watch now

Author Topic: Everything Shih Tzu - Thread 9  (Read 179529 times)

littlemisschievous

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #40 on: July 27, 2013, 03:05:35 pm »
I have yet to purchase the ATC fish oil that sis abuanddiego recommends. Hope it works for my fur baby!

abuanddiego

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #41 on: July 28, 2013, 10:58:03 am »
^^hahaha dalaga na kasi si Luckie, ayaw na nya ng magaslaw lol! don't worry sis, yung behavior and personality naman nila is napapasa pag lagi silang magkasama. if Luckie will correct her, magbebehave din sya like a lady in due time ;)

share ko lang, meron kaming aspin na super kulit pero nung nagkatabi sila ng old aspin (na super calm) for some weeks, natuto yung pup na linisin ang area nya using her snout. Natulala/natawa talaga ako nung nakita ko na nililinis na din nya yung food drippings and poop nya by herself, para silang nagwawalis ;D

^funny yang fish oil pag nasobrahan, ang bilis tumubo ng hair as in days lang haha! I tried a different brand sa eb ko, may stock kasi sa bahay, it seems very effective, his coat became softer and shinier kahit may mange. yung mga bald spots nya ang bilis tubuan ng new hair.

yyaaddzz

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #42 on: July 28, 2013, 08:17:29 pm »
Anong brand un natry mo aside sa atc sis? Parang no effect sa bulinggit ko un atc e. naka 30caps na kami pero may allergy pa din hihi.:)

babykat

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #43 on: July 29, 2013, 10:15:08 am »
Unti unti na namin sinasanay si Chichi na sa labas ng crate nya.  She would still chase Luckie and try to play.  Ayaw pa din ni Luckie pero last night, sa kakahabol nung maliit, nagbabark na si Luckie sa kanya.  Di naman yung bark na labas ngipin at mukhang sasagpangin yung puppy. pero bark ng bark si luckie, yung parang gigil.  Di ko tuloy alam if nagagalit sya or nakikipaglaro na or if sinasaway nya sa kalikutan si Chichi.

I tried to stand between them para pigilan si Chichi kasi sobrang habol na sya kay Luckie.  I thought Luckie would run away when she had to chance, pero she stayed lang.

coyenho

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #44 on: July 30, 2013, 11:41:51 pm »
mga sis. ano ba dapat gawin kapag super nag mat na yung hair sa may ear area? hindi naman pansin na buhol buhol kasi nasa may gitna sya.hindi na kaya ng conditioner e ..natatakot naman ako gupitin kasi baka ma cut ko yung mismong ears ng baby ko. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #45 on: August 02, 2013, 03:32:47 am »
yyaaddzz, nature made yung isa namin natry sis. ilang pcs binibigay mo per day? adjust the dosage pag walang progress, pwede yan hanggang 3x the normal dose ;)

coyenho, merong technique para maalis, susuklayin/hihilahin mo ng slight using the ends of a steel comb. try mo lagyan ng conditioner para medyo lumambot tapos dahan-dahan mo suklayin. ako kasi pag kaya pa sinusuklay ko lang pero pag grabe na, gupit na hehe

phurple0515

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #46 on: August 02, 2013, 09:19:57 am »
^ naku, ako naman pag sobrang mat ang hair ni Max, pasa ko na agad ke hubby, matyagang magsuklay e, hehhe.  Pag ako kasi matagal, as in parang hinihimay ko pa buhok niya para lang maayos pagkakatanggal ng mat.  Kulit kasi ni max, after mo siya suklayin at ipitan, ingungudngod ang buhok sa gilid ng kama namin so di na naman maayos....

ngayon, di muna siya nakadamit, pano, marunong ng magtanggal ng damit niya.  ang galing.  as in aalisin muna isang sleeve, tapos yong kabila naman tapos hihilain na niya sa ulo.  makulit tong 'dalaga' namin e...lapit na birthday niya.  1 yr na siya sa 8 :)  pero kung kelan tumanda, don naman mahilig magpakarga, nagpapa-baby, sabi nga ni hubby papansin daw ngayon masyado si Max.  pero ok lang, malambing naman kahit makulit :)

tama kayo on thefish oil, since the time na pinaboard namin, after two weeks ata na-lessen yong paglagas ng furs niya.  ngayon, ok na ulit.  pero continue pa rin kami magbigay ng fish oil as maintenance.

