Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 51772 times)

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #100 on: October 06, 2012, 07:15:52 am »
^Yun na nga, nakakaawa gutumin kapag puppy pa, diba nga they have to be fed pa 3-4x a day? But then I realized goldens yata ang isa sa breeds na kakain ng kahit ano!!! Mga PG to eh!!! So mas confident na ko na maeenjoy nila ang diet na to.  ;D Haha I'm 75% there na, hmm, don't know what I'm waiting for siguro yung pera na lang (tagal ng sweldo ko kasi sa govt ako tapos contractual pa :( ) tapos meron pa kasing kalahating sako dito ng kibbles. Then I have to get my butt out there and buy na! ;D

Balitaan kita sis pag nastart ko na lol konting confidence na lang. I plan to keep a diary for them para madocument ko and like you para mashare ko sa iba yung knowledge ;)

Mga gaano ba katagal bago makita yung benefits?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #101 on: October 06, 2012, 08:31:32 am »
^nung puppy pa yung dalawa, di ko ata nasunod yung 3-4x feeding. 2x lang ata kami nun kasi pag ginagawa kong thrice/day di sila ganun kagana, feeling ko busog pa sa earlier meal. Marami din silang kaartehan nung maliit, ang dami kong natry na dogfood pero ayaw, nung naghomecooked lang saka lumakas kumain. I think 1 year ako nagluluto ng food nila. Ang pagbili ko is every 2-3 days kasi yun lang ang kaya ko ;D

Ang mga large breeds naman malakas talaga kumain at feeling ko mas mageenjoy sila sa raw meat lalo kung big pieces ibibigay kasi need nila ng mahabang exercise. Eating a big chunk of meat also provides mental stimulation, magiisip kasi sila ng ways pano kainin lalo pag frozen so marerelease yung energy. So malelessen din ang time for exercise. Sabi nga dogs on a raw diet have moderate energy levels, sa kibbles daw kasi nagiging hyper sila bec. of some ingredients.

Pwede mo naman paubos muna yung kibbles pero pag paubos na magstock ka na kahit 2-3 whole chickens. Then pag ubos na ang kibbles, bigay mo na yung chicken. karamihan naman cold turkey ang pagswitch. Madalas attitude na ng owners ang nagiging issue dito, kasi nga ang daming changes na nangyayare during the initial stage. But if you've done your research well, walang dapat ikabahala.

Yung benefits sis, it might take 3 or more months, depende kasi sa condition ng dog. may payat, mataba, may sakit sa balat so pag ganyan mas matagal, minsan inaabot pa ng 6months. Sa 1st month kasi usually detox period, andyan ang diarrhea, hair loss minsan allergy pa. Sabayan mo lang ng fish oil and wait for a week or two then makikita na ang improvements. Pwede din silang pumayat during the 3month period, kinoconvert kasi ang fats into muscles so mapapansin mo "ay bat parang pumapayat sila" pero kung tama naman ang amount/day okay lang yun, ang importante di lumalabas ang ribs.

Sige sis update mo lang ako dito,post ka rin ng pics. Hirap kasi ako to post pics kasi ako rin ang photographer, kulang ang kamay ko sa kanilang 2 ;D

Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #102 on: October 07, 2012, 10:24:19 am »
Thanks sis! Yup will post. But baka madelay pa ang pagshift namin since I enrolled them in puppy socialization classes. I think it's best to stay muna with their current diet until after the 4 saturday classes, so most likely November ako mag start. Ayoko din kasi na dun sila mag diarrhea habang nasa multipurpose hall kami sa Filinvest  :-\ Will return here as soon as I start them! :)

Thanks sis talaga sa lahat ng advice & encouragement! :D Write a book na lol!!!

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #103 on: October 08, 2012, 12:17:01 am »
^haha dyahe nga naman magkalat lalo kung nasa ibang lugar ;D kahit itong dalawa may times na biglang lalambot ang poop, as in may liquid. Minsan kasi super lakas nila kumain kaya di ko mapigilan pagabot ng food ;D

wala yun sis, take your time, update mo lang ako dito pag nagstart na kayo. naku yung mga info na sinasabi ko, nakalap ko lang from experts, kumbaga taga-relay lang ako. halos lahat ng source pinopost ko din dito. 


Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #104 on: October 10, 2012, 05:49:18 pm »
Hi sis! Im back for a while haha may question lang ako. What is sawdust composed of? Bumili kasi mom ko but i told her not now naman... Just wanna know the composition (bones? Meat?) so I know how much of this will be in our future diet for the dogs. If im not mistaken sawdust is part of a BARF diet diba? So im assuming pwede sya for dogs as part of raw diet...

