watch now

Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 71170 times)

arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #180 on: November 10, 2012, 05:18:29 pm »
wow! simot to the bones! hahaha!  ;D

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #181 on: November 10, 2012, 08:54:51 pm »
 ;D ;D ;D SUCCESS! Haha so funny ang nangyari when I gave them their dinner... Sorry, super naaliw ako so kkwento ko buo.

I got kasi mga halos 1 kilo of soup pack (sorry, super noob ko sa cuts ng chicken. wala talaga akong alam kasi i don't cook). Anyway, kaya soup pack napili ko for now eh 1) mura, 2) they need calcium naman 3) para di masyado malambot poop if ever. Next time whole chicken na lang sa SM. Sobrang confusing pa nga kasi if I use the 10% of desired weight of puppy, sobrang dami compared to 3% of adult weight (using the average weight of a golden). So I used the latter, and then I will adjust. Medyo nagpanic pa nga ako as I was writing kasi baka magutom pala sila but then I realized 1/3 nga pala ng meal nila to so tama lang din bigay ko na 1/4 kilo.

Anyway, nung binigay ko sa kanila kasi sobrang 30 minutes na yata past their scheduled dinner, so nagwawala na sila. PERO DI KO NAMAN AKALAIN!

pagbigay ko sa kanila nung chicken, ABA. Isinubo buo SABAY TAKBO. Take note na SINUBO nila, sobrang nagpanic ako kasi kasyang kasya lang halos sa bunganga nila at may onti lang nakalabas. Yung isa lumusot sa ilalim ng kotse. Yung isa ayaw niya dun so sa gitna siya ng dalawang kotse. so naagaw ko sa kanya yung food, binalik ko siya sa crate tapos kinulong ko na lang. Yung isa na nasa ilalim ng SUV, kahit anong pag-coax ko, ayaw. sobrang asa gitna siya kaya di ko magapang! so pinanood ko na lang sila.

Gustong gusto ng mga mokong!!! diba sinubo nila? nagpanic ako nun kasi akala ko malulunok!!! eh puro ribs yata soup pack so mega panic ako. ayun, marunong naman sila, rinig na rinig ko pagnguya nila. ang cucute!!! nakakagigil. :D plano ko videohan kaso tinakbuhan nga ako at sa sobrang excitement ko eh naiwan ko pa phone ko. haha. ayun, after, hanap pa nang hanap ng pagkain.

Ngayon naman prob ko eh kung tanggihan ang kibbles! Haha. mukhang super nagustuhan nila. :) So relieved!!! di ko ineexpect ang ganung reaction from them. di ko pa sila nakikitang ganun magreact to anything. well, ang kibbles nga naman di nila maitatakbo, lol!

First raw dinner pa lang pero excited na ko malaman kung may improvements. Will shift them to full raw meals slowly :D starting with chicken muna for 2 weeks :D

---

Nakita ko na fish oil capsule! :) Bumili ako 2 boxes agad coz we have 4 goldens (yung aspin kasi medyo old na and picky eater, aggressive pa). Will start giving tomorrow.

@snix, do you give 1 capsule per day for your lab?

gaano kaya kadami for my puppies? fifigure out ko pa pano nila kakainin! haha

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #182 on: November 10, 2012, 11:16:15 pm »
^wow sis congrats! katuwa ang first experience mo lol.. sana magtuloy tuloy na yan raw feeding mo :)

for fish oil i give him thrice a week.. hindi ko pa nareresearch to pero kasi ng tinanong ko sa vet okay na daw yun kasi hindi naman daw dry yung skin niya at tama lang yung nakukuha niyang vitamins sa fish oil..si sis abu for sure alam yan :)

 kirkland gamit ko kasi marami pinapadala samin..ginugupit ko yung gel capsule tapos hinahalo ko sa food niya ayoko ng pahirapan sa pagpapainom ng fish oil eh ;D ayaw niya kasi ng amoy nito, ayaw niya ng isda period. kaya kelangan ihalo ko sa food.. vco din binibigyan ko siya, yun gustong gusto niya dinidilaan pa yung bowl niya


arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #183 on: November 11, 2012, 12:14:29 am »
 ;D!! congrats!! buti ok first experience hehe! kakatuwa diba kasi sobrang gusto nila yung food! unlike sa kibble parang for the sake of eating lang  :D


abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #184 on: November 11, 2012, 12:21:41 am »
sis arizona, super active ba ang grs? di kasi ako active kaya gusto ko yung mga non-sporting breeds haha! alam ko yung biyas galing sa beef, ito yung buong beef shank/leg, yung hocks naman is from pork. end part/joint sya ng leg, other term is pork knuckle. mas malaki at makapal yung biyas, ang shape nya is bone talaga. sya yung ginagawang bulalo.

