watch now

Author Topic: BARF/ Raw feeding  (Read 71351 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #200 on: November 13, 2012, 04:51:17 pm »
sis minnie, alam ko yang field sa UP, parang may nakita nga akong dog groups na dun naghahangout.

oo sis bonus din yung spring chicken, nitong rainy season halos puro spring chicken ang available sa sm north and hypermarket near samin. yung iba wala pang 100 kasi nga maliliit, pero sakto sya samin kasi si diego half kilo per day, so minsan isang spring chicken sya per day. add na lang ako pork and other organs for meat.

sa umpisa mafefeel mo talaga yung gastos kasi daig pa nila tayo kumain ng meat hehe pero pag nasanay ka na makakalimutan mo na rin. isipin mo na lang makakatipid ka sa vet bills, hindi mo na sila need itoothbrush, less bath, stink, ear wax kaya sulit pa rin. Si diego noon monthly ang mange treatment, tapos madali mainfect eyes nya so bili ako ng bili ng creams, drops. but eversince nagraw kami ulit, nawala skin and eye problems nya, halos 1 year na rin akong di gumagastos sa meds.

ang technique para di dumulas is to give bigger parts pa rin. kay diego madali lang kasi quarter to half ang bigay ko. pero mahirap ata sa inyo kasi 1/3 lang ng meal nila yung raw so maliit lang yung chicken na binibigay mo. pag naubos ba nila parang gutom pa rin? or solve na?

don't worry about their teeth, until 6mos pa naman bago maging permanent minsan nga 7-8mos bago umayos lahat. alala ko si diego nung 5mos sya, nagsungki ipin, di ko alam pano aalisin yung puppy teeth kasi lumabas na yung permanent. ginawa ko binigyan ko ng biyas, ayun within 5minutes tanggal ang sungki ;D nagdugo pero after a while okay na ulit, actually wala syang pake kahit nabungi kasi nakafocus sya sa biyas.

hayaan mo sis magkakabudget ka rin for all of them ;) try mo na lang sila abutan kahit chicken backs or biyas paminsan para masatisfy.

haha! ganun ba ang grs? eh tingin ko si diego yung gr sa up hahaha! kabaligtaran sya nung bulldog dun kasi super duwag nya, kahit dito sa shih tzu di sya makalaban!

snix, san pa nga ba magmamana? hahaha! ang wild ng anak mo buti di nagagalit parents mo

naku ang dami lang talagang ignorante sa mundo, minsan nakakainis na magexplain na di naman sila matapang malaki lang. hayaan na lang natin sila matakot hahaha!

sis arizona, alam ko pag spring chicken 99/kilo lang. pag nakita nyo yung sign na 99/kilo madalas spring chicken yun kaya mura. pansin ko kasi ang bonus naglalaro sa 99-110 ang whole chicken, so yung mini chicken nila 2 in 1 pack na yun pero nasa 80-110 lang depende sa bigat. magkakatabi lang sila nung whole chickens, qc area ako di ko lang sure kung dito lang sagana sa spring chicken haha!

Noon nagbigay ako ng raw egg plus shells kay diego kaso nagtae at sa car pa yun ako napuruhan kasi nakakandong sakin haha! try ko ulit magbigay this week and see anong mangyayare hehe.

Ganyan din shih tzu ko sis, kala mo tahimik pero pag may bisita kami nagtatransform ;D di ko nga sila pwede hayaan ni diego maglaro nagagalit sya, kahit amuyin lang ayaw niya

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #201 on: November 14, 2012, 08:18:55 am »
Nag Savemore kami kagabi pero dahil gabi na, super konti na lang :| Bumili na lang kami 2 whole chickens... prob ko paano pakakain? Pwede ba ang wings sa kanila and leg? Parang may nabasa kasi ako na iwasan daw kasi choking hazard? Pero sayang kasi, plan ko is handfeed na lang kapag yun na papakain ko. Pinachop kasi nung kasama ko (kasambahay namin). Eh wala naman ako alam sa ganun...

So pano ko kaya papakain yung wings and legs? Balak ko ihiwalay na lang yung meat kaso medyo boring. Supervise ko na lang siguro and hand feed?

