Author Topic: Prayer Request? Post it here  (Read 9780 times)

sweet_chloe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 84
Prayer Request? Post it here
« on: January 16, 2016, 08:52:47 pm »
I would just like to do something different this time. Those who needs prayers kahit ano, kindly post them here.

Gusto ko lang makatulong sa tao di man sa material or pera, atleast man lang sa simple act of praying for them.

Sana po may mareceive akong mga prayer request para masama ko sa prayers ko later.

God Bless Everyone!  :)
« Last Edit: January 17, 2016, 01:58:08 am by sweet_chloe »

LABYU

  • member since 2015
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 223
  • wala lang :)
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #1 on: January 18, 2016, 04:25:58 am »
sayang hindi pa agad agad ma popost itong message ko but if ever na ma publish ito, request sana ako na "yung mga taong na mimisunderstood ako, maliwanagan mga isip at maging okay kaming lahat"
"If opportunity doesn't knock, build a door ~ Milton Berle"


10:15 AM - December 1, 2017

realshaddy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 238
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #2 on: January 19, 2016, 05:13:30 pm »
I am in so much pain right now. I just lost my baby. 6 months pregnant and I lost her. I feel so lost, I am tired and I feel so empty. I started to question God, why me, Lord? Alam ko wala ako karapatan to question Him. Pero andami ko kase hindi maintindihan. I know in time I will understand. But I just couldn't stand the pain right now. It happend January 5, 2016.

Please help me pray to accept what happened. At sana bumalik na agad ang faith ko kay Lord. Im not sure kung nawala nga ang faith ko. Sobrang confused talaga ako ngayon. I need your prayers please.
I'm still very thankful...

pjiyeon

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 170
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #3 on: January 24, 2016, 09:57:23 am »
^i'm in so much pain too because of my work. I feel so lost, tired and empty. I'm starting to question the reason for my existence. I'm losing the will to live everyday.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #4 on: January 24, 2016, 02:14:16 pm »
I am in so much pain right now. I just lost my baby. 6 months pregnant and I lost her. I feel so lost, I am tired and I feel so empty. I started to question God, why me, Lord? Alam ko wala ako karapatan to question Him. Pero andami ko kase hindi maintindihan. I know in time I will understand. But I just couldn't stand the pain right now. It happend January 5, 2016.

Please help me pray to accept what happened. At sana bumalik na agad ang faith ko kay Lord. Im not sure kung nawala nga ang faith ko. Sobrang confused talaga ako ngayon. I need your prayers please.

condolence sis... wag ka mawalan ng faith kay God sis, may purpose ang lahat ng nangyayari. pwedeng kaya Niya inalis si baby sa tummy mo kasi baka hindi kayanin ng katawan mo pag lumaki pa siya at ikapamahamak mo, or pwede rin na baka may kapansanan si baby at ayaw lang ni God na mahirapan ang baby mo. maraming pwedeng maging reason. pwedeng ang purpose Niya eh maalis si baby para mahayag ang kapangyarihan Niya sa iyo, malay mo kung Makita Niya kung hanggang saan ba talaga ang faith mo sa Kanya ma bless kayo ng kambal o kung di man kambal eh mga malulusog, matatalino at normal na babies ang ipalit Niya. ASK sis.... Ask, makipag communicate ka lang parati kay God wag ka magsasawa gusto Niya yun. Seek, hanapin mo sa Kanya ang mga katanungan mo at tutugunin ka Niya, Knock, kulitin mo lang si God sa mga panalangin mo at pagbubuksan ka Niya ng panibagong pagasa.. again sis, wag mo bibitawan ang faith mo kay God.

^i'm in so much pain too because of my work. I feel so lost, tired and empty. I'm starting to question the reason for my existence. I'm losing the will to live everyday.

Sis, anong klase ba ng work mo if you don't mind? I suggest try to live to give back the glory and honor to our God not for your boss or to anyone..

-----------

kudos sa ts ng thread na to, sana nga sis maipanalangin mo ang ilang sa mga kapatid natin sa lahat ng mga break through na pinagdadaanan nila... God bless!
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

realshaddy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 238
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #5 on: January 24, 2016, 11:23:25 pm »
Almost 3 weeks na nakakalipas, pero yung sakit di pa din nababawasan. Araw araw pa din ang iyak ko. Diko na makuhang makipag usap kay Lord. Alam ko mali. Ang sinasabi ko na lang sa kanya, thank you at patawarin nya ko sa nararamdaman ko. Pero yung dati na nakikipag kwentuhan ako palagi kay Lord, nawala na. Sana bumalik na yon. Sana bumalik na ang faith ko. Ayoko ng ganitong feeling. Napakahirap. Di ko inakala na meron pala ganitong sakit. Sa sobrang sakit ng kalooban parang nakakamatay na sakit talaga
I'm still very thankful...

