watch now

Author Topic: I always pay for everything... EVERYTHING!  (Read 11066 times)

amethyst028

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #20 on: February 03, 2016, 08:30:28 am »
@TS i feel you sis. first bf ko ganyan din. makakapag date lang kame pag ako gagastos although same salary bracket kame back then kaya lang he has to send money to his family kaya natitira lang sa kanya money for his daily expenses. 2 years din kame until i couldn't take it anymore. money is a big issue pag married na. kadalasan iyan ang pinag aawayan ng couples. and dapat team kayo nag tutulungan hindi yung isang tao lang ang aako sa lahat.

25 ka na kaya tama lang na mag isip isip ka na. don't wait till you're in your 30's walang saving and walang naipundar tsaka mo lang maiisip na ayaw mo na pala. pagod ka na. i left my ex when i was 23yrs. old mas mahalaga kasi sa akin future ko.

don't stay kasi naawa ka sa kanya dahil madami na siya pinag daanan. sa sarili mo hindi ka naawa? yung future mo hindi ba mahalaga iyon? wala ka bang dreams and aspirations in life? sa tingin mo maabot mo ba mga pangarap mo pag siya ang kasama mo or magiging pabigat lang siya? someday you will hate yourself for staying too long in that relationship.

imprincessfiona

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #21 on: February 04, 2016, 05:03:56 pm »
I agree sa mga advices ng mga sissies natin, leave him. Walang mangyayari sa ganyang klase ng lalaki. You will never be totally happy. I can feel you sis dahil ganyan din ang ex bf ko. In 2 months time hay naku nakipag-break na ako nakaka-PULUBI sya sis saka na-realize ko ANG KAPAL NG MUKHA NG EX KO  TALAGA e pareho naman kami may work. Ganun din kasi sya sa mga EX nya baka nasanay na ganun. Kapal muks talaga!!!!!!!!!!!!! Grrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!

engr_neechee

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #22 on: February 05, 2016, 08:04:04 am »
Sis, di ko na mahanap yung link sa video dati ni Bro. Bo Sanchez about finding a lifetime partner.  Pero the line that struck me most eh yung, "You are responsible for your future."

If kayo ang nagkatuluyan at nalosyang ka ng maaga, tandaan mo, walang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo dahil ginusto mo yan.  Wag mong hintaying marinig mo yan sa mga magulang mo kapag may asawa ka na.  And hindi matatapos ang buhay kapag naggoodbye ka sa kanya, remember that.

Girltalker2

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #23 on: February 05, 2016, 09:08:52 am »

^ may remembrance pa daw ba? :))

I Recall a situation where the girl used her credit card to buy for her BF computer. since kapal muks si BF, nag break na sila and all, the girl is still paying for the computer.

engr_neechee

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #24 on: February 05, 2016, 09:27:05 am »
^sis, maraming lalaking ganyan.  May ex ako binigyan ko ng second hand na celphone.  Nung nasira halos ibato sa akin.  Binilhan ko ng pinakamurang pwedeng icard (dahil walang-wala ako nun at binrainwash akong kumuha ng condo para  maibahay siya), ayun, thank you lang ang inabot ko tapos binabayaran ko pa kahit iniwan niya ako.  Makakapal ang fez ng mga lalaki ngayon.

momentum

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #25 on: February 05, 2016, 09:31:54 am »
^putik ang kapal nga..at naconvince ka niya na kumuha ng condo na binabayaran mo parin ouch  >:(
mahirap talaga mag sugal ng ganyan kapag bf/gf palang kayo, kahit pa hindi naman siya kapalmuks..kasi you'll never know naman diba kung magkakatuluyan talaga kayo..unless syempre nagplaplano na kayo magpakasal and you're already making arrangements for your wedding hehe

donya_dyosa

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #26 on: February 05, 2016, 09:46:23 am »
sometimes love just aint enough...

kahit mahal mo siya kung mabigat naman... ang bigat dalin.. di na tama..
the fact na nagpost ka dito means binabagabag ka ng inner self mo..

i hope that you find someone na di ka pahihirapan...

argento

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #27 on: February 06, 2016, 11:23:43 pm »
dahil walang-wala ako nun at binrainwash akong kumuha ng condo para  maibahay siya

hindi ka nabrain wash. may ibang tawag diyan.

donya_dyosa

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #28 on: February 07, 2016, 01:04:50 am »
@engr_neechee medyo nahighblood ako sa brainwash.. Grabe nasan na yang lalaki nayan? May nauto nabang iba?

