko secondary infection daw ang hotspots, pwedeng maliit na sugat lang tapos lalaki pag nascratch, nakagat, or nainfect. lagi silang may listerine gold noon as first aid, spray-spray nila sa hotspot para madry agad. kawawa nga kasi need ishave yung hair around the wound, nagkapatchi-patchi tuloy skin ng gr nya. alam ko nakaraw rin sila, sayang nga nawalan na kami communication.

yung shih tzu ko mahilig din maghabol ng toys, yan ang favorite nya sa lahat. kaso di nya ibabalik sakin, babalik halfway tapos kakagatin, parang inaasar ako na "beh! nakuha ko toy ko!" ano bang command ang dapat kong ituro para bumalik sakin? ;D nabasa ko bigyan daw ng treat in exchange for the toy. di ko naman magawa puro praise lang ako hehe.

naku sis sa farm na yun may mga dogs, alaga ng caretaker. sa family kasi nila yung farm binenta lang so territory nila yun. hindi ko tuloy maigala freely mga alaga ko baka ayawin. last time nga pati food namin kinuha sa table! >:( medyo kilala naman nila kami pero katakot pa rin kasi sila hari dun eh. pag bumili kami ng beef, try ko magtanong kung may supplier ng green tripe and other organs.
Say it like you mean it!

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #144 on: October 26, 2012, 11:17:09 am »
Ang tinuro kasi ng trainer ko is turuin talaga ang "Give" command muna. So if alam na niya un, may kapalit na treat, irerelease na nya yung ball.  :)

Oonga ang source talaga ng meat ang problema  :( Kakainggit nga mga nababasa ko online sa US, ang dami nilang sources ng meat. Iba iba talaga.



Baka pwede siguro tayo gumawa ng isang thread ng comparison ng prices ng mga sources natin ng meat para ma-compare din natin saan ang pinaka mura.  :)
Raw fed dogs!!!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #145 on: October 27, 2012, 04:30:36 pm »
Nasa supermarket na naman ako kanina napadaan ako sa meat section! Nakaka tempt bumili!!! Parang naiimagine ko sila na enjoy sila. But remember i said id wait for class to finish? Last class is on sat Nov 3 pero i plan to enroll them sa basic OB group class naman with the same trainer. So again, isip ulit ako kung delay ko ba ulit to :| what im thinking is to start a day after the class, then also adjust their feeding sched?? Their breakfast kasi is at 6am, they poop before that and sometimes after pa, sa class, madalang sila mag poop...

Pag naka raw ba same interval din poop ng dog nyo? Mas madali ba magpoop with one method?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #146 on: October 27, 2012, 05:15:41 pm »
^pwede ka naman bumili tapos lagay mo lang sa freezer until ready ka na. or pag nagutom or nawalan kayo ng lulutuin, ioffer mo na sa cook haha! ako naman sis may nakita akong pork dealer malapit samin and guess anong price per kilo? (150 lang sa meaty parts then 120 pag may bones!) sino pa magsasabi ng ayoko ng baboy dyan? haha!

sa experience ko sa interval ng meal and poop nila wala namang nagbago, after kumain napupupu na sila after 5-10mins. Pero yung quality talaga ang may major difference, mas onti compared sa kibbles. Tapos yung shih tzu ko once a day minsan every other na lang magpoop, usual size ng poop nya sa raw is about one finger. Pero nung nag-acana kami mga 2-3x/day tapos almost same ang amount per poop so madami yun pag pinagsama. Sa bulldog naman, average is 2 chubby fingers with some mini truffles a day, kadiri! haha!

Wag ka mapressure sis, kung kelan mo na lang feel na ayos na ang lahat saka ka magshift. Marami naman na matured na ang dogs nila nung nagstart pero marami pa rin changes na nangyare. Kahit nga daw sa senior and sick dogs malaki pa rin ang impact ng raw feeding. Pero alam mo sis, masarap talaga mamili ng meat at magprepare ng meals nila lalo kung mas mura nakuha, mang-inggit pa ba? hahaha!
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #147 on: October 28, 2012, 12:13:05 pm »
Hay inis na inis ako sa kasambahay namin. Kahapon kasi anniv ng pet shop/clinic, may 10% off on all merchandise! So sabi nya bibili na daw sya ng isang big bag ng kibbles. Sabi ko wag na since kakabili lang tapos isstart ko na nga sa raw tong mga to (decided na i wont take ob classes na). Eh pano daw yung older dog namin yun din kinakain (o diba best dog yaya)? Sabi ko tanong muna namin sa vet kasi matanda na yun at iba na dapat diet nun!!! O sige daw...

