Author Topic: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?  (Read 58930 times)

kinkytinch

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 478
  • uh-huh uh-huh
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #60 on: February 12, 2015, 01:14:58 am »
It doesn't seem right to blame the victim. Regardless of what women wear, no one has the right to grope, touch or catcall them

Yula

  • Lurker
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 309
    • RU Affliates
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #61 on: February 12, 2015, 08:44:13 am »
So how do you explain cases na nahaharass at nararape mga babae sa middle east at ibang country na need naka hijab na at covered pa buong katawan? ano kita ba legs at arms nila? hindi diba! pero may harassment at rape cases parin sa kanila. Girls wag nalang pansinin yung isa dyan.  ;)

Some people can be mean and treat you poorly. Don't take it personally. It says nothing about you but a lot about them


ikaela

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 975
  • Avatar from photographer Rosie Hardy
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #62 on: February 12, 2015, 09:50:22 am »
What you girls get if you show too much skin? Feel nyo maganda kayo then if you get unwanted attention naiinis.

And what do you guys get from harassing women? Feel niyo may karapatan na kayo mang-manyak porket maganda yung babae? Tapos magtataka pa bakit nagagalit ang babae.

It's not a fault if the woman feels beautiful and feels her look. It's YOUR fault if you decide to be disgusting and creepy about it.
« Last Edit: February 12, 2015, 09:51:57 am by ikaela »

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #63 on: February 12, 2015, 11:28:44 am »
Hay, ewan ko ba. I think there's something wrong with me. Likas na maldita ako, pala away, snob. Hindi ako natatakot makipag away sa kalye basta alam kong nasa katwiran ako. Pero nagtataka ako, na everytime may nagmamanyak sa akin, sobrang takot ko talaga. As in hindi ako makapag react, di ako makapag salita, naf-freeze lang ako sa kinauupuan/kinatatayuan ko. Nauunahan ako ng takot, which is very unusual for me kasi hindi ako basta2 matatakot. Ever since. As in maliit pako, madami na ko naranasan. Pero hanggang ngayon di ko pa rin kayang mag react! Reading your posts made me remember things I have already forgotten. Pero I can say, na ang pinaka traumatic na pwedeng mangyari is yung kakilala/kapamilya/ka close mo pa ang gagawa sayo.

una, pinsan ko. Pinsang buo. Earlier that day nag swimming kami. At dahil bata (sya ay nasa high school na ata nun at ako elementary), laro laro kami sa pool. sakay sa likod ganyan. Okay naman madami kami naglalaro. Then kinagabihan, tumabi sya sakin matulog. Okay no problem bata ako eh at pinsan ko yun. Then I woke up in the middle of the night, and he was touching me everywhere! nagulat talaga ko. Hindi ako nakapag react pero gumalaw ako, then nag stop sya, maya2 nag start na naman sya. Hindi ko talaga magawang mag react, katabi ko lola namin noon. Hanggang makatulog ata sya tiniis ko. I don't think I ever told anyone about this incident.

High School. nagtipon tipon kaming mag classmates sa isang bahay (inuman, kainan etc) then dun na din kami natulog. nagsisiksikan kami sa isang room. Then kinaumagahan naramdaman ko may tumutusok sa pwet ko! as in yung ano nya tinutusok nya gusto nya pa ibaba ang short ko oh my goodness. Di ako nag react pero bumangon na ko. Alam ko alam nya na alam ko. Patay malisya lang sya. Di ko din sinabi kahit kanino.

College. Magkakatabi kami magpipinsan (puro girls) sa kama, dun kami natulog sa kwarto ng tita namin at ng asawa nya. Maya maya nagising ako na hinahawakan ng asawa ng tita ko ang area between my legs. walang penetration. Hawak lang talaga. Di ko alam ang gagawin ko, alam nyang nagising ako so nag stop sya. Pero di pa sya umalis. Nagtulog tulugan ako. di naman na nya inulit at saving grace ko talaga na dinantayan ako ng pinsan ko (anak nya) so di na sya makakahawak.

College. Magkakatabi kami ng mga pinsan kong lalake, afternoon nap lang. Bata pa yung pinsan ko, high school lang. nagising ako pinipisil pisil nya yung pwet ko. alam mo yung parang na curious sa pwet. di rin ako nakapag react pero bumangon na ko.