devilish_einjel

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #47 on: August 03, 2013, 07:55:19 am »
hello mga sis, update lang sa shih tzu puppy ko na kaka turn lang ng 2 months.. haay. ayun, medyo challenging pala talaga magalaga ng aso.. ang ingay ingay! lalo na kapag morning, tapos mauuna siya magising sa akin, hindi yan titigil kakaiyak.. pero hindi ko pinapansin hanggat hindi tumatahimik.. pag tumahimik na, saka ko ilalabas at papakainin.. pagdating naman sa pagkain, walang arte! lahat kinakain, malingat ka lang sandali ubos na niya yung food.. Im planning to change her dog food, alpo kasi binibigay ko sa kanya, yun kasi binili ng mom ko e, pero according sa inyo stay away sa mga commercial brands ng dog food kaya im looking for other alternatives.. saka napansin ko din kasi sa alaga ko, ang bilis niya bumaho, especially sa head part.. amoy dog food! pwede naman ako mag introduce sa kanya ng home cooked meals from time to time diba? like boiled veggies? plan ko gawin yun lalo na kung wala akong pasok, pero kung busy dog food lang muna..

sa potty training naman, no luck pa ko dito.. dati kung saan saan umiihi, tapos gugulungan pa niya yung ihi niya.. hay.. kaya binilhan ko ng crate, yung may butas sa ilalim para dun na mapunta yung pee saka yung poop niya., problem sa poop niya minsan hindi nalalaglag.. pero balak ko gawin e idivide yung crate niya, sleeping area saka for potty.. ganon naman talaga dapat diba? ang kalaban ko lang dito is time na matutukan siya kasi medyo hectic ang sched.

aside dun, medyo mahirap siya itrain, or hindi lang ako effective magturo?  saka kasi we got her at such an early age, 1 month palang ata. pero kasi ang nakausap ko is yung tita ko, sabi niya may kilala daw siya nagbebenta.. e since gustong gusto ko sabi ko sige.. tapos nagulat na lang ako nag message sa akin na nasa kanya na agad yung puppy, akala ko wait pa na kahit mag 2 months man lang., kaya ang puppy ko hindi naturuan ng bite inhibition.. ang hilig mangagat! pag lalambingin ko nga nagagalit at mangangagat e..

sorry mga sis ang haba! pero sana share niyo sa akin knowledge niyo.. hindi ako matyagang tao pero para sa alaga ko susundin ko lahat ng suggestions niyo..

solepurplelife

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #48 on: August 03, 2013, 09:47:24 am »
^Hi sis, I'm a first time pet owner din. Na-experience ko yan nung mga first few weeks. First day nya naku nagrereklamo mga kasama ko sa bahay dahil amoy aso sya. I cant give him a bath naman kasi he just had his first vaccine back then.  Naku tinatanong ko sarili ko kung ano ba tong pinasok ko.  Parang gusto ko sya isuli sa nagbigay sakin  :) Pero ayun nadala ako sa pagpapacute ng pet ko ee.  ;D

Regarding homecooked sis, its really way better than commercial dogfood. Almost 3weeks na siguro kami sa homecooked ng alaga ko. And I'm really thankful sa mga sis natin dito na walang sawang nagsshare ng knowledge nila. Ilang days palang mapapansin mo na talaga ang changes sa health ng baby mo. Less dog smell, less poop, and hindi sya madali magutom. Be careful lang on giving homecooked food kasi madaming talagang bawal. Maasikaso nga lang pero what I do na lang is niluluto ko na yung food nya for oneweek. Ilalagay ko na lang sa freezer then immicrowave na lang kapag kakainin na nya. Yung amoy na dogfood sa head sis dapat pagkatapos ng every meal nya lilinisin mo yung face and paws nya kasi nangangamoy tlaga yun at worse nag aattract pa yun ng fleas and ticks.