Natry ko na pala hawakan uli yung chicken. Pag sinabi ko "OFF!" umuupo lang sila tapos hihintayin yung "okay take it!" minsan naman pinapakagat ko habang hawak ko tapos pag hinihila sinasabi ko "off!!!" okay naman :D

Yun nga prob ko dahil 1/3 lang ng food nila ang raw, erratic minsan nabibigay ko, kasi nung Monday na-excite ako binigay ko yung breast hanggang sa pwet, tig kalahati sila. Minsan naman parang feel ko kulang. Pero kasi patay gutom talaga sila, parang di sila nabubusog. tsaka pansin ko kasi lumaki onti tyan pero gutom pa rin. hahaha. feel ko patay gutom lang talaga sila kaya lagi naghahanap food...

Mukhang kailangan ko na talaga mag SM North :D Maliban sa may Hypermarket sila (maliit lang Savemore samin), naka-sale ang Ezydog sa Pet Express. Hahaha! Tapos mag oopen pa Uniqlo at Cotton On (pero wala na kong budget para sa sarili ko... hahaha). Yung spring chicken gusto ko, parang sakto lang samin... check ko talaga this week yan. :) (kasama na pag-check sa Pet Express ng Ezydog products...) O kaya sa ibang hypermart... iniisip ko kung meron ba sa katipunan? Di ko maalala kung yung sa Berkeley Residences (SM) Savemore ba o Hypermart?

ang whole chicken ba ilang % bones? nagpadala yata ako, di ko na na-take into consideration yung ratios... pero diba mag-balance out naman siya? parang sa tao daw, di naman natin kinocompute talaga yung ratios ng mga kailangan natin pero nagbbalance siya, basta wag sosobra sa ibang bagay... excited na ko mag add ng pork, hindi ko pa nasasabi sa mga tao baka pagalitan ako dahil mas mahal. lol!

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #202 on: November 14, 2012, 04:58:29 pm »
nakakaexcite talaga gumastos kapag bagong puppy..ako ng umpisa araw araw ako nasa pet shop pagkagaling sa work tapos kahit wala naman kwenta binibilan ko siya haha! eh ngayon puro sa food and supplements na lang gastos ko..at yung talagang mga kelangan lang niya..

toys? madali niya pagsawaan..ball lang naman favorite niya for catching..

testing maya kung kakainin niya ng raw yung chicken na pinamalengke ni mama..

@sis abu-hay nako kung alam mo lang ang dami na nasira niyan..pero love na love din siya ng magulang ko..mama ko bnbrush pa niya yan bago matulog..tapos tatay ko naman madalas siya isama sa jogging..kahit ganyan yan isang nakakaawang tingin lang sa kanila ni titus natutunaw na puso nila lol..

anniegurl

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #203 on: November 14, 2012, 10:33:34 pm »
i started feeding liver and heart sa dach ko :-) nung una ayaw niya si i boiled it a bit ayun kanina ubos. im still thinking if ill do the same with my 2 month old chow.

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #204 on: November 16, 2012, 02:59:25 am »
minnie, I give whole wings and legs at never naman sila nachoke ng oa, at kung machoke man, marunong sila ilabas ulit hihi. Yung sound is kagaya pag nasamid tayo. I believe that most dogs know what to do with bones, nasa instinct na siguro, need lang talaga isupervise. Pero kung gulpers sila, kailangan big parts talaga para di lunok ng lunok  Next time remind mo na lang na wag ichop, tell ate na mas delikado ang smaller parts when it comes to raw hehe.

Yun, alam nila yung OFF command, gawin mo lagi sis para di maging PG haha! Supervise mo lang lagi pag kumakain. Feeling ko wala naman grabeng mangyayare kahit wings or legs bigay mo.

Kung mukhang medyo gutom pa, dagdag ka ng onti. Yung mga boys ko kasi kahit nung una, marunong magself-regulate, pag busog na, ayaw na talaga. sign is parang di na sila ganun kaeager sa food, dahan na dahan na yung pagnguya. si abu pag ayaw na stop na sya pag sinubuan ko tapos aalis na. yung bulldog minsan humihirit pa pero small bits na lang gusto nya, ako na nagcocontrol kasi matakaw talaga yun. Pag ayaw pa rin tumigil, wag mo ng pansinin kasi baka lumambot masyado poop haha!

