Author Topic: Everything Shih Tzu - Thread 9  (Read 101888 times)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Everything Shih Tzu - Thread 9
« on: June 29, 2013, 09:18:57 pm »
link to Thread 8: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,269207.0.html

Scubadoobidoo, May mga instances na hahanapin ng dam yung pups, if it ever happens, hayaan lang daw. Alam ko binibigyan din ng antibiotics after giving birth to avoid infection, ask the vet na lang about this. Bakit, anong issue sa vet nyo?

devilish_einjel, Congrats on your new puppy! avoid canned and processed goods, mataas kasi ang sodium content nila, masama yan sa kidney nila at nakakadik hehe. ang allowed lang sa dogs is around 100mg. kahit yung mga ulam, hugasan nyo mabuti para maalis ang sauce or salt.

most dogs are lactose intolerant kaya bawal ang cow's milk. but since 2mos na sya, pwede mo na alisin ang milk at magshift na sa solid food. kung nakadogfood, lagyan mo ng warm water para lumambot.

Yung water wag masyado malamig kasi may mga dogs na sensitive ang tummy, minsan nagsusuka sila.

Puppies are naturally playful at malambing. This is the right time para itrain nyo sya. Wag nyo masyado babyhin and set rules/limits para lumaking mabait ;)

Rel8, hi sis! maswerte ka matakaw ang shih tzu mo, ano yung brand ng dogfood? kasi iba-iba ang quality nila, merong puro fillers lang ang laman (grains and by-products) meron ding siksik sa protein kaya kahit onti lang ibigay busog na sila.
Say it like you mean it!

Rel8

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #1 on: June 30, 2013, 11:29:26 am »
Hi Abuanddiego:) royal canin & beef pro sis...

devilish_einjel

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 446
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #2 on: June 30, 2013, 01:29:36 pm »
^ thanks sis abu.. ok naman first night ni puppy, maliksi tapos ang himbing ng tulog haha.. dirediretso.. napabakunahan ko na din siya kanina.. sabi ng vet pwede na ko mag start na introduce siya sa solid food, yung binil ko is yng Vitality na brand.. ok ba yung dor puppies? sa Dry Dog Food Thread kasi isa yun sa pinakamarami nag suggest.. tinry ko siya ihalo sa milk, kaya lang ang tagal matunaw? ilang mins. na matigaspa din?

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #3 on: June 30, 2013, 02:03:01 pm »
^almost 5yrs ago ko na natry yung vitality, wala pa akong shih tzu noon lol. check mo yung ingredients, yung mga okay na dogfood dapat ang first ingredient is specific meat like chicken, beef, lamb, salmon, etc. tapos wala dapat corn, soy, wheat and other grains na hindi maganda sa dogs, pero kung rice or brown rice, oatmeal okay lang naman. wala rin dapat by-products or any non-specific ingredients, avoid sodium, food color, preservatives. as much as possible dapat parang human-food din, yung tipong makakain mo bawat ingredient.

Say it like you mean it!

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2720
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #4 on: July 01, 2013, 02:01:03 pm »
i have a dilemma, to cut Max hair or not...di talaga maiwasan ang buhol niya kaya iniisip namin to shorten it this saturday.  parang ayoko naman ata na totally summer cut.  siguro panipisan ko na lang.  then i will leave her bangs para humaba at madali talian.

we bought her this sofa bed yesteray pero ayaw niya talaga matulog don.  nilagay kasi namin sa usual na place niya matulog.  ayaw pumunta don.  either sa tabi ko tuloy or ke hubby sumisiksik kagabi.
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

yyaaddzz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #5 on: July 01, 2013, 07:09:36 pm »
haaaay! ako sis phurple super nalulungkot sa kaiksian ng buhok ni Chuck. We went to his vet last saturday to have him groomed,
sabi ko puppy cut tapos sa aking pagkakamali, napaka short naman pala ng puppy cut. i should have told them to trim lang certain parts likt tummy, paws, face para maretain [textspeak!] fluffy hair niya. im super sad now.:(

and BTW, nalaman ko din na may mange daw siya. scaly kasi un skin sa leeg and inner thighs niya kaya ininjectionan nanaman siya ng anti mange na 4 series daw, every week ang turok. pinaiinom ko na din siya ng fish oil to lessen the itchiness.
sana mag work un fish oil para di na mag antibiotic..

