Author Topic: Gabay  (Read 316 times)

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Gabay
« on: November 07, 2019, 05:47:44 pm »
2 years ago nagpunta yung daughter ko sa isang hilot pero hindi lang sya normal na hilot lang. Parang paranormal siya. Pagdating daw ng partner ko doon, sinabihan na may gabay daw ang anak ko, 5 years old na sya ngayon.

[textspeak!] yung pagkakaintindi nyo ba sa gabay?

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #1 on: November 08, 2019, 01:24:30 am »
^sis parang bantay na di natin nakikita...may tiyahin ako (asawa actually ng tito ko, brother ni madir), naghihilot/nagtatawas at nagpapagaling siya nung nabubuhay siya. May kwento siya na kaya nya kaya manggamot ay dahil may bantay siyang nuno...yung parang matandang mahaba daw hair, siya lang nakakakita...

yung isang childhood friend ko naman sa dating bahay (Caloocan), yung buong house nila may bantay na male fairy, parang Legolas ang dating, nagpapakita siya sa buong family ng friend ko, ang tawag nila is "Tiyo" kasi maliliit pa lang daw sila sanay na silang pasulpot sulpot lang yun sa bahay nila, madalas nakaupo sa dining table sa pinakapuno, kaya walang nauupo dun sa puno ng table sa bahay nila kasi designated yun para kay Tiyo...walang nagkakasakit, or naghihirap sa kanila, then nung masunugan yung lugar namin dati, house nila intact..

mga tipong ganun, iniiwas ka daw ng "bantay" sa mga masama...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #2 on: November 08, 2019, 01:29:26 am »
Hindi ba lahat tayo may bantay? or parang may extraordinary ang mga ganung tao?

Baka paglaki ng baby ko bubukas ang 3rd eye?

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #3 on: November 08, 2019, 01:42:10 am »
^sis catholic kami, so as far as I know may mga guardian angels tayo pero I dunno if lahat may bantay na entity...

like yung sa friend na minention ko kanina, yung bantay nilang si Tiyo hindi lang specific para sa isa or dalawang tao na bantay, sa buong bahay nila...baka may selected lang na meron...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #4 on: November 08, 2019, 02:13:20 am »
Same here catholic din ako. Parang nagulat lang ako sa sinabi ng manggagamot na may gabay yung anak ko, so ibig sabihin  bukod sa guardian angel, meron iba pa na nakabantay.  Gusto ko tuloy puntahan.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #5 on: November 08, 2019, 05:43:47 am »
pero feeling ko creepy yun hehee, ano daw ba yung bantay nya?
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #6 on: November 08, 2019, 07:57:21 am »
Hindi na nagtanong yung daddy nya sis, yun ang gusto kong malaman nga kaya gusto kong bumalik.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #7 on: November 10, 2019, 05:12:54 pm »
^sis alam ba ng anak mo? I mean nadinig nya ba nun sinabi sa daddy nya na meron siyang bantay? Baka maging aware ang bagets at ma-encourage ang kung ano man na entity na yun na magpakita sa bata...wag naman sana...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #8 on: November 10, 2019, 06:57:56 pm »
Hindi sis, kasi noong sinabi sa kanya yun mga 3 yrs old palang, kaya wala pa sa isip nya yun.

Pero dati ang madalas kong mapanaginipan na laging nagbabantay yung kapatid kong namatay. Sya rin  magsabi kung anung gender ng magiging anak ko nung buntis ako at kung ano magiging name nya para daw hindi magkasakit.

Pero hindi ako aware na may kapatid akong namatay, saka ko lang nalaman na may kapatid ako noong kinuwento ko na may napapanaginipan akong bata na halos kasing edad ko rin.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #9 on: November 11, 2019, 02:24:47 pm »
^sis wait, so may namatay kang kapatid pero di mo alam? It happened before you were born ba? Bakit di binabanggit ng parents mo before na may namatay kang kapatid?  Kasi di ba dapat may pictures man lang so habang lumalaki ka eh nakikita mo pics ng mga kapatid mo patay man o buhay..
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #10 on: November 11, 2019, 02:40:34 pm »
Yes sis bunso daw namin yun,   laki ako sa lolo at lola.  Lately ko lang nalaman na namatay ang nanay ko hindi dahil sa sakit kundi dahil nga sa baby.Ang sabi na nga sa akin pinatanggal. 

Eh laging dumadalaw nga sa panaginip ko yung bata, tapos sabi ko sa lola ko gusto kong makita ang death certificate ng mama ko.. AYun inamin na nga, umiyak pa kasi ayaw daw nilang malaman ko.