maswerte naman ako sa shih tzu ko kasi ang galing nya magchew mapabite size or bigger parts, chew nya mabuti bago lunukin. wala ako problema kahit iwanan ko ng food may sarili syang paraan pano ubusin ng di machochoke. tapos pag malapit na mahulog sa mouth nya, bigla nya igagrab ;D problema ko lang yung hair sa mouth area minsan sumasama hehe

yung mga alaga ko hirap sa pig skin kaya di na ko nagbibigay. pag yun ang binigay ko para silang ngumunguya ng bubble gum, di nila nilulunok nguya lang ng nguya. kaya pag bumibili ako ng pork walang skin, fats lang.

snix, si diego naman never nya nahawakan ang raw meat, ang ikli kasi ng mga biyas hahaha! ako tuloy taga-hawak  ::) pero bat yung maliit magaling kumain ng bone, pango at pandak din naman, sadyang tamad at timawa lang ata talaga ang kuya nya haha!

sis minnie, ayan na lumabas na ang pagka-aso nila haha! ganyan daw talaga mga dogs/wolves, hahanap ng pwesto tapos dun kakain. parang treasure daw kasi sa kanila ang food (from hunting)kaya ninanamnam at tinatago para di makuha ng iba ;D ganyan si abu noon, inis na inis ako kasi lumalagkit buong bahay kung san san kasi kumakain. pwede naman daw sila matrain kumain sa isang area, lagyan na lang ng mats para di lumagkit ang floor.
 
kung kasyang kasya sa mouth nila, kailangan bigger part yung makuha nila para di basta lunukin. alam ko ang magnolia mahaba yung chicken backs/soup pack. buong likod sya ng chicken, yung sa bonus kasi nakacut into halves. kaso mas mahal ang magnolia around 90 pesos, sa bonus kasi nasa 70-80 lang.

yung fish oil sis usual dose for a healthy dog is 100mg per 10lbs, you can double the dose kung kailangan like dry skin and other skin/coat problems, joint problems, inflammation, etc. yung dosage nya is based from the combined EPA and DHA, kahit kasi 900-1000mg ang isang cap, 300mg lang ang EPA&DHA nya, check nyo ang label. May mga brands na mas mataas around 400-600mg, NOW yung brand na nakita ko sa watsons. While yung ATC 300mg naman. Yung shih tzu ko 1-2capsules per day, yung bulldog 2-3 per day. wala naman daw overdose sa fish oil, mas maganda nga daw kung mas marami ibigay than kulang. ang side effect lang nya is loose stools, paisa-isa na lang muna pagbigay until masanay.

ang sarap nila kumain ng raw meat ano, lumalagutok yung buto. minsan natatakam ako kasi feel na feel mo na sarap na sarap sila ;D

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #185 on: November 11, 2012, 08:42:42 am »
Thanks mga sis! Yung older dogs muna binigyan ko 1 capsule each. Siguro i-once a day ko muna, since sila talaga yung may skin problem (yung isa from hypothyroidism naglagas buhok, yung isa maganda naman na skin nya pero wala na yung fur/feathering??? nya under). Research ko pa how much to give the puppies based on mga insights niyo + Google search results. :D Nakakatuwa both dogs ko, nung binigyan ko same reaction. Niluwa then kinain na ulit. Mukhang enjoy naman sila sa capsule. haha.

