Author Topic: Weightloss diary THREAD 3 - support thread sa mga gustong pumayat (no slimming p  (Read 21306 times)

candacena

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 738
Definitely Binging cheat ako hahah. kahit nga pasok sa keto nag guilty pa din ako eh. huhu

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Three days ako nagcheat and I'm at 160.8 lbs... :(  Pero nasusunod ko naman ang diet ng Monday to Thursday so let's see what this week brings. 

Kapag sinabi kong cheat, I still watch the calories.  Kaya nung Sabado, nagpadeliver ako ng Jollibee for everyone at home.  Sabi ko, di ko kakainin yung fries pero kumain ako.  Kahapon nasa Shakey's kaming family.  I didn't touch the spaghetti.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Eto pa pala mga sis:


Last Saturday kasi, hindi ako nagtake ng Herbalife.  I ate a usual breakfast in moderation - isang rice, isang piece ng longganisa and fried egg.  Nagkamigraine ako afterwards.  Mga 9am ata ito.  Mga 2pm, kapag nakahiga ako, I'm okay pero kapag naka-upright position, I feel dizzy.  Naisip ko, baka kasi hindi pa ako naglulunch.  I took the shake.  Nawala na yung hilo ko.  Bandang 4pm, nagpadeliver kami ng Jollibee.  Ako lang naman kasi ang diet at hindi ang buong pamilya.  I didn't feel dizzy afterwards. 

Kinabukasan, nagtake na ako ulit nung Aloe saka ng tea ng Herbalife pero hindi ulit ako nagshake ng morning.  Tapos lumabas kasi kaming family, kaya Shakey's ang lunch.  Moderated pa rin.  6pm na ata ako nagdinner and shake lang yun.

Today, mula pa kaninang umaga, hilong-hilo ako.  Balik loob ako sa Aloe at sa tea ng 3:30 am (My work starts at 5am).  I took the shake ng 7am.  Until 8am hilo ako.  Tapos feeling ko today, mejo masakit sa dibdib, I don't know if palpitations.  Ngayon nahihilo na naman ako.  Hindi ko alam kung nagulantang ang sistema ko dahil kumain ako ng normal na pagkain the dalawang araw. 
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
@emjaydee

Welcome to the thread sis! Gora lang. Post ka lang ng insights dito. Makijoin ka talaga at magtanong.. Basta swak sa experience namin sasagot kami dyan. 🙂

@rory

Ganyan age talaga lalo na pag magbuntis ka nakow.. Haha! Alam na.. Pero ok lang yun. Makakarecover ka din tulad namin.. Lahat tayo dumadaan dyan hehe! 😁

@candacena

Buti sis indi ka nagkaka-skin breakout sa keto mo.. Ako talagang parang pinagsisihan ko kasi naoverlook ko yun fact na puro fats ang nuts. 3days lang ako nagketo eh..😒 Angsarap pa naman ng dried peanuts. Naka 2-packs pati ako ng cashew nuts eh huhu.. hay.. Ansarap kasi ng kasuy. Paborito ko since maliit pa ako kasi daming kasuy sa Antipolo cathedral! 😋

Ngayon pigil na pigil ako pumapak ng nuts kasi anghirap magpagaling ng pimples... Peborit ko pa naman ang nuts lalo na yung may mixture ng hazel nuts at raisins hehe. 😋

@engr_neechee

I feel you sis nagkakaganyan din ako sis. alam mo yung sasabihin mo sa sarili mo na di ka kakain ng ganto ganyan. Pero pag andyan na matutukso ka talaga. Pero ako pag pasta indi ako natutukso kasi di ako masyado mahilig. Pero pag bread talaga ilagay mo sa harap ko, i cannot guarantee na hindi ako kakain. Lalo na pag garlic bread at pandesal!! 😫 Yung chocolates kahit ferrero pa matitiis ko wag kainin pero bread..ewan ko ba bakit sobrang adik ako sa bread..
So para makaiwas talaga, never bumili ng food na sa tingin ko matutukso ako mag-cheat..o kaya itago sa lugar na makakalimutan ko then mag-remind at alarm sa sat kung san andun yun food at saka ko kainin haha! 😂