konti lang din gana nya sa food, what im doing now is i leave his food sa place nya para he can eat anytime. ayoko kasi magutom siya pero hindi ko din alam kung tama ba un. what can you suggest mga sis?:)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #6 on: July 01, 2013, 11:46:23 pm »
rel8, alamin mo sis yung good and bad ingredients para makapili ka ng okay na dogfood. nasabi ko na yung ibang tips in choosing, marami pa tayong links sa Dry Dogfood thread, backread ka lang. Btw, I wouldn't recommend Royal Canin and Beef pro kasi it has corn and by-products, bad yan for dogs.

phurple, naku sis di talaga maiiwasan ang buhol sa mga long-haired dogs, kahit mayat maya ang suklay, onting galaw lang buhol na agad yan. May mga products at techniques na ginagamit para di magbuhol pero kung wala talaga tayong time, mas okay na ang short hair. Bilinan mo na lang yung groomer na trim lang at itira yung sa face.

alam ko tinitrain sila para matulog sa bed,kaso medyo mahirap pag sanay na sa isang spot. si Abu di ko na binilan kasi gusto nya lang sa ilalim ng kama ko lol!

yyaaddzz, nagskin test kayo sis? ano daw demodectic or sarcoptic? ivomec/ivermectin yung shots na binibigay, effective naman yan. yan dati ginamit sa bulldog ko, matagal din kami nagdepend sa ivomec until I found out na lumalabas daw ang mange pag may mali sa immune system nila. Yung mange kasi nasa skin daw talaga yan, pero nagiging active pag under stress ang system. Bale symptom lang sya na may problem sa health, so dapat malaman natin what causes it para di sila mabugbog sa meds.

Ilang taon na si Chuck? kung puppy, juvenile mange lang yan, mawawala rin yan pag lumakas immune system nya. Pero kung adult, pwedeng may problem internally so kailangan mapablood test para mapinpoint ang cause. Kami dati more than a year sa mange medication, after ng initial series, monthly ang ivomec or advocate. Pero nung nagraw feeding kami, nawala ang mange kahit hininto ko ang medication. Baka lacking lang sya sa nutrients, ano ba food nya? Try mo magmix ng meat makakatulong yun sa health nya.

Dogs are hunters by nature, they like to work for their food. Unhealthy sa kanila yung free feeding kasi it doesn't teach them discipline. Set a schedule for meal times at kunin mo after 10-15mins para alam nya na hindi laging available ang food. Schedules will also help you to find out kung wala talaga syang appetite or nagiging picky lang. Hindi naman sya magugutom as long as tama ang amount ng food. Usually once a day lang kumain ang mga adult dogs, pag puppy 3-4times/day. Don't worry, hindi mo sya masasaktan by setting schedules bec. dogs love schedules and routines. makakatulong pa yan in raising a good dog and determining health issues, for ex. iba sya than his usual self may idea ka agad kelan nagstart, anong ginawa/kinain before that. kesa yung free sila to do anything ang hirap balikan ng mga past activities.
Say it like you mean it!

yyaaddzz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #7 on: July 02, 2013, 12:05:11 am »
Sis abu: no skin test, 3 weeks ago kasi nagkaron ng food allergy si chuck, he took antibiotic and yung med na corti-something.:) (i forgot the name but i think mya steriod siya)
Nawala naman yun allergy and ear infection nya habang umiinom ng gamot pero bumalik nun hininto namin. Last week sabi ng vet ok na siya kaya inihinto na namin pero nun bumalik kami this week, scaley and reddish nanaman
Un nech and inner thigh niya kaya sabi ni doc bibigyan siya ng ivomec. 4x daw siya and everyweek dapat. Sakit nga sa bulsa kaya inisip ko dapat may ibang remedy para mawala agad, bumili kami agad ng fish oil ang thank God kasi ok sa kanya kahit walang ibang kasama. Kinakain nya un buong capsul.

3 months pa siya and hindi rin nabanggit ni doc kung anong klase un sakit niya. I'll try researching about raw feeding, sana maging ok din sa kanya.
He is currently on home cooked feeding, ground pork, squash, sayote ang menu nya for the week.