Btw it was only 50/kilo kasi kaya sya bumili agad haha

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #105 on: October 10, 2012, 09:06:51 pm »
^sis yung sawdust yan yung by-product ng ground meat. madalas sa pork galing yan pero minsan makakatsamba ka ng beef. but just like any by-product, hindi balance ang nutrients nila, madalas pa puro fats and skin lang ang sawdust at pwede yan magcause ng inflamation pag sobra-sobra, nangyare yan noon sa bulldog ko before, nagkamange pa sya kaya laking sakit sa ulo at sa bulsa.

mura talaga ang sawdust kasi sya yung naiipon sa grinder. noon nakakakuha kami for only 30/kilo, pinapareserve pa namin pero madalas color green na kaya di ko rin binibili. btw, kahit yung ground meat sa groceries sa fatty parts galing. ilang beses ko na nakita kung ano nilalagay nila, mga pork cubes na napagpilian siguro kasi madaming taba. kahit pag niluto ang sawdust, iba ang amoy nya (amoy panis ;D) kaya kung ako tatanungin, hindi ko na sya irerecommend. sabi ko nga noon, wag na mag-aksaya sa parts na wala gaanong benefits. kahit mahal ang real meat, sulit naman kasi sa health nila ang impact nyan.

kung bibisitahin mo sis yung raw feeding group sa fb, eto ang link: http://www.facebook.com/groups/261761471359/doc/10150200515531360/ red meat ang nirerecommend nila. as in chunks of pork, beef, chicken, bones and organs, hindi kasama ang by-products. iba kasi ang barf (mixture of meat ang veggies) sa pure raw, backread ka lang ng onti may pinost ako about barf. marami akong nakikita na barf-feeders na ang binibigay ay chicken heads, necks, soup packs plus veggies. nilalagay nila sa grinder then imimix. noon akala ko okay na yung ganito, pero nung nalaman ko na meron din palang prey-model, nagshift ako to pure meat, at di na ako nagbibigay ng bony parts since meat daw talaga ang kailangan ng dogs.

eto sis sample ng stock ko ngayon, pag may organs ako kuhanan ko din nakakalimutan ko kasi
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=361753433911281&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=361753750577916&set=a.258369337583025.63388.100002298830792&type=3&theater
Say it like you mean it!

crazycoolchic19

  • GT member addict since 2005.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 592
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #106 on: October 11, 2012, 07:06:52 am »
Sawdust, chicken feet, chicken head,atay,puso lamang loob and the isaw, nililinis ko mabuti  at niluluto ko mahirap kase pag hilaw hinde tayo sigurado baka mamaya contaminated ng salmonella.

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #107 on: October 11, 2012, 08:16:20 am »
^^Wow! Sis ganyan kadami pinapakain mo in one day sa isang dog? Picture naman kung pano nila kinakain lol! Hahaha. Oo nga mas okay nang sure ka kung ano pinapakain mo kahit mahal, at least makakasave ka sa ibang bills. Hay nako sis, btw, kahit OT na, yung isang puppy ipapaadopt na lang sa tita ko... nakakainis kasi wala namang nag aalaga sa bahay... sobra na nga yung extra aga kong gising para lang bigyan sila ng mental and physical exercise, pero yung ate ko naman (na nagpumilit na ikeep yung isang puppy) di naman mabigyan ng time yung isa... So anyway, back to the topic, sure na ko na ishishift yung matitirang puppy, si Boo, kasi siya yung mas lean (though same lang sila ng amount na kinakain... di ko talaga alam bakit magkaiba katawan nila ni Bon). Pero yun nga baka sa November pa. :(

^Sis kung yung binibilhan mo naman eh trusted seller o doon ka talaga bumibili kahit for personal consumption, I don't think you have to worry about that. :) And sabi ni sis abu, just put in the freezer for a few days para mawala bacteria. :)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #108 on: October 11, 2012, 02:24:57 pm »
^hindi sis, stock ko lang yan. nilalagay ko na kasi sa freezer para matagal silang frozen. browse mo lang yung album na yan, may onting kuha sila while eating. di ko kasi makuhanan habang kumakain lalansa yung cam haha!

