I have this guy friend. We were always together and people and friends would always tease us na bagay kami, hanggang sa we both eventually confessed to each that we liked each other. However, he had a girlfriend then, so we opted to remain as friends pero medyo alanganin kasi may time na we would call each other 24/7.

He would make statements that someday pag pwede na, he would do everything to win me back. There was a time na lumayo ako kasi mali eh. Akala ko okay na ako so may time na nagkukumustahan kami–as legit friends na lang ulit. He told me na break na sila ng girlfriend niya.

A month after, nagulat ako he was dating someone new na. A few months after that, I was applying at the same institution he worked for and he even lent me his laptop.

Ewan ko ba.

He always had this image kasi talaga na babaero or malandi. And madami na akong naririnig pero I refused to see that side of him. To see is to believe eh.

I checked his Facebook account and nagulat ako kasi may conversation siya with a girl where she asked if he was seeing someone and he denied it and asked for her number. I read his conversation with his girlfriend and mahal na ang tawagan nila since June and yet he told me na nag-break sila ng ex-girlfriend niya ng mga June pa lang.

Another conversation was with another girl whom he had apparently slept with. And yet he would always tell me before na he would wait until marriage, na he's a virgin, na isang bagay that I admired about him.

Na-shock ako because he was totally different from the guy I thought he was.

I told him about what I saw pero dun pa lang ako sa unang conversation with the girl when he denied he's seeing someone, sabi niya hindi pa sila nung girlfriend niya. (And yet they call each other mahal)

And ayun nagalit na siya because I invaded his privacy and wala akong right kasi best friend lang ako.

Sobrang abot langit galit niya sakin to the point na may time nag-makaawa ako na magusap kami. Mixed feelings ako now.

Na-guilty ako and disappointed sa sarili ko na nagawa ko yun siguro in denial pa rin ako na gusto ko pa rin siya kaya affected ako sa mga decisions and pagiging babaero nya. Nanghihinayang ako sa friendship kasi isa siya sa mga maaasahan kong kaibigan din eh.

Nalulungkot and disappointed ako sa kanya kasi pinagtatanggol ko siya pero totoo palang babaero siya.

Para sa kanya walang mali sa ginagawa niya. Hindi ko tuloy alam if totoong may feelings siya sa akin noon or parang naging babae lang niya ako–because he could have chosen me but he never did.

Ngayon magiging magkakasama pa kami sa same workplace soon. Hindi ko alam paano kami magpapanggap na okay when he introduced me to other people as his best friend. Walang ibang nakakaalam ng nangyari sa amin even in our barkada, so mahirap magpanggap na okay pero FO (friendship over) na pala kami ngayon.

As posted on GIRLTalk

Got a story to tell? Send us an email at webmaster@femalenetwork.com and we might just feature it!


*Minor edits have been made by the Femalenetwork.com editors

SCREENCAP: Made of Honor/Columbia Pictures (2008); GIFs: Giphy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Get the latest updates from Female Network
Subscribe to our Newsletter!
Comments

Latest Stories

Low-Maintenance Plants to Add a Classy Aesthetic to Your Office

These potted greens will make your workspace a more enjoyable place to be, minus the stress of demanding upkeep.

The Details Behind Solenn’s Sustainable Swimsuit Line

20% of proceeds from the #SolennXBodyParty collab will go to Save Palawan Seas foundation!

5 Beauty Rules You Need to Unlearn So You Can Look Fresher

There are so many possibilities when you forget these rules.
Load More Stories