Long Distance relationship? Does it work? for me it is a BIG YES!!!
year 2010 may pinakilala sakin na guy ang friend ko, he is her kababata/neighbor/barkada ng kuya nya... pero he is an ofw. actually nagmeet lang kami online. panay chat, [textspeak!], & col walang palya everyday yun. hanggang sa naging kami na, kahit d pa kami nagmi meet personally. ewan ko ba bakit pumayag ako sa ganitong set up, pero ang totoo like ko talaga sya, nadevelop na din kasi ako kasi araw araw kami magkausap, as in masasabi ko na na fall ako sa kanya. ang hirap i explain eh, sa iba na di nakaranas, sasabihin na weird, or impossible, pero that's how i feel. and alam kong ganon din sya sakin. and gumagawa din sya ng effort kahit magkalayo kami physically, alam kong serious sya sa relationship namin, never nyang pinaramdam sakin na malayo sya, he always make me feel so special inspite of the distance. more than 1 yr din kami in a long distance relationship, hanggang sa nag finish contract na sya, at umuwi na sya ng Pinas. and yun, exciting syempre nun nagmeet na kami. at walang nagbago, mas lalo pa nga kaming naging close at naging love ang isa't isa nun nagkasama na kami. everything went well in our relationship. natuloy pa ang plan namin mag out of town vacation sa boracay. at alam nyo ba dun pa sya nag propose sakin, na magpakasal na kami. hehe, eh syempre ako naman oo agad! kaya yun ilang months after we get married in a church. ang saya lang, kasi masasabi ko na isa kami sa mga matatag na couples na nagtiwala sa isa't isa at di nawalan ng pag asa, kahit [textspeak!] pang sabihin ng iba, kahit may mga hindi naniwala noong una. we prove them wrong. ngayong legal mag-asawa na kami ng mister ko, balik ulit kami sa long distance relationship at masasabi ko na ganon pa din kami tulad ng dati. tama yun sabi nila na inorder to survive a long distance relationship, it needs two strong people, na kayang maghintay, magtyaga, at umunawa. nasa inyong dalawa pa din talaga ang magiging kapalaran nyo kung kayo talaga o hindi sa huli. kahit gaano kahirap ang situation nyong dalawa, if you put God in the center of your relationship, everything will work out. this is the most important factor in LDR.
Distance, it is a test of love, many will fail but for those who can withstand it have the answer: true love :-)