Pag may school fair nandiyan ang ferris wheel, octopus, caterpillar at yung ferris wheel na naka-cage. May kanya-kanyang booths na hinahawakan ang bawat year - kissing booth, jail booth, etc..
Walang sablay si daddy noong bumili ng komiks as in araw-araw meron kami dapat komiks sa bahay - Aliwan, Wakasan, Pinoy Komiks, Pinoy Klasiks, Hiwaga, Funny Komiks, etc. Kakatuwa din yung mga headlines sa tabloid -- salitang kanto lang, katulad halimbawa ng Pulis... Natimbog! LOL
Hirap nga magpakabit ng phone noon -- de ikot ang telepono, mabigat at minsan may ka-party line pa! Wala pang cellphone noon. Instead yung phone booth na red na maghuhulog ka ng tatlong 25c na dinadaya namin ng mga ka-classmates ko pag magkasunod mong hinulog yung dalwang 25c eh makakakuha ka na nang dial tone.
Usong-uso nga din ang teased na buhok, spray net, gel -- mala-Madonna o Cyndi Lauper na porma. Patok na patok ang MTV noon.
Naabutan ko pa yung black and white na TV tapos iikot mo yung button para malipat mo yung channel. Hindi pa uso yung remote so tatayo ka talaga sa upuan mo. Wala pang cable so puro local lang ang channels - channel 2, 4, 7, 9 at 13 lang. Hindi ko sure kung 80s din lumabas yung betamax. Meron ding mga nagpapahiram ng betamax tapes.
Yung mga cartoons naalala ko -- every day pinapanood namin ng mga kapatid ko every 6pm:
Monday - Mekanda Robot
Tuesday - Daimos
Wednesday - Mazinger Z
Thursday - Grendaizer
Friday - Voltes V
Pag Saturday naman, Saturday Fun Machine - compilation ng maraming mga cartoons like Justice League, Schmoo, Scooby-Doo, etc.
Tapos noong pinatigil yung mga robots pinalitan naman ng Paul in the Fantasy Land, Ron-Ron, Candy-Candy, etc.
May buying outside pa sa school noon -- pwede kang bumili ng buhay na baby itik o sisiw sa halagang P10 or 15 yata iyon. Mga tex, holen, sipa, kung ano-anong mga plastic na laruan
Uso pa ang telegrama. Mahal ang bayad kada letra kaya talagang payak na payak lang ang mga mensahe.
Laro namin sa school noon - chinese jackstone, chinese garter, sipa, luksong tinik. Sa mga boys naman, tex, sipa, baragan ng holen. Sa bahay naman, touch the color, taguan, mataya-taya -- mga larong di ko na nakikita ngayon.
Naalala ko rin ang Serg's chocolate at yung Chippy at Chiz Curls na sobrang alat -- SARAP! Tapos nasa plastic pa sila na lalagyan. Yung Magnolia chocolate drinks na nasa babasagin pang bote. Meron din nagde-deliver noon sa amin ng gatas ng kalabaw.
Cassette tape pa uso noon kaya naman yung karaoke noon eh minus one. Nauso din yung Polaroid pero ngayon iba na ang tawag.
Gamit na gamit ang card catalogue sa library pag may kailangang i-research. Iba pa ang panatang makabayan noon -- binago na nila ito yung ilang text ngayon.
Nauso yung kung-fu shoes. Halos lahat ng mga klasmeyts ko naka kung-fu shoes. Mura kasi at masarap ilakad - manipis kasi hehe