Sa eating problem naman nya, i think umaarte nga lang kasi kapag nagutom ko siya ng mga 8hours without food, pag binigyan ko biglang mauubos ng sobra. Ok lang ba maging 2x a day ang meal niya kasi morning and evening lang siya magana. Palaging water lang ang gusto niya.
I'll try the 10mins habit and ibabalik ko na ang food schedule nya.:) gano ba kasi ang dapat na karami ng food nila? Baka nga nag kukulang ako sa pag abot ng pagkain kaya nag kakasakit..

Thanks sis!

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #8 on: July 02, 2013, 01:26:04 am »
^sis baka food allergy lang yan na lumala at naging mange? elimination diet, omega 3 and antihistamine ang usual first aid sa allergies, there's no need for antibiotics and steroids. what it does kasi is parang bandage lang sa sugat pero yung main cause hindi nila nagagamot. ang mangyayare pa is magiging dependent yung dog sa meds at hindi matuto yung natural defense nila to fight on its own. mange is just a secondary symptom, may pinaguugatan pa yan at yun yung kailangan natin malaman.

ang bata pa ng dog mo to take alot of meds, kawawa naman. dapat nagconduct ng skin test yung vet kasi may issue na pala ng allergy noon. i think juvenile mange yung kanya, nawawala naman yan pag laki. may mga dogs talaga na nagkakaganyan pag puppy pero gumagaling din, kailangan lang talaga iboost ang immune system. aside sa homecooked, bigay ka rin vitamins para mas lumakas sya. May thread din tayo about raw feeding, search mo lang.

Alam nya kasi laging may food kaya nawawalan ng gana hehe. Okay lang ang 2x-3x/day lalo pag puppies, bigyan mo lang sya lagi ng schedule until masanay. Pag small breeds usually 1- 1 1/2 cup pag dogfood pero pag real food mas madami sila nakakain. Ganito sis yung food bowl ni Abu, puno yan pero 1x feeding lang sya https://fbcdn-sphotos-b-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash3/556651_348802055206419_1203334649_n.jpg
Say it like you mean it!

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2720
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #9 on: July 02, 2013, 11:59:02 am »
buti nga yong groomer ni Max, as much as possible ayaw din niya ng puppy cut, lagi niya sinasabi, are you sure? hehe.  she knows naman na so let's see on Saturday.  Ganito na kasi kahaba hair ni max ngayon:

http://imageshack.us/photo/my-images/580/nzrb.jpg/
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

Rel8

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #10 on: July 02, 2013, 01:13:23 pm »
Ok sis Abuanddiego,thanks! :)

yyaaddzz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #11 on: July 02, 2013, 09:59:38 pm »
^^^ he is curently taking raffavit, vit c, and fish oil. Sa fish oil 2nd day pa lang niya pero 2caps a day, 1 after breakfast and 1 after dinner.
I cant see any changes yet but im hoping to see a good result kasi naaawa din ako kapag palaging may gamot katawan nya. Hindi natututo un sarili niya na labanan un sakit kasi palaging antibiotic agad, nagiging dependent na siya sa gamot.

I dont knownwhat to feed him na kasi allergic siya sa chicken, mahina naman ang gana sa pork, ayaw ng kibble. Ay sus talaga nga naman! Hahaha ano pa ba pwede ipakain sa kanya?:)

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #12 on: July 03, 2013, 01:29:52 am »
rel8, you're welcome!

phurple, buti pa yung groomer nyo matiyaga, dito sa pinas laging summer cut ang gusto ng mga groomer! mahirap makahanap ng mabait na groomer dito, gusto lagi mabilisang trabaho >:(

yyaaddzz, pure chicken ba yung binigay mo nung lumabas ang allergy? may mga instances na nagkakaron si Abu ng red spots sa chicken pero fish oil lang panlaban namin hehe. ang alam ko hindi mismo yung chicken ang nagcaucause ng allergy but yung chicken feeds na puro grains like corn, rice, etc. kasi diba innappropriate sa mga carnivores ang grains. ang solution daw dito is to give fish oil or switch to free-range chicken, mas mahal ng onti than ordinary pero makakaiwas tayo sa allergy. Nung nagtry ako magbigay ng free-range, dyusme, nabaliw mga alaga ko, it must be the scent, amoy tinola eh haha!