Mukhang dadaan din ako sa SM North sis, baka magkasabay pa tayo hehe. Check ko rin ang pet express sana maraming sale items. Yung sa katipunan is savemore kasi maliit lang sya, hypermarket kasi yung malaki and complete groceries nila.

ang alam ko as long as whole chicken ang ibibigay, balance naman daw yung bone-meat ratio. tama ka dun sa magbabalance-out sya as long as may variety sa diet. this might help: http://www.facebook.com/groups/261761471359/doc/10150176692356360/

yung pork nung natry nung dalawa, naku inayawan ang chicken! ready your wallet pag nagstart kayo sa pork kasi mas gusto nila yan than chicken, kahit yung bony parts ng chicken aayawan nila ;D bigyan mo pa rin ng chicken para di maging super picky sa meat. oh diba kahit sa raw uso ang picky-eater haha!

snix, oo pag puppy spoiled talaga ano. di mo pa naiisip na wala naman palang kwenta mga binibili haha! pero pag lumalaki na at lumalakas na kumain, lahat na ng pagtitipid maiisip haha! maswerte ka sis love ng parents mo si titus. how i wish maging ganyan din mga tao samin haha!

sis annie, good to hear na nagustuhan nya yung organs. yung shih tzu ko ayaw din ng raw organs, pero once iboil ko ayaw paawat! sa chow mo, mas okay kung chicken muna for 2weeks or until maging firm ang poop. kasi masyadong rich ang organs, malaki ang chance na lalambot poop nya hihi. add ka na ng organs pag sanay na sya sa chicken.

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #205 on: November 16, 2012, 09:04:39 am »
Thanks sis! Triny ko na din siya nung una hinahawakan ko pero binitawan ko na din. Nakain naman. Nakakatawa kasi minsan kakabigay ko lang tapos natalikod lang ako sandali wala na! Ang prob ko sa wings... diba wala masyado meat yun... tapos puro skin... parang dun yata nag-loose poop ni Bon, nagising ng 1AM tapos sigaw ng sigaw tapos ayun. "Canon butt" HAHA! Nagugulat nga siya tuwing mauutot siya. Di ko nakita kasi kasambahay lang namin lumabas.

Prob ko kasi baka kaya gutom dahil nga hindi naman enough nutrients sa kibbles? :| So baka pag binigyan ko sila til masatisfy, lumabas eh pag dinner nila, maging buong meal for the day na nila, then yung extra kibbles for breakfast and lunch. :| Natetempt tuloy ako i-100% raw na lang sila now na :D kaso ubusin muna kibbles. :( Try ko na lang din dagdagan breakfast and lunch kibbles nila unti unti. :)

Hala! Haha parang ayaw ko na tuloy try pork. Siguro pa-unti-unti ko lang dadagdag :P

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #206 on: November 16, 2012, 08:00:35 pm »
naliitan siguro sa serving kaya ubos agad! ;D may mga canon butt moments din kami, nakakaawa na nakakatawa yung ganyang moments, pero nasanay na rin ako kasi bumabalik naman sa normal poop nila after few days. lagi ko sinasabi, nanibago or nagaadjust lang yan (pampalubag loob)  ;D

dagdag ka lang ng onti sa current serving mo, wag yung tipong ayaw ng kumain sa sobrang kabusugan haha! hayaan mo sila magwala (means kulang pa) para mahayok pa rin sa raw haha!

Kaya mo yan sis, half-half na lang gawin mo sa pork and chicken para di masyado mabigat sa bulsa. yung organs like heart, lungs, kidneys, pancreas, etc try mo rin humanap kasi muscle meat sila at mas mura pero pampabusog din hihi freeze mo na lang for 2 weeks bago ibigay to kill the bacteria.

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #207 on: November 17, 2012, 04:04:18 pm »
kinikilig ako at kinain niya yung raw chicken thigh..mejo matagal lang tsaka may tira tira pa parabg mas bet pa rin niya pag boiled

OT:saan ba nakakabili ng measuring cup na grams yung measurement..nawala ko kasi yung amin eh pag sumobra siya sa recommended na dog food dun sa acana eh nagiging watery yung stool..
« Last Edit: November 17, 2012, 04:25:34 pm by snix »

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #208 on: November 18, 2012, 03:22:04 am »
^at least sinubukan na! yehey! nahirapan ba sya kainin or alam ang gagawin?

try mo sis sa kitchen tools ng dept. store or supermarkets, madalas naka-package yan with different amounts. pangalawang bili ko na nung samin lagi kasing nawawala hehe. Pero tantyado ko na serving nila, pag may tira binabalik ko sa ref, or bibigay ko kay diego as treats ;D masamang mag-aksaya ng pagkain haha!