College. Minsan yung mga pinsan naming lalake dun natutulog sa bahay ng lola namin (kung san din kami natutulog) naturally, kung sang kwarto kami, dun din sila. Etong pinsan kong isa, mas bata lang sakin ng I think 2 years, ang hilig tumabi sa mga babae. Nagising ako matindi, dinidilaan nya na ang nipples ko, naalimpungatan ako bigla ako bumangon pumasok sa cr. alam nya naman yun na nahuli ko sya. pagbalik ko nagtulog tulogan sya, ako lumipat na lang ng pwesto.

College. Sa van. mahilig talaga ako matulog sa van kasi ayoko sa byahe. wala din madalas akong kasama. dun ako pumwesto sa pinaka dulong dulo sa pinaka likod para makasandal ako sa bintana. maya2 nagising ako may humahawak sa bandang ilalim ng underarms ko sa boobs ko. very discreet kahit ako akala ko nanaginip lang ako. until inulit! tiningnan ko sya ng masama tapos hinarang ko na yung arms ko. bumaba sya sa next stop.

College. sa van ulit. this time hindi ako tulog. same yung pinwestuhan ko sa pinakalikod at pinakadulo. yung mamang katabi ko may dalang back pack. nabibwisit ako sa bag nya kasi nakapatong na rin sa legs ko. yun pala may masamang balak. gumagapang yung kamay nya sa legs ko. akala ko nung una kung ano lang. kaya hinawakan ko yung gumagapang. gulat na gulat ako nahawakan ko kamay nya! eeewww!!! tiningnan ko talaga sya ng masama pero AS USUAL di na naman ako nagsalita. Tapos makapal mukha inulit pa. this time inalis ko na yung bag na nakapatong sa legs ko at tiningnan ko ulit ng masama. di na umulit.

Countless times may mga manyak talaga sa van pero di ko na idedetalye, medyo discreet naman yung iba unlike sa dalawang yan.

Working na. yung boss kong senior citizen. Mataas ang position sa company at respetado talaga. never kong naisip na may kamanyakang tinatago. Nag resign ako sa company na yun. Nakakadiri pa rin pag naaalala ko. *edited

sobrang traumatic ang mga na experience ko pero so far, yun na ang huli. kasi shortly after that, nagsama  na kami ng bf ko and lagi na kami magkasabay sa halos lahat ng oras kaya wala na manyak ngayon.

And agree ako sa mga nagsabi na kahit anong pananamit ng babae kung manyak, manyak talaga. We can be careful sa pananamit natin to attract less attention, pero never pa rin natin magiging kasalanan ang pagiging hayok nila. Ako mahilig mag shorts na above the knee pero di naman short shorts talaga, yun kasi ang nakasanayan ko. I am not comfortable with longer shorts. pero that doesn't mean I'm asking for someone na manyakin ako. duh kapal naman ng pagmumukha nila. Most of the times na naranasan kong mamanyak, maayos ang suot ko. lalo na kung working diba, corporate attire. Kung nasa bahay o pauwi ng bahay madalas tshirt na loose and shorts ang outfit ko. I don't think that's showing too much skin. Pero may mga damit naman talaga na kelangan natin iwasan. Dresses are fine, shorts are fine, sleeveless, tight fitting clothes are fine. Pero it's better if we should stay away from super short shorts, very low neckline na lumalabas ang cleavage (eto ang number 1 na nakaka attract ng manyak!), super tight fitting dresses and uber ikling dress. Pag mag dress make sure may short or cycling and not too ikli na kung aakyat ka ng hagdan makikita na ng nasa baba ang pwet mo.
« Last Edit: February 12, 2015, 04:51:23 pm by Queen Chokolah »
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

kinkytinch

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 478
  • uh-huh uh-huh
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #64 on: February 12, 2015, 03:31:33 pm »
^Im sorry sis sa mga nangyari sayo.

May napanood ako sa tv before, expert-resource person nung documentary/talkshow. Though sa case naman ng narerape yun topic, sabi nya kaunti lang talaga ng mga victims ang naglalaban. Karamihan daw kahit gaanong katapang pa sa ibang situations, they don't scream for help. They just cry silently while waiting to get it over with.
Sobrang nakakalungkot but at the same time, i can relate to what the expert was talking about. Yung against all logic, di ka makagalaw or react ng tama, di ka makalaban. Some even choose to justify what the wrongdoer did to them. That is just wrong.

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #65 on: February 12, 2015, 03:57:53 pm »
hindi talaga easy topic ang sexual harassment. I think dapat syang ihiwalay sa ibang topics kasi once you experience this, iba talaga ang feeling. I even know karate, I think mas madadalian pako mag react/manlaban sa snatcher kesa sa manyakis. :( I really admire women (or men at that) na matatapang at nag s-speak up sa mga ganitong pagkakataon kasi di ko sya kaya.
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

Ma.Jewel_1987

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Certified SRC fanatic
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #66 on: February 12, 2015, 04:00:45 pm »
^@ sis Chokolah, I'm so sorry to hear about your traumatic past but you have to be brave sis dahil maaaring maulit pa ito. Kailangan mung maging matapang dahil hindi sa lahat ng pagkakataon may magttanggol sayo.