yung effects ng fish oil hindi sya overnight lalo kung may health issues, wait ka lang sis gaganda din coat nya after some weeks. omg, ayaw nya ng pork? baka naninibago lang, meron kasing mga dogs na hindi alam na food yung nasa harap nila. try mo itease, iwasiwas mo sa harap nya yung pork hehe. Try mo rin magadd ng liver or sardines,galunggong,tuna/tulingan para maamoy yung food nya. Ang lagi kong binibigay: chicken, pork, organs, sardines, minsan beef pag may budget.
Say it like you mean it!

yyaaddzz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #13 on: July 03, 2013, 07:38:55 am »
Ground pork with chicken liver ang nabigay ko kaya the vet assumed na kasalanan ng chicken and so i stopped giving him the meat na din.
Ewan ko nga ba kung bakit ayaw ng ground pork with squash e un naman ang dati niyang food. Actually sis may mild improvement na siya sa skin. Yung reddish/pinkish skin nya medyo nag lalighten na and patches na lang ang naiwan.
Im hoping hindi mag bago ang pananaw niya sa fish oil at ituring pa rin na treat.
 Iam continuously giving him vit.c kahit alam ko na hindi nya masyado kailangan ng supplement neto kasi nafifeel ko na mahina un immune system niya and he needs some help. Raffavit, tuloy pa din and i increased his intake to 1.5ml instead of 1ml. Sis gaanon ba katagal bago makita ang effect ng raffavit? 2 weeks na kami gumagamit pero matumal pa din sa pag kain e.
Ayoko sana ililat muna agad kasi im putting my hopes sa raffavit since natural siya.

Am i doing it wrong sis? Hindi kombinigyan ng antibiotic si chuck kahit sabinng vet bigyan siya kasi umaaasa ako sa fish oil na matutulungan niya un skin problem ni bebe.:)
Naisip ko kasi nag iivomec na siya so im assuming na yun na un pinaka gamot niya hehe sorry, mapagmarunong talaga ako pag dating sa gamot. I myself kasi, hindi nagtatake ng gamot not unless isang hinga ko na lang e matitigok na ako.:)

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2720
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #14 on: July 03, 2013, 09:54:39 am »
nagsasawa na naman si max sa kibbles lang.  will add ground beef to her diet.

^^sis abu, naku, matyaga nga, me dagdag bayad naman, hehe.  pero ang haba kasi ng hair na ni max so nanghihinayang din yong groomer niya.  yong last na groom ni max, ginawa niya poodle paws para daw di mabilis humaba hair sa paws. tignan natin ano gagawin niya ulit na hairstyle ni max sa sat.  Pero i told her in advance ayoko pagupitan bangs ni max kasi para madaling ipitan.
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #15 on: July 03, 2013, 01:49:28 pm »
yyaaddzz, ganyan talaga mga vets laging sinisisi sa food ang allergy, lalo na pag nalaman nilang di dogfood binibigay natin. Naku ha, di hamak naman na mas maganda ang ground pork and liver kesa dogfood, kahit ano pang sabihin nila, lamang pa rin ang natural sa processed foods.

Baka kulang ang dosage mo sa raffavit sis, kasi si Abu nung 4-5mos, 2.5ml agad yung dose sa kanya. Minsan nga umaabot ng 5ml kasi ayaw paawat hehe. Nakita ko yung effect sa kanya within a week, biglang lakas kumain tapos di na naging picky. Try mo sis gawin 2.5ml then see kung may improvement.

Wait, para san daw yung antibiotics? Para ba sa mange yan? Grabe ba yung sugat sa skin nya? Yung tipong may pus at may kakaibang amoy? Kasi depende ata sa condition ng skin kung kailangan ng antibiotics. kami naman noon di binigyan kahit sugat sugat skin, ivomec or advocate lang gumaling agad. Pero yung nakasabay naming tzu na may mange, madaming meds na binigay kasi may iba pang sakit. May complication na ata sa organs at may edad na kaya lumala yung mange.