as long as nakikita ko silang healthy, wala ako reklamo sa gastusin. ang di katanggap-tanggap eh yung gumagastos ka na nga pero nagkakasakit pa rin haha! naku sis mahirap talaga mag-alaga ng mga aso, ako nga dalawa lang sila pero hindi ako magkandaugaga. nakakapagod kasi halos lahat ng oras sa kanila napupunta diba. basta kung may tanong ka pa about raw feeding post mo lang dito at tutulong ako sa abot ng aking makakaya :D

sis crazycool, pag raw feeding, raw talaga ibibigay walang lutong nangyayare. ang goal kasi ng raw diet is to mimic what dogs or wolves eat in the wild, yung carcass ng prey so important ang meaty parts and organs and not just the parts na mura natin nakukuha sa groceries or markets. chicken heads, feet, sawdust are only by-products so dapat minsan lang ang pagbigay at hindi sila ang dapat na staple sa diet.

Kung balikan mo sis yung unang page may explanation dun about salmonella in dogs. actually hindi gaanong at risk sa salmonella ang dogs kasi ibang iba ang anatomy nila sa atin. aside from maikli ang intestines, highly acidic rin ang digestive tract nila with some amounts of salmonella na rin kaya hindi problema ang salmonella. ang mas dapat ingatan is bony parts and weigh-bearing bones kasi pwede sila mabungi. but the meat itself, as long as human grade at na-freeze for a couple of days walang magiging problema. backread ka lang sis sa mga links, maraming explanation dito about raw feeding :)
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #109 on: October 11, 2012, 09:48:44 pm »
^sis naloloka na ko hahaha! I don't know, but I went to Pinoypetfinder to backread sa BARF/Raw thread doon. Super convinced na naman ako to do it now na!!! Hahaha. Lalo na nung sabi nung isa eh 3 days lang daw firm na agad stool ng dog nya... Tapos naamaze ako (I don't know if I read it here din ha), kasi daw pag naka-raw ang dog, yung poopoo eh parang marbles, ang joke nga eh pwedeng maglaro nga at sipasipain yung poop papuntang basurahan. Sobrang funny. Tapos ayun nga, totoo ba yun, kaunti lang poop? Kasi daw naaabsorb lahat... unlike sa kibbles na lahat yata ng kinain nila eh pinupoo din!!! Seryoso, parang kung gaano karami pinakain ko, say 1 cup, eh 1 cup din ang poopoo! Super baho pa...

Thinking of starting na lang on a Sunday, kung isstart ko na even with his classes... Wahh. But ang problem ko naman eh anong treats ang ibibigay ko sa kanya sa classes nya? Dapat raw din diba? Or pwede kaya yung treats na malalambot na nabibili sa pet shop (Pet Botanics yung nasakin now)...

Or tingin mo sis wait na lang ako November? haha gulo eh no, sorry ha. :( Sobrang enticing kasi yung mga nababasa kong feedback. hahaha. Sayo ba sis ilang days sila malambot poopoo? Do you think I could just give them na mas madaming bones (moderated of course para di constipated) during the first week to get firmer stools? Diba yun naman ang suggested until mag firm?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #110 on: October 12, 2012, 01:00:26 am »
^kilala ko ata nagsabi nung parang marbles, si kuya bb/brunosboss ata yun! ;D pero ang natatandaan ko soup pack and necks ang binibigay nya noon, actually maraming nagbibigay ng ganyan dati at isa nako dun. depende kasi talaga sa system ng dog, may iba kasing super sensitive (like my boys ::)) meron ding matitibay ang sikmura, kaya di ko masabi na magiging okay ang poop within 3 days. worrier din kasi ako sis kaya iniisip ko kung magstart kayo ngayon baka mahirapan ka during training, hirap pa naman maglinis ng kalat na poop.

pero sa raw feeding group, sabi hindi daw maganda pag super tigas ang poop, or namumuti na just like what kuya bb said. it means na puro bones ang nakukuha at kulang na kulang sa meat. diba ang gamit nilang model is prey-model so ang ratio is 80%meat, 10%bones, 10%organs. so ang poop dapat brownish and firm pa rin, hindi namumuti at hindi sila hirap umiri ;D ang lagi nilang suggestion  for first timers is whole chickens and not soup packs and chicken necks. at dahil ito ang model na sinusunod ko ngayon, i will suggest to do the same. siguro kuha na lang ng parts like legs, thighs, breast, wings but not plain soup pack or necks. nung nakasoup pack & necks kami noon, okay lang sakin yung namumuting poop kasi nga akala ko tama yung ganun. but nung nabasa ko yung prey-model diet, i shifted agad sa whole chickens. medyo matagal bago umayos ang poop nila, almost a month ata hinintay ko. kahit nga ngayon lumalambot pa rin pag may new meat or nasobrahan. ewan ko lang kung sadyang ganito bituka ng mga to, pero umookay naman kasi kaya di ako nagwoworry.