ABA BUMILI PA RIN!!! Nakakaloka lang!!! Sobrang irita talaga! Sabi ko "papalitan ko na nga pagkain nyan, bumili ka pa!" Eh ano daw ba ipapalit ko, pwede naman daw ipalit yun! Sabi ko "ano ka ba ang tagal tagal ko nang sinasabi sayo na karne na bibigay ko dyan tapos tinatanong mo pa rin ano papalit ko?"

Nakakapikon talaga. (Sorry mga sis kung parang bratty ako, ganyan talaga kami mag usap nyan, matapang din kasi yung kasambahay namin, minsan kala mo talaga sya amo ng nanay ko).

So ayun problema ko na naman eh may 1 and 1/2 big bags pa ko ng kibbles... Nakakainis talaga. Sana by December ubos na to. Kaso baka mag mahal karne because of Christmas season. :| iniisip ko nga start ko na lang sila pag adult na para once or twice a day lang tapos ako magpapakain, hindi yung kasambahay namin. :( gusto ko sana talaga mareap yung benefits ng raw as early as 4 months kaso ayun, wala din. :|

---frustrated raw diet advocate :(
« Last Edit: October 28, 2012, 12:22:00 pm by minnie99 »

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #148 on: October 29, 2012, 12:19:37 am »
^baka di pa talaga right time to switch sis ;D at mukhang di pa talaga nagsisink in sa kanya na magraraw na kayo.

pero pwede ka naman magbigay ng raw meat kahit once a day, madali naman madigest ang raw, after 4-5hours pwede na sila magkibbles. maganda yung bones to satisfy their chewing needs lalo na pag teething stage. ganun na lang sabihin mo then let her see habang nagpeprepare ka at kinakain ng mga pups para masanay sa routine.

nakabili pala ako ng pig organs kanina: 2 sets of lungs with heart, binigyan din ako ng spleen for only 170pesos!
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=369228806497077&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater

and here are added raw feeding links:
http://rawfeddogs.org/carnivores.html
http://rawfeddogs.org/benefits.html
http://rawfeddogs.org/rawguide.html
Say it like you mean it!

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #149 on: October 30, 2012, 09:02:07 am »
Wow! Sige papahanap nga rin ako niyan. Wala kasi akong variety sa organs e. By the way, nanganak na ang dog ko ng 4 puppies!  ;D

Kailangan ko lang magresearch on what to give her after  :)

minnie99, baka pwede mo bentahin nlng sa kakilala or online yung nabili mong big bag of dog food? Dati nung sobra sobra bili ko ng bags of dog food binenta ko sa ebay mabilis namang nabenta  :)
Raw fed dogs!!!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #150 on: October 30, 2012, 04:08:01 pm »
feel ko nga ayaw ng tadhana. :( ang dami rin nangyayari sa house and we might even move out, so no changes muna as much as possible... :( siguro nga as treats muna. I'll start with "biyas" (tama ba? lol yun kasi lagi ko nababasa na pwedeng recreational bone for dogs?) siguro during the weekend. :)

^^sis abu parang pag nakakakita ako ng raw meat, ako natatakam for them. LOL!!! minsan nga eh kumakain ako ng chicken curry, muntik na ko masuka kasi yun yung time na super basa ako ng raw feeding articles. haha. btw love the new links! reading them now.

EDIT: sis... mas naffrustrate ako habang binabasa ko yung benefits of raw diet. hahahaha. do you think it's okay to feed them raw in the morning then 2x kibble the rest of their meals? kasi diba for puppies 3-4x a day ang meal? tapos kibbles take longer to digest, so ideally, it cannot be in the middle of the day kasi after 6 hours eh mag raw naman sila...

another problem of mine pala is they are showing signs na of being picky. at puppy class last saturday, when the trainer gave them chicken liver treats, ayaw na nila nung treats na binili namin. for the rest of the time we were there lang naman. pag uwi, gusto na ulit nila. So napaisip naman pala ulit ako. haha. baka mas okay mag raw at the end of the day para in the morning, they are hungry enough to eat their kibbles?

