Oh my!! 23 pa lang pala si sis.

Ang dami ng nangyari, ang haba ng back read ko..
Just to share.. I was 21 and hubby was 30 when we met.
That was 7 years ago..
May ex live-in partner sya and one love child before kami magkakilala.
EX! coz they are not together anymore nung dumating ako sa buhay nya.
Confirmed yan. Kasi bago nya po ako niligawan pinaalam nya muna kay baby nya (she's 6 yrs old that time) and Ex na kung ok na ba sya makipag-date coz 4 years naman na din silang hiwalay nung mommy.
And they approved it, according din daw sa ex nya may dinedate naman na din daw syang iba.
That time pumupunta sya dun sa house ni ex nya para lang bisitahin yung baby nya.
And bago sya manligaw sakin pinagtapat nya yan lahat sakin.
I was disappointed at first coz syempre at young age super idealistic pa ko sa relationship pero na-feel ko naman na malinis intention nya.
Inayos nya muna lahat between samin ng ex nya at daughter nya..para clear lang lahat.
Tinanggap ko lahat. Saka sure ako na wala naman akong sinasagasaan na ibang tao. Wala kaming masasaktan. May time pa na iniinvite nila ko sa school activities ng daughter nya kasama yung mommy. Ok lang daw sa mommy kasi ok kami nung anak nya.
Ako na yung tumatanggi kasi baka magtaka yung mga classmate nung bata bakit iba kasama nung Daddy nya plus nandun pa yung mom.
Ang point sis kung malinis talaga intention ni guy, from the start bago ka nya i-pursue inayos na nya muna lahat.
Kung mahal ka nya talaga hindi nya hahayaan ikaw magdala ng sitwasyon.
Dapat sya!

Walang respeto sa mga babae yung ganyan klaseng lalaki.
Another one.. I am a wife and a mom too.
Nakaka-worried lang na may mga babaeng pumapayag/naniniwala sa mga bola ng mga ganitong lalaki.
Sis anong malay mo..sa house pala napaka-family man nung bf mo.
Inaasikaso wife and kids nya. Palagi silang may I love you.
Hubby always make lambing his wife after office..
Walang kamalay-malay yung wife na behind her back, habang nagta-trabaho sya para sa family nya eh may isang tulad mong pilit sumisira ng lahat.
Willing magpa-uto sa asawa nyang user!
Look! tama ka naman..buhay nyo yan and desisyon nyo yan.
Pero hindi lahat pinaglalaban lalo na kung mali at lalo na ikaw mismo may nakikita kang red flags.
Bata mo pa sis. Maniwala ka samin.
Madami pang pwedeng mangyaring mas mainam sa buhay mo.