Happened to me inside a bus I take at Market! Market! going home. I came from work nun and since pila naman sa terminal and no need mag-unahan, I was able to secure a seat near a window, yung sa three-seater. Since most passengers are coming from the BGC area like me, decent at professional looking ang karamihan.
I was wearing a tank top, a varsity jacket, pants and sneakers that day. I rarely wear those as I always go to work in skirts or dresses except on that particular day when I had to be comfy because of field work. Before coming to work pa nga, my mom joked na I look like a guy kasi nga ang boyish ko tignan :p
Ironically, kung kailan pa ako balot na balot eh dun pa may masamang loob na nagtangkang manghipo. Kapal ng mukha! Hindi mo kasi iisipin na magagawa niya kasi ang professional tignan! May laptop pang dala, naka-glasses at feeling mo talaga sa isang reputable company in BGC nagwowork!
Nakaupo siya sa tabi ko so sa middle seat siya. Sa right side niya, may isang older woman pa na nakaupo. While the bus travels, I am feeling na napaka-intrusive ng elbow niya. Yung tipong ang ayos ng upo ko dito, tas maya-maya siksik na siksik na ako!
Tas ang aggressive ng elbow niya sa chest ko. Push talaga niya kahit na hinaharang ko na yung right arm ko sa kanya to block it. Pinipilit niya idikit sa chest ko. Imagine guys, yung upo ko na maayos eh nangalahati at kulang na lang idikit ko buong katawan ko sa window kasi ganun niya ako pinupush eh. Physically exhausting yung ordeal kasi aggressive siya and I have to use my strength to block him. Grabe talaga, hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi nahahalata ng ibang passengers :|
Nanghina ako at that time kasi hindi ako makapaniwala na nasa ganung situation ako. Nahihiya akong magsalita kasi baka mali yung iniisip ko pero my instinct tells me na oo, manyak 'to ano pa bang proof ang gusto ko?!
What I felt at that time: Shock, hiya, disbelief, hindi alam ang gagawin, speechless.
Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ako nakapagsalita. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko murahin. Gusto ko mag-iskandalo kaso tulad ng iba dito, hindi ko ito nagawa sa sobrang gulat.
Tulala ako pagbaba ko ng bus hanggang makasakay ng jeep pauwi. Told myself, ganito siguro pakiramdam ng mga rape victims na hindi makaimik :|
When I told the story to my officemates, wala lang, natawa lang sila. Nag-joke pa na baka gwapo kasi yung guy kaya hindi ako nagsalita. I felt humiliated and sexually harassed at ganun lang ang reaction nila. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi niyo alam yung feeling kapag nasa ganung situation na kayo kaya don't take it lightly pero futile naman sabihan eh. :|
To all the girls who stood up to these "animals", salamat in behalf of us who didn't.