Hay, nakakatuwa talaga, ngayon ko lang sila nakita na parang aso talaga (lol). nung kinuha nila, tipong natataranta kung saan pupunta at magtatago! yung parang kapag may binigay kang sobrang gusto nila. :) nakakakiliti ng puso. haha!

mas mura pa pala sa bonus, check ko next trip ko for them. :) yung binigay ko feel ko sakto lang kasi nginuya din muna nila. :D mukhang enjoy na enjoy sila, kasi after maubos di mapakali, naghahanap pa at binalik-balikan pa yung pwesto sa ilalim ng kotse... next time sa crate na lang sila kakain...

bumili pa nga ako ng lalagyan para di gagalawin ng mga tao sa bahay. hahahaha. in short, ang dami ko na naman ginastos for them! haha pero okay lang :D

yung ACV pala out of stock daw sa healthy options. :( siguro isa isa na lang din muna pag introduce ng iba't ibang supplements/food :)

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #186 on: November 11, 2012, 11:15:37 am »
sakin sa isang lugar lang siya kumakain talaga siguro nakasanayan..kaya lang minsan iiwan niya para magalakad lakad sa garahe, tapos yung buto kunyari kukunin ko na sasabihin ko "kukunin ko na yung buto mo!" sabay takbo tas kunyari dadamputi mabilis pa sa alas kwatro na babalik at kukunin niya agad haha pero pag nakuha ko hindi naman niya inaabot sakin inaantay niya ulit ibaba ko..

ruwang tuwa ako pag naririnig ko yung lagutok ng buto ang lutong lutong tapos parang gngrind pa nila haha ang saya says

@sis abu-minmate namin yung lab ng bf ko bigyan kita ng puppy gusto mo? pili kita ng kagaya ni titus?;D

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #187 on: November 11, 2012, 07:50:11 pm »
Mga sis help, special mention kay sis arizonakennel :(

Kasi pag tinatry ko kunin sinusubo talaga nila yung kaya nila isubo. I plan to buy whole chicken na para di masubo, tipong mahahawakan ko while they eat. Kasi tinatry ko kunin kanina tapos ayaw talaga bitawan. Ayoko naman pilitin ng todo kasi baka makagat ako kahit di sinasadya (yung tipong mag ssnap sila para kunin yung food). Ganun kasi older dogs namin, though di naman sila galit, nag ssnap lang talaga to get the food.

Ganito din ba dogs nyo pag raw kinakain? :( iniisip ko nga mabuti kung ganito ba sila sa kahit anong bagay. Siguro takot lang talaga ako na makagat... Pero iniisip ko possessive talaga sila dahil mataas value nung meat sa kanila. Gusto ko lang naman iayos food nya kasi nilagay nya sa lapag eh gusto ko sa bowl. May advice ba kayo? :(

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #188 on: November 11, 2012, 08:31:18 pm »
snix, sige! sige! basta ikaw kukunin kong dog walker ha! hahahaha!

si abu natuto na sya kumain sa tabi ko, alam na siguro na ako ang source of food kaya di na sya naghahanap ng spot. si diego naman ang pahirap kasi lagi ako nakatingin dahil baka daliri ko ang lumagutok ;D actually nakagat na nya isang kuko ko before buti at di naman naputol ;D

minnie, yung undercoat nya yung nawala sis? sana magimprove ang coat nila with fish oil. nakuha ko sis yung dosage sa raw feeding group, other sites sabi okay lang kahit higher, pero ang idea is to give more lalo kung may health issue. buti nagustuhan ng mga pups mo, samin si diego lang pumapapak ng fish oil, si abu need ko pa ipitin sa meat para kainin.
here's a helpful link, 20mg/lb. naman yung recommended dosage:
http://www.dog-swim.com/supplements/fishoil/

sis, try mo hayaan sila kumain sa floor or mat, mahirap kasi for them kung sa bowl kakain ng raw, restricted ang kilos di sila mageenjoy hehe. malaking bagay kasi yung chewing sa kanila, it provides mental and physical stimulation, it exercise their mind, jaws at malilinis ang teeth ng todo pag hinayaan natin sila kumain sa way na gusto nila. most raw feeders lalo yung nakaprey model, di na nilalagay sa bowl as in big chunks of meat ibibigay, yung iba during serving lang nilalagay sa bowl kasi may organs tapos hayaan na sila kumain by themselves.

yung mga boys ko keber lang kahit hawak ko meat nila, never naman sila nagalit kahit kunin ko, may gigil factor lang sa meat pero sa kamay ko wala hehe. yung soup pack mo ba is mahaba? try mo hawakan lagi yung food while kumakain sila para lang masanay. ganun ako kay diego, hawak ko yung meat while kumakain sya hanggang matapos.

