Author Topic: the 80's  (Read 10604 times)

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 422
the 80's
« on: January 18, 2015, 12:38:27 am »
para sa mga naabutan ang decade na to. whats your favorite memories?

ang phone noon eh de ikot pa  ;D nagkalat pa mga punkista pero it was cool then. nag participate pa nga kami sa break dance noon hehe! ang saya ng 80's

17glut

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 651
Re: the 80's
« Reply #1 on: January 19, 2015, 03:45:08 pm »
yung naka boteng chocolait na nirarasyon pa tuwing umaga. ;)

cheepee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
Re: the 80's
« Reply #2 on: January 20, 2015, 02:49:57 pm »
usong uso pa ang mga street games nitong panahon na to...hmmm..

langit lupa
agawan base
tagu taguan

ahaha..sarap maging batang 80's! :D

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 422
Re: the 80's
« Reply #3 on: January 20, 2015, 08:14:07 pm »
yung naka boteng chocolait na nirarasyon pa tuwing umaga. ;)


may naglalako din sa min niyan hehe! tapos yung mga magbobote, dyaryo ang palit nila eh cheez curls tuwa na kami nun di namin madumi pala  ;D

tsaka sikat ang funny komiks kaya weekly kami may rasyon

17glut

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 651
Re: the 80's
« Reply #4 on: January 20, 2015, 09:10:00 pm »


may naglalako din sa min niyan hehe! tapos yung mga magbobote, dyaryo ang palit nila eh cheez curls tuwa na kami nun di namin madumi pala  ;D

tsaka sikat ang funny komiks kaya weekly kami may rasyon


awww yis!  8) gotta love funny komiks..nowadays bihira ka na lang makakita ng mga ganitong publication, kung meron man madalas mga sleazy pa yata ang dating. Sayang koleksyon ko neto, I had like almost a decade of stash of funny komiks. All mint condition and walang palya sa weekly issues.  8)

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: the 80's
« Reply #5 on: January 26, 2015, 01:57:51 pm »
maliit ako noong 80s, pero may mga naaalala pa ako kahit konti...

i like the fact na konti lang influence ng global trade noon sa pinas.

mas na aappreciate ang local products. yun nga lang, parang ginto ang galing ibang bansa.

nagdadala pa ako ng tubig at baon noon. ngayon parang bawat kanto may mabibili kang makakainan.

at least dito sa aus, madami dami pa nagbabaon ng home made food sa beach, or ano mang activity.

compared to today, konti lang ang distractions, kaya mas nakakafocus sa pag aaral.

malakas din ang Peso. hehe
I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: the 80's
« Reply #6 on: January 30, 2015, 07:34:49 am »
Hindi ko ata naabutan yung boteng chocolate???

Anyway, I just remembered yung magtataho where we brought our own bowls from home para lagyan ng taho. Meron pa ba nito ngayon? I remember naabutan sandali ito ng anak ko pero small plastic cups nalang ang lalagyan.

80s - naalala ko na food bazooka joe, Cheese curls, potato chips, sarsi at big 20 (original yum burger ni jollibee was much more jucier then)
- games were tumbang preso, Chinese garter, marbles, trumpo

insanelypurpleprincess

  • OC. Bookworm. Foodie. Traveler. Dreamer. Lifelong Learner.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2698
  • Live. Love. Laugh. Carpe Diem!
Re: the 80's
« Reply #7 on: February 02, 2015, 03:28:08 pm »
I was quite young in the 80s, but since 1989 still falls under this... I took note of some memories in 1989 and pre-1989...

I remembered when Bench (as a brand) came to be. And if memory serves me right, Richard Gomez was among the first endorsers they had!

And yes, I do remember as well having reading komiks as a kid... Like a ton of those!

There were also magazines like MOD (I think), that had only a glossy cover, but the inside is mostly regular paper!

Super IN in the 1980s... Having penpals plus phone pals. Plus, there's the party line, too!

Serg's chocolate! I miss that, too!!!

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 422
Re: the 80's
« Reply #8 on: February 02, 2015, 05:35:16 pm »
Ngayon wala ng naglalaro ng trumpo, sipa, patintero, langit lupa, dami pa. Bahay bahayan meron pa siguro  ;D

Sikat na soap opera dati eh ana liza(julie vega) sa gma.