Yung dad rin ng anak ko.. I pay for everything noon.pag kakain pakami sa mga mcdo, aba 2 piece pa sa kaniya! Tapos one time naggogrocery kami. Humingi siya 50 pesos. May bibilin lang daw. Di niya alam sinundan ko siya.. Ayun bumili ng hikaw...

Akala ko ibibigay saakin. Sa other chick niya pala ibibigay. Hahaha.
To add. Yung koche ko ginagamit nila pala sa dates nila habang nasa school ako noon.
Buntis ako 2months, si other girl 1month. Pero saakin parin siya umuuwi kasi di sya puwede doon, strict ang mom ni other girl.
At sobrang dami pa.

Kaya di ako nagsisising ipinabugbog ko siya. Dati natatakot paako malaman ng iba. Pero ngayon. Sobrang proud ako.. Accomplishment ko na naturuan ko siya ng leksyon nung pinalalayas ko na siya at ayaw niyang umalis..(dahil wala siyang matitiran. If ever madeds siya one day, i hope tragic. (Grabe ako noh?, grabe lang talaga ako magalit, as in walang kapatawaran)

Mommychinita18

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #29 on: February 07, 2016, 09:28:34 am »
Sis @gamay, kung may health issues siya at di makatagal mag work. Di ba nya naisip na magbusiness na lang ng sarili niya para hawak niya ang oras niya at di na kailangan mag resign dahil sa health issues? Hindi lang naman kasi sa pagwowork sa other companies ang pwedeng source of income. Instead of gastusan mo siya sa travels, pwedeng pahiramin mo siya ng small amount of money to start his own business then bayaran ka niya pag okay na. Kesa naman umasa siya sayo for 6 years.

Sorry for being harsh sis, ganyan kasi un ex ko and for 8 years natagalan ko siya. buti nalnag natauhan ako at naipagbreak na sa kanya. Bukod kasi sa wala akong maiipon dahil ako ang gagatos para samin dalawa, di ko din siya matutulungan kung patuloy siyang magdedepend sakin. :) Unfortunately, last balita ko sa kanya wala pa din siyang work.

engr_neechee

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #30 on: February 09, 2016, 06:11:56 am »
Haha "brainwash."

Married na kasi ako ngayon kaya ayoko na ikwento ng buo yung kwento ni "brainwasher."  Kaso ganito yun.  Si ex, nang bf ko na, ay napag-alaman kong annulled pala...nakausap ko ang ex wife...kaya siya nagpaannull is because si mistress ni ex ay nagkakid.  At gaya ni TS, naging t@nga@ din ako kasi nga bf ko na nung nalaman ko about the annullment and stuff.  Conservative ang family ko kaya nung nalamang ipapakilala ko tong bf na to eh NO agad ang buong angkan. At dahil alam ito ni bf, sabi niya wala siyang pakialam.  Tapos mga weekends ko nagkukunwari akong may overtime ako para magkasama kami.  Nga pala, PMAyer itong ex na to.  At marami nga namang lalaking pinapipili ang babae kugn family niya or si lalaki.  Eto ang exact linya niya sa akin, "Pinag-aral ka na nga, nakatira ka pa sa nanay mo?!  Eh kung ako magulang mo, pinalayas na kita dahil tapos na ako sa obligasyon ko sayo."  Sabi ko, kapag tinakwil ako ng pamilya ko, mawawala yung bahay at lupa na binili ng nanay at tatay ko para sa akin kung mag-aasawa ako.  Ang sabi ni ex, "Kanila na yung lupa nila, magpundar ka ng sarili mo."  Wala akong malapitan noon dahil bulag ako sa pag-ibig sabay etong si ex eh sakit din sa ulo.  Nung pinagalitan ako ng nanay ko, at gusto kong patunayang may sarili rin akong desisyon at para na rin maimpress tong si ex, kumuha ako ng preselling na condo.  Preselling para di magmukang padalos-dalos ang desisyon ko.

