Hi mga sis..joining!
I'm 5'0 in height. Back in college days 46kg ang weight ko. Napapayatan ako.
Back then pagsubok sakin ang magpataba. Gusto ko kasi medyo magkalaman pa..so take ako ng vitamins and eat anything I want..so naging 49kg ako until mag-asawa at magbuntis..
After I gave birth eto na..60kg na ko!
I manage to loose weight naman siguro dahil na din sa puyat at pag-aasikaso kay baby.
Kasu at 54kg ang taba ko pa din tignan and maliit pa ko..
Gusto ko ulit ma-achieve yung 49kg!
Nagbawas ako ng food pero hindi seryosong diet.
Last Feb. 28 during weigh in dito sa office (yes! dito sa office kasi may pa- weight loss challenge si boss

).. 52kg na lang ako

So ngayon ang ginagawa ko...
During breakfast I eat rice pa din pero half na lang plus ulam o kaya pag nasa mood oatmeal lang.
Sa lunch half rice ulit plus 1 vegetable or 1/2 chicken or pork.
Shocks! hindi ko keri talaga ang walang rice, nanghihina ako.
Dinner oatmeal plus kung anong ulam sa bahay, minsan fresh vegetable salad pag nakakadaan ako ng grocery.
Yan usually ang meal ko.
Madalang na lang snack sa office..kung meron treat sa office tikim lang.
Pag weekends lakad lakad lang sa park para papawis saka magaan din kasi sa pakiramdam..
Hopefully next weigh in bumaba ulit timbang ko.
Nagtimbang kasi ako sa house naglalaro sa 51-52kg pa din weight ko.
Sabi ni Hubby baka bine-burn pa ng katawan ko yung mga stored fats ko..
Unti-unti lang daw wag ko daw biglain katawan ko dahil hindi naman talaga ko ma-diet na tao before.