~ anna ~

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #9 on: March 02, 2015, 10:49:42 am »
Yung mga bata nun madalas naglalaro sa labas ng bahay, patintero, taguan, Chinese garter, etc.  Nakakamiss yun, ngayon halos wala ka na makikita na mga bata na naglalaro sa labas, halos lahat sa computer or sa phone na nakatutok.

akthung

  • GUYTalker
  • Super GirlTalker
  • *
  • Posts: 1631
Re: the 80's
« Reply #10 on: March 15, 2015, 06:43:33 am »
I was quite young in the 80s, but since 1989 still falls under this... I took note of some memories in 1989 and pre-1989...


i think may over lap ang 80s sa first few years ng 1990s, lalo na noon mabagal ang takbo ng Pilipinas. it roughly takes about 1-3 months for a good movie in the US to reach pinas....and a few months for it to reach the other cities in the philippines.  if its an average movie, minsan 6months to a year pa. lol

so the over lap was significant imho. people were still using hair sprays (spray net ba?). May Gee your hair smells terrific shampoo.

680 home appliances. RA home video. Seiko Wallet. Players Cologne. uber dami ng bomba tabloids noon hahaha. it was a nuisance cuz they spread like rabbits.

of course, the most famous was xerex and abante

konti pa lang mga resto chains noon. uso pa mga eateries and famous local restos.

hirap pa comms noon. PLDT was a lazy king. uso pa makitawag. red phone.

making long distance calls eh, kelangan pa pumunta sa PLDT

phone pals...and PEN pals

may remnants pa ng new wave noong early 90s pero fading na sila.

I'm a baby Arhat. An Arhat has a well developed intuition, advanced mental powers, highly refined emotions and a strong desire to contribute personally to the uplifting of humanity.

freelancer_babe

  • I'm a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1248
    • The Lady Programmer
Re: the 80's
« Reply #11 on: March 15, 2015, 09:00:45 am »
My share of good and not so good with the 80s. Hehe.

Yung mga apple at oranges noon, ang mahal!!! At sa isang section lang ng palengke (sa Baguio) mabibili. Kung may extra money ang parents ko, doon lang bibili. Kaya minsan lang ako makatikim.

Wala pang mga malls (at least sa Baguio). Yung SM shoe mart pa ang tawag noon. Bumababa pa ang mga tao noon (sa Baguio) sa Manila para lang mag-shopping tuwing summer.

Maraming mga sinehan. At dahil wala pang mga malls, ang mga sinehan ay nasa tabi-tabi lang. At kahit bata pa ako, alam kong may mga sinehan na pang-matanda lang. Uso rin ang standing room kung napakaganda ng pelikula.

Lahat ng imported, good quality. Kapag gawang Pinoy, pangit ng quality. Burgis mentality.

Haw flakes! Bazooka! Sergs!

Maraming bata sa daan. Naglalaro kami mula umaga hanggang gabi. Naranasan ko na ilang beses na maglaro ng taguan at habulan kapag nagbabakasyon ako sa Makati dati at hanggang gabi yan.

Dugyot kaming mga bata noon. Hinahayaan lang kami ng mga magulang maglaro sa daan. Hindi naman kami anak-mahirap.

Paiyakang mag-apply ng simpleng dial-up na telepono noon. Inaabot ng ilang taon bago ka kabitan sa bahay. Kaya kaunti lang ang may telepono noon.

Wala pang cable TV. Puro VHF antenna lang noon. At ang hirap makakuha ng reception dahil nasa Baguio kami at hindi kami line of sight sa mga antenna ng Mt. Cabuyao (malapit sa famous na "Sitio La Presa").

Uso ang family computer.

Makakita ka ng ka-penpal mula sa mga komiks na nabibili sa tabi-tabi. Funny komiks, to be exact.

Maliban sa komiks, uso rin ang songhits.

Ang tagal ngang umabot sa Pinas ang mga latest na pelikula... at lalong matagal pa dahil sa nasa Baguio ako.

Safe magkaroling sa daan. Inaabot kami ng hating gabi.

Tulad ng sinabi ng iba dito, mga laro sa daan.

Plastic balloon. Yoyo.

Yung Baguio - ito ang pinaka usong pasyalan noon sa Pinas away from Manila. Maraming mga artista ang bumili ng real estate noon, kaya alam namin kung alin ang bahay-artista. Bago nadevelop at nauso ang Boracay, Palawan, Pagudpud, Tagaytay etc.

Ang mga bus pababa galing Baguio ay puro ordinary. Walang aircon.

Mga teleponong de-ikot.

Naka-tease na buhok, sa mga babae. Gamit ang spray net. Pataasan pa nga ng tease.

Indiana Jones. Back to the future.

New wave.

Menudo. Michael Jackson.

Nauso ang outfits ni Madonna at ginagaya.

Pupunta ka na lang sa bahay ng kaibigan o kaklase nang walang unang pasabi. Chances are, madadatnan mo nga naman sila sa bahay. Ganun rin kapag bumibisita ang mga kamag-anak. Pupunta na lang sila biglaan pa.

Nag-iintay ng isang oras kapag may meetup. Baka nalate lang.