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #209 on: November 18, 2012, 01:01:56 pm »
tinignan tas inamoy amoy tas dinilaan tas ayun na..iningungudngod ko na sa bibig niya para kainin! haha ttry ko nga ulit maya eh..busog pa kasi ngayon..kahit kasi nasa oras pagkain niya pag busog pa siya ayaw niya pa kumain tutulog muna siya (batugan lang ang labas! ;D) meron din kami livers at gizzards ngayo sobaka ipakain ko din maya..

kilig na kilig talaga ko pag kumakain siya ng raw :D

sige sis hahanap ako kasi eto pag sumobra dun sa anount na tama lang sa kanya nagiging matubig yung poop..may utot pang kasama haha! pero hindi ko na sinusunod yung feeding guide ng acana..natancha ko na yung tamang amount na hindi siya guto hindi rin sobrang busog at yung hindi watery stools..dami nga nakapansin mejo mataba daw ngayon..may exercise pa yan daily..siguro dahil sinasamahan ko na rin mg raw yung food niya..pag nasanay siya sa raw baka isang araw ko siya pakainin nun na walang kibbles

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #210 on: November 19, 2012, 04:29:55 pm »
I'm back! Nag-kibbles sila last night, di kasi ako nakabili, parang puro wings lang nasa freezer... :| Tapos nag-away kami ng mom ko haha kinuha nya tuloy yung funds ko. :| Di ko pa alam kung makakabili ako today sa Monterey (hassle sa Savemore) dahil wala na nga akong pera halos. Huhu. Mukhang next week na kapag iachieve ko yung Hypermarket (dami kasing sale last weekend, nakakatamad makipagsiksikan). :(

Good news is, kumakain sila ng kibble. Hahaha. So medyo flexible nga sila...

May mucus pala yung poop nung isang araw. Ano ibig sabihin nun? Parang nag-aadjust? Alam ko may nabasa ako na natural lang naman daw na may mucus pero, ano nga ba ibig sabihin pag medyo slimy? (EEK HAHA)

Congrats sis snix! Baka gusto niya buhay na chicken... LOL! Hahaha. Totoo, nakakatuwa panoorin sila kumain ng raw... pero nakakangalay din, kakanguya nila. hahahaha! Nakakatawa pa pag hahabulin ko sila na may chicken sila, tarantang-taranta sila kung san sila magtatago...

Kagabi pala may nakita akong ngipin sa ilalim ng crate nung isa. HAHA. Mga bungal na tong mga to. Baka okay na rin na magkibble muna sila dahil di pa lumalabas yung mga nawawala nilang ngipin sa may likod :P

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #211 on: November 19, 2012, 05:52:54 pm »
^sis yung akin nagkamucus na rin sa poop niya..signs of liver infection sakanya kasi nagkasakit na siya nun pero wag ka maalarma kasi may mucus din poop niya pag nagpapalit siya ng dogfood so observahan mo na lang muna..

buti pa sayo nakuha mo yung ipin nila, ako antay ng antay wala akong nakitang nalaglag feeling ko nilulon niya haha

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #212 on: November 20, 2012, 02:44:59 am »
oy snix, takutin daw ba si sis minnie? hahaha!

wag ka muna magbigay ng organs kasi very rich sila, magtatae si titus ;D sanayin mo muna sa chicken kahit mga 1 month tapos pag napansin mong solid na ang poop for 1week pwede ka na magadd ng organs pero pakurot-kurot lang muna.

sis minnie, wag ka matakot haha normal lang yung mucus sa poop pag bago sa raw. madalas fats and skin ang dahilan nyan. kahit sila diego minsan nagkakaganyan kahit 1 year na sa raw. pero updated naman deworming nila, then after 2-3 days babalik na sa normal kaya sure akong hindi worms. try mo alisin then see kung may changes, kung gusto try mo yung free-range chicken pero mas mahal sila 150 per kilo.

