hello mga sis, update lang sa shih tzu puppy ko na kaka turn lang ng 2 months.. haay. ayun, medyo challenging pala talaga magalaga ng aso.. ang ingay ingay! lalo na kapag morning, tapos mauuna siya magising sa akin, hindi yan titigil kakaiyak.. pero hindi ko pinapansin hanggat hindi tumatahimik.. pag tumahimik na, saka ko ilalabas at papakainin.. pagdating naman sa pagkain, walang arte! lahat kinakain, malingat ka lang sandali ubos na niya yung food.. Im planning to change her dog food, alpo kasi binibigay ko sa kanya, yun kasi binili ng mom ko e, pero according sa inyo stay away sa mga commercial brands ng dog food kaya im looking for other alternatives.. saka napansin ko din kasi sa alaga ko, ang bilis niya bumaho, especially sa head part.. amoy dog food! pwede naman ako mag introduce sa kanya ng home cooked meals from time to time diba? like boiled veggies? plan ko gawin yun lalo na kung wala akong pasok, pero kung busy dog food lang muna..
sa potty training naman, no luck pa ko dito.. dati kung saan saan umiihi, tapos gugulungan pa niya yung ihi niya.. hay.. kaya binilhan ko ng crate, yung may butas sa ilalim para dun na mapunta yung pee saka yung poop niya., problem sa poop niya minsan hindi nalalaglag.. pero balak ko gawin e idivide yung crate niya, sleeping area saka for potty.. ganon naman talaga dapat diba? ang kalaban ko lang dito is time na matutukan siya kasi medyo hectic ang sched.
aside dun, medyo mahirap siya itrain, or hindi lang ako effective magturo? saka kasi we got her at such an early age, 1 month palang ata. pero kasi ang nakausap ko is yung tita ko, sabi niya may kilala daw siya nagbebenta.. e since gustong gusto ko sabi ko sige.. tapos nagulat na lang ako nag message sa akin na nasa kanya na agad yung puppy, akala ko wait pa na kahit mag 2 months man lang., kaya ang puppy ko hindi naturuan ng bite inhibition.. ang hilig mangagat! pag lalambingin ko nga nagagalit at mangangagat e..
sorry mga sis ang haba! pero sana share niyo sa akin knowledge niyo.. hindi ako matyagang tao pero para sa alaga ko susundin ko lahat ng suggestions niyo..