Nag-e-enjoy kapag pumasok sa US military bases kasi napakalinis at kakaiba ang kultura ng mga lugar na ito. Sa Baguio, ang military base na nandoon ay ang Camp John Hay. Doon lang kami nakakabili ng imported na chocolate, at doon lang nakakabili ng mga de latang softdrink na galing sa vending machines.

Eat Bulaga, tapos Connie Reyes on Camera. That's Entertainment.

Maraming nag-aartista noon ang hindi talented at ginagamit lang ang connection nila sa magulang, tiyohin, tiyahin, etc para lang mag-artista.

Ang mga pinoy drama noon sa TV, sigawan, bangayan at masyadong matagal na iyakan.

Walang traffic sa Baguio.

Bata pa ako, pero madalas akong makakita ng mga topless na larawan ng mga babae na nagpose para sa kalendaryo ng alak. Kahit sa mga neighborhood sari-sari store o sa daan common na makakita ng mga kalendaryo na may mga topless na babae. Nagkalat lang talaga.

Wala pang fastfood chains. Chinese restos ang mga pinupuntahan (at least sa Baguio).

Telegrams. Mga postal mail. Hindi pa nawawala ang mga perang nakaipit sa sulat. Yung OFW na kamag-anak, nagpapadala ng casette tape ng recording ng boses nila. At kaunti lang ang nag-aabroad noon.

Hindi masyadong career-oriented ang mga mommies noon. Very common ang mga plain housewives.
« Last Edit: March 15, 2015, 09:14:15 am by freelancer_babe »
Catch a man a fish and you can sell it to him. Teach a man to fish and you ruin a wonderful business opportunity. (Karl Marx)

sima

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3362
Re: the 80's
« Reply #12 on: March 15, 2015, 02:43:16 pm »
Pag may school fair nandiyan ang ferris wheel, octopus, caterpillar at yung ferris wheel na naka-cage.  May kanya-kanyang booths na hinahawakan ang bawat year - kissing booth, jail booth, etc..

Walang sablay si daddy noong bumili ng komiks as in araw-araw meron kami dapat komiks sa bahay - Aliwan, Wakasan, Pinoy Komiks, Pinoy Klasiks, Hiwaga, Funny Komiks, etc.  Kakatuwa din yung mga headlines sa tabloid -- salitang kanto lang, katulad halimbawa ng Pulis... Natimbog! LOL

Hirap nga magpakabit ng phone noon -- de ikot ang telepono, mabigat at minsan may ka-party line pa!  Wala pang cellphone noon.  Instead yung phone booth na red na maghuhulog ka ng tatlong 25c na dinadaya namin ng mga ka-classmates ko pag magkasunod mong hinulog yung dalwang 25c eh makakakuha ka na nang dial tone.

Usong-uso nga din ang teased na buhok, spray net, gel -- mala-Madonna o Cyndi Lauper na porma.  Patok na patok ang MTV noon.

Naabutan ko pa yung black and white na TV tapos iikot mo yung button para malipat mo yung channel.  Hindi pa uso yung remote so tatayo ka talaga sa upuan mo.  Wala pang cable so puro local lang ang channels - channel 2, 4, 7, 9 at 13 lang.  Hindi ko sure kung 80s din lumabas yung betamax.  Meron ding mga nagpapahiram ng betamax tapes.

Yung mga cartoons naalala ko -- every day pinapanood namin ng mga kapatid ko every 6pm:

Monday - Mekanda Robot
Tuesday - Daimos
Wednesday - Mazinger Z
Thursday - Grendaizer
Friday - Voltes V

Pag Saturday naman, Saturday Fun Machine - compilation ng maraming mga cartoons like Justice League, Schmoo, Scooby-Doo, etc.

Tapos noong pinatigil yung mga robots pinalitan naman ng Paul in the Fantasy Land, Ron-Ron, Candy-Candy, etc.

May buying outside pa sa school noon -- pwede kang bumili ng buhay na baby itik o sisiw sa halagang P10 or 15 yata iyon.  Mga tex, holen, sipa, kung ano-anong mga plastic na laruan

Uso pa ang telegrama.  Mahal ang bayad kada letra kaya talagang payak na payak lang ang mga mensahe.

Laro namin sa school noon - chinese jackstone, chinese garter, sipa, luksong tinik.  Sa mga boys naman, tex, sipa, baragan ng holen.  Sa bahay naman, touch the color, taguan, mataya-taya -- mga larong di ko na nakikita ngayon.

Naalala ko rin ang Serg's chocolate at yung Chippy at Chiz Curls na sobrang alat -- SARAP!  Tapos nasa plastic pa sila na lalagyan.  Yung Magnolia chocolate drinks na nasa babasagin pang bote.  Meron din nagde-deliver noon sa amin ng gatas ng kalabaw.

