watch now

Author Topic: LENDING BUSINESS PART 2  (Read 66228 times)

celsky

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #140 on: February 01, 2015, 12:05:36 am »
wala na ata nag popost for 2015 sa thread na ito  ;) busy na lahat?

phexchanger

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #141 on: February 05, 2015, 02:16:03 pm »
Nagpautang ako dati sa mga gustong magstart ng business, medyo malaki ang capital na kailangan nila so kumpleto contracts and post dated checks. Nagrange ang interest from 5% to 15% depende sa kung gaano katagal at ano ang business. Usually, 1 to 3 months lang, may umabot din ng 1 year. Hindi naging maganda ang resulta. May mga collectibles pa rin ako.

Nakaipon ako ulit, and some of the money is in lending pa rin sa mga close na kaibigan. So far OK naman. Minsan, mas mahirap singilin iyong mga tig 1000 to 5000 lang. At iyong mga makukulit na mangutang, sila pa iyong hirap singilin kapag bayaran na.

enchoi

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #142 on: February 25, 2015, 02:46:04 pm »
sis if you don't mind me asking, how much yung interest na china-charge mo? say 5K? per month ba or fixed for a certain period na?

ig0rota

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #143 on: February 26, 2015, 01:13:08 pm »
kami po naglending business kami. but we did not learn about the business bago pasukin. basta alam naming malaki kita ditto. kaya ayun. lugi. hehe. for those po na gusto gawin ito, pag aralan po muna mabuti.  :)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #144 on: February 26, 2015, 04:59:40 pm »
Dapat kasi sa business na to magaling ka kumilatis ng tao, kasi minsan kahit kaclose mu pa makunat or may tendency takbuhan ha. Dito ko nagagamit pagiging judgemental ko haha, so far so good  :)

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #145 on: May 19, 2015, 02:54:59 pm »
 :D tama ka sis sabi ng professor ko sa credit lending matututo kang kumilatis ng tao if pwede ba siya pautangin, tawag doon credit worthiness, then credit scoring naman ito yung pinagaaralan mo yung background ng tao kung magaling ba siya magbayad on time or late, yung teacher ko may lending business siya... more on businessman mga clients nya... Matututo ka magsabi ng white lies like "Ubos na yung money kasi napalend mo na lahat at wala pa nagreremit."

Sabi ng teacher ko may 4 kinds ng tao sa pagpapautang:
1. May pera na tao na kayang magbayad ng utang.
2. May mahirap na hindi kaya magbayad.
3. May pera na tao na hindi naman magbyad ng utang, yung taong may pera pero halos ayaw bumitaw ng pera para pambayad.
4. May mahirap na tao pero willing magbyad like kahit paunti unti or good payer sya.

I'm into lending din, bago lang last week lang ako ng March ako nagstart so far so good naman yung kita kasi inaapply ko yung natutunan ko sa prof ko. Maga 2 months pa lang ako. Kumuha lang ako ng kaunti sa tubo then yung natira pinautang ko rin =) . Yung clients ko pala mga co-workers ni papa, kaya tuwing 5 at 20 ng month naniningil ako. 10-15 % lang yung tinutubo ko depende sa tao at trabaho nya. Pag co-workers ni papa 10% lang pag iba 15 %. Uso sa amin yung 5-6 yung 20 % tubo. Pero di kami nagpapatongng ganon, takot kasi kami sa karma then sabi ni mama nagpapautang ka nga para makatulong sa mga tao hindi yung mas papahirapan mo sila.
Kaya siguro maganda yung balik sa amin kasi mababa lang kami magtubo.
Napag-aralan din namin na ang promissory note is malaking katibayan lalo na if your into lending business may habol ka kung saka sakali. Hindi mawawala ang risk sa pagpapautang kaya kelangan matuto ka kumilatis ng tao. Start from small na puhunan like tig 5 thou, 3 thou or 500 hundred lang pinapautang mo sa bawat tao. Kelangan yung pinapautang mo may trabaho.

 Si mama ay into lending din.. Nakakapag utang sya dati pag bigla namin kelangan ng money tapos wala pa yung payday, kaya kilala nya rin yung ibang tao na magaling magbyad sa hindi. Biro ko nga maapply nya yung hilig niya ;D .