hayaan mo sis pag tagal nyan matututo din sila magself-regulate at itolerate ang presence mo (sana nga haha) masyado lang siguro naexcite kasi first time hihi

arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #189 on: November 12, 2012, 12:45:48 am »
@abuanddiego active sobra ang golden retrievers pero kasi pwedeng pafetch fetch lang exercise enough na sa kanila e. Di ko rin kasi sila nalalakad kasi hindi masyado safe sa labas ng bahay chka may mga askal din kaya dilikado na baka mag-away. Pero pag nagfefetch pagod na pagod na rin sila doon as todo hingal na!  ;D mas hingal pa pag nilakad and baka ako pa unang mapagod kapag nilakad hahaha!

Parang ang sarap ibigay nung biyas! hehe! Yung hocks kasi ayaw ng goldens ko e.. Di ko lang alam bakit.. Pero skin on kasi din yun.

Fats din alam ko nakakatulong din sa dry skin  :)

@minnie99 Hmm paanong tinatry isubo? Sa akin kasi, unless whole chicken, nilalagay ko pa rin sa bowl nila kahit na kukunin lang rin nila sa bowl pero sa floor lang rin kakainin haha. Sa loob kasi sila ng cage kumakain e and hindi rin nila "hinahawakan". Kagaya ng sabi ni @abuanddiego, hindi talaga nila kakainin sa bowl. Sa lapag talaga nila kakainin. So i guess kailangan mo lang talaga sila ipasanay sa isang spot kung saan dun lang sila kakain. And yun nga, messy kapag kung saan saan nilalapag yung meat heheh.  :)

Besides, baka super excited lang rin sila sa first real food na nakain nila  ;D chka 1 golden ko "snapper" din sa food kapag sobrang gutom or sobrang gusto nya like liver, tapos yung 1 ko naman, chill lang sobrang gentle, siya pa yung male  ;D

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #190 on: November 12, 2012, 01:58:09 am »
^gusto ko talaga ng big dogs, kahit nung bata pa kami marami kaming large breeds kaso nung nagkaedad nako naisip ko mahirap ang maintenance haha! sa ngayon kasi ang exercise lang na mabibigay ko is akyat baba ng stairs, lakad-lakad sa garden, doing tricks, onting fetch. ganito lang kami lagi, wala kami nung everyday walks kasi di rin safe ang paligid at dami rin askals. ang iniisip ko pa yung pagbark nila, diba ang laki ng boses pag big dogs, baka pag di ko naubos ang energy ay magingay, ayaw ko pa naman ng palatahol na aso unless may bisita hahaha! di bale, dadating din siguro ang right time para magkaron ulit ako, research muna ako mabuti, pero ang napupusuan ko ay mga gentle giants ;D

bakit ayaw nila ng hocks sis? as in deadma? masarap nga ibigay yung big bones kasi nakakatuwa sila panoorin. talagang magiisip sila ng paraan pano nila mangangatngat ;D tapos pabor din satin kasi form of exercise na rin sa kanila, pag tamad tayo batuhan lang ng biyas okay na haha!

yung fats din pala maganda nga daw for dry skin. sa mga nabasa ko, kung medyo nagdydry ang skin and coat nila sa raw, magadd daw ng fats. Safe naman daw ang fats as long raw, basta gradual lang pagintroduce. Icombo mo yung fish oil and fats, ewan ko na lang kung di pa sila masilaw sa coat ng mga alaga natin hahaha!

Naisip ko baka pwede icorner ni sis minnie mga pups nya, gawin nyang harang yung body nya, make an invisible line tapos hanggang dun lang sila until masanay. Kung tumakas kunin ang meat then balik sa spot. mabait naman ang grs, kaya nyo yan sis! as long as kilala mo naman ang dog from head to toe at sa atin lumaki, no need to worry about bites. my dogs pag kinakagat ako, kinakagat ko rin joke! haha! pinapalo ko mouth nila plus matching sigaw/tampo pag nasaktan ako ;D

si diego nagsnasnap din sya pag super gutom, well parati naman syang gutom haha! pero pag more than 24hrs na syang di kumakain, para syang si tazmanian devil ;D nadudulas pa yun sa floor namin kasi super hyper. tapos iinisin ko sya, sasabihin ko "malamig pa, mamaya ka na kumain" pero pag tumahol na sya non-stop, nagigive-in nako kasi ang ingay, malat pa naman sya tumahol kaya nakakaawa hehe. ayun frozen to semi frozen tuloy meal nya hehe pero keber, lamon pa rin.