Mabait ang Diyos.  Nung dinispatya ako nitong si ex dahil hindi niya ako kayang controllin (iinimbestiagahan ko kung sila pa rin ni mistress), eh ako pa ang pinalabas na mali.  Oo nga, mali ako.  Maayos akong tao, may pinag-aralan ako, maayos na pamilya ang pinanggalingan ko.  Anim na buwan kong iniyakan itong "brainwasher."  Nagload pa ako nang nagload ng unli kakahabol sabay sabi sa akin eh "hindi kita girlfriend para tawagan mo ako."  In short, hindi talaga ako mahal, ginamit lang ako, trophy habang nasa Maynila.  It took sometime bago ako naawa sa sarili ko.  As in naawa na ako sa sarili ko.  Dun ako nagsimulang magmove on.  Ang mga lalaki, hanggat may pakinabang sila, makakapal yang mga yan.  Hindi yan tatanggi.  Marami ding tulad namin na nagpapakatanga.  Isang example eh yung character ni Jennylyn Mercado sa "English Only, Please."  hehe....

Naka-move on na ako.  Kaya eto ako, panay ang paalala kay TS na siya lang ang pwedeng sisihin kung patuloy niyang kukunsintihin itong bf niyang to.   

yannuh

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #31 on: February 09, 2016, 09:23:27 am »
6 years na po kmi ni BF. He is a good guy, sweet, mabait, easy to get along with at funny. Halos perfect na. Yung tipong ingit yung mga single friends ko naka bingwit ako ng BF na ganon.

But this is the problem, he is unemployed and broke.



Kumusta ka na sis? kaloka ang bf mo. Kayo pa ba until now? AT keri mo pa ba maging sugar mommy? Sorry to be mean pero need mo na ata matauhan sis. Sabi nga ng ibang sisterets natin, di ka mabubuhay ng sweet, loving at funny guy. [textspeak!] yun magtatawanan lang kayo buong araw, walang kain-kain?

Need mo na sabihin sa kanya na di mo na kaya yung ikaw lang lagi. Ok lang split kayo sa bill pag lumalabas pero pag ikaw lahat? Kaloka! Sinabi mo na rin na di ka high maintenance so I assume kahit sa karinderya lang kayo kumain basta magkasama kayo, happy ka na. Sabihin mo sa kanya lahat yan. Pano ang future nyo kung ikaw lang ang kakayod? if me health issues, pede naman siguro mag isip sya ibang way to earn. Meron dibang mga online jobs? or business? try nya din magtanong tanong or research para naman kahit effort meron sya :D

pinkpassion

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #32 on: February 11, 2016, 09:32:20 pm »
Sis, re-read your story, may problema talaga.  Hindi ka nandito kung walang problema remember " they say love is more important than money... But have you tried paying your bills with hug and kisses? Wake up!

jeninajenina

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #33 on: February 14, 2016, 06:21:37 pm »
This isn't a piece of advice sis. Pero i was the person someone has referred to nung nagreply dito.

Well ganun parin yung kwento sakin, ako parin nagastos most of the time, walang savings, same as you, minsan aabutin ng 2k ang bill sshare siya 200 tapos ako din naman sa toll. In fact i love going to the beach and going to places, pero it stopped kasi hindi ko afford na laging times two yung babayaran ko.

Ngayon valentines day. Wala akong natanggap, i know mababaw pero nakakainggit lang talaga yung mga tao sa paligid ko haha kahit letter man lang o what.
Diskarte nya sana isama ako sa family date nila kesyo wala naman siyang plinano for us. Kaso hindi na ko sumama. Naawa lang ako sa sarili ko.