Pinapractice muna kami sa avon ng prof ko kasi sabi nya mas matututo yung student sa actual hindi lang sa kung ano sinasabi nya. Ang base ng grade namin is hindi sa laki ng kita kundi kung paano mabalik at mabyaran yung utang sa company. Lalo na utang yung sa avon 1 month to pay kelangan mo lang magdown then makuha mo na products. Bale sa obligation namin sa credit kami natrain.6 months din yun kaya dami ko natutunan. Doon mapag-aaralan namin paano kumilatis ng tao. Like for instance  pagnagpautang kami ng product sa student tingin nyo how much lang ang kaya nya byaran? sabi ng teacher ko 200 plus lang daw ang ilimit namin sa ganito. Pero if may work yung tao pwede kami magpautang like price ng product is 500 to 1000... then tinuro nya rin don't put both of your feet to 1 basket... why? paano if hindi nakapagbayad yung isang tao then yung inutang nya sayo is worth 5 thou then yung capital mo sa 5 thou lang din.. ubos ang puhunan mo.

3 things to define credit:
1. Trust & confidence - trust mo sa tao at confidence mo na willing at kayang kaya niya magbyad.
2. Futurity & time- may due date ka dapat kung kelan sila dapat magbayad, dapat my due date na nakaindicate sa promissory note. May habol ka dito. Kasi sabi ng teacher ko pag walang due date nakalagay hindi mo sya mafoforce magbayad ng utang kahit ihabol mo pa sa korte kahit 5 years to 10 years hindi mo siya mapipilit magbayad.
3. Risk- sa credit at lending hindi nawawala ang risk kaya dapat choose carefully like for example sa mga co-worker mo lang ikaw magpautang hindi ka hirap maningil. Wag ka magpapautang sa hindi mo kilala. Sa promissory note namin lagi may co-maker or guarantor na tinatawag na kilalang kilala mo.. Sa guarantor lagi namin sinasabi base narin sa turo ng prof ko para malinaw, ipaliwanag daw sa co-maker at guarantor ang obligation nila na incase hindi makabayad si debtor (nangungutang) is sya ang hahabulin. Malaking obligasyon daw to sabi ng teacher ko kaya wag basta basta magco-maker. Base na rin sa experience ng prof ko nagco-maker sya sa isang tao na 3-5 years nya ng kilala then si debtor hindi nakapagbyad yung prof ko nakapagbyad ng 150 thou sa banko.

I'm new sa lending money, pero sa 6 months kong natutunan sa avon nagamit ko to kasi lending din ang avon sa products ;) ... dahil pinag-aralan ko to bago namin pinasok. so far wala pang balasubas kami na naencounter, pati si mama lagi ko pinaaalalahanan tinuturo ko yung mga natutunan ko. Kasi laging marami pumupunta sa bahay para maghiram ng pera... sinasabi ko wag ka maexcite sa kikitain pagaralan mo mga 2-3 days yung tao if kaya at willing magbayad. Kasi pwedeng mawala pera mo pag nagpahiram ka sa hindi worthy lalo na kung hindi ka sigurado... Kaya tinatanong ni mama mga debtor bago nya release-san ng money like may tatanggapin ka bang pera na pangbyad sa utang mo sa due date na sinabi mo.. sasagot sila oo kasi may padating sila na pera like loan, or bonus then tanong-tanong sa background normal yun lalo na anong work etc.. Ganong process kasi ginagawa lalo na ng mga lending company,then ayon bago pagagawin ni mama ng promissory bago release ng pera.

So far so good.. All thanks to may Professor. Sana Magboom pa ng husto  ;) ;D
P.S. si papa at 2 kong kuya naganito na rin sa nakabangko lang nila na money, kasi nakikita nila yung kinikita namin ni mama hahaha.. kaya ginagabayan namin.  ;)

Pasensya na mahaba pero sana makatulong lalo na sa papasok din sa business na to.  ;)
« Last Edit: May 19, 2015, 10:17:37 pm by pol pretty lady »

