Hello. newbie here, but I've been reading gtalk for the past few weeks. Super helpful talaga!
Recently got engaged and we're planning to get married Sept, this year! It's our 11th year anniv so para sakto na ang date. So we have less than 4 months to prepare. Actually, napagusapan na namin before na ayaw namin ng mahabang planning, feeling ko ang stressful, 1 year kang nagiisip ng kasal. Haha..
So anyway, we're planning on having a simple festive wedding, and since I'm a decorator by profession, medyo maarte ako sa look.
Planning to DIY the ff:
Ceremony / Reception backdrop: when I say DIY, not necessarily naman na ako mismo ang gagawa especially kung malaking work, I have carpenter / workers that I can get to help us out. I just mean na di nako mag hire ng professional stylist to do it.

And I'll probably do the painting since may pattern ako in mind.
Bouquet: Since wala ako madaming entou, just 4 girls, I'll do the bouquet na din. Gusto ko ng look ng mukang namitas lang at pinagsamsama, so the day before the wedding, we'll go to dangwa and buy all flowers and DIY.
Table runners: I wanted rectangular tables, so palalagayan ko na lang ng white linen from caterer and ako mag provide ng runners. Paint ko din ng pattern using colors used on backdrops para tahi sa design.
Table flowers: Wanted simple flowers in glass bottles, so we'll purchase bottles lang and we'll put random na bulaklak. Mga fillers lang para mura.

Ceiling buntings: Gusto ko mukang (mas sosyal na) fiesta kaya gagawa kami ng madaming banderitas.
Wedding dress: Meron kaming lumang mga embroidered na damit, papaalter ko para sa top, at bibili ng tela sa divi at ipapatahi ko sa yaya/mananahi namin.
Invitation: Graphic artist din ako so ako na gagawa nito. Question lang, okay ba sariling printer na lang or mas okay pa-print sa labas? Meron ba kayong kilala na ok na printer?
Hindi ko alam kung carry ko magawa lahat yan, masyado ata akong ambisyosa. Haha.. Pero syempre gagawa na lang ako ng priority para kung may hindi nagawa, yun yung okay lang na wala.