Tapos yung tatay ko may asawa na ngang iba, 1 yr and 4 months lang ako nung namatay ang mama ko. Kinulit ko ng kinulit yung papa ko kasi sabi ko iba ang pakiramdam ko dun sa bata, may connection kami kako.  Imagine sis nagstart yun na dumadalaw dalaw sa akin sa panaginip ko noong 28 yrs old ako,  mga 3months akong buntis. Nito lang nila sinabi na may bunso akong kapatid.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #11 on: November 11, 2019, 03:15:13 pm »
may brother din ako na namatay before I was born, stillborn kasi siya, after a few months na manganak nanay ko sa brother ko, nabuntis naman sakin...pero growing up I was aware na we have an older brother na namatay kasi my mom would tell us...pati mga kamag anak...

grabe naman na di man lang nila sinabi sayo pinalipas pa 28yrs..pamisahan mo at ipagtirik ng candle sis...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

iceheaven31

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 610
Re: Gabay
« Reply #12 on: November 11, 2019, 03:38:51 pm »
@janachen: wow parang teleserye. pero sabi nga, lahat ng lihim ay mabubunyag.

pero ang tanong, bakit kailangang hindi sabihin sayo ang totoo?

and baka yang kapatid mo ang bantay ng anak mo ano?

anyway, tama si sis FayeP, pamisahan mo. nalaman mo pala ba kung ano pangalan?

====

on-topic...

may dating manghuhula na nagsabi sa amin na may pitong dwende daw na nagbabantay sa bahay namin. puting dwende naman sila, so hindi naman bad spirits. pinagawan sila ni mama ng makeshift "dwende house" made of cement sa garden namin. so tuwing dumadaan ako sa garden namin, lagi akong nagta-tabi-tabi po. once nang nadale si papa ko dun, naglaro ng golf sa garden namin, hindi nagpasintabi, nilagnat kinagabihan. nawala lang lagnat nung nag-"alay" at nag-sorry.

yung dati naman naming puno ng balete sa garden, binulungan muna ni mama yun at nagpaalam bago pinatanggal.

sa usapang namayapang kamag-anak, meron rin akong mga kapatid na sa kasamaang-palad ay hindi nabigyan ng pagkakataong mabuhay. pinangalanan sila, at lagi silang nasa listahan namin ng pinamimisahan pag nov 1.

janachen

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 886
Re: Gabay
« Reply #13 on: November 11, 2019, 04:31:49 pm »

kasi yung the way na namatay ang mama namin parang hindi maganda. Yun yung nasa isip nila. Kasi sa panahon noon parang ang laki laking kasalanan talaga.

Yung kapatid ko rin ang nagsabi kung [textspeak!] ang pangalan nya, at  yun daw ang ipapangalan ko sa panganay ko para hindi nga daw magkasakit. Na sinusnod ko naman kahit hindi ko pa alam kung totoo or hindi na may nag eexist talaga akong kapatid.  Tapos dun na nga sa panaginip ko yung mama ko na mismo nagsabi na kapatid ko nga yun.

Oo sis pinagprapray ko talaga sya.

Di ba parang hindi kapani paniwalang may ganun? Kasi never akong naniwala sa mga spiritual world noon. Noong umamin sila kinilabutan talaga ako.

----------------

Yeah sa mga dwento or mga elemento, magpapasintabi lagi at magbigay respeto.

FayeP

  • mom of three boys and a princess
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2085
  • life's good! praise the Lord!
Re: Gabay
« Reply #14 on: November 11, 2019, 11:29:38 pm »
Sis janachen, yung friend na minention ko sa post ko sa taas, yung may bantay ang family at house nila na si Tiyo..ang original lang talagang "binabantayan" nun based sa kwento ng friend ko is yung lola nya, bale tita ng nanay nya...bata pa lang daw lola nya kasa-kasama na yun si Tiyo so mga before WWII pa yun...luma pa ang Caloocan, gulod daw kasi yun bahay nila at may creek dati sa likod, ngayon wala na kasi yun...

kaya nasanay sila na pagpasok nila sa kitchen/dining area, nakaupo na si TIyo sa table, so pag kakain sila, aalukin nila ng food or ng coffee...pero di naman sumasagot, di din tumitingin sa kanila, basta nakaupo lang sa table...my friend's lola passed away mga mag 10 yrs na din...pero andun pa din si Tiyo sa kanila nakabantay...

I remember na may kwento pa yung friend ko na may dumalaw sa kanyang manliligaw, pinagpakitaan ni Tiyo, basta bumaba lang daw ng hagdan tapos lumagos sa wall ng sala...kaya shookt yung manliligaw nya...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

Latest Stories

Load More Stories
Close