To my Unfaithful Husband,

I’ve spent the last couple of months crying about what happened to us. That’s all I do. But today I woke up suddenly sick of both, crying and missing the old "us." It is what prompted me to think a bit clearer.

Ayoko paniwalain yung sarili ko na gusto mo pa rin ako makasama. Ayoko bigyan ng meaning yung pinapakita mo sakin na every time uuwi ka sa bahay as if parang ayaw mo ko mawala sa tabi mo. Di ko alam ano sayo yun, o ano intention mo at bakit mo ginagawa sakin yun. Ayoko na paasahin pa yung sarili ko na okay tayo pero the moment na umalis ka na ng bahay di ko na alam kailan ka na naman uuwi, kung iniisip mo ba kami ng mga anak mo, sinong kasama mo, anong ginagawa mo.

Ilang gabi na rin ba akong di agad makatulog, naiiyak pag naiisip ko yung mga nangyari sa atin, may mga pagkakataong naalala ko kung gaano lang ka-simple ang buhay natin noon pero okay tayo masaya at buo.

Panatag yung loob ko mula pa man na di ka mambabae na gagawin mo lahat ng bisyo ng isang lalake pero ang mambabae napakaimposible para sakin na magagawa mo yun, but nothing is impossible sabi nga nila–because you were able to do it.

I had my faults as much as you had yours. I don’t know, though, if I can say that yours weigh more than mine. I also know for sure that at this point, it doesn’t matter anymore. What matters more to me are the things that I learned because of everything that has happened.

For me, two months is more than enough for being silent and waiting in vain. Paghihintay na ma-realize mo ang lahat, manindigan ka sa kung anong nararapat at ma-realize mo lahat ng maling nangyari sa pagsasama natin na pwede pang maitama sana kung nakapag-desisyon ka lang at di naging makasarili.

Hindi na natin kailangan pa magkaroon ng resulta kung sinong nanalo or kung sinong natalo. Sinong mas magiging masaya sinong magiging luhaan. Aminin lang natin sa mga sarili natin na once in our life, naging totoo naman yung pagmamahalan natin, yung mga pinagsaluhan natin at pinagsamahan natin pero ngayon hirap na tayong maibalik yun.

Mahal kita, mahal na mahal pero di ko na alam kung kelan pa magkakalinaw isip mo, kailan ka magkakaroon ng lakas ng loob sa puso mo, na magkaroon ng paninindigan na ipaglaban yung vow ng marriage natin, kung ano ba talaga ang gusto mo mangyari. Kailan ka magiging handang sabihin sa akin lahat, aminin sakin kahit gaano pa yan kasakit. Naniniwala ako na lahat tayo may pagkakataon, choice na magkamali, itama ang mali at bumangon.

Naisip ko pareho tayo ng nararamdaman, pero pareho din natin di maisigaw that our relationship is not working, and it hasn’t worked for a long time.

In fact, rather than strengthening our lives, it just weighs us down and makes our lives more difficult. How many times have we decided to kiss and make up only to find ourselves battling the same demons once again?

Kahapon nagsimula ako gumawa ng list ng mga issues natin sa isa't-isa but then I realized it’s just a waste of time. I came to the conclusion that no one is at fault. We are simply two different personalities who tried to make a relationship work and just couldn’t do it.

This brings me to one of the hardest decisions of my life—I’ve got to move on.

Siguro for me, alam ko na nagawa ko na ang lahat ng pwede kong gawin just to save our marriage na kahit pa sa pinakamaliit na chances kinapitan ko, knowing na everything will be alright in the end. Na pagsubok lang to sa pagsasama natin, na malalagpasan natin to dahil trial lang to pero di pala talaga ganun kadali ang lahat. Dahil unang una pano ko ipaglalaban ang taong di naman din ako gusto ipaglaban sa simula pa lang.

Pinapalaya na kita sa commitment mo sakin.

Kung talagang di mo na ko kayang pakisamahan, kung di ka na talaga masaya, kung hirap ka talaga na pakibagayan ako at kung talagang di mo na ko magawang mahalin ng ako lang.

I’m setting you free.

Kung iniisip mo na kaya hindi mo masabi sakin lahat dahil masasaktan ako nagkakamali ka. dahil wala na atang mas sasakit pa sa mga sinabi mo sakin, ang di ko na kaya pa tanggapin. Halos lahat na ata ng salita na pwede ko ikamatay nasabi mo na sakin but still naghintay ako, umasa pero hindi pala talaga ganun.

Hayaan mo kong buuin ko naman yung sarili ko. Yung pagkatao ko na nadurog mo nung araw na hinubad mo yung wedding ring natin at sinabi mo na di mo na kaya na maging asawa ko at alukin ako ng annulment. Hayaan mo na ma-realize ko lahat ng pagkakamali ko at maitama ko hanggang sa makabangon ulit ako.

Kung merong taong dapat mag-move on, ako yun at hindi ikaw dahil ikaw ang naghanap ng iba.

Gawin mo lang kung anong nararapat na obligasyon mo sa mga bata, magkaroon ka ng kusa at maging responsible ka lang na ama para sa mga anak mo at magiging maayos tayo. Responsable meaning hindi ka lang susuporta financially. Bigyan mo sila ng oras ,atensyon, respeto at pagmamahal. Hinihiling ko to sayo hindi para sakin kundi para sa mga bata at para na din sayo para di masira yung relasyon mo bilang ama sa mga anak natin.

Lastly, I want to thank you for everything. Not everything was bad. I want to think that all the bad thrown together will never measure to the half of the good we shared. Believe it or not, I do wish you well and I really do hope that someday we could be friends. I can’t do it now but maybe someday.

Finally, I am going to do what you had done even before we separated, I am moving on. Goodbye.

With love still,
Me

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As posted on GIRLTalk

Got a story to tell? Send us an email at webmaster@femalenetwork.com and we might just feature it!


*Minor edits have been made by the Femalenetwork.com editors

PHOTO: Flickr Creative Commons/Aaron Alexander; GIFs: Giphy

Get the latest updates from Female Network
Subscribe to our Newsletter!
Comments

Latest Stories

Load More Stories