Author Topic: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?  (Read 50853 times)

Yula

  • Lurker
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 309
    • RU Affliates
Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« on: December 09, 2014, 10:06:34 am »
Hello mga sis. Hay naku fresh from experience kanina lang. Meron ba sa mga GTalkers dito na nakaranas na ng ganito?ano ginawa niyo?

Maraming beses na actually nangyari sakin eh. At itong araw lang na ito ngaun na ako nakareact talaga at nagkaroon ng tapang mga sis! huhu

Note: Kahit nakadress,working outfit (nakaslacks at blouse), etc. Nababastos ako so nothing is wrong with me naman diba?I mean come on naka slacks na ako dati nabastos parin ako

Experience today:
Antipolo City - Nagkataon kung kelan napili kong magdress.Ang suot ko na dress is black na floral tapos longsleeves. Hindi kita ang cleavage.Pero may kaiksikhan not to the point makikita ang panty naman.At nakashorts ako na black sa loob.

Walang pila kanina sa terminal so naabutan ko punuan.Yung maliit lang na fx na sampuan.Dun ako naupo sa gitnang seat tapos nakadikit ako sa pintuan mismo.Tapos naghintay pa mapuno yung sa likod na apatan naman yung magkakaharap sa kapwa pasahero.

Usually nanunuod ako sa cel ko eh pagbyahe.Tapos kanina nagcheck check lang ako ng Fb tapos nung mga time na naantok na ako pinasok ko na sa bag ko cel ko.Medyo nakakaramdam na ako parang yung tao sa likod ko medyo nabubunggo yung sa puwitan ko.Akala ko baka gamit lang nya or nabubunggo lang ng di sinasadya.Eto nung bandang malapit na sa Meralco Avenue sa Ortigas dun na ako patulog.Naramdam ko iba na yung sa pwet ko tapos lumiyad ako bigla nahuli ko kamay nya nasa ilalim na talaga ng pwet ko! nung una slight lang ginagawa para di mapansin eh.

Sumigaw ako "bastos ka ah!!". Grabe takot at proud ako nun kasi 1st time ko nakareact ng ganun sa manyak sa fx.Dati pa ako nabibiktima ng ganun eh. Tapos napatingin lahat pati driver.Tapos yung katabi kong lalaki katabi gf nya.Tingin ng tingin sa likod parang minumukaan yung lalaki.Buti nalang mga sis nakatyempo ako nun "manyakis na takot".Ayun di nagreact eh guilty.Tinago mukha sa likod ng backpack nya.Aba nakapolo at mukang kagalang galang ang itsura.Hanggang makarating kami ng Robinsons Galleria paulet ulet ko sinasabi "manyak ka! bastos ka!".Tapos tingin ng tingin mga pasahero sa kanya.Sana pinababa na sya nung driver or hinihintay lang ng driver na irequest ko yun.Tapos ayun pagbaba ko sa Rob sakto un din bababaan nung mga katabi ko.Bago ko sila pinadaan.Yung payong ko dinikdik ko na pahampas ko dun sa ulo ng mga 3 times tapos sa arms din nung lalaki sa likod ng seat ng fx.Nakatayo na ako sa labas nun ah.Tapos sumigaw ako "bastos ka!manyak!".Hindi talaga sya nagdedeny at nanglaban.Guilty talaga.Tapos ayun gawa talaga ako commotion.First time.Pero nanghihina braso ko nun baka nga hindi nasaktan.Dun na sya napatingin.Tapos alam ko familiar na mukha nya sa umaga na pila.

Ayun eh mukang di pa bababa si loko.Baka sa megamall yun.