 Wag kang mahihiyang gumawa ng eskandalo, isa ito sa mga way to ward off those manyakis, lagi mung iisipin na sila dapat ang mahiya dahil bastos sila at hindi ikaw na ginagawa ng kasamaan. Nakakalungkot lang na pati mga pinsan mu may ganyang ugali.
Since alam mu na na may tendency sila try to stay away from them, kung may kapatid kang mas bata sayo or daughter warn them, they need to know the limitations mapakapamilya pa yan o kaibigan.
Enjoy the little things in life, because one day you will realize they were the big things.

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #67 on: February 12, 2015, 04:54:57 pm »
oo nga sis. Thankfully di pa naman nangyayari ulit kasi lagi na akong may kasama. Pero if ever man malasin ulit, mag eeskandalo na talaga ako. hopefully wag maulit na naninigas na lang ako. Re sa mga pinsan ko, I think dala na din na mga bata pa sila nun, curious and all. My other cousins and sisters know about them naman pero not from me because apparently, pati mga katulong minamanyak nila. so iwas talaga kami sa kanila lalo na pag lasing sila. Pero our relationship as magpipinsan lalo na ngayon tumanda na kami, okay naman.

I edited my post regarding my boss kasi I realized I have told a number of people about that madali akong makilala hehe.
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

Ma.Jewel_1987

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Certified SRC fanatic
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #68 on: February 12, 2015, 05:00:45 pm »
Naku sis mind you hindi normal na curiosity nung mga pinsan mu, lalo pati maids minamanyak.
Mga hayok talaga sila. I do have male cousins kasi at sila ang protector naming mga girls. I have a cousin na kabatch ko inaaway nya mga nanliligaw sakin during elementary bata pa daw ako hahaha.

Anyway, mabuti ikaw sis napatawad mu na sila (cousins) but be careful pa din mahirap na.
« Last Edit: February 12, 2015, 05:04:00 pm by Ma.Jewel_1987 »
Enjoy the little things in life, because one day you will realize they were the big things.

argento

  • the best there is
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #69 on: February 12, 2015, 07:36:37 pm »
And what do you guys get from harassing women? Feel niyo may karapatan na kayo mang-manyak .

Wala me sinabi na right ng guys na mangmanyak. If you dress madyado revealing parang your giving motives

ikaela

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 975
  • Avatar from photographer Rosie Hardy
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #70 on: February 12, 2015, 08:21:23 pm »
^And what is too revealing? Too much skin? Kakasabi lang ng ibang sisses dito -- kahit yung mga naka-hijab na, na-mamanyak, na-re-rape. So guys could basically get away with their vile acts just by claiming that, what, she was showing too much leg? Kapag naka-hijab, what, she was showing too much ankles? Too much eyes?

Here's homework for you: the difference between harassment and giving a compliment. Learn it or get your gross victim-blaming out of this thread.

kinkytinch

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 478
  • uh-huh uh-huh
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #71 on: February 12, 2015, 10:02:35 pm »
^^bro, you have to realize the effect of the thoughts you choose to vocalize in this thread. Almost all, if not all, of us have been victims here. Please try to put yourself in our shoes.

I do recognize that dressing inappropriately, whether by a man or a woman, can make people feel awkward. But that's just it. Decent people feel awkward and turn away. They don't grope, catcall or touch inappropriately.

mooncake and leaves

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2768
    • Clickity
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #72 on: February 12, 2015, 10:16:25 pm »
^ Agree. It might be a little hard to comprehend for some guys here, having freshly come out of the cave and all (peace actual cavemen), but hello it's 2015, this backward perspective of blaming the victim shouldn't be around anymore.






argento

  • the best there is
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #73 on: February 13, 2015, 02:38:15 am »
^And what is too revealing? Too much skin?

ito oh, buti pa siya alam.

   .
Pero it's better if we should stay away from super short shorts, very low neckline na lumalabas ang cleavage (eto ang number 1 na nakaka attract ng manyak!)

Quote
kahit yung mga naka-hijab na, na-mamanyak, na-re-rape.

mga arabs yan kahit lalake nirerape.

if you're gonna wear sobrang ikli maatract mo talaga mga maniacs so both are at fault.

j.adore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3085
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #74 on: February 13, 2015, 05:28:25 am »
Search on the net about experiments where women were fully clothed and yet namanyak pa din (not Arab).

