Author Topic: the 80's  (Read 10761 times)

MrsDairo

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
Re: the 80's
« Reply #40 on: July 22, 2015, 11:54:53 pm »
nakakamiss nga yung magnolia milk.. Si lola ko naaalala ko dito kasi yung empty bottle ng magnolia yun yung lalagyan niya ng water

dara_01

  • Happiness is a choice
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
  • with even so little, we can still be happy
Re: the 80's
« Reply #41 on: July 23, 2015, 12:06:13 am »
^same tayo sis MrsDairo. no picher sa ref puro magnolia bottles kahit water. ;)

Cher_Y

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: the 80's
« Reply #42 on: July 25, 2015, 01:47:18 am »
Natatandaan ko yun knotts landing and dynasty kasi pinapanood ng nanay ko hehe, ako naman yun small wonder at alfie, sa channel 9 ata

Nanay ko din palaging yan ang abang Si Bros wilies pa ata ang bida doon

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 425
Re: the 80's
« Reply #43 on: July 25, 2015, 03:50:13 pm »
Meron din paminsan mga taga-probinsya nun na lumuluwas sa Manila para magbenta ng assorted na gamit like walis tingting and walis tambo, rocking chairs, duyan ng baby and ng adults, etc.  Tapos nakasakay sila sa malaking wagon na hila ng kalabaw or baka.

naalala ko to  ;). minsan tumigil sa street namin. ang laki ng baka kulay puti siya. minsan naaawa kami kasi yung wagon hila hila nya doon na rin nakatira yung tindero

dara_01

  • Happiness is a choice
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 316
  • with even so little, we can still be happy
Re: the 80's
« Reply #44 on: July 27, 2015, 09:55:30 pm »
^ay yup naalala ko nga ito. minsan may ibang amoy na yung baka. pero dun bumibili yung mama ko ng lampshade at bangko na knitted. maganda naman kase yung mga design at pinoy na pinoy. :)

Issabelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: the 80's
« Reply #45 on: September 06, 2015, 03:58:07 pm »
Ang naalala ko na electronic games noon family computer, nintendo gameboy at brick game.

mimai1122

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 164
Re: the 80's
« Reply #46 on: September 09, 2015, 12:39:13 am »
I grew up in the 80s. I was in high school when the best of the 80s happened. Some of the my fondest memories include reading Sweet Dreams books (less than Php50, so I bought one book practically every week!), Bagets, Ninja Kids, Penthouse Live, Martin & Pops, The Tigers, the family computer, Pac-Man, Magnolia Ice Cream Flavor of the Month.

I also rode the Love Bus a lot! And, we watched movies sa Quad, and plays/musicals sa Rizal Theater. I also liked to go to the Metropolitan Theater (MET).

Some of the best in music - Michael Jackson, AMERICA, QUEEN, Boy George, WHAM!, Duran Duran, Depeche Mode, etc...etc...etc...

Some of the best dances, too.

Late 80s, I was in college already. We listened to a lot of New Wave music. We went to Nipa Hut and Eagle's Nest. We watched movies at SM North EDSA.

The 80s will always be my favorite era. So many beautiful, happy memories. :)

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: the 80's
« Reply #47 on: September 16, 2015, 05:53:01 pm »
Patok nun 80's yung mga alamat na kontrabida na sina buwaya, max alvarado, paquito diaz, romy diaz at pinaka paboritong kong gumanap na rapist george estregan jr.. haba ng dila eh :-)~~~~~~~... hehe! tapos sa babae bella flores, devter doria at vangie labalan. identified mo talaga sino ang villain nun 80's...
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #48 on: October 14, 2015, 04:49:02 pm »
naalala ko to  ;). minsan tumigil sa street namin. ang laki ng baka kulay puti siya. minsan naaawa kami kasi yung wagon hila hila nya doon na rin nakatira yung tindero

Oo, paminsan buong family yung nakatira sa wagon.  Naaalala ko nun na namamangha ako kung paano nakakaya ng baka or kalabaw hilahin yung malaking wagon na maraming paninda and tao mula probinsya tapos paikot ng Manila and then back.  Lalo na na kadalasan e hindi naman matataba yung baka or kalabaw na ginagamit, madalas e mukhang payat pa nga.  Ang puti pa ng baka na ginagamit, hindi halatang madumi kahit na maalikabok yung kalsada.  Nakakakita pa ako ng mga ganito until around early to mid 90s.