^sis, exciting! iwwean mo ba sila on raw? :) onga inisip ko ipack per kilo tapos ibenta lol. pero siguro ubusin na lang din. :( mabilis lang din siguro to because they are growing puppies naman :)
« Last Edit: October 30, 2012, 04:23:11 pm by minnie99 »

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #151 on: October 31, 2012, 12:15:03 am »
^^congrats sis!
ang alam ko pag mommies, same food rin naman, pwede mas marami para malakas production ng milk. may nabasa rin ako na pag nakaraw mas marami daw ang milk nila. separate mo na lang sya pag meal time para may privacy hehe.

yung mga organs madalas sa wet market makikita or yung meat shop na nagkakatay talaga and not just bumibili for resale. tanong-tanong ka lang sa area nyo sis may mahahanap ka rin nyan. eto ngang more than 2kilos namin di ko alam pano uubusin kasi diba 10% of the meal lang naman ang organs. so baka abutin ng 2months to haha! di na ako nakatanggi nung sinama ni kuya lahat sa timbangan e ;D

^tama sis yung biyas, sya yung bone talaga ang itsura, bone marrow in english: http://www.curemanual.com/wp-content/uploads/2011/04/01-beef-bones.jpg 
ibilin mo agad na wag icut kasi nakakasugat sya pag nacut na.

haha! kakaaliw pag nasanay na sa raw, exciting pag nasa meat section, nagiisip ka na pano hahati-hatiin at ibibigay sa kanila. galing nga nung link na yun, andun na halos lahat, parang summary na sya ng mga articles na nababasa natin diba.

okay lang yung iniisip mong feeding sched kung hindi talaga kaya, mas okay na yung ganyan kesa pilitin yung hindi pwede, mas lalo ka lang mafufrustrate. sana lang wag silang maging maarte, kasi baka ayawan yung dogfood pag nakatikim ng raw hihi. pero malalaking bulas naman sila, I'm sure magiging matakaw sila at hindi gaano picky sa food. daanin mo na lang sa exercise and tough love pag nag-inarte ;D
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #152 on: November 05, 2012, 09:01:32 pm »
SIS! Ready na ko! As in kung maaga pa pupunta akong Savemore kaso late na. Hahaha. Yung dog food, dun sa isang dog na lang since mas hiyang siya dun (nangayayat siya sa senior dog food). (On an unrelated note, may tumor siya. :( Kaso di namin mapa-opera kasi super laki, baka di niya kayanin. Nasa tail naman and mukhang di siya affected)

Anyway, I need advice. Parang naglaho na yung articles na binasa ko, but I'll get back to them tomorrow at work (tapos na kasi deliverables ko by then haha).

My puppies are 4 months, and currently they are eating 3x a day. I plan to make their evening meal raw. This is their feeding schedule:

~6AM breakfast
~12NN lunch
~6PM dinner

so, okay lang naman diba, if 6 hours before their raw meal, kibble ang food? is a 6-hour fasting enough to digest most of the kibble? gusto ko kasi dinner para pag gising nila gutom sila so they would eat the kibble for breakfast (assuming they sleep at 8, they wake up at 4, that's an 8-hour rest, and since faster to digest ang raw, mas gutom sila when they wake up as opposed to when they have kibble for dinner).

the next concern is what to feed them. Definitely chicken, pero which parts? Super dami ko nabasa, I don't think nag-aagree lahat. Some say na dapat ma-bones muna para hindi super basa yung stool, but there's one that says dapat breast? Sorry, I don't really cook so I don't know all these stuff, haha. Pag sa supermarket, what should I get? Should I get a soup pack? Or yung per part, and if per part, which parts?

My last concern is the amount. I'm thinking about starting of at 1/3 of the required (2% of adult weight, since they are puppies) since this is 1/3 of their daily meal. Tama ba? Then from there, I'll adjust na lang after a week.

What do you think sis? I really plan to start them within the week because we are starting on our basic Obedience class by the end of November, and then also  I want to gradually take them off the kibble, one meal at a time. Will also buy ACV na (sana meron sa Savemore) (but they don't like drinking from the bottle, haha).

