Author Topic: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?  (Read 88413 times)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #100 on: February 23, 2015, 03:11:00 pm »
^ hala nakakaloka yun sis.Pero it should be painful pag una lalo na at kiddo ka. Ang tanung sis ilang taon ba yung kapitbahay mo nun?Baka naman wala talagang ngyaring penetration.

Regarding naman dun sa hindi nakakapag react, feeling ko dahil tayong girls ayaw ng  eskandalo kasi parang nkakahiya?then takot na din sa physical harm kaya siguro yung iba nananahimik na lang. Pero sakin pag may tingin ng tingin at alam ko na hindi maganda iniisip tinititigan ko ng masama pinapakita kong kaya ko mambasag ng mukha pag inagrabyado ako haha.
« Last Edit: February 24, 2015, 11:06:36 am by Ma.Jewel_1987 »

sweet.hann

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #101 on: February 23, 2015, 04:51:07 pm »
hahaha! yun nga sis jewel.. mga bata pa kasi kami nung time na yun.. same age at or a year older.. siguro nga ganun.. wala talagang penetration na naganap..

siguro nga ganun.. kasi ako nung huling encounter.. nasa parlor ako.. pinapakiramdaman ko lang kasi yung staff na yun.. pero nung huli, hindi ko lang naramdaman kasi nakita ko talaga sa salamin na sinasadya nyang tamaan yung breast ko.. hindi na talaga ko babalik dun..

mebpa

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #102 on: February 27, 2015, 12:48:11 pm »
mine was so long ago, he was trying to rub his elbow with my side boobs. i was about to get off the tricycle naman na, so deadma. when i got off, sinampal ko. impossible na the way i dress, coz i was wearing my school uniform then, not the "mini-skirt" uniform now. so now, if i have to use public transpo naka shield na yun side boobs ko ng arms ko or ng bag and pag may nakakasalubong ako i try to twist my body so yun shoulder or back ko nadidikit sa other people. madami manyak.

honeybunny

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #103 on: February 27, 2015, 02:01:01 pm »
^ano ginawa nung guy sis after mo sampalin?

Ako naman nasa jeep ako nun. Siksikan as usual. Then yung jacket nung katabi ko halos natatakpan na left arm ko including left breast. Then parang i notice yung kamay nya andun sa ilalim ng jacket. Hinarang ko braso ko para maalis jacket. Kaso too late na yata at namanyak na ako. Anyway naka uniform ako nun college so hindi naman ako mukhang mahalay.

fantabulous

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #104 on: February 27, 2015, 02:07:27 pm »
Hi Yula! I felt I had to comment on this post to tell you that it was a very brave thing you did and that it should be commended. For those who had experienced something like that, you would know how the situation makes a coward out of you, that though you are so angry inside but you can't seem to react in protection of yourself kasi nakakahiya.

Remember that this act is NEVER about you as a person, not about the way you look, or the way you dress. So if there is something inside you that blames yourself, which I also did those times I was at the receiving end of such pambabastos and I thought I was so stupid to stay quiet, stop.

It is always about the other person who gets a kick out of such lascivious actions. And the best way to stop them is exactly the way you did: you stood up for yourself, even if you were scared, and you showed him that his behavior was unacceptable. Unfortunately in the Philippines, we don't have yet a law against lewd acts made by strangers in public places. So the burden of protection for women, who are often the victims of lascivious or lewd acts by men, remains with us women. So you were right to speak up.

sweet.hann

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #105 on: February 27, 2015, 03:36:14 pm »
that's it! yun yung dapat gawin.. STAND UP.. stand up for what is right..

misslovelyjoy

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #106 on: March 09, 2015, 10:01:48 am »
Happened just earlier. The usual jeepney scenario. Siksikan sa jeep, punuan, ako ang last passenger na sumakay. Katabi ko sa left side lalaki. Nung una okay naman then bigla naramdaman ko nalang yung braso ng guy sa side boobs ko. Nung una inisip ko baka nasasagi lang kasi yung daan na dinadaanan namin eh rough, so talagang parang nayuyugyog ka. Kaso habang tumatagal napansin ko na din na parang sadya na talaga. Di ako makareact, di ko alam ano irereact ko. After may bumabang mga pasahero dumistance ako sa guy kahit papano. And nung nilabas ko phone ko kasi nga may natanggap akong text, I heard him saying "Miss anong number mo?" Di ko pinansin pero aware ako na tinitignan niya ko. Hindi ko siya tinitignan. Tapos after ilang minutes nagtanong naman kung anong oras na daw. I amswered without looking at him. Good thing na after nun eh bumaba na siya.

mebpa

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #107 on: March 11, 2015, 01:55:39 pm »
^ano ginawa nung guy sis after mo sampalin?