Sa potty training eto naman atah ang swerte ko sa alaga ko. Almost two mos old pa lang sya nung makuha ko pero since first day nya samin isang place lang sya nagpoop at nag pee. Pero accdg sa mga nababasa ko dito kelangan lang tlaga sis consistent ka. Ako rin kasi mejo hectic ang sched. I work 7am to 4pm then may classes pa ko until 9pm. Kaya ang siste puyat talaga ang lola mo. Pagdating ko kasi lilinisin ko pa sya susuklayan and all walang palya. Kaya sabi ng mom ko kapag nasa bahay daw ako behave ang alaga ko.  ;D Kapag off ko naku pareho kaming dalawa tulog lang. Sinanay ko kasi sya na magstay lang palage sa tabi ko at wag mag lalandi. Pati pagkakamot nya kapag nag "shhh" na ako titigil na sya. I guess every time may pagkakataon dapat naiimplement mo ang rules mo skanya. Kasi dun daw nila yun natutunan kapag paulit ulit. Anyways ilang weeks pa lang naman sya sayo. Ilang weeks pa matutunan nya din yan. Tiwala lang sis.  ;D

I think sis yung pag kagat nya is normal since nag iipin pa sya. Yung alaga ko ubos na yung wooden handle ng comb nya kakangatngat nya. Kinakagat nya rin ako sa kamay pero yung akin parang lande nya yun. I'm not sure naman sa situation mo sis kasi diba sabi mo nagagalit?

Pero all in all sis I think as time goes by masasanay ka rin. Yung mga challenges nung una magiging routine na lang eventually. And you will notice na you would actually do things para sa alaga mo na you never imagine na magagawa mo. I think thats the best thing nung nagkaroon ako ng pet ee. I became patient, understanding and more thoughtful. Habang tinuturuan ko yung baby ko natututo din ako sakanya.  :)

devilish_einjel

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #49 on: August 03, 2013, 10:25:17 pm »
^ sis! thank you so much sa reply! tama ka sis, saglit pa lang kasi siya sa akin kaya siguro feeling ko hindi ko siya kaya maalagaan ng maayos, pero kunting time lang siguro and masasanay din ako.. ano panlinis mo sis after niya kumain? wet wipes lang ginagamit ko sa kanya.. saka another thing pa pala, black and white kasi siya, kaya problem ko nag stain yung sa may bibig niya, tapos yung sa paa niya.. sabi ng vet hayaan ko lang daw dahil normal naman sa shih tzu, kaya lang may nabasa kasi ako na may whitening shampoo na pwede gamitin?

tiwala lang nga talaga sis, at isang malaking TYAGA! haha.. sweet naman yung alaga ko e, punta siya sa lap ko pero pag nilaro mo na mangangagat haha.. LOL..


iamLyneth

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #50 on: August 04, 2013, 10:18:41 pm »
Ask ko lang po kung anong  dapat kong gawin sa baby ko. Mahina po kasi siyang kumain tapos minsan po hindi talaga siya kumakain kelangan pa po naming ipilit sa kanya yung food. Nadala ko na po siya sa vet tas binigyan lang po siya ng pampagana kumain kaso one day lang po yung effect tas ganun ulit. 4months old Male shih tzu puppy po yung baby ko. Salamat.

hot_hydz

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #51 on: August 06, 2013, 08:12:58 am »
My tzu gave birth of a 5 puppies unfortunately 4 died:( ewan ko nlng if mabuhay pa yung last..panay alalay ko naman kay Angel kahit ayaw nya alagaan babies nya:( depressed na nga ako di na makakain naawa ako sa pups:(

solepurplelife

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #52 on: August 06, 2013, 01:49:37 pm »
devilish_einjel, sis nakakatuwa noh kapag naglalambing na sila para ka talagang nagkaanak.  ;D Naku namimiss ko tuloy alaga ko.  Ako sis wet towel lang then punasan ng dry tissue tapos kung sinipag ako ibblower ko. Kapag hinayaan ko kasing basa nakakahakot ng dumi. Ee yung alaga ko naku kapag nakitang bukas ang pinto tatakbo yun agad parang nakawala. Yung color ni Cody ( my pet) is mahogany pero yung fur nya under his mouth is white kaya nagkakaroon din ng stain. Hinahayaan ko lang din kasi hindi matanggal kapag pinupunasan. Tsaka hindi ganu halata sakanya kasi parang medyo kakulay ng fur nya yung stain. kaya I use lang yung giga pet organics pet soap sa alaga ko. May nagrecommend kasi dito na all natural sya kaya safe. Napansin ko after ko gamitin hindi na bumalik dog smell nya and zero fleas and ticks. Pero sis may mga nabasa din ako dito yung sergeants na brand yung ginagamit nila. Parang may line sila ng whitening shampoo talaga pang alis ng stain. Kaso may nabasa akong feedback na pati yung kulay na hindi dapat pumuti ee pumuputi.  Ang tapang siguro nun :-\