Kayo sis nung nakaexperience kayo?ano nangyari?ano ginawa nyo?
« Last Edit: December 09, 2014, 11:47:13 am by Yula »

Some people can be mean and treat you poorly. Don't take it personally. It says nothing about you but a lot about them


quinone

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 759
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #1 on: December 09, 2014, 11:35:22 am »
hi sis. i'm glad nakapagreact ka, sa ganyang situation talaga matitigilan ka, masha-shock ka at di makakakibo.

dati nasa family outing kami, sa pool nangyari. may kalapit ako sa lefthand side, tapos maya-maya may na feel ako sa legs ko, very light na touch lang so pagtingin ko may lalaking hindi ko kilala, so bigla na lang ako umalis. though nagkatinginan kami nung medyo malayo na ako.

hindi ko siya sinumbong kasi naawa ako sa kanya, baka magulpi siya kasi kasama namin yung mga pinsan kong lalaki.

may naging classmate ako dati na lagi akong hinahawakan sa kamay o sa braso kapag natyempuhan niya ako mag-isa, kaya iwas na iwas ako sa kanya.

sa totoo lang nagugulat ako sa mga babaeng nagko-commute via jeep tapos nagagawang magpalda, lalu na yung maiksi. dami nang manyak na malakas ang loob.

kapag sa mall namamasyal ako mag-isa, minsan may tititig lang sa akin, tititigan ko rin para kabisado ko mukha niya.

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 737
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #2 on: December 09, 2014, 11:49:58 am »
First time kong naganyan e first year college ako. Di ako nakareact like you TS kasi nabigla ako e, ako pa naman yung tipong nasa bahay lang lagi noon and nung college lang ako nagstart magcommute. Di pa marunong maghandle.

Thankfully di pa naman nauulit ano. Basta dapat makakaramdam ka ng maayos. Kasi yang mga ganyan padahan-dahan yan e, pag di ka nagreact tsaka magpoproceed sa kamanyakan. Theory ko lang ito ha, madami kasing lalake may fantasy sila na magugustuhan din ng babae yung mga pangmamanyak na ganun e ala porn.

fredprinz

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 363
  • The guy that saves you from cockroaches that fly.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #3 on: December 09, 2014, 12:43:52 pm »
Here's my story (I'm a guy, by the way).

One thing I like to do is eat pritong dugo/isaw/baga sa kanto namen after work, that's like routine for me.

So here I am eating isaw one evening when I heard a semi-olds guy (probably early 40s) asking two obviously college-looking girls (mukhang freshmen by their looks) their names. Then tinanong niya 'yung school and courses, tapos nakita ko nang iba siya tumingin, alam mong manyakis talaga (ma-L ako, pero hindi naman ganito ka-L). I heard him comment, "Ang gaganda ng mga batang ito, pwedeng ligawan..."

Medyo nag-init ang ulo ko, partly kasi pumuputok yung mantika at tumatama sa kamay ko at dahil sa sinabi nung lalake. Mala-Mang Kanor ang dating kasi eh. 'Yung parang hayok ba? Talagang he checked the girls out mula ulo hanggang paa. Tinitigan ko siya ng masama pero di naman pumalag, but I was ready to give him a piece of my mind that time. I was thinking na kung magulpi man niya ako, basta matanggalan ko lang siya ng ngipen sa kakasuntok ko, OK na ako.

Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero nabastusan lang talaga ako.
Remember the person who told you he can't live without you? Well, look at him now, still alive and s***. =P

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 737
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #4 on: December 09, 2014, 03:08:23 pm »
^Naks naman.

Yun pa pala, meron walang physical touch pero sobrang bastos tumingin. Tapos uupo or tatabi pa malapit sa'yo. Uuggh kakatayo ng balahibo.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #5 on: December 09, 2014, 07:05:28 pm »
ako rin.. naiilang sa mga girls na nakapalda..
eh sa pagsampa pa lang sa jeep.. naka!! alam na kulay..
kaht sa pag upo, di conscious..

budzwhiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1897
  • Baking. Arts. Photography. Travel.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #6 on: December 09, 2014, 07:49:48 pm »
Had encounters when I was still bano sa pagcocommute. First was a taxi driver. Wala akong nagawa non, syempre fear got the best of me, first time ko nangyari sakin yun e. Natakot ako baka kung ano pang mas malala gawin sakin nung driver, baka saksakin pa or ma-rape ako or what. Still sinusumpa ko pa rin yung manyak na yun. Haha. I don't want to get into details, kasi nakaka-pangilabot talaga. My manliligaw back then was so mad at me, bakit daw wala akong ginawa. Well, iba pala kasi yung takot kapag mag-isa ka lang, yung wala kang laban.
My second encounter naman e sa city bus. Jeans and men's shirt suot ko non and parang titibo pa nga porma ko e. Naramdaman ko nalang parang may gumagalaw sa may bandang underarm ko. Pinakiramdaman ko, tapos talagang pinipilit ipasok sa loob yung kamay nya! Ayun napadaan yung konduktor, sabi ko "Kuya pwede bang pababain nyo tong katabi ko kanina pa e, ang bastos!" Or something like that, ayun bumaba sya. Nangingiyak na ko pagkatapos. Pagbaba ko naman and tuwing naaalala ko naisip ko lang sana pinilipit ko yung kamay tapos sinampal ko. Haha!

Pero kung ngayon siguro nangyari sakin yun baka ipapulis ko pa sya. Hahaha. Yung mga pagcommute ko kasi nun patakas lang and mas lagot pa pag nahuli. Kaya mas takot rin siguro ako gumawa ng eksena. ;D Plus I think now I am in control of the aura I give off. Dati parang sobrang bait at inosente. Ngayon siguro muka na kong hindi mauuto. ;D Mas kaya ko nang magsungit, pag may mga lalaking masama ang titig kapital irap lang. Hahaha. Yes it pays to show those guys na wag na nilang subukan dahil kaya mong lumaban kung may gawin man sila. But of course, prevention is still the best option, so if there's a way to avoid such situations, try to.
"Not one drop of my self-worth depends on your acceptance of me."

Accept what life has to offer, and enjoy.

quennna

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1820
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #7 on: December 09, 2014, 08:16:48 pm »
girls, wag na wag sasakay na unahan ng taxi..
sa fx naman best na sa likuran ka nakapwesto
kasikung sa gitna at lalaki katabi mo.. naka..
libreng rub sa skin mo, elbow sa waist mo,
binti mo binti nya..

ako, pag naka sleeveless, i make it sure may dala akong light weight shawl..
so nakabalabal yan sa arms ko para di yan naka dikit sa katabi ko ..

ingat, girls.. daming manyak talaga now..

quinone

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 759
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #8 on: December 09, 2014, 09:46:12 pm »
girls, wag na wag sasakay na unahan ng taxi..

the other day kakakita ko lang ng babae nagtaxi sa harap sumakay. tinanung ko nga hubby ko kung bakit ganun, kasi ako instinct ko talaga sumakay sa likod. maybe its just me, pero ayoko tumabi sa di ko kilala lalu na kung lalake. ganun rin ako sa jeep, sa babae ako tumatabi unless walang choice.

tiggerlily

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1280
  • Whoa!
    • The Lazy Mama
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #9 on: December 09, 2014, 10:12:22 pm »
I must have experienced this a hundred times. Late na kasi ako natutong magdrive so commute lang talaga ako before. I have this petite built pa naman tapos chinita kaya palaging natatarget kahit anong gawin ko.

Nung college, tahimik lang ako. Usually, kapag may ganyan sa tabi ko nilalabasan ko ng ballpen or cutter kapag drawing day namin. Pero may matapang pa rin. Napansin ko na mas takot sila kapag naeeskandalo kaya nung huli talagang ineeskandalo ko sila.

When I started working, mas madami pa. Kaya palagi naman akong may dalang malaking payong. Iwas holdup na rin dahil medyo may takot sila kapag meron kang dalang pwedeng pangself defense.