nagbibigay rin ba kayo ng blood? kasi lately pansin ko madaming blood yung containers pag nathaw ang organs. kahit noon gusto ni diego ang blood kaya pinapalick ko sa kanya after maubos yung food, walang sayang sa kanya simot kung simot ;D

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #191 on: November 12, 2012, 08:24:22 am »
Thanks mga sis. Di ko kasi siya malagay sa isang crate (medyo sa ibang area kasi siya) dahil sabay ko pinapakain. Sobrang ingay kasi pag alam nilang dinner na tapos di mo pa papapakainin. Huhu. Siguro bilhan ko na lang mat, tinatali ko kasi siya para di na tumakbo.

Regarding naman sa biting... Ayan! nakagat ako kanina dahil kumuha ng medyas sa labahan tapos kinukuha ko! Haha. siguro ganun nga lang talaga, mas madiin lang bite nila if ever sa chicken dahil mas malaki and less soft than socks. Remember nung first day tinakbuhan ako? Nakuha ko kasi yung chicken ni Boo, pero yun eh mas may bond kami. Ang prob ko si Bon kasi di pa siya masyado close sa tao (mas close siya sa kay Boo) so di ko pa gamay gagawin nya. Pero sa totoo lang, mas soft ang bite ni Bon... Kaya try ko maya di ko bibitawan yung chicken. :D Wish me luck... tsaka nakakainis din pala sister ko kasi siya yung natatakot na kagatin ako eh hindi encouraging yung sinasabi niya kaya tinigilan ko na kunin yung food ni Bon. :| Bakit ko pa ba siya sinama sa pagpapakain. Lol.

Try ko rin sa may corner na siya ileash para wala siya pwedeng side na takbuhan :) Siguro nga super excited lang talaga sila kapag raw.

Tagal nila ngumuya na naman kagabi, parang panga ko yung sumakit hahaha!

Parang nabasa ko okay naman daw ang blood. Pero parang sa isang article ko lang siya nabasa. Haha. Ako rin di ko na masyado hinuhugasan, as in lalagay ko lang under running water sandali tapos bigay ko na.

Ay naku, nakalimutan ko yung fish oil today :| Sana maalala ko later... nag-walk kasi kami kanina. Grabe, 5:30 ako gumigising when it only takes me 40 minutes to prepare and leave for work (8:00). Winawalk ko sila separately around the block and separate play time din.

BTW, yung (raw meat) poopoo nila is parang na-reduce ng 50% and dryer na. Kung dati 1 cup of kibbles = 1 cup of poopoo (seryoso, ang dami nila poopoo, parang pwede mo isiksik sa 1 cup lol). ngayon halos 1/2 cup lang. Plus, walang amoy! So happy. Kaso ang nakita ko lang na poopoo nila is yung mid-day poopoo. Hindi ko alam kung ganun din itsura nung iba like before dinner dahil umalis ako nung hapon.

Exciting talaga, parang every dinner excited ako. Haha. Meron pang chicken sa bahay pero bibili na ko later. Lol. Kailangan ko na rin mag isip for next next week kapag mag start na kami sa pork. then sunod fish naman. Aaaaahhh! :o

arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #192 on: November 12, 2012, 10:38:32 am »
Ay nko oonga pag dumating na ako tapos hindi pa sila kumakain, tapos nasa labas lang ako ng kulungan nila, grabe parang guguho na yung mundo sa ingay! E sinasanay ko kasi silang mag-sit bago i-open [textspeak!] cage, sigawan kami, ako "SIT! SIT! SIT!" sila naman "ARF! ARF! ARF!"

Actually hnde barkers ang golden kaya ok din hehe! Sobrang loveable breed talaga! @minnie99 will agree hehe!  ;D

Oonga, ang poop malaki rin ang difference. Saka dati nung kibble pa sila, sobrang di ko kaya lumapit sa poop nila kasi SOBRANG BAHO! Ngayon may amoy pero ibang klase yung amoy... Di ko ma-explain parang medyo amoy grass din ata haha! Tapos yun nga sobrang mas konti.

