Author Topic: Weightloss diary THREAD 3 - support thread sa mga gustong pumayat (no slimming p  (Read 21292 times)

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Third day ko na with my 2MAD garlic diet. Pero last day ko na sana ngayon kasi i wanted to eat again other foods like oats, saba at purple yum. (Ito sana yun mga plan ko kainin today) Angkaso gusto ko malaman kung may ilo-lose pa ako bukas hehe! Ambisyosa lang.. Keri ko naman tong diet plan ko hehe.. 😀
Sagarin ang pagdadiet hanggat di pa inaatake ng katakawan!! 😝
Already done with my last meal at fasting na ako ulet:

1st meal @7am:
2 fried eggs
3 raw tomatoes (medium)
3 tbsp of fried garlic
1cup hot infusion tea+ green tea

Last meal @10am
10pcs fried cheese sticks
6pcs fried siomai
4tbsp fried garlic

Fasting hours:
10:15 am-7am (next day)

Mabuhay ang bawang!! 😃😃

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
I'm down to 158.2 today kaso lang I craved for fastfood breakfast today.  Naubos na kasi yung aloe concentrate ko kaya ramdam ko ang gutom.  Sana hindi ako maggain over the weekend.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Ako naman 50.3kg pa rin kanina. Ok lang. importante indi naggain.hehe. then same routine ulit ako. 2MAD garlic diet ulit.ayoko pa mag-normal eating... On my 2nd meal i ate pancit canton na may garlic. then 1fried egg, 2 slices of bangus at 3 small saba sa 1st meal..
nagtake ako ng collagen caps for my skin so i had to drink lots of water.. Goodluck na lang kung mameet ko ang requirement hehe. Para sa ikagaganda ng fez!! 😀😀😀

Sat bukas!! Cheat day! Magchi-cheat kaya ako?? Sana wag na lang.. Let's see na lang kung aatakehin ako ng katakawan bukas... Di bale may kamote naman sa ref eh. Maglalaga na lang ako..☺

brandi

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1163
I cheat every Sundays just because  Sunday is market day. My mom loves to buy buko, puto an suman. I eat everything during breakfast then I fast for 2 days. I would like to try extending it kasi hindi pa din ako nagugutom kaso ayoko magkasakit or magka gastritis kaya i do small frequent feeding para magkalaman lang tiyan ko.

GeRi Sp!cE

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 569
Share ko lang mga sis...

Hindi ko masyado nababantayan weight ko talaga.  Basta pag napansin ko lang na masikip na pants ko ayun alam ko na na tumaba ako. Hindi ko na natitingnan reflection ko sa mirror. I admit mas busy kasi ako mag instagram, facebook, etc. Tapos sedentary lifestyle ako and no exercise. konting lakad lang pag hatid at sundo sa anak ko sa school.

Na-realize ko lang na tumaba na naman ako nung nag-fit ako ng pants sa mall. Size 32 yung pants. Sakto lang sa waist ko. Medyo masikip na nga. Tapos pagdating sa binti maluwag. Bad trip ako. Nakita ko din reflection ko sa mirror. Laki na pala ng tiyan ko. (Actually matagal na bulag lang ako sa katotohanan haha). may saddle bags at cellulite sa thighs. Nagising ako sa katotohanan. Sabi ko ayoko na maging ganito. Gusto ko naman makaranas magka-abs. LOL

So pagdating ko sa bahay, nag weigh ako. Nagulat ako!  Last time ako nag-weigh 53kg lang ako! Kaya ayun. Bumili na ako agad ng lettuce. At hindi na ako kumain ng rice! Imbes na rice, lettuce kinakain ko pero may ulam pa din naman. Para bang samgyeupsal pero pinoy ulam like adobo, mechado, bbq ganun. kaya hindi ko feel na diet siya. At hindi ka maiingit sa mga kasama mo sa bahay. Mga 3 weeks ako nag no rice pero minsan pag cheat day tumitikim mga 2 subo lang na rice ganun. Di ko magive up yung creamy white na kape 2-3 cups a day. 138 calories each ata yun.