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #146 on: May 19, 2015, 03:11:36 pm »
At sinasabi pala namin sa mga debtor lagi na kung magaling magbayad pwede ka pa ulit mangutang sa susunod na kelangan ng money. Tapos sinasabi ni mama basta okay ka magbayad pwede ka makaulit at baka sa susunod babaan ko na yung interest.
Mas okay kasi patubuan kesa nasa banko tapos 1 % yearly lang ang tinataas. 10 % then monthly ang tubo nun.. every 15 days nagabyad sila para hindi mabigat.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #147 on: May 19, 2015, 03:24:46 pm »
Ako sis 6 to 8% a month. Ingat ka din sa iba na magagaling lang magbayad sa umpisa and after mga 3 or ika-apat na kuha sayo since tiwala ka na at mejo malaki na nabigay mung amount tsaka mahirap singilin, importante pa din na magtanung tanung ka sa credit background ng mga kukuha sayo.

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #148 on: May 19, 2015, 05:45:38 pm »
yes sis, kaya nga po hindi kami nagpapautang na hindi nagwowork sa parehong company nila papa, bali yung mga ito 20 years ng kilala nila mama.. at sabay sabay ang sweldo pati bahay magkakalapit lang po bali iisang compound po.. kaya nga sis pili lang talaga pinapautang namin lampas na siguro sa 20 na tao ang tinangihan namin kasi kawork nga ni papa pero kilala namin namen na sugarol, sabungero or gastador... mga ganon at hindi po kami nagarelease pag alam namin na walang tatanggapin na pera, bonus or retirement... bali yung dito sa amin magkakakilala talaga ng matagalan.. pag may humiram ng pera na taga labas ng compound hindi kami nagbibigay may iba talaga na kelangan talaga nila nagagawa na lang nila icollateral yung pag-aari nila like pamboat etc. pero yung guarantor kapitbahay namin kachurch nila..  ;)

then sa ibang nareleasan namin kadikit namin yung accounting haha kaya pwede namin ipahold saglit yung sweldo nila para magsingil.. ;D

sayo sis kanino ka nagpapautang?
« Last Edit: May 19, 2015, 05:57:52 pm by pol pretty lady »

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #149 on: May 19, 2015, 06:24:53 pm »
Dito lang sa office sis, small time lang  :), nakakatakot kasi magrelease ng malaking pera sa pautang.

One more thing, since mga kasama nyo lang pala sa compund yung kumukuha sayo, wag mo ipapahalata na nag iiwan ka ng pera sa bahay nyo, mahirap na, mas okay siguro kunwari ngayon hihiram bukas mo ibibigay sabihin mo nasa bangko kasi yung pera kahit naanjan pa sa bahay nyo. Maraming loko sa panahon ngayon.

Ako pag payday lahat ng nasisingil ko ibinibigay ko din agad sa mga mangungutang hindi ako umuuwi ng may dalang mejo malaking amount.

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #150 on: May 19, 2015, 09:35:51 pm »
Yap sis minsan sinasabi ni mama pag nakawitdraw na lang sya kasi wala siya hawak na pera.. sinasabi rin nya na nagawitdraw lang sya pag may maguutang sabay sabay din kasi almost sis lalo na pag payday magaremit then minsan kukuha lang ng sapat then pinapatubuan uli ni mama... then yung akin kasi narelease na lahat ng ipon ko.. Si mama na lang sabi ko stop na sya magpautang limited lang talaga dapat kaya ayon nagstop din sya.. kung sakali man may maghiram sa kanya ng doon na lang sya sa tubo kumukuha ng kaunti... then hindi rin namin sinasabi sa iba kung magkano pinapautang namin sa iba.. si mama lang at ako yung nakakaalam ng amount.. mahirap na kasi di ba lalo na sa panahon ngayon.. pagnabalik na lahat yun sa due date pati yung pinakacapital binabangko uli then magdedecide na naman if how much lang ipapautang sa susunod or if ipapautang pa ba...

then yung ginagawa namin pagnabalik na yung pinakaprincipal then magautang uli yung tao pag alam namin hindi nya kaya sa 2nd time na makabayad kasi walang tatanggapin na pera, hindi namin ginarelease-san uli sinasabi namin sa susunod na lang may pagagamitan kasi ng pera. Sinasabi namin itext lang kita pagmay nagremit.

Maganda talaga sis no pag sa co-workers lang nababantayan mo yung tao hindi basta basta makakatakbo...  ;)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #151 on: May 20, 2015, 10:19:21 am »
Oo pero may nakakalusot minsan haha.