Sa ngayon, transitioning to normal eating ako.pero andun pa rin yung cheat meal like kanina bumili ako ng  fried siomai na maraming garlic at chili hehe...pag nagkecrave ako sa sweets naglalaga ako ng purple yams or sweet camote. Tsalap! Tapos tsaa!
Na-aaddict naman ako sa infusion tea. hinahaluan ko ng green tea. Nakaka-4 to 6 tea bags ako per day.. Worry ko lang baka may added sugar yun infusion kasi manamis-namis..hopefully wala at nagsasabi ng katotohanan yun nutrition information (zero calories daw).. At syempre ang palpitation..so far kagabi wala akong palpitations hehe. 😊

About herbalife.nagtry ako nyan once.binigyan ako ng kapitbahay ko dati na nagheherbalife ng sampler ..di ko nagustuhan kasi antamis!! Nagutom lang ako lagi...ang suggestion ko sis ihinto mo ang herbalife. Kalokohan yan kasi mas lalo at lagi ka magugutom. No offense meant.di ako magsasabi ng ganto nang di ko natry yun product. Siguro sa iba it works..Yung hipag ko nga panay herbalife pero anglaki laki nya kumpara nun last time na nakita ko sya. Then nun asked nya ako pano ako pumayat, nagulat sya nun sinabi kong nagpafasting ako. Akala nya daw nagherbalife ako. 😜

Currently on my 2nd set of teas (infusion+green tea) wag sana ako himatayin sa taas ng caffeine haha.. Start na din ng fasting ko. :) bukas ng 7am na ulit ang 1st meal ko. ☺

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Hushush haha korek!  ;D


engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
I forgot to weigh kanina :(
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Took a bowl of oats kanina after my usual meal na eggs at kangkong. tsalap!😋

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Have you read Iza Calzado's blog about her body? Well written and very inspiring.  :D

Hushush - ang consistent mo good on you haha ampayat mo na siguro!  :D

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^magoogle nga yan. Thanks for sharing ☺

Consistent kamo sa katakawan haha. 😆Ewan ko maluwag pa rin naman pants ko. Ang style ko kasi dinadamihan ko din ang protein. Para lesser carb craving. Tulad kanina naka-10pcs siomai ako around 10am. Then namapak ako ng sandamakmak na fried garlic. As in kahalating cup kasi yun hiningi ko sa tindahan ng hipah ko haha! Dun ko kasi binili siomai kaya malakas loob ko manghoard ng garlic hehe!!
Ansarap naman kasi ipares sa siomai eh!! Aba ayun di na ako nagutom ulit. Di na talaga ako nakakain til now. Deretso fasting na ako. Imagine... 10am til tomorrow 7am.. First time nangyari sakin! 😀 Plan ko mag-infusion tea + green tea na lang ulit maya.
Nagresearch ako. Eating lots of garlic pala can promote weightloss due to increased satiety or suppressed hunger. Try nyo mga sis baka nagkakamali lang ako hehe!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
^At least nabibilang mo pa din mga bagay-bagay haha, ako dyan ko nalalaman na nag let go ako, pag di ko na alam bilang ng kinakain ko haha!

I can say I'm not on a strict diet as you are ngayon. I eat what I want pero I try my best healthy pa din naman kainin, or kumain man ng masama once a day lang hehe. Tuloy lang IF ko 14-17 hrs and 2mad except Thursday and Friday which is my weekends. Estimate no. of exercise ko mga 4 x a week. Light lang yun, nothing crazy. Ganun pa din trend ng weight ko, tataas pag galing weekend, baba ng weekends.

Di ko maachieve yung stict diet talaga kagaya noon, yung tipong I ate 1 pc saging na saba and 1 pc egg and 1 cup of cabbage this lunch, gahd nooooo haha di ko alam san huhugutin ang lakas gumanyan nowadays! Maisip ko palang feeling ko inaabuso ko na katawan ko, ginugutom ko ganun.

Basta makaiwas sa sugar, junk at carbs ok nako, basta may gulay, fish at lean meat ako plus fruits feeling ko healthy na ako. Lalo na kung may work out. Sa dami ata ng binabasa ko saka pinapanuod, naabsorb ko na din psyche nila na wag masanay sa fad diets, or gutumin sarili, proper nutrition and exercise ang key. Also wag dumepende sa weighing scale. Lalo for those na nagwoworkout kasi baka nagiging muscle ang fats, mas mabigat ang muscle di hamak.