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #153 on: November 06, 2012, 12:05:22 am »
^ano kayang cause ng tumor nya? gaano kalaki? try nyo kaya pabloodtest, baka symptom lang yung tumor nya at pwedeng mawala once mapinpoint yung main problem.

okay naman yung 6hr interval, medyo natunaw na yung kibbles by that time. yung chicken parts naman, pwede ka bumili ng whole, mas mura din yan kesa by parts. naglalaro ang price nya from 109-130, pag by parts 130up naman. then pachop mo na lang into 4. pwede ka rin bumili ng soup pack kahit 1 kilo (may whole and cut up parts na nito) pandagdag lang sa bawat meal. kung feeling mo medyo loose ang stool try mo bigyan kahit half muna then see kung mas magiging firm. bawasan mo na lang pag tumitigas masyado ;D

re the amount naman, pag puppies, pwede rin up to 10% of their current weight. okay naman ata yung 1/3 since may 2 separate meals pa sila. alam ko pag puppies okay lang kahit mas maraming bones since kailangan nila ng calcium for bone development. so okay lang magadd ka ng soup packs. here's the feeding calculator para mas madali: http://www.raw4dogs.com/calculate.htm

hindi pala ako nakahanap ng green tripe last week, dinatnan ako ng period di tuloy ako nakasama sa palengke leche haha! pero confirmed na mura ang beef sa batangas, around 180-220 lang per kilo. baka by december na kami bumalik, pag may long weekend ulit.
pork liver and kidneys lang nabili ko ngayon:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=372047629548528&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=1&theater

eto pala itsura ng poop ni Diego (think before you click ;D) medyo natuyo na sila hihi:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=372049489548342&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #154 on: November 06, 2012, 08:39:25 am »
Hindi rin namin alam. Actually meron siya nun dati sa tenga, nawala naman. Yung sa buntot, parang maliit lang dati tapos lumaki then lumiit na naman tapos eto, konti na lang, ka-size na siya ng tennis ball. :|

thanks sis! sige check ko na lang mamaya sa supermarket. naisip ko tomorrow ko pa pala ma-start pag mamaya ako bumili kasi kailangan ko pa ifreeze lol. excited na kooooo. :( kaso due pala sila for vaccine on friday? do you think it's okay to start them before that? :( di kaya maka-stress ang new diet? naku, ano ba to, na-sad na naman ako dahil may bagong hadlang!

haha that looks good! parang natatakam talaga ako for dogs. lol!

sis sakto kanina kumakain ako rebisco. muntik ko na iclick agad buti nakita ko yung disclaimer. haha.

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #155 on: November 07, 2012, 01:18:04 am »
^baka lumipat yung tumor sis? ilang taon na sya?

try mo humanap ng frozen meats para thaw mo na lang. since may kibbles pa rin naman sila, feeling ko di pa naman sobrang mabibigla ang system once bigyan ng raw. ang usual changes na makikita kasi pag nagraw is loose stools and yellow vomit. pero normal lang yan at first, nothing serious at di naman nila ikakamatay ;D mabilis din magadjust ang puppies kaya wag na masyado magworry ;)

Si diego love na love nya ang mga organs and meaty parts, pag organ ang hawak ko super excited sya pero si abu ayaw ng raw organs, sa bony parts and pork sya naeexcite. may kanya-kanyang hilig din pala sa raw ;D

di naman ganun kataas ang yucky factor sis kasi medyo tuyot na at nagcacamouflage sila ng soil at damo haha!
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 822
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #156 on: November 07, 2012, 08:07:20 am »
kaka-8 lang nya sis. :( baka nga. common yata ito sa goldens kasi may nakita akong golden sa filinvest na may tumor din sa buntot. :|

yung bonus ba pwede after ko bilhin yun thaw na lang? naisip ko din mas okay na ganito, 1 meal at a time, hindi gaano mabibigla. siguro this weekend na lang kami start after ng vaccine.

haha oo nga medyo ilang seconds din bago ko nakita! haha parang game lang "spot the poop" lol!!

