Sana maayos na yung problema namin sa bagong real estate na nag take over sa building namin at sana makahanap na kami ng matitinong tenants na magtatagal.
Ang dami na naming nasayang na pera kakacover sa rent at sana naipon na lang namin yung mga pera na yun for our wedding next year. I am also hoping and praying for peace of mind. Kapag medyo financial ang problema, ang hirap mag-isip ng tuwid. Sana maging stable na ang lahat ng aming source of income at maging maayos lahat ng plano namin.
Father God, purihin ka Ama sa iyong kabutihan sa amin.. Salamat sa Iyong mga mapagpalang kamay at kami ay patuloy mong kinakalinga. Lord God, alam mo po ang kalalagayan ni sister na ito naway dinggin mo po ang kanyang panalangin at ako po ay dumudulog sa Iyo. mapag tagumpayan nawa nila ang kanilang pinagdadaanan. gabayan mo po sila Lord God sa kanilang mga plano Ama, kayo po ang manguna sa kanila. ito po ang aking samo at dalangin, in Jesus name I pray.... Amen
Praying for a healthy pregnancy and a healthy baby:-)
Lord God idinadalangin ko din po si kapatid na syana para sa kanyang pagdadalang tao. pagpapalain mo po sila ng kanyang asawa ng isang malusog, walang kapansanan, normal na baby. Lord God, hipuin mo po ang kanyang sinapupunan upang maging ligtas ang baby at si kapatid. ilayo mo po sila sa ano man karamdaman nang sa gayon hindi makaapekto sa pagdadalang tao... Lord God, I give you back all the glory and honor thru Christ our Lord, Amen.
Prayer requests:
For my lola to be out of the hospital soon and for her complete healing.
Financial Blessing (good sales, regular customers and for new customers)
For gainful employment so that I can provide for my family.
For the healing of my PCOS, anxiety, stomach problems, migraine and for regular monthly periods.
I pray din Lord God para kay kapatid na Alice na patuloy mo pa pong bigyan ng malakas na pangangatawan ang lola nya, mahaba pang buhay ng sa gayon patuloy pa po niyang ma enjoy ang buhay dito sa ibabaw ng lupa kasama ng mga mahal nya sa buhay..
I pray din Lord God, for financial break through kay kapatid na Alice, I declare year of abundance para sa kanya at sa mga natitira pang buwan ng taong ito, ibuhos Mo po sa kanya ang pagpapalang nag mumula sayo Ama kasama na rito Ama ang pagbigay sa kanya ng magandang karir. naway maging channel of blessing siya para maiparating mo rin po Lord God sa kanyang pamilya ang iyong pagpapala.
I pray din for your divine protection Lord God at ipagkaloob mo kay kapatid na Alice, wasakin mo Lord ang ano mang gumagambala sa kanyang kalusugan. ang PCOS na yan Lord, alisin nyo sa kanya yan Lord para po kung gusto na nya itesting ang pagdadalang tao walang maging problema

, Lord God, cover her with your most precious blood upang mapagtagumapayan ang lahat ng karamdaman nya. I pray for her divine health Lord, divine spirit upang manatiling malakas ito at makapag patuloy siya na makapag lingkod sa Iyo..
----------
Ama, salamat sa mga katugunan ng aming panalangin.. I declare your victory Lord para sa mga kapatid na ito. patuloy po kayong kumilos sa mga buhay nila. pagpalain sila sampu ng mga mahal nila sa buhay.. Lord, kung ano pa man po ang mga personal prayer nila naway ito'y iyong dinggin. ipagkaloob sa kanila sa tamang panahon at sa tamang oras. alam ko Lord God na kayo po ay all knowing God, kaya higit sa lahat kaya po ang nakaka alam ng kanila/aming mga pangangailangan.. Ang kalooban mo po Ama ang masunod. Ito po ang aking samo at dalangin, sayo lamang ang kapurihan, karangalan at pagluwalhati. Sa Ngalan nang Ama, Anak at Spirito Santo. Amen...