Yun lang bow, pero pangarap ko mag water fast ng 24 hrs to reboot my system.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^ok lang yun sis.. Kasi mahirap talaga magdiet pag andyan si husband lalo nat masipag at magaling magluto..blessing nga yun eh. 🙂
As long na hindi ka naman overweight at andun ka pa rin sa maxima-minima ng ideal weight mo..
Yun nga lang kasi summer na at need to prepare our beach bodeh!! 🏖 Andun yun pressure saka stress eh. Kaya instead na mamotivate e mapapakain ka tuloy lalo dahil sa stress hehe..

yung binabasa ko kasi kadalasan e about cheat days, bing eating. How to avoid. Para madiscourage ako magbinge eat. Kasi yun naman talaga ang main villain ng weightloss regimen natin. Stick to my old regimen ako recently. Kung ano na yung tested kong gumana sa akin for more or less than a year. Which is yung fasting and 1200-1500 calorie diet :)

Kasi kung magbabasa pa ako ng ibang motivational vids at articles about diet ni ganto ganyan.. E sa kanila yun eh.sa kanila gumana.. Magugulo lang ang system ko. Like nagketo ako, sa kagustuhang mapabilis ang weightloss, ayun nagkapimples at halos mabulag naman ako haha! New addition lang tong garlic sa diet ko. E mukhang gumagana naman for appetite suppression. Saka yun teas ko ha.. Love it so far! Magandang combi kasi di ako nagpapalpitate. Ilang days na ako indi nagkakape eh.. Then parang mas ok ang mood ko ngayon. Indi iritado tulad dati..then parang mas nagiging efficient ako. Yun boost of energy.. Then ang alak-alakan ko di na din kumikirot.. Anyare?? Baka nga dahil sa tea?? Hmmm.. 🤔

Try mo sis magtea na lang instead na laging coffee. May studies kasi na pag lagi ka magkape it can ruin your diet talaga pag naicombine mo sa ibang chemicals.

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Nakakafrustrate...I am back at 161 lbs...

Ang nangyari lang is yung pagkain sa labas nung weekend.  Monday nasunod ko naman ang 1280 calories per day ko.  Tapos kahapon, nakaplano na kakainin ko, tumawag naman husband ko na maglulunch siya dito.  Napajollibee ako ng di oras.  Hindi kasi kami nagpapangabot sa bahay kaya ginrab ko yung oppurtunity na makakain kami ng magkasama.

Hindi ko na alam pano ako ulit makakapaglose kasi same routine pa rin naman ginagawa ko.  May nabasa akong article na eto ang sinabi:

The Weight Loss Plateau
Why use the 7-day Calorie Cycle (Zig-Zag)?

Over time our bodies adapt to a lowered calorie level.

Our body becomes more efficient at using energy (lowered metabolism), and therefore burns less fat.
This is why most of us reach a weight loss plateau.

At this point, the only option is to boost metabolism:
increased cardio,
weight training,
?cheat? meals (i.e. occasional high-calorie meals),
cycling (or zig-zagging) calories,
even manipulating macro-nutrient ratios can all help to do this (don?t forget adequate sleep and hydration).
You often find that the nearer you get to your goal weight (or body fat percentage) ? the harder things get!

Continually dropping calories only serves to lower metabolism even further ? the moment you return to ?normal? eating ? the weight comes back on. The 7 Day zig-zag provides a suggestion for daily calories that will keep your body guessing ? and increase your chances of continual weight loss.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Dont get frustrated sis! Ang masuggest ko lang wag ka masyado scale addict lalo na kung nagcheat meals/cheat day ka. You should expect na papalo ang timbangan mo on the next day..😓

Ang nabasa ko kasi, it takes 3days for your body to reflect the impact of excessive calorie-intake you ate, let say ngayon nagbuffet ka, after 3 days na hindi ka nagdiet or nagworkout to burn the excess calories, it will be converted to fat weight..other reason is it might the water weight. Pag ituloy tuloy mo lang diet mo malo-lose mo rin yun basta wag lang mainterrupt yung burning process... Parang fasting lang yan eh.