i didn't look back at him and i can't remember na after ko bumaba and pagkasampal. tawid nalang den kase ko nun nasa tapat na ko ng gate ng subdivision. eh sa next subdivision pa yata yun guy, so I guess sumakay ulit dun sa tricycle.

beachpatrol

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #108 on: March 12, 2015, 10:21:53 pm »
Ang dami ko nang naencounter na manyak at exhibitionists. Malas lang dahil lagi akong nabibiktima. Nung college ako unang nakaexperience sa bus. Papasok ako sa school isang umaga tapos yung katabi ko professional na mukhang kagalang-galang, eh hindi pala, exhibitionist pala. Nanigas ako nun pero lumipat nalang ako ng upuan sa bus  :o

Pinaka-awkward eh hinawakan ng taong grasa ang behind ko!!! Kaloka, di ko alam kung anong gagawin ko eh baka saktan niya ko or what. Di ko nalang pinansin.  :-[

Yung latest naman naglalakad lang ako sa mall tapos may dumaan na mga lalake, sinabihan daw ako ng "ang laki naman ng **** nun, sarap himasin!" Narinig ng friend ko na nasa likuran ko. Di ko narinig though. Naka shirt at jeans lang ako nun ah.

Twice palang ako lumaban eh, sinigawan ko at pinababa ko sa bus yung isa. Yung isa naman nahuli kong may minamanyak na girl sa shuttle. Pagbaba namin sa Ayala sinabihan ko yung girl na minamanyak siya at tinuro at sinigawan ko yung manyak. Ayun, tumakbo siya. Nakakatakot lang dahil nakikita ko parin siya at nakakasabay minsan sa shuttle.

05149S2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #109 on: March 17, 2015, 06:18:58 pm »
Happened to me inside a bus I take at Market! Market! going home. I came from work nun and since pila naman sa terminal and no need mag-unahan, I was able to secure a seat near a window, yung sa three-seater. Since most passengers are coming from the BGC area like me, decent at professional looking ang karamihan.

I was wearing a tank top, a varsity jacket, pants and sneakers that day. I rarely wear those as I always go to work in skirts or dresses except on that particular day when I had to be comfy because of field work. Before coming to work pa nga, my mom joked na I look like a guy kasi nga ang boyish ko tignan :p

Ironically, kung kailan pa ako balot na balot eh dun pa may masamang loob na nagtangkang manghipo. Kapal ng mukha! Hindi mo kasi iisipin na magagawa niya kasi ang professional tignan! May laptop pang dala, naka-glasses at feeling mo talaga sa isang reputable company in BGC nagwowork!

Nakaupo siya sa tabi ko so sa middle seat siya. Sa right side niya, may isang older woman pa na nakaupo. While the bus travels, I am feeling na napaka-intrusive ng elbow niya. Yung tipong ang ayos ng upo ko dito, tas maya-maya siksik na siksik na ako!

Tas ang aggressive ng elbow niya sa chest ko. Push talaga niya kahit na hinaharang ko na yung right arm ko sa kanya to block it. Pinipilit niya idikit sa chest ko. Imagine guys, yung upo ko na maayos eh nangalahati at kulang na lang idikit ko buong katawan ko sa window kasi ganun niya ako pinupush eh. Physically exhausting yung ordeal kasi aggressive siya and I have to use my strength to block him. Grabe talaga, hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi nahahalata ng ibang passengers :|

Nanghina ako at that time kasi hindi ako makapaniwala na nasa ganung situation ako. Nahihiya akong magsalita kasi baka mali yung iniisip ko pero my instinct tells me na oo, manyak 'to ano pa bang proof ang gusto ko?!

What I felt at that time: Shock, hiya, disbelief, hindi alam ang gagawin, speechless.

Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ako nakapagsalita. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko murahin. Gusto ko mag-iskandalo kaso tulad ng iba dito, hindi ko ito nagawa sa sobrang gulat.

Tulala ako pagbaba ko ng bus hanggang makasakay ng jeep pauwi. Told myself, ganito siguro pakiramdam ng mga rape victims na hindi makaimik :|

When I told the story to my officemates, wala lang, natawa lang sila. Nag-joke pa na baka gwapo kasi yung guy kaya hindi ako nagsalita. I felt humiliated and sexually harassed at ganun lang ang reaction nila. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi niyo alam yung feeling kapag nasa ganung situation na kayo kaya don't take it lightly pero futile naman sabihan eh. :|

To all the girls who stood up to these "animals", salamat in behalf of us who didn't. :(

kinkytinch

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #110 on: March 17, 2015, 06:31:45 pm »
^im sorry sis sa nangyari sayo. :( If there's anything good that comes out of it, it will make you more aware sa paligid mo and hopefully mas malakas ang loob to call them out in case that happens again (hopefully hindi na though)..