Anyway, reading this thread scares me. I'm turning 25 this year and been dating this person for a year. It took you 6 years before opening up and being brave enough to leave if ever things wouldn't get better.  Pano pa kaya ako sis? Baka 35 na ko dun lang ako matatauhan. :(

Sana maging okay na siya sis. I wish you both well.

kvandenhaak

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #34 on: February 15, 2016, 02:03:09 am »
The thing is, walang lalakeng may paninindigan ang papayag na palaging libre sya. May kasabihan na di bale na daw tamad basta marunong mahiya. He is taking advantage of your generosity. There's so much out there in store for you. Don't settle for a guy who can't grow a pair. Of course, iba naman talaga yung minamalas lang. If that is the case, I would say be with your BF and support him. Pero kung wala kang nakikitang effort man lang or sorry man lang tuwing lalabas kayo eh hello? It's not too late. Di pa kayo kasal.

purple.strawberry

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #35 on: February 21, 2016, 08:02:36 pm »
Hi sis, I can relate altho hindi naman ganyan ka-extreme situation with current boyfriend. That is, personal needs nasasagot naman niya.

Issue pa din is financially instability. Industry kasi nila (art related) is small lang and bilang lang ang companies dito sa Manila. Per output din ang bayad so meron times na weeks bago ulit magkakaincome. At first I didn't mind, especially since pag nag-eexpress ako ng concern may ginagawa naman si bf. For instance, yung previous company niya super baba ng rate so he transferred to a new one (higher rate but same problem with workload na binibigay).

Meron din siya occasional health issues. As of this writing hindi na ganun kadalas, thankfully. Previously though he needed to stay at home madalas to rest.

The last few weeks madalas namin pinag-aawayan. Bf and I like to travel, and this year nagcancel na kami ng 2 planned trips because of budget concern nga. I thought of him as irresponsible, he said inaapura ko siya when he's trying naman. Ang usapan namin he will look for other part time jobs as back up since hindi reliable main source of income nila.

I guess with bf kasi nakikita ko naman yung effort, so even though ganun yung situation namin I'm giving him a chance and *cross-fingers* trying to be positive.

With us women importante talaga security and financial stability. Whether it's about laziness or simply down lang sa luck, pag hindi financially stable ang lalake he's not being a good provider and should be a big concern talaga.

TomHansen

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #36 on: February 23, 2016, 02:50:34 am »
^ story of my life (maliban sa health issues) and the main reason why my ex broke up with me, I agree sis, at first di ko matanggap pero nung tumagal narealized ko rin na normal lang sa girls maghanap ng financially secured na bf regardless kung masipag or tamad yung guy..

Girltalker2

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #37 on: February 23, 2016, 06:00:15 am »

^ this is a learning experience for everyone.
As a guy, perhaps you initially thought it is okay. After that relationship, siguro you know better. Just don't enter into a relationship that you can't afford, because you know you will end up breaking it off later.

As the gf, again, people initially thought it was okay. But it is not okay. Next time, sana Mas Maging selective din mga girls so they can be happy. 

purple.strawberry

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #38 on: February 24, 2016, 12:40:56 pm »
^^True sis. I actually showed this thread to bf, and he said may reason naman daw pala yung boyfriend ni OP kaya ganun ang situation. I told him what I said here, na whether laziness or lack of luck ang cause, same lang yun sa babae which is that hindi good provider ang lalake. I said forward thinking din kasi ang mga babae, ano pa ba ang ending ng relationship kundi kasal? Kahit wala pa sa plano yung marriage, stability is a big consideration na.

ms.bumbay

  • Guest
Re: I always pay for everything... EVERYTHING!
« Reply #39 on: February 24, 2016, 09:04:07 pm »
Hi mga SIS Newbie here. To sis TS, [textspeak!] ba yan for 6 years ikaw lagi ang taya. Hindi man lang nahiya ang bf mo. Sa pagkakaalam ko nakaka down ng ego sa part ng boy ang ganun. Kahit pa matagal na kayo hindi rin naman tama sayo iasa lahat lalo na babae ka. Mag isip isip ka na sis ano kaya pag mag asawa na kayo ganyan pa rin siya.

Buti na lang hindi ganyan BF ko, 6 years na din kami at kahit sentimo hindi niya ako pinag bayad sa mga dates namin.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close