about the teeth, alam ko wala naman kaso kahit bungi/bungal sila ;D okay pa rin bigyan ng raw kasi may natitira pa naman, yan sabi sa mga raw feeding groups unless ubos na talaga lahat ng ngipin, pag ganito kailangan crushed na talaga ang bones.

added links (makakatulong sa mga newbies yan ;D)
http://preymodelraw.com/how-to-get-started/
http://preymodelraw.com/2012/11/14/is-it-normal/
http://preymodelraw.com/help/

snix

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #213 on: November 21, 2012, 12:29:39 pm »
^sorry naman! haha hindi ko layuning manakot lol..kay titus naman normal yun kapag nagpapalit siya dogfood..

yung liver okay lang sis kasi paminsan minsan sinasamahan ko na dati payung dogfood niya pero ngayon raw..okay naman poop niya hindi sabog lol! kaya lang hisiniya inuubos naiinis ako kasi nilalanggam

minnie99

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #214 on: November 21, 2012, 04:31:42 pm »
Lol, buti nagpalipas ako ng 1 day na di nagbabasa kundi nagpanic na ko! ;D Super kukulit pa rin nila. Hahahaha. Sabagay, puppies so natural na ganun. Gusto ko kasi yung "calming" effect ng raw hahaha pero okay lang din, nakakatuwa naman sila na makukulit sila. :P

Nung Monday pagpunta ko ng Monterey 1 chicken na lang available, 1.7kg siya! binili ko na and chinop sa 4 parts. So nasa 400+ grams per part (kasi feel ko nga gutom pa sila after pag nasa 300 grams lang)... Ayun, inubos! At di pa kuntento pa rin!!! Lol. Feel ko tuloy wala talagang nutrients sa food nila. Lol.

At ayun, lumilipad molars nila habang kumakain kaya hirap sila kumain ng raw. Baka di muna today. :( Paubos na rin canines nila eh :P

Narealize ko, next week pala is pork week na... Uh oh... good luck sa budget budget-an ko. Hahaha.

anniegurl

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #215 on: November 27, 2012, 12:15:23 am »
i tried feeding raw to my 3 mos old chow nag suka sya knina is that normal?

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #216 on: November 27, 2012, 02:36:11 pm »
^sis anong itsura ng suka nya? yung food ba mismo? or yellow foamy vomit with bits of bones/food? kelan nangyare, during meal time or hours after kumain? pagkagising?

anniegurl

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #217 on: November 27, 2012, 11:55:51 pm »
after a few hours kumain. yellow na watery with bits of food. tapos yung poop niya watery :-(

abuanddiego

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #218 on: November 28, 2012, 04:22:05 am »
^hunger pukes yung tawag dyan. just like with humans, acid/bile na ang nafoform sa tummy pag gutom na, then pwede magthrow up. mas prone ang toy breeds sa acid formation so medyo normal yan kahit anong type of food at wala ng laman ang tyan. pero ganyan talaga at first sa raw, maraming owners ang nakaexperience nyan at isa na ako sa kanila :) but in time masasanay at mas magiging acidic na ang digestive tract, nagaadjust pa kasi sila sa raw, but after few weeks mawawala rin yan. you can give water pag nagsuka, pero wag iforce kung ayaw.

yung poop normal lang na maging watery, minsan super sabog pa with bone bits pag newbies sa raw. pero as you go on, magfoform ulit yan. maraming links dito about newbies sis, backread ka lang sa latest links na pinost ko, maraming helpful explanation dun. as long as normal naman sya, active at may appetite, you don't have to worry, it's all part of raw feeding ;)

anniegurl

  • Guest
Re: BARF/ Raw feeding
« Reply #219 on: November 28, 2012, 10:06:27 pm »
thanks sis. sobra nag worry lang kasi ako. i went back to kibbles sa takot :-( pero i really want her to go raw kasi [textspeak!] dach ko all the way raw na talaga and i see alot of improvement. [textspeak!] sa poop and sa attitude niya naging less hyper. yung chow ko gusto ko slowly i balik sa raw. im hesitant with feeding chicken. is ok to feed saw dust and liver agad is is that too much for them?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close