About that article, reminds me of the carb-cycling technique.. Pero may pagkacomplicated kaya di ko pa yun natry hehe. ☺

Aja! Iwasan ang overeating ngayon para wag madisappoint bukas. ☺

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
I repeated  what i did yesterday to prove if eating lots of fried garlic really has an effect to my appetite... Difference is that i took more or less than 1k calories today. Not sure how much calories are there in 1tbsp of fried garlic. Hope not that much... For bfast @7am:
-2 fried eggs with lots of fried garlic (4-5tbsp)
-small bite of cheesedog
-Few bites of boiled corn
-1 cup of infusion tea+green tea.

For my last meal @11am, i ate 10 fried siomai with lots of garlic again! Nakatulog ako in the afternoon, parang low-carb flu ang feeling same as keto flu.. Currently drinking my 2nd cup of infusion tea+green tea.. Di pa rin ako gutom or nagkecrave..Ewan ko lang mayang gabi.  Hopefully makuha sa water therapy at wala sanang insomnia.. 😓
« Last Edit: March 08, 2018, 06:22:31 am by hushush »

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Sis Hushush, yes I agree, whetever works for our bodies, stick tayo dun, kanya kanya talaga eh, important talaga i observe, di porke nag work sa iba ganun na din satin, like ako never ko tinry mag keto, isa tingin ko palang mukang di uubra sakin, staple ko oats and kamote ganyan, plus di ako komportable sa karne madalas hehe, saka gusto ko ng fruits talaga.

Haha katawa yung sa pressure mong pumayat lalo tayo napapakain, or kaka diet lalo tayo na obsess sa food kakaisip mo, lalo na kung hangry ka nag binge tuloy. Kaya no no talaga to starvation for me hinde yan ang proper way to lose weight, and to live per se. Pag gusto ko kumain kumakain ako, babawien ko nalang sa exercise. ;D Mas ok mag focus sa nutrients na makukuha natin to fuel our body and sa klase ng kinakain.

Madali sakin yung IF schedule ko, tugma talaga sa oras ko, walang struggle, kaya namemaintain ko + yung 2mad basta may tea ako and water. Lalo na in the morning nakaupo lang ako, di ko kailangan ng additional energy.

Twice a day ako mag green tea, 1 sa morning 1 sa afternoon, and 1 cup of coffee in between.  :D

----
Btw fasted workout ako kanina, sa akin the best sya, maski pa 15 mins lang ng HIIT, una syempre fasted, so na burn yung stored fats, tapos dami ko pa energy kaya I perform better, unlike sa gabi paguwe na dina drag ko talaga sarili ko mag work out hehe, kailangan lang gumising ng mas maaga than usual, pero later try ko mag-run pa din kaso 1st day ng period ko. Iba din effect sa sistema ko ng walk/run kumpara sa strength na mga plyo/tabata/circuit. Hirap mag work out, pero yung feeling after, saraaaaap!!! At syempre yung positive effects sa body long term, sulit.  :)

Haha totoo, kaya pag may kilala ako na sinasabi na madami sila kumain tapos di sila tumaba, sa isip isip ko, abangan mo next week or next month. Hinde naman yan magic na poof ang laki mo na after eating, it takes time, yung deficit and pagdagdag ng calories, hinde basta basta hehe may process pa yan sa pag break down ng food, alin na store as nutrients alin as fats, alin gagamitin for fuel.

As per my meals, twice pa din, everyday ako may fresh salad, fruits, meat, fish basta source ng protein, avocado for good fat, iwas sa carbs, processed at junk/fast foods, may days na nag cheat, pero healthy din niluluto ng husband ko sa bahay hehe, tofu, fish, gulay, whole wheat na pasta. Thursday-Fridays talaga ang mga cheat meal namin.  ;D

Haha naloka ako sa mga small bite/few bites, mo na sukat Sis!  ;D Gawa nyo ba yung siomai? Bongga 10 pcs haha, kaya pala di ka gutumin, bigat sa tiyan. Na miss ko tuloy paotsin.

