^tinitignan ko yung old pics nya, parang di naman ganun kasignificant yung changes

pero may onting similarity nung nakahomecooked at raw sya, pansin ko di sya ganun kabilog nun. pero nung nagdogfood, pudgy at baboy talaga sya

weird kasi to si diego, iba yung itsura nya per angle, may matabang kuha meron ding mamuscles!
yung friend ko carebear line din yung gr nya. di ko lang alam kung yun yung naaksidente years back kasi 2 ang grs nya. alam nyo gusto ko rin ng gr feeling ko super nice and bright nila kaso due to their size, energy level and coat di ko magawang kumuha hahaha! hanap na lang siguro ako ng boylet na may gr para di ako mahirapan hahaha!
naku pati ako naeexcite sa pagshift nyo! sana maging okay sila sa raw at wag sana lumambot ng todo ang poop (baka magwala na naman si ate ikaw pa masisi haha!) picture or video mo sis ha.
sis arizona, saktong-sakto yung chicken sa kanya! nagbibigay ka sis kahit frozen? yung mga boys ko kaya na nila kahit frozen, pero minsan ko lang binibigyan naaawa kasi ako baka super malamigan hehe. aliw talaga pag raw kinakain ano, sarap nila pagmasdan. maganda rin ang raw to avoid bloat in dogs lalo sa large breeds, since todo ngatngat sila unlike with kibbles na lunok lang ng lunok.
yung bulldog ko kainis di pa rin pwede iwanan ng food magisa, nagsusuka pa rin ewan ko ba bakit. siguro dahil na rin sa structure (short snout, small trachea) so until now hand-fed ang mokong

naku yung mga nabili kong organs, gustong gusto nila. lungs, trachea, heart, liver nababaliw sila. buti solid pa rin ang poop, mas mabaho nga lang haha!
yung calcium and other nutrients pala, alam ko pag raw, balanced daw yung proportion. kung ako rin may pregnant dog, mas okay sakin ang bones than supplements kasi highly digestible ang bones, kung sumobra man ilalabas din. most supplements kasi are synthetic kaya wala rin ako tiwala. egg shell is a good source of calcium din pala, pwede rin yan iadd sa diet nila.
snix, alam mo naman ang dami naming pinagdaanan ni diego kaya babyng baby pa rin kahit mas matanda pa sakin haha! kung pwede lang silang mabuhay sin-tagal natin, wala na kong mahihiling pa

pwede palang model yang anak mo ng biyas hahaha! ang galing nya ha kaya nyang durugin yun? pano sya kumain ng bone, hinahawakan ng front paws?
yung acv, matapang ang amoy nya para syang panis na ewan haha! pag sa water ayaw yan ni diego pero sa food maparaw or cooked wala syang pake. bakit kaya?
may nabasa pala ako lately about the types of meat. ang sabi wag daw magbibigay ng larger animals, stick lang daw with small to medium size (poultry, pork, lamb) kasi sila yung staple sa diet ng wolves/dogs in the wild:
"Dogs do better on meats of animals that are medium or small size. Bison, buffalo and beef have never been the main source of food for dogs. These meats have a higher content of inflammatory factors such as arachidonic acid which seem to be increasing the chances of bladder issues and stones."-Dr. Peter Dobias
hanap ako ng related articles kasi bago rin to sa pandinig ko, pero in fairness may point si Doc