Kanina lang ako nag measure kasi sabi ko bakit same pa din weight ko. Pero nabawasan na pala waist ko at hips. saka una ko napansin yung puson ko nag flat ng konti di masyado nakaumbok.

exercise ko salitan sila:

Stationary bike (cycling): 20 mins
abs and core exercises: planking, sit ups, crunch

Height: 5'2
Feb. 23 - 56 kg      waist: 32 in       hips: 39 in   
Mar. 9 - 56 kg       waist: 31 in       hips: 38  in 

sorry mahaba...tagal ko na kasi huli nagpost dito sa girltalk.  ;D

« Last Edit: March 09, 2018, 05:32:49 pm by GeRi Sp!cE »
Manners are a sensitive awareness of the feelings of others. If you have that awareness, you have manners no matter what fork you use.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^^antagal mo nga di nagparamdam sis. Thread1 pa ata yung last post mo e hehe! Saka si sis candacena.. Anyare na kaya kay chiqmom at lalo na si Romans.. Sya talaga yung matagal nawala. Last post nya namatayan ang bf nya.. Then indi na talaga sya nakapagpost.. 😢

^sis Geri Spice! Anggaling naman ng workout combi mo! Nakakaliit nga daw ng waistline ang planking at crunching..Buti naman it worked on you😊.
Yung weight mo malamang retained water yun kaya ka di pa naglose.. O kaya body toxins. Mga pupu na di pa naipaflush sa toilet hehe! 😄
Ok lang magpost ng mahaba ha! Wag mahiya! Diary ang peg ng thread na to. Kahit kausapin mo sarili mo dito ok lang.. Kasi konti lang naman din kasi ang nagpopost dito sa thread tho alam kong maraming lurker.. 😊

Speaking of...constipated ako for 2days na. So i drank prune juice to detox kaninang 4pm. Iba talaga ang jolly fresh.. Ayun by 6pm labas lahat ng kinikimkim na sama ng loob ko hehe..Last time kasi ibang brand ng prune juice na nainom ko, yun Pacifica, kasi walang jolly fresh sa hypermarket..waley eh..naconvert lang sa fats yung 180 (x4) calories na yun hehe. Kaya siguro ako naggain ng 0.2kg.. At least yung jolly fresh, it serves the purpose e hehe.. 😀at malamang naiflush ko din yun prune juice so indi dapat mapaprocess ng body ko yun 180cal na yun into fats.. Pero grabe, amoy poso-negro naman ang pupu ko dahil sa sandamakmak na garlic na pinagkakain ko for 4days hehe. 😅😅😅.. Ang breath ko amoy ewan na din minsan.. Yikesss!! Pero ok lang wala pa naman aamoy sakin eh. Marami din naman akong perfume dito hehe!! 😁

At bukas, kakain pa rin ako ng bawang!! Mabuhay pa rin ang bawang!! Sana naman bukas may malose ako kahit 0.1kg lang.. Pliiis??😌

brandi

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1163
^ako ba sis? Haha! Kung ako sis, I went back to running early last yera. Ang bagal ng pagbaba ng weight ko tapos nagka achiles tendinitis ako. I stopped running and gained what I lost. Ang bilis din kasi ng andar ng thread kaya di ako makasunod. I lost track, tumaba ulit and so on. Early this year, I decided to try on keto and wala pa one month  I lost a lot na hindi ko na lose when I ran. Kaya na motivate ako ulit. Wish ko lang mag tuloy tuloy haha! 😂

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^ay oo nga pala sis ikaw yung nagketo.. Buti naman gumana sayo! failed ako dyan nagka-breakout ako huhu kaya naggarlic diet na lang ako hehe 😁