@abuanddiego binibigyan mo pa sila ng multivitamins like pet-tabs? Bumili kasi ako dati sa Amazon ng 2 malaking bottles kasi mas mura tapos sakto may uuwi from US na relative namin, ngayon meron pa akong 1 bottle. Pero lagi ko na nakakalimutan ibigay. Pero di ko nga alam if naubos yun, kailangan pa ba magbigay.. Kasi nutrients nila from raw na kinakain naman na.  :)

Yung fish oil naman, bumili din kasi ako from Amazon yung Grizzly's Salmon Oil. Di ko lang sure which one mas effective. Ito kasi lagi ko rin nkakalimutan ibigay hehe. Kasi pump sya na oil na mismo lalabas. Di ko alam saan ko ilalagay, magiging marinate sya ng meat lalabas haha!

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #193 on: November 12, 2012, 01:07:26 pm »
Lol!!! Hahaha oo nga pag "SIT!!!" sasagot ng "ARF!!!" pag sobrang gutom na.

Yes super lovable sila!!! Super sweet ng goldens ko. Yung isa eh inaartehan ko na kunwari iiyak ako tapos tatakbo siya at top speed sakin at innudge ako at sisigawan at makikipaglaro. Minsan naman uupo lang yan sa tabi ko magpapahawak. :D Pero tama, dapat may time ka for exercise kapag large breeds. Ako start na kami ng morning walks, sana ma-maintain na everyday. Biruin mo both puppies iwwalk ko around the block, one at a time. Pano kaya kung malaki na sila?  :P Slowly itransition ko sila to offleash sa UP. Di ko pa mahanap yung tamang oras lol. Ayoko kasi mag iwan ng isa, tsaka ako lang din magddrive, kailangan sure ako na behave sila sa car...

Pero yung boys ko barkers!!! (hindi sa jeep ha? lol) siguro ayaw lang masyado nawawalay sa mga tao. yung 2 older goldens ko maingay lang pag kakain na, pag nilabas na yung food, ayan na sisigawan ka na. malaki-laki nga boses nila, takot mga bisita namin sa kanila. lol.

Yuck talaga sa kibble-poop. Kaya nung dati, binabantayan ko sila para walis agad kasi baka kumapit amoy sa towel na nakasampay. Lol. Tapos lalapitan ko pa lang naaamoy ko na! Ew! Haha di ko naman masyado nasense kung may amoy pag raw-poop (pangit pakinggan haha). Try ko observe lol! amuyin ko. joke haha!

saya nito, every night I'm looking forward to going home... maya daan ako savemore para bumili chicken breasts... magkano kaya Bonus? :| Ano pa maisasuggest niyo? Kailangan ko pigilan sarili ko na bumili ng masyado marami kasi ang dami pa naming ice cream (kailangan ko muna ubusin lol).

arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #194 on: November 12, 2012, 01:51:16 pm »
Oo sobrang lambing! And tama ka nga sa magpapahawak lang! Parang living the life sila, sila yung master ikaw yung slave na hawak lang ng hawak sa kanila haha! Pero any breed naman siguro sobrang hindi maresist ang hinahawakan!  :)

Pwede bang mag off leash sa UP? Sa high street kasi kailangan naka-leash palagi diba? Gusto ko rin matry pmunta sa UP pero saan kaya sa UP yung main area na pwede yung aso? Sobrang hnde ko kabisado doon.. Pero sa ibang thread na ata ito hehe.

Yes! Ang saya saya ng raw feeding!  ;D Sa bonus ata parang P117/kg. Pero meron kaming nakukuhaang P95/kg.

