Author Topic: the 80's  (Read 10920 times)

rheap

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 54
Re: the 80's
« Reply #20 on: May 23, 2015, 12:03:59 pm »
ang naremember ko:

TV & Entertainment
*when Menudo is not a recipe but a famous boy band
*when That's Entertainment ang pinapanood mo before the news and you look forward to the production numbers every Saturday.
*when they hang sampaguita garlands to celebrities' necks
* pag holy week, ang mapapanood mo lang ay si Moses at ang pagkamatay ni hesus
*ang sikat na loveteam noon ay romnick at Sheryl, lotlot at monching
*sumasayaw ng nakatangga si Sharon, Alma, Maricel at Vilma
*nagrerecord pa ng kanta sa cassette recorder.
*umuupa pa ng Betamax tape to watch videos

Dress
*acid wash jeans na bitin at tinutupi png palabas with matching acid wash denim jacket
*denim mini skirt at pencil cut
*palakihan ng ribbon sa ulo, pataasan ng tease sa buhok, patigasan ng buhok sa hairspray
*lots of colorful bangles

Food
*sosyal na sa akin ang apple noon.
* di uso ang Jollibee pa non..
*may mabibili pa ang 25 cents noon na candy
*when pompoms are not cheerleader accessories but a junk food

Games and activities
*naglalaro pa sa kalsada mga bata..after graduation namumulot ng pinagbalatan ng candy at ginagawang play money
*namimitas ng mga dahon at naglalaro ng putik para sa lutulutuan
*naglalaro ng 5-5 (jumping rope) at "touch the body" (its a game where you run from one end to another end avoiding to be hit by a ball thrown by two persons.
*nangongolekta ng Care Bears stickers
*pagandahan ng slum book sa school..at pagsagot sa mga tanong na: Who is your crush? Favorite color at kung ano ano pa

Others
*2.50 pa ang minimum sa pasahe
*walang traffic

ubermame

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 177
Re: the 80's
« Reply #21 on: May 31, 2015, 06:46:06 pm »
walkman, cassette tape partner ay lapis, hihipan pag "kinain" ng player. :D

Patintero sa kalsada pag maliwanag ang buwan (konte pa lang kasi sasakyan sa probinsya namin nuon)

Matudnila radio drama (hindi ko alam ang kwento nito pero super adik dito mga classmate ko nung elementary, public school sa probinsya)

repacked na iba't ibang kulay na cheese curls

Yakult vendor na hilahila ni Ate ang cart

Monay na singlaki ng mukha ko nuon

Piso na singlaki ng potato chips :)

Ang apple namin ay galing pa sa saudi pag nagpapabagahe ang nanay ko.

Sa probinsya namin susyal na ang bata kapag kumakain ng yanyan :)
smile lang...

Vans

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 261
  • The cuervo gold makes tonight a wonderful thing
Re: the 80's
« Reply #22 on: May 31, 2015, 07:58:55 pm »
Madami akong good memories nung 80s.

>Yung Coney Island ice cream sa may park square makati. Favorite flavor ko ay bubblegum.

>Kowloon House pasay road, nakita ko sya na isang malaking restaurant hanggang naging hole-in-a-wall operation na lang sya sa may park square. Gustong-gusto yung siopao nila at yung red sauce.

>Magallanes area: OZ siopao, Minggoy's at yun tacos na binebenta sa sunday market

>Yung mga Ballet shows napanood ko sa CCP.

>A&W malapit sa North Mall, isama na rin yun Cinderella.

>Takoyaki stand sa may Harrison Plaza.

>nakalimutan ko na ano ang tawag sa candy na ito - apa na may strawberry-flavored marshmallow filling tas yung taas covered in chocolate.

>Magnolia Ice Cream House sa may Intramuros

>big boy bubble gum, texas, bubbleyum

>maganda pa ang playlist ng 99.5 RT

>komiks at songhits

>Gregg shoes at Cardams






argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 427
Re: the 80's
« Reply #23 on: June 03, 2015, 12:05:22 pm »
wash jeans na makipot sa ilalim. Ano ba tawag dun?