khaleesiCersei

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1435
Re: the 80's
« Reply #49 on: October 15, 2015, 12:05:34 pm »
^naalala ko tuloy yung kanta sa batibot. 'Alagang alaga namin si puti. Bakang mataba, bakang maputi. Takatakatok takatakatoktok takatakatok' hahaja

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #50 on: October 18, 2015, 06:14:55 pm »
^ Di ko na maalala yung song, pero naaalala ko yung ibang images nito sa Batibot.  Was actually thinking of that nung tinatype ko yung post na yun :)  This is one of the things that kids today won't get to see and experience.  Ewan ko, para sa akin ang cool na I got to see this nung bata pa ako.  When I look at kids today, I get the feeling na may kulang sa experience nila.  Wala silang nakikitang baka/kalabaw wagon, kahit nga butterflies, dragonflies, caterpillars and birds e pansin ko super bihira na rin makita ngayon sa Metro Manila.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2631
  • GuyTalker
Re: the 80's
« Reply #51 on: October 20, 2015, 05:34:10 pm »
^ parang lalaki ang mga new generation ma may unhappy childhood sis noh?

 ;)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

summersong

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1025
Re: the 80's
« Reply #52 on: October 20, 2015, 09:01:31 pm »
Now that I think of it, I wonder how it is for the present kids to grow up in this decade. Parang andami nilang nami-miss sa buhay. Karamihan sa kanila kulob sa bahay hawak puro gadgets.

During the 80s, andaming tutubi, alitaptap, gagamba, ibon, punong-kahoy at mga bungang prutas. Madaming pwedeng laruan me kuryente man o wala. Ni wala pa atang bata sa vicinity namin ngayon ang alam ang itsura ng aratelis at alitaptap.
« Last Edit: October 21, 2015, 02:35:16 am by summersong »

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 425
Re: the 80's
« Reply #53 on: October 25, 2015, 01:33:39 pm »
pag sumasali ako sa labanan ng gagamba nanghuhuli pa ako hindi ako bumibili sabi kasi sa akin noon matapang daw yung nahuli sa wild  ;D yun pala pareho lang.

nanghuhuli rin kami ng tipaklong, tutubi lalo na salagubang kasi puwede ibenta. medyo naawa din ako sa salagubang kasi tinatalian namin sa saka ihahagis para lumipad. rare talaga yung uwang ewan ko lang if alam niyo ang beetle na to. malaki pa ito sa salagubang tsaka ang lakas nito.

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #54 on: October 26, 2015, 01:47:46 pm »
Sis three8one, I hope not, but I fear that they are. :(


Sis summersong: Totoo yan.  Most of the kids today spend the majority of their time indoors and using gadgets.  Naaalala ko nung bata ako limited yung time for TV and computer games (yung old school Nintendo Family Computer pa to).  Ang daming conditions pa bago ako payagan, matinding pakiusapan pa, usually weekends lang pwede and 1 to 2 hours lang.  After that e they would shut it off and tell me to go read or do more advanced studying.  Ngayon karamihan sa mga bata e simula pagkagising hanggang sa pagtulog e nakaharap sa gadget.  Aside from schoolwork e dun sila mostly naglalaro and nag-iinteract with other kids.

Naiintindihan ko that there are good reasons bakit ganito ang kids ngayon.  A lot of parents are worried na baka ma-dengue, ma-kidnap or madisgrasya yung anak nila pag naglaro sa labas ng bahay.  Maraming lamok kahit na nung bata pa ako, uso noon ang Caladryl, but most parents then didn't have to worry about dengue or chikungunya.  What they'd worry about is having a whiny child na kamot ng kamot sa mosquito bites hanggang magpeklat, and paano tanggalin yung Caladryl na dumikit sa damit.  May kidnappings na back then, but it was usually really rich people who were targeted.  Ngayon kahit simpleng tao kinikidnap para ipatubos kahit P10,000 lang.

