I got married last year. Before the marriage, nahuli ko yung boyfriend ko na may ka-fling. He had an affair with his officemate who was also in a relationship. After ko sila mahuli, he decided to end our relationship. So mas pinili niya yung girl and we took a break for almost a year.

Nag-usap pa rin kami kahit nung time na break na kami and then one time nagkita kami ulit. Wala na sila nung girl noon. We talked and he said sorry for what he did. Sabi niya nung time na nawala ako sa kanya, he realized that I was really the one he wanted to be with. After a few months, he proposed to me.

Nung naging kami ulit, nakita ko naman sa kanya na nagbago talaga siya. Hindi na naging issue ulit sa amin yung pambabae niya so akala ko okay na lahat–kaya magpapakasal kami.

A few months after we got married, merong girl na tumatawag sa kanya. Kinabahan ako so tinanong ko siya kung sino yun. Umamin siya na naging ka-fling niya yun. This happened few months na lang before our wedding.

He said na kaya daw niya ginawa yun para makasiguro siya sa decision niya na magpakasal at natatakot siya na hindi na niya magagawa yun (pambabae) kapag kasal na kami. 

Aware yung babae na ikakasal na siya sadyang malandi lang din talaga kaya pumatol pa rin.

I was so devastated nung nalaman ko ito kasi feeling ko niloko ako. Kung nalaman ko yun kahit hours na lang before ng wedding, hindi na ako magpapakasal eh alam naman natin na mahirap ang annulment dito sa Pilipinas

Sabi niya wala lang daw sa kanya yun and part lang ng wedding jitters. 

Pero sobrang sakit eh. Hindi ko magawang kalimutan yung nangyari. Nakikita ko naman sa kanya yung effort na makuha ulit yung trust ko pero tuwing nakikita ko siya naalala ko yung sakit. Wala na akong peace of mind. 

Ayaw naman niya makipaghiwalay lalo na dati pa naman daw yung nangyari matagal na daw tapos mula nung nagpakasal kami, wala na siyang ginagawa masama. 

I'm willing to trust him again kahit na sobrang hirap. Pero pano ko ba makakalimutan yung ginawa niya pangloloko sa akin? Actually, yun ang problema ko ngayon eh minsan nagiging historical na ako sa kanya, nag end up tuloy na mag aaway kami.

Bakit parang sa kabila ng lahat ng ginawa sa akin, eh parang ako pa yung problemado ngayon. Gusto ko lang naman maging masaya, yun ko masabi ko na
happily married ako.  

As posted on GIRLTalk

Got a story to tell? Send us an email at webmaster@femalenetwork.com with the subject My Story on Female Network and we might just feature it!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

*Minor edits have been made by the Femalenetwork.com editors 

 

PHOTO: Pixabay

Get the latest updates from Female Network
Subscribe to our Newsletter!
Comments

Latest Stories

Serena Williams Weds Reddit Co-Founder in Magical Ball-Themed Wedding

The couple's two-month-old daughter was brought down the aisle in the arms of Serena's mother.

How Much Does it Cost to Review for the Bar Exams in the Philippines?

The fees vary but are roughly equivalent to new college graduates' average starting monthly salary.
Load More Stories