Baston.

* mga ahente ng encyclopedia at electrolux na hit yung commercial nila dati "im gonna knock on your door ring on the bell tap your windows too"  ;D

snowberry

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
Re: the 80's
« Reply #24 on: June 04, 2015, 07:07:52 pm »
-Inaabangan Pops and Martin  show  lalo na ang duet nila sa huli 
-Nagpapadala ng beta tapes sa mga kaanak sa abroad para updated sila sa TV show, wala pang TFC

-Nag uuwi ng apple , orange at grapes  mga OFW as well as pabagahe ng TV at betamax
- daming collection ng cassette tapes ( may minus one ba yun) 
-Walang masyadong pedi cab sa kalsada , konti lang din ang cars


summersong

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1025
Re: the 80's
« Reply #25 on: June 20, 2015, 01:41:22 am »
Rubik's cube. Trapper Keeper. Doc Martens. Tretorn sneakers. Aqua Net.

2-, 5-, and 10-peso bills. Decagon-shaped 2 peso coin.

Madonna. Michael Jackson. Tears for Fears. Duran Duran. Spandau Ballet. New wave. Heavy metal.

Coke commercial ni Lilet ("I am the future of the world..." :D )

Liwayway Magazine.

Bulletin Today. It was changed to Manila Bulletin after People Power.

May taxi cabs noon na walang aircon.

Wala pang FX taxi.

Flor de Luna. Anna Liza. Gulong ng Palad. Lovingly Yours, Helen.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2633
  • GuyTalker
Re: the 80's
« Reply #26 on: July 02, 2015, 04:07:56 pm »
- sikat na palabas nun para sa mga teens ng 80's yung That's Entertainment ni kuya germs then inaabangan yung mga favorite group from monday to friday pagdating ng saturday dance battle ng every group. karamihan ng magagaling na artista ngayon produkto ng entertainment show na yun unlike ngayon mga artista after ng 1 to 3 movies nawawala na sa sirkulasyon ng showbiz. mas talented ang artista noon kumpara ngayon.

- pamasahe sa jeep minimum na inabot ko 2.50 pesos tapos napalitan ng 4 pesos.

- yung BAGETS early 80's ata un, Ninja Kids. Sikat pa si jaycee bonin, reymund lauchengco, eula valdez,  jobelle salvador, janice debelen, aga mulach, herbert etc. bayad sa sinehan 10 pesos ata

- pormahan nun, baston na maong, makukulay na polo sabay naka tack in tapos naka tupi ng bahagya ang manggas, sneakers. ang dance step nun kaway kaway lang ng kamay tapos yung taas yung tuhod parang nagsisipa gamit yung tuhod sayaw na yun. sikat na tugtog nun Rico Mambo, singing contest Tawag ng Kampeon ba yun? pinaka mtaas na premyo ata nun 10,000php.

- yung mga educational tv show naman, battle of the brain, may portion sa student canteen yun spelling bee at quiz bee sarap panuodin kasi talagang matataalino ang sumasali at pinaghahandaan ng school.

- nakakamiss din yung nutriban na lasang ipis. ahaha.. mahal pag may palaman na star margarine may asukal. big 5 juice at bubblers..

- sa school pag may kaaway uso yung pag labas ng school pupunta sa isang lugar na hindi matao dun magsusuntukan after nun ayos na. kinabukasan laro na ulit.

- pag cleaner ka room sa school o kaya yung tinatawag na canteener ibig sabihin may privilege ka pumasok ng maaga sa classroom di ka na pipila tulad ng karamirahan.