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #152 on: May 20, 2015, 12:44:01 pm »
 ;D haha tama... ganon talaga siguro hindi talaga mawala ;D
kaya sana tuloy-tuloy lang.. hindi kami hirap maningil eh sila kasi mismo pumupunta sa house nagaremit...  :) sana tuloy-tuloy lang..  :D maganda talaga pagmaliit lang interest hindi sila hirap magbayad... then every 15 days yung hulog nila kaya hindi biglaan  ;)

kpopshionph

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #153 on: June 24, 2015, 09:58:09 am »
im into this kind of business din here in pulilan bulacan and so far ok na ok ang ledning business namin with 15% interest rate :).

Marlachua

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #154 on: June 29, 2015, 11:21:05 pm »
we are doing this sa office namin.. Umpukan yun tawag, nagbibigay kami ng 500 every payday. then pag may manghihiram na member, 5% every month, then pag non-member, 10%. last year, 2800 each ang nakuha namin. maliit pero atleast nakasave kami ng 12k for the whole year and tumubo ng 2800. not bad kesa ideposit sa bank! :)

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #155 on: July 01, 2015, 05:09:09 pm »
^ Sis parang cooperative na yung ginagawa nyo diba? ganyan din kasi ginagawa ng speaker na nagseminar sa amin about cooperative... Bale sa isang office or company gumagawa din sila nyan kasi yung iba may biglaang emergency need ng pera, imbes na magloan daw na medyo matagal bago maapprove ganyan na lang ginagawa nila, then sila lang mismong mga member yung pwede maghiram.. pero ang ganda ng idea na naisip nyo pwede rin sa labas magpahiram...  :)

By the way kaka 3 months ko pa lang sa ganitong business so far so good...  ;) nag 10 % interest lang ako..nalalate man sila magbayad ng interest pero ilang days lang hindi aabot ng 5 days..  :) minsan tuwing kuha ko ng interest dinadagdag ko sa principal... nakabili na ko ng sets ng jewerly dahil lang sa tubo ko..thanks to this. I have gold necklace with pendant, earings pati bracelet... kaya nakakatuwa  ;D magandang investment din kasi gold pwede isangla pag need ng money..  ;)

Nga pala may binili ako sa nagtitinda ng mga fengshui sa Robinsons yung money enhancer para lalo lumago yung business then may bibinebenta sila sa akin na Buddha ba yun with dragon best daw to lalo na sa ganitong business kasi para iwas nakaw daw or itakbo yung money... sabi ko sa susunod na lang... lagi ko rin pinagpipray when we go to church yung business ko kaya siguro so far walang problems..  :)

Marlachua

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #156 on: July 01, 2015, 07:25:34 pm »
^cooperative na pala yun.. :) kesa kasi paluwagan, kaya naisip namin yun saka para sure na may savings kami each year. :) before 8 members lang kami, pero now 11 na kami. yun nonmember, syempre dapat kilala din namin lahat. :)

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #157 on: July 01, 2015, 08:21:12 pm »
^ Opo kasi yun daw meaning ng cooperative yung mismo silang mga member ang nagbebenefits ng products or services kaya sila nagtayo  :) pero kaibahan lang may non-member din  :)
ganda ng naisip nyo sis kasi maliban sa nagabenefits na kayo kumikita rin..  ;) Goodluck po sa business ninyo.  ;)

Marlachua

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #158 on: July 01, 2015, 09:03:08 pm »
^ Thanks Sis. Goodluck din sa business mo. :) alam kasi natin thru business tayo yayaman at di lang sa pagiging employee.. Kaya goodluck sa lahat ng businesses natin.. :)

freiavida

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #159 on: July 04, 2015, 03:40:27 am »
sis, among strategy mo for security bukod sa promissory note? diba yung ATM kasi pwede nilang declare as lost tapos bale hindi mo na mawiwithrawhan after.

I stopped this for a while, meron kasing nakisawsaw na adiktus. pero anyway, gusto ko soya ulit simulan but this time to have security and assurance na. Hindi ko alam kung papano bukod sa hawakan yung atm dahil pwede naman nilang ireport as lost pag balak ka nang takbuhan diba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close