******
Good morning weightloss sisters!!
So yesterday i was hoping na mabawasan ako kahit 100g lang..so this early morning i weighed in again..The scale reads 49.8kg!!yaaay! 😱 50.2kg nga masaya na ako eh..so yung 0.5kg pala puro toxins at retained water malamang.. nakakamotivate tuloy na wag magcheatday today.. magkakamote na lang ako or gulay.. Ok weight update muna ako:

October 3, 2017 - 49.1 kg
February 8, 2018 - 52.0kg
February 19, 2018 - 51.1kg
February 28, 2018- 50.1 kg
March 7, 2018 -50.7kg
March 8, 2018 -50.3kg
March 10, 2018 - 49.8kg

Itutuloy ko muna ang 2MAD + garlic diet ko while i still can.. malapit na din pala ang AF ko so for sure either maggain or tatakaw ako. 😬

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
Sali ako mga sis.

I am currently at 56.5 kg. Ideal weight ko dapat is 45 kg lang dahil 4'10 lang ang height ko. Malayo at matagal-tagal pa pagdadaanan ko. At least di na ako 61 kg na naging weight ko nung 2015.

Mabagal ang pag lose ko. One reason i think is my age. 27 na ako eh. So slow na ang metabolism. Saka di talaga pwedeng walang rice kahit once a day lang. Mabilis ako magutom at nakaka-migraine ako pag walang rice.

Since February, nag order ako ng meals ko sa Daily's Diet from Monday to Friday. I also monitor my calorie intake through the Lose It app. Then 3 to 4 times a week, nasa gym ako o aerobics sa bahay.

Nung 1st week ng February, nasa 58 kg ako. Ngayon, as I said earlier, nasa 56.5 kg na lang.

Hindi naman ako nagmamadali pumayat kaya ok lang sa akin ang slow progress. Ayoko lang lumagpas ako ulit ng 60 kg.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^hello sis young_maiden! Welcome to the thread. About your weight, overweight ka nga for your height.. At your age, mabilis pa dapat ang metabolism mo depende sa lifestyle mo. Kung active ka payat ka sana.. Ganyang edad ko ampayat ko kasi busy ako sa hiking at photography.. Pwede ding nasa genes. Baka tabain talaga kayo.. Anyways, you can execute any weightloss regimen that will fit your current lifestyle. Yun time naman kasi usually ang kalaban din natin lalo na kayong mga nagwowork.. Yung pagprepare ng "healthy" or diet meals natin, time-consuming talaga..

Ako nga today inabot na ng 9:30am bago nakapagbreakfast, kasi nagbalat at naghiwa-hiwa pa ako ng 5 cloves of garlic e. Mabilis lang naman ang pagtoast.. Kaya lang ewan ko ba parang may mali sa finishing ng mga bawang ko. Angsakit sa dila, ilong at mata, parang sulfuric acid ng onion ang effect..hehe..siguro dapat liitan ko pa ang hiwa para mairelease lahat ng juice while cooking 😉

Parang di ko kasi kaya na walang maraming garlic sa meals ko. Otherwise, masisira ang diet plan ko for the day..to prove it, yesterday, konti  lang yun nakain kong garlic dahil walang supply kina hipag 😀.(Wala akong mahoard hehe!! )
Then ang impact nun sakin, nagutom talaga ako until 5pm. I opted to eat light meals like nido oriental soup at purple yams but nagutom pa rin ako..
Kaya kanina indi talaga ako kumain hanggat walang isang bowl na garlic with my bfast hehe!  Ayun halos di ko maubos yun egg at cheesedog! Partnered it with 2 big raw tomatoes! Solb! 😄😄

Starting tomorrow, 5days ko ulit kakarerin ang garlic diet ko! aiming for 49.7kg! Excited na ko! 😎

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 313
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Parang nalungkot ako sa 0.4 lbs loss ko from yesterday to today hehe...

I still count in lbs kasi mas feel ko ang naaachieve ko kaysa kilos. 

Sabi sa isang blog na nabasa ko, it takes 4 weeks for you to notice the change in your body and 8 weeks before the people around you could notice it.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
^^ Good luck sa iyong weight loss journey, sis.