Pati yang mga bastos na tingin pa lang sinisimangutan ko talaga. Susme, buntis na nga ako e mag-attempt pa ba na mamboso? Aysos... di ko ma-gets ang fetish ng mga taong ito.
« Last Edit: December 09, 2014, 10:26:24 pm by tiggerlily »

TysLolakins

  • one half of Ty's 'PoPs and WoWa' act...
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 867
  • bite me!!!
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #10 on: December 10, 2014, 01:17:03 am »
My  experience is guys flashing me with their 'thing' from a distance in public and in broad daylight.  The first time it happened, I was maybe 12/13 years old,  I was walking and I saw this boy staring at me.  I knew him, he's a year younger and sorta related to me even.  So I just ignored and lowered my head to evade his ogling.  When I looked up, he got his thing out and massaging it!  Gross!  I didn't do anything,  I just looked away, pretending I didn't see it.  But he knew I saw him.  It turned out that this boy has been flashing his female neighbors too! I guess he liked older women.   The second time, I was already an adult and walking on an overpass.  This black dude was on the other side of the street jogging.  Since it's just him and me on opposite sides of the street,  I kept him at the corner of my eye in case he tries to do something.  I noticed he was staring at me, so I looked it him.  Sure enough,  this guy had his thing out of his jogging shorts!  I was like 'again?'!  I looked away and walked faster.
The other way I got subjected to male perversion was being poked.  Then bf and I was at Harrison Plaza walking in the middle of the mall.  There's a lot of foot traffic at that time and you'd get bumped by the people walking the opposite direction.  Anyway,  I noticed this very good looking young couple, holding hands even, walking towards us.  I didn't think of it until I felt this poke in front of my pants!  When this couple passed us,  the guy discreetly poked me!  I was like 'what the hell',  instinctly looked back at him,  and he got this smirk on his face.  I was like, 'why did that guy do that',  the girl with him was 10 times prettier than me.  I was so shocked I wasn't able to react. 
Anyway,  I guess some of us are just prone to being victims of these perverts.  There's nothing we can do  in our capacity to avoid them.  Once the perv zeroes in on us, we're toast. It could happen anyplace, anytime.



aut viam inveniam aut faciam

Samsy

  • Probationary
  • Posts: 9
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #11 on: December 10, 2014, 05:02:40 am »
Wow ang tapang mo at nagreact ka. Kung ako siguro baka matakot ako pero I'm proud of you sister and buti walang nangyaring masama. And wag na wag kang maguilty kung ano man suot mo. Kahit short skirt or nakapang madre ka na, ang manyak manyak! Dito nga sa middle east naka talukbong na ang mga babae may nanghihipo pa at naghihipuan pa.

And sa mga replies sana maavoid natin ang "victim blaming". Please let's not focus our attention on what a woman wears when we're talking about sexual harassment. It's both harmful and unprogressive.
"You’ll be fine. You’re 25. Feeling [unsure] and lost is part of your path. Don’t avoid it. See what those feelings are showing you and use it. Take a breath. You’ll be okay. Even if you don’t feel okay all the time." - Louis CK

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 737
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #12 on: December 10, 2014, 10:31:21 am »
girls, wag na wag sasakay na unahan ng taxi..

Meron naman nagsabi sa'kin mas okay daw sa unahan ng taxi sumakay. Kasi meron mga modus ngayon di ba na may sasakay sa may passenger seat sa likod, so pag dun ka nakapwesto mas alanganin.

I suggest pag sasakay na lang ng taxi, pretend to call a friend and then mention the plate number of the taxi para alam ng driver na pwede siyang mahuli.

anonemus

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
  • RB's happy hubby
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #13 on: December 10, 2014, 11:14:22 am »
I suggest pag sasakay na lang ng taxi, pretend to call a friend and then mention the plate number of the taxi para alam ng driver na pwede siyang mahuli.