Tuloy mo lang sis yung homecooked meals, raffavit, vit c and fish oil plus yung shots then give lots of TLC, gagaling din ang baby mo.

phurple, haha at least di barumbado di gaya ng ibang groomers, basta kumita lang, walang pake kahit masaktan mga alaga natin! kami rin kailangan na magpagroom, madali na magbuhol hair ni abu e.

ang gamit pala naming shampoo now is pampered pooch for puppies at human nature conditioner, in fairness kahit buhol-buhol at 1 week ng walang ligo, pag sinuklay madulas pa rin at madali matanggal ang mats! Kahit di sya ganun kashiny, okay nako sa ganitong effect, malambot pa rin naman hair nya. Normal metal comb and brush lang gamit ko pero nakukuha pa rin yung mats. At least di ko na kailangan gumastos for high-end hair products,di rin sya masasaktan sa suklayan namin hehe
Say it like you mean it!

yyaaddzz

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #16 on: July 03, 2013, 05:00:39 pm »
^para sa skin problem niya daw pero un nga, hindi ko na binigyan and may imporvement na un inner thigh nya. dati reddish, ngayon un stomach nya and some parts ng thigh e nag lalighten na.:)
un neck part niya medyo pinkish pa din pero feeling paataas lang ang effect haha una sa paa then paakyat na un ng leeg so tuloy tuloy ko lang ang fish oil at vit. c.
wala naman siyang pus and amoy, wala nga siyang obvious na sugat except sa parang mga dandruff and tick bites. ilang series un ivomec na bingay sa inyo dati sis? sabi kasi ng vet 4x daw dapat, 1x per week..

eto pa!! napansin ko kanina may amoy ang ear, malamang un dahil sa pag groom sa kanya last saturday. tinutuloy ko na lang nanaman un ear drop niya and thorough cleaning.:)
i am all positive kay chuck, alam ko kasi mag rerecover naman siya agad. and minsan, oa lang ako makapansin ng problema sa kanya, minsan kala ko may diperensya un pala normal lang hehe :)


abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #17 on: July 04, 2013, 12:55:32 am »
^sis kung juvenile mange yan, gagaling din agad yan. may mga aspins kaming ginalis nung puppy, binigyan din sila ng shots tapos never na bumalik ang galis, parang wala ngang nangyare, ang ganda ng mga coat nila paglaki. ako rin ayokong magbigay ng mga gamot, hanggat kaya ng supplement dun muna kami. so far, kinakaya naman ng fish oil ang skin issues ng mga to kaya di ko nakikita ang need for any meds.

may issue na kami ng mange noon, pero di series of shots yung binigay. isang advocate and 1 shot of ivomec lang. tapos nung bumalik, advocate spot on yung pinili ko kasi good na sya for 1month. then naka 3 series of ivomec every 2weeks, tapos monthly na lang. mabilis daw kasi yung effect kaya ginawang every 2weeks instead of weekly shots. try mo minsan ang advocate kasi cover na nya pati earmites, worms, heartworms, fleas, mas madali pa kasi spot on lang sya.

hay naku, nakakabuwang magkaron ng mga anak na di nagsasalita. minsan pag tulala sila, tinatanong ko, "hoy, anong problema?" kahit di sila sumagot, isang tingin lang nila sakin, dama ko na sinasagot nila ko eh hahahaha!
Say it like you mean it!

phurple0515

  • your bitchy, sweety, ironic, down-to-earth (",)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2720
  • bitchy sweet (",)
    • Max's Shopzter
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #18 on: July 04, 2013, 11:58:32 am »
^ i know what you mean, hehe...pero nakakatuwa kasi alam mong naiintindihan ka di ba? lalo na pag kinausap mo tapos tatahol, hehe...si max nga marunong ng mangalabit kung me gusto e, as in...kahit yong mag-aalarm na at di pa babangon, dahan dahan pang kakalabit yan :D
"Experience is what you get when you don't get what you want!"

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #19 on: July 05, 2013, 02:08:00 am »
^my boys naman rarely bark ;D nagkakaintindihan kami sa mata at touch, isang tango ko lang lalapit na sakin at di na aalis sa tabi ko. masaya na kami na lagi kaming magkakatabi at naglalamasan haha! I really appreciate this kind of behavior kasi introvert ako, I prefer actions than words. that's why I love dogs more than humans hahaha!
Say it like you mean it!

 


Latest Stories

Load More Stories
Close