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #6 on: January 25, 2016, 06:50:43 pm »
^ Ama naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, ako po ay dumudulog sa Iyo para kay kapatid na (poster above me), alam kong batid Ninyo ang pinagdaraanang hirap ni kapatid. dalangin ko Panginoon ang mabilis na proseso ng pagtanggap niya sa mga nangyari sa kanyang buhay, papaghilumin mo ang sugat na nararamdaman niya sa ngayon, give her comfort Lord God. alam ko sa mga oras na ito walang ibang makakapagpanatag ng kalooban niya kundi Ikaw lamang. dalangin ko din Lord God na buksan mo ang kanyang spiritual understanding, spiritual heart ng sa gayon mabilis niya rin maunawaan ang mga bagay na nais mo ipabatid sa kanya. ipaunawa mo sa kanya Ama na higit pa rin siyang mapalad sa kabila ng nangyari kumpara sa iba, siya na naranasan kung ano ang pakiramdam kung paano magkaron ng isa pang buhay sa kanyang sinapupunan, bagay na ni minsan hindi naranasan ng iba na nagkaron ng problema sa pagdadalang tao. dalangin ko Lord God na maunawaan niya na maaring nangyari ang lahat ng ito sa kanya upang mas lalo pang mahayag ang Iyong kapangyarihan, dalangin ko rin Lord God huwag Mong pahintulutan na madiktahan siya ng kanyang emosyon sa pagdedesisyon. kalingain  Mo siya ngayon Lord God sa iyong mapag palang kamay. cover her with your most precious blood, akapin mo siya sa Iyong mga bisig.. I pray Lord God, sa kanyang pagharap muli sa panibagong buhay ay pagkalooban Mo siya ng panibagong pag asa. dalangin ko rin na kalakip ng panibagong pag asa ay pagkalooban Mo po muli silang mag asawa ng panibagong anghel, panibagong anak na kanilang aalagaan at palalakihin, isang malusog, normal, walang ano man karamdaman, walang kapansanan na baby.. Higit sa lahat Lord God, dalangin ko para kay kapatid na huwag po Mo po siyang bibitawan, nawa'y Ikaw po ang patuloy na kumapit sa kanya, sapagkat kung siya lamang po ang patuloy na kakapit sa Iyo ay baka makabitaw siya. salamat Lord God dahil kayo po ay Diyos na mabuti, Diyos na tapat kailanman. ang mga pangako Mo ang tanging pinanghahawakan ni kapatid sa mga oras na ito...

Lord God, ito po ang aking samo at dalangin at ibinabalik ko po ang pinaka mataas na papuri, pasasalamat, pagluwalhati at pag dakila sa matamis na pangalan ni Hesus, na  Iyong Anak na aming tagapag ligtas. Amen!
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

realshaddy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 238
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #7 on: January 25, 2016, 08:03:04 pm »
^ sobrang naiyak ako sis. Salamat sayo.
Maraming salamat talaga.
I'm still very thankful...

Serendepth

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #8 on: February 02, 2016, 12:28:02 am »
Hi sis pls pray for me.. Something happened in my life last year I choose to give up my job because i was victimized with deception..I lost people that I like to work with..
Now i really dont know how to start all over again... I feel helpless at times.. I join christian group but feeling ko di ko sya masusustained coz i dont have work first 2 months nakaya ko pero now kahit pamasahe d na me makaalis..pls pray for me I need peace of mind, new job that is for me.. Lights to lighten my path and destination.. Please pray for me na mabalik na ang discernment ko I was decieved..
I want to start over again pls pray for me..thank u so much😀

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #9 on: February 03, 2016, 01:55:16 pm »
^ Diyos naming banal, sambahin ang Ngalan dito sa lupa para ng sa langit. salamat Panginoon sa buhay ng kapatid namin na si (poster above me), salamat sa araw na araw na buhay niya tuwing umaga, salamat din sa mga bagong pag asa. Panginoon batid namin na alam Ninyo po ang pinagdadaanan ngayon ni kapatid, kung ano man ang nangyari sa kanya nun nagdaan taon maaring may purpose Ka.. kami po ay dumudulog sa Iyo ngayon upang ilapit at ipanalangin ang kanyang kalalagayan sa buhay. kumilos Ka sa kanyang buhay, naway pangunahan Mo Panginoon ang kanya financial breakthrough. pasaganain Mo siya Ama sa pamamagitan ng pagkakaloob mo sa kanya ng panibagong trabaho. trabaho na mas better pa kesa sa kung anong meron siya dun sa dating company na pinapasukan niya. ilagay mo po siya Panginoon sa kung saan siya mas mag e excel, pagkalooban Mo po siya ng knowledge at wisdom na nagmumula sa Iyo.. Panginoon dalangin din namin ang kanyang spiritual breakthrough, linisin mo ang kanyang puso at isipan ng sa gayon ay magkaron siya ng peace of mind.. pangunahan mo siya Panginoon upang makapag patuloy siyang makilala Ka. Sa mga oras na ito Panginoon we declare Your victory para kay kapatid. thru Your righteousness and holiness in the name of Jesus, si kapatid ay pagpapalain mo mula sa araw na ito..hindi Mo papayagan Ama na walang pagpapala makukuha si kapatid mula sa Iyo sa mga oras na ito. Dalangin din namin Panginoon na pagliwanagin mo siya ng magsilbi din siyang liwanag at daluyan ng pagpapala sa iba. gamitin mo rin siya Panginoon sa paghahayag ng Iyong mga salita at kapangyarihan. Panginoon sa pagsisimula ng taon na ito, we declare in Jesus name, that this year is her/his year of abundance!

