pasali po..
flashback muna..
2005 - 125lbs ako..
Jan 2006 - december 2007
- i got depressed kasi nagbreak kami nung bf ko.. kaya nagtry ako magpapayat, crash diets, tapos slimming pills, ballerina, zhen de shou, modelling, bangkok pills achuchuchu achuchuchu..
kaya parang naging yoyo yung weight ko, pinakapayat ko nun, 105lbs.. pero muka akong may sakit.. tapos nagstop ako kasi parang di na umeepekto saken yung gamot..
right after my college graduation - i weighed 125lbs.. parang joketime lang kasi bumalik sa dati nung tinigilan ko mga gamot.. so bumalik ako sa same old habit ko na kumain at matulog, net, movies, etc.. since wala ako balak magtrabaho non kasi magaral ulit ako for second course ko..
so ayun.. nursing, toxic sa duty, wala sa oras ang kain, magulo oras ng tulog.. for most people experiencing stress, naglolose sila ng weight pero hindi ko nun alam kung bakit tumataba ako.. nagulat pati yung mga friends ko sa unang course kasi sobrang taba ko na, i even confessed na umabot sa point na nagtatastas ako ng uniform, para lumuwag ng konti yung damit ko.. nagstop yung menstruation ko, for more than 5mons, so nagpanic ako.. i went to see my OB, and found out na may PCOS ako.. weight check: 175lbs as of July 2010..
my OB then prescribed metformin for my PCOS 3x a day which help me lost 10lbs.. weight check: 160lbs (oct, 2010)
from hindi ako nagattempt na mag lose ng weight from october up to july 2011 dahil sa boards, i need nutrients for my neurons.. at sobrang hirap magdiet kasi nasa dorm ako, walang kamatayang fast food, plus sobrang tamad ako na ultimo from pedro gil to u.n avenue tinataxi ko.. so define sedentary lifestyle talaga..
nung natapos ang lahat, balik na ko dito sa bahay, at lumobo na naman ako balik 175lbs ulit.. tapos bigla akong inatake ng food allergies ko nung july 16, 2011.. bawal chicken, bawal seafoods, fish, nuts, kahit anong may toyo.. so basically, ang pwede ko lang kainin eh tinapay na walang palaman, kanin, sinigang at nilagang baboy at baka.. kaya naisip ko na samantalahin ko yung allergies ko.. tanghali na ko gumising, kaya lunch na naaabutan ko, regular meal.. kanin + sinigang na baboy.. then sa dinner.. oatmeal lang kinakain ko..
update:
age: 23
height: 5'3
weight: 158lbs (as of august 10, 2011)
eh hindi ako kuntento.. my target weight is 125lbs.. kaya sa monday, magstart ako mag master cleanse.. hindi ko na din kasi matagalan yung kakulitan ng dad ko, ayaw niyang tumigil sa kakaasar saken na ang taba taba ko na.. sobrang bumaba self esteem ko.. nakakalunod kasi minsan pag nanggaling sa magulang mo.. wooh, sana makayanan ko..
(sorry sa mahabang post, hehe)