Girltalker2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #111 on: March 17, 2015, 11:34:35 pm »

mga arabs yan kahit lalake nirerape.

if you're gonna wear sobrang ikli maatract mo talaga mga maniacs so both are at fault.

So can you say na kung na rape ka ng using Arab, kasalanan mo rin simply because you want to look good (clean cut/shave) and smell good (naliligo araw araw)?

In the same way, kung sa pinas, minanyak ka ng ibang bakla kasi naka porma ka, is it your fault?


05149S2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #112 on: March 18, 2015, 09:08:14 pm »
@kinkytinch - Thank you sis. Truly made me cautious whenever I am in public. Kahit na we're not asking for it, men will always have a reason to do it and in the end, fault pa ng babae kung bakit nangyari ito. When I told naman a friend about this, he said, "Baka prospect ka niya." So ako pala ang chosen one at dahil ako, kailangan sa akin gawin dahil hayok na siya?!  Hahahahaha.

Maling mali.

Girltalker2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #113 on: March 19, 2015, 01:08:45 pm »

Sa awa ng Dyos, I think one time lang ito nangyari sakin, at verbal harrassment, luckily walang touch involved. But still yung trauma is really there.

Kaya ayaw ko sa Manila/Pinas, I cannot wear my jewelries, I cannot be a "pretty" me dahil sa mga ganyang tao.  But what kind of life is that - I cannot even dress myself well kung magpublic transport ako.  I make sure simple tshirt lang at maong with rubber shoes and a cap (to cover my face).  No jewelries, no gadgets. :(  Lumang bag na afford mong mawala or patapon. shet. How pathetic.


j.adore

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #114 on: March 19, 2015, 03:41:07 pm »
05149S2, sorry to hear what happened to you. Naharass ka na nga eh wala pang moral support. Buti na lang we have GT!

Girltalker2, same here. Malayo ichura ko pag nagcocommute versus riding a private vehicle. Pag kailangan talaga magcommute tapos may event na puntahan, I just wear something long on top. Goodluck sa init di ba?

Prunella

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #115 on: March 20, 2015, 06:44:00 am »
One guy pinched my behind while shopping.. I kicked him in the shin.

Another one tried to kiss me while I was out clubbing with friends.. I punched him in the forehead. I injured my left hand in the process, but it was worth it.   

heartfortress

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #116 on: March 20, 2015, 09:48:17 am »
^wow sis ang tapang mo naman!

Prunella

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #117 on: March 20, 2015, 11:50:28 am »
^ Sis, luckily, I was in public places when it happened, kaya I was bolder (I guess).

kikaygirl5810

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #118 on: March 20, 2015, 01:24:37 pm »
Nangyari eto sa niece ko.

One day umuwi sha from school (2nd year college) na umiiyak. Then Si kuya ang unang sumalubong sa kanya, kaka baba lang ng bus (tapat lang ng kalsada ang bahay nila dito sa province and iilang bus lang ang dumadaan kaya kilala namin mga bus owner dito).

Bakit ka umiiyak tanong ni kuya... Sumagot yung bata ng HINAWAKAN NG CONDUCTOR ANG SUSU ko..
Nang init si kuya sabay kuha ng motor at hinabul yung bus. (By the way super bagal ng mga bus dito kasi nga super dalang lang sila dumadaan) at nahabul ng. 6 footer si kuya basketball player at dating nag trabaho sa bar bilang bouncer. Kasunod kami na naka saky sa trycycle na kasama pa 3 na mga brusko na mga kuya ko. Bugbog sarado yung kundoctor at dipo pumalag yung mga tao sa bus at driver. According sa driver pinagalitan nya yung conductor nya pero yun lang ang ginawa.

Kulong yung lalaki at pinag bayad pa ng moral damages na tinatawag.

Yung pamangkin ko na trauma. Dinapo sumasakay ng bus at hatid sundo ng van. And napansin namin pag nasa labas kami at may nasasalubong na lalaki na naka tingin sa kanya ay bigla nalang yumayak samin na kasama nya...

nakaka lungkot kasi nabawasan yung pagiging masayahin ng bata.   

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #119 on: March 20, 2015, 04:23:42 pm »
@ sis 05149S2 sorry for what happened to you, nakakainis talaga yang mga ganyang eksena, nakakakulo ng dugo. Naisip ko lang, minsan hindi naman kelangan mag eskandalo, I think effective din yung daanin ang mga ganitong tao sa modulated voice na sya lang makakarinig or yung ibang malalapit but full of tapang na boses, then sabihin mu pag di mu tinigilan yan sasapakin kitang g**o ka, basta murahin yung salarin that way feeling ko matatablan kasi ibig sabihin palaban or matapang ka.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close