To God be the glory and honor in Jesus Mighty name. Amen.
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

yoshina

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 44
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #10 on: February 04, 2016, 09:29:41 am »
Dear God give me strength and patience still naguguluhan pa rin ako di ko alam ano gagawin .
I will fight till the end .

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #11 on: May 03, 2016, 06:21:40 pm »
^ Diyos naming Banal, ako po ay nagpapasalamat dahil Ikaw ay mabuti, Ikaw ang Diyos na hindi nagbabago mula noon hanggang ngayon, Diyos na mahabagin at Diyos na nakakaalam sa lahat ng bagay..narito po ako ngayon nananalangin sa Iyo para kay kapatid na yoshina.. ang kanyang panalangin nawa'y magkaron sya kalakasan at pasensya para sa kung ano man kanyang pinagdadaanan. renew her mind Panginoon upang Makita nya ang mga kasagutan sa mga nagpapagulo sa kanyang isipan. saklawan Mo po siya Panginoon sa mga desisyon na kanyang gagawin. Ikaw sana Diyos Ama ang maging sentro ng faith ni kapatid at sa pamamagitan Mo Ama, itama Mo at ipaalam Mo ang kanyang nararapat na gawin.

Ang lahat po nang ito ang inilalapit ko sa Iyo Diyos Ama sa pangalan ni Hesus na iyong bugtong na Anak. Amen!
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

LABYU

  • member since 2015
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 223
  • wala lang :)
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #12 on: May 07, 2016, 04:25:30 am »
Prayer request: Malinis at walang dayaan sa election May 9, 2016. Sino man maging presidente sana mahalin ang Pilipinas ng buong puso ng tapat at totoo.
"If opportunity doesn't knock, build a door ~ Milton Berle"


10:15 AM - December 1, 2017

yhen88

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #13 on: May 07, 2016, 08:44:19 am »
^ Let's all pray for that. Guide us Lord . Help us.
No matter how hard the past, you can begin again.

RoadrunnerXCX

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 584
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #14 on: May 12, 2016, 10:56:43 am »
I pray for divine guidance Lord for me and my family....
“Allow the universe to unfold as it should" - Desiderata

yhen88

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #15 on: May 12, 2016, 05:13:08 pm »
Please pray for me and my family. To give us hope that everything will be alright in God's time.

Thank you.
No matter how hard the past, you can begin again.

Len0523

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Keep Calm & Use Manners
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #16 on: May 12, 2016, 05:20:19 pm »
Please pray for me that my partner will show "pakikisama" to my family.
"Truth sounds like hate to those who hate truth"

premiemommy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 135
  • imiss you son👼🏻
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #17 on: May 14, 2016, 11:04:01 am »
Hi sisses pls help me pray po samin ng rainbow baby ko, sobrang napapaisip ako ayoko na maulit yung nangyare a samin ng baby boy ko. Ayoko mag paka stress kakaisip dahil kawawa naman baby ko pero di ko maiwasan lalo na nung sinabe ng OB ko na my chance na mga preeclampsia ulit ako. Please Please help me to pray na ma ka fullterm kame ni baby.
Heaven and Earth may separate us today,
but nothing will ever change the fact that you
MADE ME A MOM.

imiss you BABY👶🏻

akotobakit

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 49
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #18 on: May 14, 2016, 11:25:26 am »
^ said a prayer for you and your baby, Sis. Everything's going to be fine. Keep the faith and worry less.

premiemommy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 135
  • imiss you son👼🏻
Re: Prayer Request? Post it here
« Reply #19 on: May 14, 2016, 11:31:14 am »
^ said a prayer for you and your baby, Sis. Everything's going to be fine. Keep the faith and worry less.

Thank you sis sa prayer 🙏🏻.
May GOD BLESS you always.
Heaven and Earth may separate us today,
but nothing will ever change the fact that you
MADE ME A MOM.

imiss you BABY👶🏻

 


Latest Stories

Load More Stories
Close