snix

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 801
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #157 on: November 07, 2012, 12:12:59 pm »
@sis abu bakit paranko yung natatakam sa mga pictures ng pagkain nila? ;D

eto namang alaga ko ayaw ng raw..dinedeadma, kung ano ano na nagay ko para kainin niya ayaw..gusto niya luto..kaya ang hinahalo ko sa food niya boiled livers/chicken tapos brown rice occassionally minsan white pero mas maganda poop niya pag brown rice hinahalo ko..

pwede ba yung tuna and sardines in can? yung sardines mejo duda ko kasimaalat

ngapala yung biyas lang ang gusto niya na raw pwede rin cooked either way paborito niya talaga to..ng tinry ko bigyan ng raw chicken tinignan lang kinuhako ulit t baka langgamin tas pinakuluan ko ayun dun pa lang kinain :D

gusto ko rin dagdagan ng veggies ang diet niya
« Last Edit: November 07, 2012, 12:20:40 pm by snix »

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #158 on: November 07, 2012, 10:37:51 pm »
sis minnie, pacheck nyo ang blood nya sis, baka may problem sya internally.

kung frozen nabili okay ng iserve after ithaw. tsaka nasa label yung packaging date. pero ako minsan nagbibigay kahit bagong bili, human grade naman sila kaya feeling ko safe ibigay agad-agad ;D

post ka rin sis ng pics ng poop nila pag nakapure raw na, tapos compare natin haha!

sis snix, yan yung mga moment na, "sana naging aso na lang ako" hahaha!

baka hindi nya pa alam na food ang raw meat kaya ayaw pansinin. natry mo iwasiwas sa mukha nya? ;D ganyan ginagawa ko sa dalawa pag hindi eager kumain, nilalaro laro ko sa harap nila, dinidikit ko sa bibig tapos aalisin hanggang sa igrab hehe. try mo rin pierce yung meat para maiba texture. or bili ka ng organic chicken, chicken na chicken ang amoy nun with palay, baka pag yun binigay sakaling mabaliw sa chicken. yung biyas pala sis raw mo na lang bigay kasi nakakasugat sya pag nacut at naluto. baka masugatan kasi pag nginatngat hehe.

ang brown rice kasi has more fiber ano kaya siguro mas firm ang poop. pwede naman sis yung canned fish kaso masyadong mataas sa sodium. niririnse ko maigi pag delata. tsaka ang alam ko 100mg ang max sa kanila, yung tuna and sardines umaabot ata ng 600mg kaya di na rin ako nagbibigay. bumibili na lang ako ng tamban or salinas tapos boil ko, gusto pa rin naman nila kahit pinakuluan lang.

yung veggies naman di na ako gaano nagbibigay kasi pansin ko mas nagiging malambot ang poop pag may gulay. tsaka yung vitamins naman nila is raffavit, puro fruits and veggies na, okay na yun as source of veggies hehe.
Say it like you mean it!

snix

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 801
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #159 on: November 07, 2012, 11:33:27 pm »
^may kamahalan kasi yung tamban dito samin 100/kilo! jusko..

kaya more on livers, chicken at iba pa organs kami..natry ko na gizzards at pig's heart gustong gusto niya to pero boiled pa rin..tinry ko nga yung unti unti para
hindi mabigla ayaw talaga niya..aamuyin lang tapos deadma..sinubukan ko na rin na iwasiwas sa muka niya naghikab at hinigaan lang ako! lol mas gusto niya talaga pag boiled..half cook na lang ginagawa ko para kahit pano may nutrients pa rin..

sinasamahan ko rin ng raw egg at crushed eggshells food niya pero hindi lagi kasi masama din pag sobra.. balak ko sana siya pakainin ng pureed squash o kaya pumpkin pero baka maging basa ang poop kaya wag na lang..okay lang ba na may halo pa rin kibbles yung food pag ganito? as much as gusto ko magshift totally sa ganitong diet hindi afford ng bulsa ko lol kaya may halo pa rin dogfood..

ngapala i heard na pwede rin daw dagdagan ng raw oatmeal yung food nila..research ko pa to kasi naguguluhan ako kung cooked or raw oats ang bibigay..tsaka diba grains to? may mga nabasa kasi ko na hinahalo nila to sa barf recipes nila
« Last Edit: November 07, 2012, 11:37:04 pm by snix »

 


Latest Stories

Load More Stories
Close