..and actually send a relative or a friend the taxi's number!
we fell in love by chance; we stay in love by choice  -- JR

purple.strawberry

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 737
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #14 on: December 10, 2014, 11:27:01 am »
^Good point haha.  ;)

fredprinz

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 363
  • The guy that saves you from cockroaches that fly.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #15 on: December 10, 2014, 11:41:28 am »
OOT: Whenever I ride a cab, I always call a friend of mine who has a position at the military and keep on calling him Colonel (which is his position naman talaga), then tell him the cab's plate number and the time I'll arrive at our "inuman" venue. He gets the idea and welcomes it.

OT: An ex of mine told me that she saw a man inside the jeepney that suddenly got his thing out and started playing with it. Napatalon siya and the other passengers when the jeep halted. A friend of mine also encountered an exhibitionist inside the bus, playing with his too.

Ingat lang, ladies.
Remember the person who told you he can't live without you? Well, look at him now, still alive and s***. =P

sweet.hann

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 75
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #16 on: December 10, 2014, 04:22:41 pm »
its nice to hear na may mga concerned guys pa din sa paligid.. pero wala ang concern kung wala namang ginagawa to address the problem tama? good job.. :)

pero satin as ladies, we really need to take care of ourselves.. the way we dress, the way we speak.. the way we present ourselves infront of other people.. kilala man nila tayo o hindi.. kasi hindi natin kontrolado yung mga iniisip ng ibang tao

Post modified. Please refrain from quoting long posts.
« Last Edit: December 10, 2014, 04:24:59 pm by mama squeak! »

sweet.hann

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 75
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #17 on: December 10, 2014, 04:30:58 pm »
ako rin.. naiilang sa mga girls na nakapalda..
eh sa pagsampa pa lang sa jeep.. naka!! alam na kulay..
kaht sa pag upo, di conscious..

kaya nga dapat careful tayo.. nakakadala tuloy minsan magpa-girl..

kagaya ko.. i never had a boyfriend kaya nasanay akong lumalakad mag-isa kahit saan ako magpunta.. pero i had alot of guy friends.. mas marami pa nga ata yung guys kesa sa girls.. sa pananamit ko, sa kilos ko, naiisip nyo na boyish ako.. pero di ako tomboy ah.. dahil nga lang nasamay ako na mga lalaki laging kasama kaya ganito ako.. eto na rin yung way ko para maprotektahan ang sarili ko since lagi akong mag-isa pumunta sa kung saan-saan..

pero sa manyak na tao, wala talagang boyish or galawagaw.. pag manyak, basta matripan nila, binibiktima.. kaasar yung mga ganung tao... BASTOS!!

blackgreen

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2635
  • STAY if you're HAPPY, LEAVE if you're NOT.
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #18 on: December 10, 2014, 05:04:20 pm »
Dati pagbaba ko sa may kanto habang naglalakad pauwi may lalake lumapit sumabay maglakad sa akin tapos sabay sabi "ang sarap mo siguro k*nt*t*n" as in ganyan pagkakasabi. Sa takot ko naglakad ako mabilis tapos sinasabayan niya din ako lakad tapos paulit ulit niyang sinasabi na "ang sarap mo dilaan" ganyan paulit ulit pagdating dun sa sunod na kanto yun may gasolinahan nung palapit na ako dun sa isang gas boy tsaka lumayo yun lalake.

Grabe takot ko nun. Nung makauwi ako ng bahay nanginginig pa ako. First time ko maka-experience. Di naman bastusin damit ko, naka black dress ako hanggang tuhod. After nun incident na yun, dina ulit ako naglakad dun sa kanto na yun.
Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life - Confucius

oreo08

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 525
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #19 on: December 10, 2014, 06:08:38 pm »
some guy squeezed my bum when I was at a concert na super sikip at tulakan pa talaga. I turned around and slapped ALL the guys I saw that were close to me. Hindi ko naman kasi alam kung sino dun ang gumawa eh uminit ulo ko. Kapal ng mukha eh! I was NBSB back then tapos may mag squeeze ng bum ko?! Excuse me, pero sino ka ba? ::)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close