watch now

Author Topic: LENDING BUSINESS PART 2  (Read 66186 times)

missgoodvibe

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #160 on: November 08, 2015, 04:16:22 am »
I just started out with this kind of business. Actually, nakiki-epal lang sa business ng kuya ko. Lol.
Since si mama nagmamanage ng ibang customers sa lending business ni kuya, sakin niya pinapasok yung iba, yung mabilis ang balik like bale, so every cutoff ng sweldo kumikita ako.

Kakastart ko lang October 1, mga 15k, tapos dinagdagan ko lang sya every sweldo ko. Nasa 27k total investment ko. Ngayon, nasa 35k na yung nasa pautang, tumubo na akong 8k agad. Not bad na kasi 5weeks palang naman. :)

rasee16

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #161 on: November 14, 2015, 04:19:57 pm »
Mga sis nabother ako. May biglang nagemail sa akin out of nowhere dahil nakita yung post ko dito sa lending. Nangungutang ng 100k. Sorry, pero sa tingin ko ginawa tong thread na to para we can learn from each other's experience sa lending business at hindi para magpautang ng random stranger. Lalo na hindi naman maliit na halaga ang 100k. Kung nababasa mo to, try mo nalang mag personal loan sa bank.

tischarmedlife

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #162 on: November 15, 2015, 01:08:34 am »
^ I feel you sis. Nung una rin ako nag-post sa thread na to, may nag-PM din sakin nangungutang!  :P

cosmochick

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #163 on: December 10, 2015, 06:49:01 pm »
I dont believe na may karma ang pag lelending. Its just the same with any kind of business. High risks pero high returns din so whats so bad about it that will give you karma? Ang tao naman lumalapit sayo to borrow money, they know what they are getting into, you dont force them to borrow from you. If your ineterest is too high then they are welcome to look for other options naman.. And its not taking advantage naman.. syempre painterest ka accdg sa comfort level mo.. kung 20% eh di mo na kasalanan kung may papatol at kukuha sayo. its your money na pinapahiram mo anyways... money na pinaghirapan mo.

Ang kakarmahin is yung mag hindi nagbabayad ng utang nila. Ang kakarmahin is yung nanloloko ng kapwa.

killbill

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #164 on: December 11, 2015, 01:34:17 am »
Nag start na din ako nito a few months ago. 10pct per month ang interest. Ang pinakamalaking napa utang ko is 40k then 2 months to pay. Naka check naman kaya kampante ako saka nakautang na din sya ng 20k before smooth naman then sa office ni boylet sya na bahala maningil. Yung atm para sa funds i can track naman online.

pol pretty lady

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #165 on: December 11, 2015, 05:41:28 pm »
8 months na kami ganito pa rin business namin...so far so good...pili lang sa mga pinapautang hindi lahat pinagbibigyan lalo na kung hindi kilala..

Sis freiavida isa sa dapat malaman mo kung saan regular nagawork yung tao at saan yung pwesto ng business nya yung alam mo hindi sya basta basta makakalipat ng lugar..

For example yung mama ko nagpauutang sya sa mga teacher kung saan nagaaral kapatid ko at may canteen din doon yung teacher...dapat kilala mo..at may guarantor at iexplain mo rin sa guarantor na ang obligasyon nya sa pagpirma bilang guarantor, na pag hindi nakabayad yung umutang sya sisingilin mo..kaya pati yung naguarantor doon pagsasabihan nya rin yung nag-utang syo na ayusin magbayad..

For example may kilala yung kapitbahay namin na naghahanap ng mauutangan, dinala nya sa bahay yung kaibigan nya na need ng money..yung mismong kapitbahay namin ang ipapagaurantor namin doon...natawa nga ako nakaraang araw kasi ganito nangyare,,pagtapos ipakilala ng kapitbahay namin yung uutang dalidali syang aalis..sinabi ni mama uy Ate saglit lang ikaw magagaurantor dito..natawa ako kasi kala nya nakaligtas sya.. at saka 5 thou lang kami magpautang lalo na paghindi kilala..at tinatanong kung ano ang source of income nila..tinitignan namin kung kaya nya bayaran

Isa pa dapat may usapan kayo kung kelan talaga dapat ibalik principal nakalagay yun sa promissory note.. paghindi nagbalik principal sabihan mo sya pag hindi mo to nabayaran to magiinterest na naman to ng isang buwan.... pag wala sya pambayad sa due date dahil kulang pera nya for example 10 thou utang nya 10 % interest per month in 2 months then sa due date 5 thou lang hawak nya sinasabihan namin kahit 5 thou lang okay na yan para mabawasan na utang mo at yung interest mo liliit..ang advantage pa doon liliit din singilin mo sa tao..then yung remaining balance magiintrest uli yun monthly hanggang matapos nya bayaran..