Ang problema kasi sis sa raw, hassle pag nasa labas, kailangan pa ng chiller and ice packs para di masira hehe. sa tingin ko wala naman kaso kung magbibigay ka ng cooked treats, kahit nakaraw sila, tutal onti lang naman ibibigay. pero depende pa rin sa dog mo kung sensitive ang tyan nya. sa experience mo ba, madali lumambot ang poop nya pag may bagong food?

Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #111 on: October 12, 2012, 08:33:17 am »
^oo siya na nga! Haha. Kaloka kasi friend ko siya sa FB tapos ang funny ng posts nya, comedy talaga siya... Oo nga napansin ko puro soup packs nga daw... Well since medyo matagal na yun kaya siguro konti pa lang info noon about raw dito? Did you read din na there's a breeder who buys cow fetus sa mga kinakatay na hindi nila alam na buntis pala? Medyo matagal na din pala history ng raw dito pero konti info

sayo ba pag nagpoopoo konti din?

hmm oo nga. :( nakakahiya pano ko lilinisin yun pag super soft poop!! sa covered court pa man din kami... hahaha. Mabilis din naman mag adjust... nung baby sila madali lumambot poop pero it may have been due to the rainy season (bacteria)... ang hirap din alamin. pero we tried kasi adding little Vitality to their current food, 1kg lang kasi binili, di na rin namin nashift, pero okay naman poop nila parang normal lang when we added different dogfood... Then, I didn't tell you pa, they tried daw feeding LITTLE sawdust yesterday morning, as in patikim daw... so far I don't see any difference sa poop, though we can't really tell kung ibig sabihin ba nun okay na rin siya sa raw...

huhu I guess hinay hinay muna ako sa pagbasa... nakakaexcite kasi pag nagbabasa ka about raw. :( Huhu. But if ever, I plan on shifting him on a Sunday (Sat ang class), so by the next Saturday, his poop will be okay. The weird thing about Boo kasi, lean siya, unlike Bon. Tapos mas madami siya mag poop. So nagwworry ako baka wala siyang naaabsorb sa food nya? :( Kaya gusto ko rin siya ishift asap. :( Naka vits naman sila and same lang naman kinakain...

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #112 on: October 12, 2012, 12:52:39 pm »
^yun nga sis years ago na rin yung topic sa pinoypet kaya lahat akala okay na ang soup packs, necks and sawdust. alam ko nga meron ng mga nagraraw noon, pero bony parts madalas binibigay, bihira yung prey-model type. yung breeder who buys cow fetus di ko maalala pero kung mabalikan ko baka sakaling maalala hehe.

yung bulldog tama lang ang poop, twice sya magpoop in a day pero hindi gaya sa Canidae na madami at mabaho. yung shih tzu noon once/day lang magpoop minsan every other day pa.

ang alam ko mas mabilis daw magadjust ang puppies at dogs na sanay sa varied diets than yung dog na isa lang ang food for years. kaya maganda rin na sanayin mo sila habang bata para tumibay ang sikmura ;D okay naman yung naiisip mong sched for raw feeding, malay natin umayos ang poop within a week diba.

Yung brother ng shih tzu ko nasa kuya ko at nung bata sila, payat talaga yung sakin, at mahina kumain. kahit nung nag1yo sila di sya ganun kalaman pero nung nagraw kami nagulat mga kapatid ko kasi bumigat daw kumapal ang coat tapos may maskels ;D naging magkamukha na daw sila ng kapatid nya, yun talaga ang malakas kumain at mataba. So feeling ko marami pang improvement sa dog mo since puppy pa sya. ang alam ko rin mas okay talaga ang raw kasi muscles ang nafoform instead of fats. maganda rin sa bones nila kasi di biglang lapad, diba pag nakadogfood madalas pudgy sila pero walang muscles. just make sure na magadd ka ng variety of meats and organs para mabalance ang nutrients.
Say it like you mean it!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #113 on: October 12, 2012, 04:58:47 pm »
^Naexcite na naman ako. Hahahaha! But at least I know I'm ready to do this! Timing na lang kailangan. :D Naisip ko nga din yun, mas madali makakaadjust dahil bata pa... So goal ko talaga is before 2012 ends :D