Tinry ko magbigay ng pig ears, ayaw nila  :(

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #195 on: November 12, 2012, 05:24:36 pm »
minnie, naku sis ganyan din mga tyahin ko takot na takot pag nagpapakain ako. pero sanayan lang talaga para di makagat ;D tsaka as time goes on, malalaman mo rin yung eating techniques nila, may iba gumagamit ng paws, yung iba mouth lang, yung iba nakatayo lang while yung iba umuupo. baby pa ang mga boys mo sis, you still have a long way to go. sa umpisa lang naman mahirap pero once masanay, kahit nakapikit pwede mo na sila pakainin hihi

ang alam ko the more na nagchechew sila, the more energy ang irerelease, bawas kahyperan. tsaka mas okay yan than gulpers, naku once makakuha kayo ng gulper tapos may suka-suka effect pa, i swear isusumpa nyo haha!

yung chicken breast sa bonus, nakikita ko around 130-140, pag magnolia and bounty fresh mas mahal ng onti. saang grocery yung binibilhan mo sis arizona bat ang mura haha! minsan may quarters or tinola,adobo cuts ang bonus 100/kilo lang ata feeling ko eto yung mga whole chickens na di nabibili. you can also buy liver, hearts and gizzards kahit 1/4 lang muna. pero kung gusto mo makatipid, whole chickens bilin mo, may mga spring chicken din sila, 2in1 na for only 100, tig-isa na sila dun. sakto yun kasi maliit lang.

sis arizona, tama kayo about the poop, kung sa kibbles super baho at tipak-tipak haha! sa raw tolerable ang amoy unless sabog haha tapos parang nag-aabang ka pa kung may ilalabas pero wala na eh hanggang dun na lang kaya nila haha! tsaka kahit bones kayang kaya, walang trace sa poop ang galing talaga!

si diego fish oil lang, super takaw kasi nya no need for vitamins hehe si abu naman raffavit and fish oil kasi mahina sya kumain ever since.

yung grizzly salmon oil gusto ba nila? di kasi kami pwede nung pump-type dahil ayaw ni abu ng fish oil, so by capsules ang binibili ko. may pinadala din samin from US 200pcs kaso may alpha tocopherols, at feeling ko di gaano effcetive sa kanila, kahit sakin may side effect, kukumulo tyan ko hehe.

sa Dog walkers thread sis nabanggit ni sis minnie experience nila sa UP, baka pwede tayo magmeet doon hehe.

sige magsabi pa kayo abouts grs, naeengganyo ako! malay natin maisipan nyo magbigay ng pups, mabiyayaan pa ako hahahaha!

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #196 on: November 12, 2012, 09:14:32 pm »
^^sis arizona may isang field dun na nag ooffleash kami dati, pero ngayon di na ko kasali sa group (sa QC Circle na yata sila) dahil medyo di ko ka-age group :( Malaki kasi and medyo "sunken" yung field (hindi sa sunken ha, lol) kaya wala masyado tao. Ito yung field right after ng checkpoint :) (oops OT, can't resist sagutin lol)

oo nga bakit ang mura?? san yan? lol!

Bet ko yung spring chicken sis abu, sa Bonus din ba to? sana makadaan ako tom. kanina kasi nagmamadali ako umuwi eh Monterey madadaanan ko (pag Savemore kasi traffic banda dun tapos hirap pa magpark at lumabas ng parking) kaya Magnolia nabili ko. :D breast hanggang pwet=di ko alam tawag lol! nag sorry pa ko kay ate kasi sabi ko wala akong alam sa cuts. sabi niya "pano iccut maam?" sabi ko "wag na!" tapos parang inulit pa nya, para bang gusto kong tanungin kung sure ako lol. tapos pag uwi ko pina-cut ko na lang sa kasambahay tapos sabi dapat daw sinabi ko pang prito pero malaki. Lol. nasa 600+ grams nakuha ko, 80 pesos. :| pag uwi ko sobrang proud pa ko pinakita ko sa kasambahay namin sabi niya "mamumulubi ka dyan!" tapos sabi ng mommy ko "wow... breast pa!"

feel ko nga namumulubi na ko, haha!

at ayan triny ko na yung hawak while eating pero medyo fail, kasi ang una ko binigay yung breast. eh super dulas. actually di naman siya nagagalit, medyo possessive lang talaga siya kaya sabik na sabik siya, nakakagat nya ko. tapos dumudulas din kasi yung chicken kaya binitawan/nabitawan ko na. :( sunod kay Boo ko itry (siya yung nasa crate kaya hinahayaan ko, si Bon kasi naka leash naman pag pinakain).