I order my meals sa daily's diet. Meron 3 meals plus 2 snacks. Yung 1000 kcal package ang in-avail ko.

Pero this week, hindi na ako nag order. Magastos kasi. I will just eat in moderation. Avoid na rin softdrinks at pork. Yung rice plano ko once a day na lang at half na lang. Yung exercise tuloy pa rin.

Minsan pumupunta ako sa Anytime Fitness na ngayon ay pinagsisihan ko. Di ko masulit membership fee dahil minsan nga lang ako pumupunta. Pag nag expire na membership ko, hindi na ako magrerenew. Mas prefer ko pa rin gumaya na lang ng workout videos sa internet like Fitness Blender and Blogilates.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^oo nga sis magastos nga din yun magpadeliver ng meals eh. Saka di mo din sure kung pano niluto.. Baka maya may MSG. O baka maya nung isang araw pa yun niluto e haha!😀
Ang maganda nyan sis magplan ka na ng meals mo then maggrocery ka na good for 1week. yung mga madading iprepare and requires minimum processing na weightloss foods tulad nung eggs, camote, corn, lettuce, saba, cucumber, carrots kasi ilalaga mo lang or hihiwain.. Yun lettuce mas oks kung walang mayo, ACV masarap sawsawan. :)

Mabilis lang yang 11kg mo sis young_maiden lalo na kung aalisin mo yun rice... Kasi sa ganyan din weight nagstart sina itt, px17, atbp. Pero ngayon asa 48-49kg na sila at mukhang di na sila umaabot ng 50kg. 😊
Focus lang, self-motivation at discipline..
Pinakamahirap din kasi talaga pag alam mong maraming fattening food sa pantry mo or sa ref or marami kang pera pambili ng fastfood e anghirap magpigil kumain ng masasarap na nakakataba sa mall. Kaya lately, iwas ako sa mall. Iniisip ko na lang : "wala akong pera. Wala akong pambili ng pizza or ng milk tea. Popcorn na lang". 😁

brandi

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1163
Parang nalungkot ako sa 0.4 lbs loss ko from yesterday to today hehe...

I still count in lbs kasi mas feel ko ang naaachieve ko kaysa kilos. 

Sabi sa isang blog na nabasa ko, it takes 4 weeks for you to notice the change in your body and 8 weeks before the people around you could notice it.

Ako naman sis, kg ako mag timbang. Baligtad tayo. Hindi naman ako natutuwa sa pa konti konti. Mas na motivate ako mag diet kasi evident yung weight loss na nakikita ko pag in kg. Parang mas natutuwa ako pag nakikita ko na malaki ang nababawas feeling ko nag pay off yung mga pag diet ko. 😂

candacena

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 738
hi mga sis. hi sis hushush haha. ngayon lang ulit nakapagpost. eto sinipag na ko mag exercise. sa wakas. sa una lang pala mahirap pero pag nagtuloy tuloy na madali na. at mageenjoy ka na. sa youtube lang ako nanonood. isa talaga nagpamotivate sakin is (kelangan ko mag exercise kasi) madali ako mapagod, feeling sluggish, walang energy. ayun bumili na ko yogamat. susunod ko plano bilhin dumbbells. ipon muna. san kaya mura. gusto ko na kasi ilevel up ang workout ko. pero di ko pa ata kaya yung hiit. hehe. masaya pala kapag hindi lang weightloss ang dahilan para mag workout ka. hehe.

sa diet naman. eto dahil nagtitipid ako. hindi na pandesal at kape ang tanghalian ko. rice na at ulam. tipid ba yun? hahaha. though may konting keto pa din. rice lang talaga nadagdag since na reach ko na goal weight ko.

haha sis hushush bago nanaman diet mo ha. garlic naman ngayon. talaga nakakabusog siya? matry nga. yun bang weighing scale mo sis ay hindi na weweigh ang ininom na tubig? yung totoong weight talaga ang nagaappear? mahal ata yung weighing scale na ganun
« Last Edit: March 11, 2018, 04:28:54 pm by candacena »

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
Hallo! Uy sis candacena! Buti naman napadaan ka hehe 😀 so nagkeketo ka din pala like sis brandi. Meron ako dumbells pero bihira ko lang gamitin hehe. Sa chris sports mura lang naman yun.