Sabayan pa ng destruction ng nature, the kids today are really missing out on a lot.  Dati kahit nasa loob ako ng bahay e nakikita and naririnig ko yung mga ibon and insects na nasa labas, kailangan ko lang dumungaw sa bintana.  If I wanted to see them up close, lalabas lang ako ng pinto ng bahay and they'd be there, just a foot or two away, kahit wala akong dalang pagkain para i-entice sila.  Tapos pag may dumadapo na butterfly or tutubi sa akin I'd try to stay super still so they wouldn't fly off.  Ngayon, sobrang swerte mo na kung makakita ka ng kahit isang butterfly or tutubi dito sa Metro Manila.  Kahit yung maya na dati e napaka-common and madami, ngayon bihira na rin makita.  Dati madalas kami naglalaro sa ilalim ng puno, inaakyat pa namin yung iba ng patakas pag wala si yaya.  Ngayon mas konti na yung natitirang puno sa area namin.  I feel sad for the kids today, they're missing out on a lot of the magic.  :'(


@argento: Naaalala ko may classmates ako noon na may dalang mga gagamba sa school, nakalagay pa sa box ng posporo.  Di ko alam kung bakit, pero lapitin yung yaya ko noon ng salagubang and siya yung expert sa pagtali ng sinulid sa leg nila.  Manghang-mangha ako nun.  Ano yung uwang?  Yan ba yung black na beetle na may horns na parang rhinoceros?

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 425
Re: the 80's
« Reply #55 on: October 27, 2015, 10:34:44 pm »

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #56 on: October 29, 2015, 03:56:34 am »
^ Hahaha, uwang pala ang tawag diyan, sa isip ko kasi rhino beetle ang tawag ko diyan.  Tagalog ba ang uwang?

argento

  • straight as an arrow
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 425
Re: the 80's
« Reply #57 on: October 31, 2015, 10:57:30 pm »
^tama ka  rhinoceros beetle din tawag sa ingles. uwang naman sa tagalog

sa salagubang pinagdidikit namin ng bubble gun yung likod kung sino una makatayo panalo. sa nanalo na yung natalong salagubang.
« Last Edit: November 01, 2015, 02:34:08 am by argento »

sarsingkit

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1337
Re: the 80's
« Reply #58 on: November 01, 2015, 12:01:40 am »
ngayon ko lang naisip na nakakaawa pala yung mga pinaggagagawa natin sa mga insekto noon. Haha. Aliptaptap is my favorite Lalo na pag brownout. Parang ang ganda ganda talaga. Uwang, takot ako.

I live in the province and my Lolo and Lola's place is even more remote, as in palayan yung likod. Bakasyon kami dun pag summer. Yung isa kong Tito nag oorder ng burador (malaking saranggola) sa may Pulilan, Bulacan ata. Tapos my boy cousins that are older will fly it tapos nakahiga lang kami magpipinsan sa dayami. Haaay, the life.

juni

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 535
Re: the 80's
« Reply #59 on: November 02, 2015, 05:07:00 pm »
Naaalala ko na nung bata ako e pag lumulubog na yung araw e maririnig mo yung mga kulisap sa puno, maririnig mo yung huni nila for most of the year lalo na pag summer.  Magsasawa ka sa ilang oras na pag-huni nila.  Ngayon bihira ko na lang marinig yun, and if meron man e saglit lang tumatagal.


@sarsingkit: Buti ka pa nakahuli ka na ng alitaptap, ako never pa.  Ginagawan ko ng crib yung mga salagubang, linalagyan ko yun ng tissue para may malambot na padding sila, tapos linalagyan ko ng iba't-ibang dahon and mga bulaklak.  Natatawa si yaya, sabi niya ginagawa ko daw na parang aso, tipong bine-baby and tinatry i-domesticate e hindi naman daw talaga pwede yun dahil insekto ang salagubang.


@argento: Rhinoceros beetle pala talaga siya sa English, hehe  :)    Dati kasi pag di ko alam ang tawag sa isang bagay e nag-iimbento ako ng sarili kong pangalan.  The horns reminded me of a rhino kaya rhino beetle ang tawag ko dun, hahaha yun din pala ang totoong name niya  :D   Wala na akong nakitang ganito in person since bata ako.  I hope marami pa ring ganyan sa non-urban areas.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close