ang cute nila panoorin mag chew ng mabuto kasi nililipat lipat nila ng side ng jaw... minsan nakatayo sila, minsan nakadapa kumain. pero mas madalas nakatayo (lalo si Bon kasi tinatakasan ako lol). ibang iba sa inimagine ko kung paano kumain wolves (iniisip ko kasi ittear yung muscles nung prey and yung skin... haha pang big prey lang pala yun)... tapos yung mga binigay ko pa may organ yata na kasama. kidney ba yun mga sis? yung kasama kapag soup pack binili?

oh no, naalala ko, si Boo nawawala yung isang ngipin :( akala ko pa naman last time permanent na yun. pero 4 months di pa permanent no? eto yung nasa bandang likod na na ngipin... tapos talagang parang wala pang kapalit kasi lubog tapos wala ako makitang ngipin. :( nagworry tuloy ako. medyo nagdudugo siya after kumain... last pa naman niya kinain yung bony parts, inuna nya breast. :( naaawa ako pero parang wala namang effect sa kanya kasi minsan ayaw lang nya talaga pahawakan teeth nya.

katuwa pala, parang inggit na inggit yung older dogs ko. :| after kumain nung mga bulilit susugod sila para tingnan kung may natira, which never naman nila ginawa kapag kibbles. :| kung kaya lang talaga ng budget ko, lahat sila irraw ko :(

sis arizona, ayan pag-usapan na natin ang goldens ;) ever since talaga yun gusto ko kasi parang super happy nila. :) nakakayamot lang minsan mga tao na OA maka-react kesyo kakagatin daw sila ng aso ko... eh di kaya ganun goldens  >:( anyway, excited na ko makita ang effect sa kanila :( so far poop effects pa lang... haha. kailan ko kaya makikita yung improvement? sana meron pa rin kahit dinner lang nila ang raw! :(

sis abu, napanood mo ba yung "Up"? kasi yung golden dun feel ko epitome ng golden retrievers. hahaha!

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #197 on: November 13, 2012, 10:12:01 am »
^sis kahit yung lab ko takot mga tao sa kanya..parang red sea na nahahati sa dalawang side pag dumadaan kami..naiinis ako dun sa mga oa kung makareact may umiyak pa na bata hindi naman namin nilalapitan..naintindihan ko rin naman sila kasi hindi nila alam yung breed..hindi nila alam na friendly baby ko. :)

meron kami mga chicken sa bahay..namalengke mama ko ttry ko ulit ipakain sa kanya ng raw..nakakatawa lang minsan kasi pag hindi niya inuubos yung buto itinatabi niya sa pagtulog o kaya binabaon niya..minsan parang dede na subo aubo niya yung kalahati tapos matutulog.. ;D pag kinukuha ko tinatago niya..may time din na binabaon niya dun sa mga halaman ng nanay ko haha!

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #198 on: November 13, 2012, 11:30:00 am »
diba?? naiintindihan ko rin kapag nasa street ako... pero yung nasa vet clinic kami tapos chihuahua aso nya... siguro takot siya kainin ng mga puppy ko yung aso nya, pero hello, mas matatakot ako sa chihuahua nya lol. tapos kung hilahin yung anak nya kala mo naman sinusundan ng mga aso ko. :|

haha, ganun talaga ang dogs sa wild diba? cute naman! di ko pa nakitang magtago ng toy or food itong mga to maliban sa socks nung driver namin... kumaripas ng takbo papunta sa ilalim ng kotse! hahaha.

go sis try mo! :D try mo sa breakfast para medyo matagal yung last meal kaya? :)

arizonakennel

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #199 on: November 13, 2012, 03:07:57 pm »
Yung whole chicken yun ah yung P95/kg. Yung spring chickens naman, lumalabas how much yung per kg?? Parang hnde ko sya nakikita kapag tumitingin ako sa Save more..

Hmm gsto naman kasi nakapatong lang sa meat [textspeak!] oil. Nabasa ko kasi sa iba nagbibigay din sila ng egg everyday ata. If ever mag-egg ako, doon ko na lang ihahalo yung oil pero kailangan ko ng icrack yung shell.


Mas mura if whole chicken na ang bilhin e..

May maltese nga ako e, mas matapang pa kaysa sa goldens haha! Susugod tlg sa stranger kapag di niya kilala.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close