So nareach mo na pala ang goal weight mo?? Congrats naman dyan! 👏So ano na weight mo now sis?

Uu nga naadik ako sa garlic eh. Nakakabusog talaga sis kasi nga may appetite supprressant sya..try mo sis! Pedeka din bili nun garlic chips sa hypermarket per mahal! 100 petot tapos maliit na jar lang. Isang kainan ko lang yun. Bitin ako dun. Mga 4 na ganun siguro sa buong araw haha!
Try ko lang ulit ang garlic for another 5days. kung may malose ulit ako hehe. Kasi di ako makasurvive ng 2mad at 20-hour IF kung walang garlic. Gugutumin talaga ako sa sobrang haba ng fasting...

About weighing scale.. Parang wala naman akong nababasa na digital scale na kayang ideduct yung water weight. Kasi ang basis lang naman ng conventional scale e yun mismong timbang mo eh. Yun isa ko scale na camry kinocompute nya ang BMI pero need iinput ang parameters.. Masyado hassle. And i dont care about my BMI...importante sakin maging 49ish ulit ang weight ko at mamaintain ko hehe.. 😀

Basta pag nagtitimbang ako twing alas-5am -7am. Then panty lang ang suot ko pag nagtitimbang. kasi may weight yun clothes eh. 😊

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
Dumaan ako sa anytime fitness kanina to weigh in. Nasa 56.1 kg na lang ako. I felt relieved. Ok lang kahit mabagal ang paglose ko basta wag na mag gain.

Once a week lang ako nagtitimbang. Sabi sa akin sa daily's diet, hindi recommended ang every day mag weigh in.

Kanina nag grocery ako ng mga kakainin ko for the week. I bought the following:
- fitnesse granola oats
- kellogg's vanilla almond cereals
- banana and honey oatmeal
- 8 fitbars
- gardenia slim and fit bread
- ladies' choice chicken spread
- nestle non-fat milk

What do you think mga sis? Helpful kaya sila sa weight loss journey ko?
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1311
^
-Walang gulay/fruits
-Maraming sweets/bad carbs

Honestly, pang cheatday ko na yang mga nilista mo hehe.. Parang sinabing mong araw-araw kang magcheat hehe.. 😀
Anyways, mahirap talaga magswitch agad to a lesser evil diet hehe..pero sana next time mag-add ka sis ng gulay kahit raw tomatoes or carrots. 😊

About weighing-in everyday, nakasasama lang yan sa mga indi kayang ihandle ang disappointment pag indi nami-meet ang expectation. Yun mga tipong nade-depress pag biglang nag-gain or hindi naglo-lose kahit alam naman ang reason behind (nagbinge eat, nagbuffet, nagfastfood araw-araw, etc)

Sa mga katulad ko na beterano na sa pagdadiet, mas indi ok sakin na wag magtimbang regularly kasi tumataba ako.. Dapat focused ka talaga sa diet mo kung gusto mo imaintain for a long time.. 😊

Saka number lang naman yun eh.nasa tao na yung kung pano nya ihandle yung number na yun. Patataasin ba nya or pabababain? 😁

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
^ thanks.

Ang style ko muna is to avoid exceeding 1200 kcal per day. Yung mga binili ko puro low-calorie food naman.

Di ko talaga kaya ang gulay sis. Yung fruits keri lang. pag napadaan ako sa market, bili ako banana at apple.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2596
  • Live and let live. Love and let love.
Mahalaga quality ng food.  :D

 


Latest Stories

Load More Stories
Close