.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 427
Re: the 80's
« Reply #27 on: July 13, 2015, 02:51:30 pm »
may nadaanan ako sa amin mga bata naglalaro ng tex cards yung pinipitik. akala ko wala na yun. naalala ko tuloy yung dati.

huggykaye

  • chubbychiqt
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 433
Re: the 80's
« Reply #28 on: July 13, 2015, 04:19:07 pm »
^may ilan pa nga ring naglalaro ng tex ngayon, nakikilaro ako neto sa mga kuya ko dati hehe ako taga hawak ng napanalunan nila hahaha pero early 90s ko na un na experience

comics at songbooks

music na tinatawag na "new wave" paborito ng mga tito ko

tv shows like that's entertainment, bioman, mask rider black, pen pen de sarapen, lovingly yours, helen, batibot etc...

" hold me.. hug me.. kiss me.. love me.. never let me go.. "

AVIDGOLFER

  • GUYTALKER....
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 185
Re: the 80's
« Reply #29 on: July 17, 2015, 01:08:27 am »

Mid and late 80s......

ATOM or August Twenty One Movement was born led by Butch A.

Snap Election

People Power (Only In the Philippines) Changed the Political Landscape of the Philippines.

Coup, Coup, Coup and lots of Coup d'etat left and right......
_________________
Nothing but Golf ! ! !
_________________

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1337
Re: the 80's
« Reply #30 on: July 17, 2015, 03:09:11 am »
tsaka sikat ang funny komiks kaya weekly kami may rasyon

bago pa ako magkinder, marunong na akong magbasa dahil sa Funny Komiks. hehe.

Yung tv pa namin yung may sliding na pinto at walang remote.

My sister always buy Pompoms, para syang chiz curls pero in plastic yellow wrapper. Tapos lagi kaming pinagsasabihan ng tatay ko na paper mache lang daw yung pompoms. We love chocobot, yung parang chocnut pero blue wrapper with a picture of a robot. We separate the wax paper from the foil and then put the foil sa ngipin namin.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: the 80's
« Reply #31 on: July 17, 2015, 03:42:10 am »
Super love this era! Daming fond memories.
Sa tv batibot at she-ra and bioman shaider at panty ni annie hehe. At ang astro boy. Kaagaw ko sa tv ang ate ko kasi favorite nya ang thats entertainment hehe tas syempre ako cartoons. Naalala ko din yun young love sweet love. Tsaka kwarta o kahon. And yun isang show sa channel 9 na parang connie reyes on tv ang dating pero younger actress yun bida. Sorry mga sis nakalimutan ko na ang name hehe, tuwing hapon ata yun ng saturday. Lovingly yours, aguila, analuna, gma supershow.
Pinoy thriller, regal shocker lol!
Mga Commercial ng close up na may love story, salem bed ba yun na may elepante? Haha, mga commercial ng san miguel beer.  Royal true orange commercials.
Favorite movies ko ang mga kwento ni lola basyang, bagets, working girls, mga movies ng tito vic and joey, sharon gaby flicks haha pinapanood ko sa cinema 1 at pbo pati na yun ibang early 80s drama nila gloria diaz, hilda koronel, vilma santos na ang hahaba ng dialogue

Foreign films- pretty in pink, 16 candles, never ending story, nightmare on elm street, chuckie at gremlins na sobrang mga kinatakutan ko noon. labyrinth, mac and me, sikat si rambo at superman, and syempre e.t and ewoks.

Fashion, syempre ang walang kamatayang maong at aquanet para pang tease ng bangs lol! Padded shoulders, oversized dresses na parang pang buntis. Ang mala brooke shields na kilay na minsan para ng caterpillar sa kapal hehe

Jackstones at chinese garter, bazooka, chikadees, ikasen na sobrang alat hehe. Chiclet, mga kending walang balat na tinatakal haha, nougat na dumidikit sa ngipin, cheezums. Coke na 2.50 lang hehe.. Cindy's, smokeys at monthly flavors ng magnolia ice cream

Vans

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 261
  • The cuervo gold makes tonight a wonderful thing
Re: the 80's
« Reply #32 on: July 19, 2015, 04:17:21 pm »
^meron pa atang cindy's kaso sa probinsya na sila nagconcentrate. Parang may nakita ako around Tarlac o Pangasinan, tas meron rin sa Ilocos Sur.