Cassette tape pa uso noon kaya naman yung karaoke noon eh minus one.  Nauso din yung Polaroid pero ngayon iba na ang tawag.

Gamit na gamit ang card catalogue sa library pag may kailangang i-research.  Iba pa ang panatang makabayan noon -- binago na nila ito yung ilang text ngayon.

Nauso yung kung-fu shoes.  Halos lahat ng mga klasmeyts ko naka kung-fu shoes.  Mura kasi at masarap ilakad - manipis kasi hehe

astarte

  • IT Girl
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 575
Re: the 80's
« Reply #13 on: March 15, 2015, 04:19:10 pm »
I miss funwich ng presto, syrmpre serg's chocolates, at paglalaro ng tex cards pati ng nintendo konami games heheh!!!

imprincessfiona

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 815
  • A loving wife,working girl,music lover,COC addict
Re: the 80's
« Reply #14 on: March 18, 2015, 01:52:36 pm »
games - atari at game & watch pa nuon (mga hand me down from cousins abroad)
barbie doll - mahal nuon kaya puro hand me down from cousins abroad
laro - tumbang preso, taguan, futbol futbolan, langit lupa, taguan, agawang base
music - new wave
hair style - naka-tease, pataasan pa yan ng tease
get up - sobrang makulay gaya ni madonna at cindy lauper
tv - shera, he-man, rainbow brite, care bears, voltes v, astroboy, that's entertainment, flor de luna, lovingly yours helen, etc
appliance - casette tape, betamax, yung walkman na may casette tape at radio pa lang
dance - breakdance, strut
eto lang mga natandaan ko then wala pang SM Malls nuon, ang pinupuntahan namin is Ali Mall at Fiesta Carnival. COD naman para manuod ng Christmas display.
"You live everyday yet you die only once so live life to the fullest as if it was your last."
- imprincessfiona

astarte

  • IT Girl
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 575
Re: the 80's
« Reply #15 on: March 18, 2015, 03:11:02 pm »
hehe korek sis! Glory days! :)

~ anna ~

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #16 on: March 19, 2015, 11:38:29 pm »
It was such a treat to get Magnolia Chocolait nun, nasa glass bottles pa siya and ang sarap-sarap niya, super chocolatey talaga yung lasa, rich yung flavor and makikita mo talaga na thick yung chocolate milk, hindi katulad ngayon na watered-down na.

Uso nun ang mga naglalako ng Yakult.  Yung Yakult lang talaga yung binebenta nila and may hatak-hatak pa sila na ice chest na may Yakult logo tapos may uniform pa.

Palaging may Chiz Curls and Chippy pag chichirya ang pinag-uusapan.  May haw flakes, White Rabbit, and Bazooka Joe with the free comic strip.

Wala pa gaanong fastfood chains noon.  Mas madalas kumain sa Chinese restaurant or sa Max's, di pa uso noon ang Happy Meal and Kiddie Meal.  Instead of burgers, ang usual version noon ng fastfood is eating siopao inside a moving car.  And that was rare and mostly frowned upon, hindi kasi "proper" way of eating.

It was so hard to get in touch with people back then.  Dekada ang binibilang nun para lang magkaroon ng landline kasi super kupad ng PLDT and they didn't really care kasi they were so confident sa monopoly nila.  It would take weeks or even months to receive letters, and sometimes those even get lost in transit.

Back then kids spent most of their free time outside, climbing trees, playing.  Uso nun yung hide and seek, habulan, doctor quack-quack, Chinese garter, jackstones and pick-up sticks.  Meron nang family computer nun pero playing time on that was limited.  Mas active yung kids back then, and they interacted with people more, hindi pa uso nun yung nagkukulong and nakatutok lang sa screen.

Uso pa nun yung door-to-door salesmen ng Electrolux.  And maayos pa yung postura nun, naka-necktie pa.

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 422
Re: the 80's
« Reply #17 on: March 21, 2015, 03:35:43 am »
nauso ba sa school niyo yung spirit of the coin/ballpen?

wala pang SM nun pero may Ever na dun kami nanood ng karate kid.  :D

masaya talaga ang 80's


sima

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3362
Re: the 80's
« Reply #18 on: April 01, 2015, 04:02:10 pm »
^ yup nauso din sa amin yang spirit of the coin at ballpen :D

lonelymiss28

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1341
Re: the 80's
« Reply #19 on: May 23, 2015, 10:06:43 am »
*ang mga tao mahilig magsuot ng loose.
*Mga lalaki super ang kikintab ng buhok dahil sa gel.
*Nauso mga sira sirang damit parang wild boys ang dating or punkista.
*Acid wash jeans na makipot sa ilalim. Ano ba tawag dun?
*halos lahat ng kabataan may fido dido at ghostbuster.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close