Haha "brainwash."
Married na kasi ako ngayon kaya ayoko na ikwento ng buo yung kwento ni "brainwasher." Kaso ganito yun. Si ex, nang bf ko na, ay napag-alaman kong annulled pala...nakausap ko ang ex wife...kaya siya nagpaannull is because si mistress ni ex ay nagkakid. At gaya ni TS, naging t@nga@ din ako kasi nga bf ko na nung nalaman ko about the annullment and stuff. Conservative ang family ko kaya nung nalamang ipapakilala ko tong bf na to eh NO agad ang buong angkan. At dahil alam ito ni bf, sabi niya wala siyang pakialam. Tapos mga weekends ko nagkukunwari akong may overtime ako para magkasama kami. Nga pala, PMAyer itong ex na to. At marami nga namang lalaking pinapipili ang babae kugn family niya or si lalaki. Eto ang exact linya niya sa akin, "Pinag-aral ka na nga, nakatira ka pa sa nanay mo?! Eh kung ako magulang mo, pinalayas na kita dahil tapos na ako sa obligasyon ko sayo." Sabi ko, kapag tinakwil ako ng pamilya ko, mawawala yung bahay at lupa na binili ng nanay at tatay ko para sa akin kung mag-aasawa ako. Ang sabi ni ex, "Kanila na yung lupa nila, magpundar ka ng sarili mo." Wala akong malapitan noon dahil bulag ako sa pag-ibig sabay etong si ex eh sakit din sa ulo. Nung pinagalitan ako ng nanay ko, at gusto kong patunayang may sarili rin akong desisyon at para na rin maimpress tong si ex, kumuha ako ng preselling na condo. Preselling para di magmukang padalos-dalos ang desisyon ko.
Mabait ang Diyos. Nung dinispatya ako nitong si ex dahil hindi niya ako kayang controllin (iinimbestiagahan ko kung sila pa rin ni mistress), eh ako pa ang pinalabas na mali. Oo nga, mali ako. Maayos akong tao, may pinag-aralan ako, maayos na pamilya ang pinanggalingan ko. Anim na buwan kong iniyakan itong "brainwasher." Nagload pa ako nang nagload ng unli kakahabol sabay sabi sa akin eh "hindi kita girlfriend para tawagan mo ako." In short, hindi talaga ako mahal, ginamit lang ako, trophy habang nasa Maynila. It took sometime bago ako naawa sa sarili ko. As in naawa na ako sa sarili ko. Dun ako nagsimulang magmove on. Ang mga lalaki, hanggat may pakinabang sila, makakapal yang mga yan. Hindi yan tatanggi. Marami ding tulad namin na nagpapakatanga. Isang example eh yung character ni Jennylyn Mercado sa "English Only, Please." hehe....
Naka-move on na ako. Kaya eto ako, panay ang paalala kay TS na siya lang ang pwedeng sisihin kung patuloy niyang kukunsintihin itong bf niyang to.