Your argument is invalid.

ikaela

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 975
  • Avatar from photographer Rosie Hardy
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #75 on: February 13, 2015, 09:09:42 am »
^^No, a manyak will be a manyak no matter what the woman wears. Read Queen Chokolah's post again -- she said she was wearing office attire when the sexual harassment happened.

Here's how your flawed logic is applied:

A house owner didn't lock his door, so therefore, he was asking to be robbed.

A guy was keeping knives in his kitchen, so he was asking to be stabbed.

Hell, someone could even say you have a stupid look on your face, so therefore, you were asking to be punched in the face. So if I become violent towards you, I can say it's your fault too because you look stupid. That's your logic, coming from you.



« Last Edit: February 13, 2015, 09:15:13 am by ikaela »

freelancer_babe

  • I'm a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1248
    • The Lady Programmer
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #76 on: February 13, 2015, 10:22:54 am »
I have my share of manyak experiences too. Pero tingin ko hindi kasing tindi ng na-experience ni Queen Chokolah. Sayang di ko na naabutan ang kwento nya tungkol sa boss nya.

High school: Batang kalye biglang hinawakan ang boobs ko habang naglalakad sa palengke.

High school: Pinsan, hinawakan ang legs ko habang bumabyahe sa bus 12 hour trip papuntang Isabela. Umiwas na lang ako.

High school: Manyak na tambay sa kanto, mahilig tumingin ng tumingin at sumunod sa akin. Good thing hanggang tingin na lang siya at di naman humipo, pero manyakis pa rin ang dating.

College: Wala ako maalala. Siguro kasi takot sila sa mga nakapaligid sa aking manliligaw o BF. Hehe.

Working: Di ko sure kung tatawagin kong manyak experience ito. Muntik na akong marape ilang metro lang sa bahay namin. Nakasabay ko sa jeep, tapos bumaba sabay ko. Tapos biglang hinablot ang buhok ko at sinabing doon daw kami sa damuhan. Sumigaw ako ng malakas. Natakot ata at binitawan na lang ako at kumaripas naman ako ng takbo.

Working: May mga naencounter akong mga katrabaho na pag tumingin sa akin pahubad kahit di ako hinihipuan. Sa case ko dahil yung nature ng job ko, predominantly male ang mga kasama ko, kaya ang laki ng chances na makaencounter ako ng ganito. Yung iba naman, gusto naman nila ng tinatawag na lihim na relasyon (kasi may asawa sila). Di ko pinapansin.

Maraming beses na: Sa jeep o sa bus. Sa jeep yung ibang lalake mahilig umupo "forward" tapos yung braso nila itatapat sa boobs ko. Sa bus naman may experience ako ilang beses na hinihipuan nang pasimple sa tagiliran ko - lalo pa kung mataba o may malaking katawan ang lalake.

Sa lahat ng situations fully clothed rin ako. While it's true din na dressing inappropriately attracts manyaks more, kahit fully clothed rin at kahit din pangit pa ang suot ko (like in the case na pangit ang uniform) nakakaattract pa rin ng mga manyak.
Catch a man a fish and you can sell it to him. Teach a man to fish and you ruin a wonderful business opportunity. (Karl Marx)

red_yesha

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 803
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #77 on: February 13, 2015, 11:06:28 am »
^sis natakot ako doon sa part mo na muntik ka ng ma-rape :( . Buti nalang at hindi natuloy.
hay naku kahit anong suot natin mapadisente man yan o hindi ..kung manyakis yung tao talagang mang-aatake yan. dapat sakanila putulan ng ari e. grrrr
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself. :)

Ma.Jewel_1987

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Certified SRC fanatic
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #78 on: February 13, 2015, 11:58:13 am »
^ true sobrang nakakatakot nun naiimagine pa lang natin yan ha. Kaya nakakaawa talaga especially yung mga nagagang rape tas pinapatay imagine the fear/terror they felt  :'(
Enjoy the little things in life, because one day you will realize they were the big things.

argento

  • the best there is
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #79 on: February 14, 2015, 12:45:47 am »
That's your logic, coming from you.

kaya nga tama logic ko eh

sa iyo yung flawed.  :P
 
best comparison would be smoker and a non-smoker:
where smoker has a high chance of getting cancer than a non smoker pero ang non smoker can also get cancer but low risk.

so if your dress reveal too much then just be ready sa mga menyaks hehe!


 


Latest Stories

Load More Stories
Close