Thanks sis!!! Sobrang naencourage na talaga ko, I just have to find the right time :D

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #114 on: October 12, 2012, 05:29:56 pm »
^kaya mo yan sis, ako nga ako lang mag-isa nagresearch about raw, from forums and net lang talaga ako natuto, wala akong personal na kausap, ginagaya ko lang tips ng raw feeders. kahit nagkakalat sila, at nagallergy tinuloy ko lang plus fish oil. marami rin nagtataka/tanong sa ginagawa ko pero confident lang talaga ako sa raw kaya di ako natitinag ;D

masasanay ka rin sis, at maaaliw ka rin kasi ang cute nila pag raw ang food. di malaman panong pagkagat at pagnguya ang gagawin ;D di mo rin poproblemahin ang teeth kasi nalilinis sya ng meat.

pag kaya ko videohan sila while eating, post ko dito :D
Say it like you mean it!

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #115 on: October 15, 2012, 12:04:39 am »
^kaya mo yan sis, ako nga ako lang mag-isa nagresearch about raw, from forums and net lang talaga ako natuto, wala akong personal na kausap, ginagaya ko lang tips ng raw feeders. kahit nagkakalat sila, at nagallergy tinuloy ko lang plus fish oil. marami rin nagtataka/tanong sa ginagawa ko pero confident lang talaga ako sa raw kaya di ako natitinag ;D

masasanay ka rin sis, at maaaliw ka rin kasi ang cute nila pag raw ang food. di malaman panong pagkagat at pagnguya ang gagawin ;D di mo rin poproblemahin ang teeth kasi nalilinis sya ng meat.

pag kaya ko videohan sila while eating, post ko dito :D

Hi abuanddiego , nakatry ka nang magbreed ng dog on a raw diet? as in raw fed sya before, during, and after pregnancy.

I'll post a video of my golden retriever eating a whole chicken tomorrow on multiply. :D
« Last Edit: October 15, 2012, 12:20:16 am by arizonakennel »
Raw fed dogs!!!

minnie99

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 820
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #116 on: October 15, 2012, 08:09:02 am »
^Hi sis! Please post the link here :D I have goldens too! I'm planning to shift my two puppies eh. :)

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #117 on: October 15, 2012, 09:13:24 am »
You can visit my site for the video of my dog eating a whole chicken  :)
« Last Edit: October 16, 2012, 10:54:09 am by arizonakennel »
Raw fed dogs!!!

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #118 on: October 15, 2012, 03:01:45 pm »
^^hi sis welcome to raw feeding thread!

unfortunately, i'm not a breeder, pet parent lang talaga at puro boys alaga ko ;D pero natry ko na sila bigyan ng raw kahit 3mos. pa lang sila, tinitigil ko lang for some reasons. may nabigyan din akong aspin, wala pa syang 2mos nun at kaya naman nya, ang galing-galing nya magchew never nachoke yun.

kayo sis, nakaraw ang dogs nyo?
Say it like you mean it!

arizonakennel

  • Arizona Kennel
  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • Arizona Kennel
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #119 on: October 15, 2012, 03:34:57 pm »
^^hi sis welcome to raw feeding thread!

unfortunately, i'm not a breeder, pet parent lang talaga at puro boys alaga ko ;D pero natry ko na sila bigyan ng raw kahit 3mos. pa lang sila, tinitigil ko lang for some reasons. may nabigyan din akong aspin, wala pa syang 2mos nun at kaya naman nya, ang galing-galing nya magchew never nachoke yun.

kayo sis, nakaraw ang dogs nyo?

Yung mga posts ko awaiting moderator's approval pa hehe.

Anyway, 2 kasi goldens ko, nabreed ko na yung 1 tapos nagtago ako ng 1 kaya 2 na sa akin. Pero nung una, hindi pa siya raw diet, so now ko lang na-experience na naka-raw sya while pregnant kaya super research tlg online.

E may mga sinusuggest sila na wala naman dito or di ko lang alam saan hahanapin like yung raspberry tea leaf. Tapos after naman non, kelngn ko i-research din after ano ibibigay kapag pwede nang mag-raw yung puppies. Ang problem ko lang kasi ibebenta ko after yung dogs, baka walang bumili hehe. Kasi gusto ko sana naka-raw din ang susunod na may-ari..  :)
Raw fed dogs!!!

 


Latest Stories

Load More Stories
Close