Cher_Y

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: the 80's
« Reply #33 on: July 20, 2015, 11:43:30 pm »
80s very vague na memory ko ng 80s but I love 80s films like Back to the feature and some reruns of MacDyver. 

Also cool pala talaga mga sitcom ng 80s last month nag hanap si boyfriend ng mga old reruns ng Perfect strangers and okay naman pala 80s tv shows.


argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 427
Re: the 80's
« Reply #34 on: July 21, 2015, 03:37:35 am »
maganda rin yung greatest american hero ok pa theme song. laging palpak ang landing niya.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: the 80's
« Reply #35 on: July 21, 2015, 05:50:17 pm »
Natatandaan ko yun knotts landing and dynasty kasi pinapanood ng nanay ko hehe, ako naman yun small wonder at alfie, sa channel 9 ata

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1520
  • SuNnY Came HomE...
Re: the 80's
« Reply #36 on: July 21, 2015, 06:09:25 pm »
Dami nyo ng namention :D

Add ko na lang yung drawings ni Mr. Larry Alcala sa backpage ng Weekend Magazine. Ang ginagawa ng father ko icha-challenged nya kami magkakapatid na pabilisan hanapin yung image ni Larry Alcala na nakatago sa Slice of Life cartoons nya. *reminiscing*

Also:
- Wok with yan every saturday afternoon kasunod ng MacGyver

- Sesame Street, Rainbow Brite, Care Bears

- Menudo with Lea Salonga

 - COD Christmas presentation (sa cubao pa noon)
 -
 - Hong Ning chinese restaurant also in cubao


« Last Edit: July 21, 2015, 06:21:49 pm by MisCalculus »
"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

MisCalculus

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1520
  • SuNnY Came HomE...
Re: the 80's
« Reply #37 on: July 21, 2015, 06:13:00 pm »
^meron pa atang cindy's kaso sa probinsya na sila nagconcentrate. Parang may nakita ako around Tarlac o Pangasinan, tas meron rin sa Ilocos Sur.

meron nga Cindy's sa Ilocos Sur, sa town ng mother ko. Kaso hindi na kasing sarap yung spaghetti nila, wala na din chicken barbecue sa menu. Nakaka-miss.

"One day you will wake up and there won't be any more time to do the things you've always wanted. Do it now."

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #38 on: July 22, 2015, 11:25:59 pm »
Uso pa nun yung maglaro sa labas: habulan, Chinese garter, taguan, patintero, etc.  Kahit gabi paminsan pinapayagan pa rin maglaro sa labas, hindi tulad ngayon na kahit umaga e usually nasa loob lang ng bahay ang mga bata.  And dati pag gabi lang usually nag-woworry about mosquitoes, and it was because alam ng parents and yayas yung tendency ng kids na mag-whine and kamutin yung mosquito bites hanggang mag-peklat.  Ngayon round the clock takot mga tao sa lamok dahil sa dengue.

Familiar sight nun yung Electrolux man, Yakult lady, mga nagbebenta ng Avon and encyclopedias, at least once a week meron dumadaan.  At least once a day may dumadaang nagbebenta ng taho, balot, and sorbetes.  Meron din paminsan mga taga-probinsya nun na lumuluwas sa Manila para magbenta ng assorted na gamit like walis tingting and walis tambo, rocking chairs, duyan ng baby and ng adults, etc.  Tapos nakasakay sila sa malaking wagon na hila ng kalabaw or baka.

dara_01

  • Happiness is a choice
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
  • with even so little, we can still be happy
Re: the 80's
« Reply #39 on: July 22, 2015, 11:43:52 pm »
yung naka boteng chocolait na nirarasyon pa tuwing umaga. ;)

^hope magnolia will have a throwback and this will be included.  I miss this, yung lasang fresh milk and chocolate.  I want my daughter to experience this. ;)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close