iamLyneth, naku sis madami dito ganyan mga baby nila. Medyo picky sa pagkain pero they use vitamins for their babies. Brands na madalas na nababasa ko dito is LCvit and raffavit, pero sis I think you should consult muna your vet bago ka bumili. Others naman use stock at hinahalo sa kibbles or homecooked dogfood. You could also back read and browse other threads dito. Naku sis I assure you madami ka matutunan.  ;)

hot_hydz, My deepest sympathy sis, I'll pray for you and your puppies. Im sure they're in happy place now.  :'(

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #53 on: August 06, 2013, 09:08:48 pm »
May naka experience nba sa inyo na nag rectal prolapse alaga nyo?

enilec

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #54 on: August 06, 2013, 10:10:27 pm »
^sis Hot, normal sa mga nanay na dogs yun, kapag fading or sickly yung pup/s, lalayuan nila or in other words ia-abandon nila :( sad, but it's really in their nature...

hot_hydz

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #55 on: August 08, 2013, 08:18:18 am »
My last pup died today bat ganon every 2 hours gising ko para iassistsi angel padede sa knya nadede naman kaso pansin ko ang weak nya!!sobrang sad ko as in gusto ko mag wala sa galit sa sarili ko at kay angel kase di nya inaalagaan ang anak nya!hindi naman sa pagkakakitaan ko yung pups but yung makita ko silang buhay at lalakinapaka sayanun sakin!!kaso walang nabuhay..iyak ako ng iyak sobrang sama ng loob ko sa sarili ko!!feeling ko di ako marinong mag alagang pups pero nabuhay ko naman ang parents nila ng healthy at cute perobat di nabuhay ang mga anak nila?!sad!!!

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #56 on: August 08, 2013, 04:09:14 pm »
^i feel for you sis... sis nung lumabas ba yung mga puppies hindi naman sila natagal bago nakahinga, hindi ba sila nalunod sa bag of water. minsan kasi yun yung dahilan, nagkaka-pneumonia pala kaya parang biglang na deteriorate ang puppies? ni-lilick ba nung mother yung mga puppies nya para ma stimulate ang tyan para magpoopoo o umihi?

hot_hydz

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #57 on: August 09, 2013, 08:22:05 pm »
Hindi nya sis gano inalagaan kaya todo assist pako pag naiyak di nya masyado nilick at minsan ntatadyakan pa nya pag humiga sya..di naman sis natagalan akala ko nga okey naman pero di kaya..baka di pang breed tong tzu ko:(

pr1tzie

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #58 on: August 10, 2013, 01:19:19 pm »
Hi mga sis :)

I have a question..

I have a 3 years old shitzu, then right now, sobrang flaky ng skin nya. tapos sobrang red din. naaawa ako sakanya kasi kamot siya ng akmot every now and then tapos maamoy pa tenga nya. whenever i bring her to he previous vet, laging medicated bath lang ginagawa, then recently i brought her to a new vet ang sabi naman hereditary daw yun flaky skin nya kasi wala naman daw siyang lisa, garapata or anything.

parang ayaw ko maniwala sa sabi ng vet.. feeling ko kasi sa shampoo yun na nabili ko before. i'm planning to take her sa UP vet for 2nd opinion. then a friend of mine suggested me to use oatmeal shampoo for her.

ano sa tingin nyo?.. nakakaawa naman siya sobrang flaky ng skin :(

devilish_einjel

  • Guest
Re: Everything Shih Tzu - Thread 9
« Reply #59 on: August 10, 2013, 10:27:50 pm »
sis solepurple life, tama ka iba talaga ang feeling kapag nilambing ka ng alaga mo.. kagabi nga e pagod na pagod ako sa work, tapos pagdating ko nagising siya (sa kwarto ko siya natutulog) edi binuksan ko muna yung crate niya, pagkabukas talon siya agad sa lap ko (lagi niya to ginagawa) tapos nung niyakap ko siya dinilaan niya ako sa face, eto first time niya ginawa! kaya sobrang gulat ko at happy, in doggie language kiss katumbas nun dba? kala ko nataon lang, pero kanina ginawa na naman niya.. im so kilig.. haha.. ang saya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close