So far wala pa naman nagbalasubas sa amin  ;) sa iba pagmasyado na malaki may collateral for example pamboat... at pagmangutang uli yung dati naghiram sa amin ng pera tinitignan namin kung on time magbayad.. pag okay iparenew namin ..kung sa unang utang nila dati 10 thou hinihiram hindi namin pinayagan kasi baka hindi mabayaran..sabi namin 5 thou lang kunyare kasi wala pa nagbabayad sa amin then pag nagrenew sila good payer naman sa next request na 10 thou papayagan namin kasi sa umpisa tinitesting namin kung maganda kausap.. Nagpapalending nga rin kami sa mga palengke..maganda sila magbayad arawan nga lang collection.. :) dito maganda
magrelease ng pera.. at yung iba naman sa mga workers..tig 5 thou each lang at dapat kadikit mo yung nagpapasweldo  :D


pinkflirt

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #166 on: December 27, 2015, 02:01:13 am »
Is there a secure way of lending money online?

jtansanco

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #167 on: December 29, 2015, 06:09:52 am »
For the ones lending, do you ask for a collateral? How do you make sure that these people will pay up and not hide from you?

My brother used to do this from way back. The only problem is that he loaned the guy too much money that when he tried to collect, the borrower gave him death threats... This was 20 or so years ago FYI.

freiavida

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #168 on: January 01, 2016, 03:41:58 pm »
I stopped this business, dahil nagkaproblema dun sa middle man ko. Pero gusto ko siya iistart ulet pero buwelo pa muna.
I saw this website from UK, I think, para siyang crowdfunding na lending. Parang sila na nag sscreen ng uutang, then kunwari 10000 Euros yung uutangin niya, parang sa lahat ng nagpapalend na registered eh tig 1000 Euros lang parang ganun. Just not sure kung pwede international, siguro hindi, I just thought it's a good idea, at least kung merong nag bad debt, hindi masyadong mabigat sa lender.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #169 on: May 01, 2018, 01:05:35 pm »
Mahirap yan sis pag may middle man ka, malamang sa alamang matukso sa pera yan.

Itsmai.Shop

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #170 on: May 02, 2018, 10:21:12 am »
True yung sa mga death threats, may ilan na rin kaming kakilala na nagpapautang dati na pinapatay. medyo masaklap kasi mabubuting tao naman yung ng papa lending, kaso ayun mababalitan mo na lang may bumaril, etc.

For me gusto ko rin sana to gawin kaso yun nga medyo delikado kasi pera yan eh maraming nagagawa ang pera sa tao. And for the karma, sa paniniwala ko lang once na magpautang ka kelangan mindset mo ay binigay mo na yung money, sabi kasi lumapit nga sayo yung tao kasi kelangan nya ng tulong so bakit daw tutubuan pa , parang lalong binabagsak daw yung tao. kung hindi ka man bayaran, atleast hindi ikaw ang gumawa ng masama. Same feeling diba kapag tayo ang nangungutang like for house loan, meron kasi ako nyan, sakit sa pakiramdam na kelangan mo ng pera para magkabahay tapos ang laki ng babayarang interest yung feeling na baon ka sa utang.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #171 on: May 03, 2018, 10:11:51 am »
^ Ganyan din dati naisip ko, I got scared sa karma kaya I stopped for a while.. Pero when I noticed how other lenders dito sa office treat yung mga nangungutang ang laki na ng interest tapos may pang aapi pa, I decided to open my mini business again. Atleast alam kong hindi sila taga sa interest kumikita pa ako kahit maliit.

AprilGal26

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #172 on: May 03, 2018, 10:53:31 am »
I stopped muna for now. Nagkaron na kasi ako ng 3 borrowers na napilitan pa kong magpabarangay para lang masingil. Yung dalawa dun, ang titigas pa ng muka talaga up until now. Ang masaklap pa, kapag nagpabarangay ka, syempre taga-doon yung nanghiram ng pera, nakakainis na yung mga officials don, parang sinusupotahan pa and pinapalakas pa loob nung nirereklamo mo. Sabi ba naman, "ma'am, balik kayo dito kapag may nabalitaan na kayo na nakulong sa utang." Lahat yan 30k each ang hiniram. Grabe. Kaya yun, kumuha talaga ako ng Attorney to handle the case. Duhhhh.
And the more na maraming promises and daming satsat, sila yung mga delinquent payer. Mayayabang sa umpisa.
Sobrang risky nito kaya stop muna. Although maganda ang kitaan. Focus na lang muna sa ibang negosyo.

PS. Na-highblood ako ha. Naalala ko :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close