« Last Edit: March 07, 2018, 07:44:37 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^ang haba ng basa ko ah hehe! Thanks for sharing your insights.. ikaw talaga ang epitome ng taong masipag sa workout hehe.. Ako ningas-cogon lang eh. Siguro matagal na yung 2weeks sakin sa s.bike hehe.ayun tamaders na naman ako.. Sabi sayo, mas gusto ko pang magtiis wag kumain kesa magworkout e hehe. Pero naglalakad-lakad naman ako. Excuse ko yun para di magdrive haha! E kasi naman din halos karamihan ng lady driver na nakikita ko at kakilala ko anglalaki ng tyan parang buntis nakausli. Pano bibili lang sa tindahan sa kabilang kanto magkokotse pa or magmomotorbike!grabe katamaran! Ano bang masama sa maglakad.. Tapos dadaing na namamaga ang paa dahil sa manas. O kaya may gouty arthritis. e maglakad kasi nang malayo-layo noh! itapak mo naman sa kalsada yang mga paa mo para umayos ang daloy ng dugo mo hehe!😆

8.5 pcs lang pala nakain kong siomai kanina naumay ako. As in may butal talaga. Nakita ko kasi yun baunan na pinaglagyan ko kanina may natirang 1.5 pcs hehe. Sa divisoria ata yun binibili ng bayaw ko.biz nila yun, french fries, cheese stick, kikiam, fishball, siomai..mabenta sa mga students..
Yun few bites, kasi yun cheesedog na jumbo hinati ko sa 4 pieces, lengthwise muna then crosswise.then yun 1/4 lang ang kinain ko. Hehe. 😀 Yung boiled corn, medyo matigas kasi yun nabili ko eh kaya di ako ginanahan..Bukas plan ko mag-boiled saba or purple yam..ay oats din pala! Puro carbs hehe! at least good carbs . 🙂

Gora lang tayo sis sana wag tayo tamarin magmaintain ng weight. Pero totoo pag papalapit na sa goal weight natin e mas lalong mataas ang struggle magpapayat. Halos tumambling na nga ako eh. Biruin mo 10-11am nagpafasting na ako mantalang before e 2pm ang last meal ko.. Ang 2pm sakin parang gabi na. Di na pede kain. Inom na lang ng tsaa! Hehe!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Haha napa-haba nga! Na carried away!  ;D

Push, at least maganda tong may mine maintain tayong thread, pag naligaw ng landas, makakabalik uli hehe!

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Nakakaloka ang timbangan!  I weighed today and I'm down to 158.6 lbs.

Yun lang, masaya na ako ulit.  Yesterday was so stressful but this fact made me become optimistic today :)
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^congrats sis! 22kg na lang at magiging 50ish kg ka na din! Push lang ng push!

Ako naman kahapon ng umaga 50.7kg. Kasi grabe din yun cheat meals ko last weekend!
Then this morning naging 50.3kg naman! 😊

Makalose lang ako ulit ng 0.5kg until sunday angsaya ko na kasi 49ish na ako nun yaaay! (Being optimitistic 😀)

Mangho-hoard ulit ako ng fried garlic ke hipag haha! Ano ba yan, parasite ang peg! 😄
« Last Edit: March 08, 2018, 06:21:04 am by hushush »

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Useful infos about garlic.. 😊

*Healthy + Beneficial= Garlic

Garlic is used for weight loss because it is an appetite suppressant. According to Med Spice, when garlic is eaten raw, it reduces feelings of hunger by stimulating the brain?s satiety center. Garlic regulates? appetite when the sensitivity of the brain to leptin is increased through its consumption. Leptin helps to reduce fat by speeding up your metabolism and releasing adrenaline to the nervous system. Mustard oil is a natural diuretic which is found in garlic. It works to cleanse the body by promoting a muscular contraction called peristalsis that breaks lumps of fat. This process dissolves the fat, wash it off.

*The Acne (next time magka-skin breakout ulit ako i will use garlic to cure my pimples)

Slice a clove of raw garlic and apply it on acne breakouts as a home remedy.  Even if the odor is not pleasant, the antibacterial properties of garlic will lessen the appearance of acne, also, to accelerate healing.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close