watch now

Author Topic: LENDING BUSINESS PART 2  (Read 66129 times)

chelvin26

  • Guest
LENDING BUSINESS PART 2
« on: February 14, 2013, 01:19:28 am »
I guess close na yung unang thread, and wala din ako mahanap na new thread for this, please remove na lang if meron..

old thread: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,228022.msg7215243.html#msg7215243

Hi mga sis, I just started doing this, hopefully maging okay ang outcome.:D any inputs?:D

cheezecake

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #1 on: February 14, 2013, 06:14:41 pm »
Hi!  Sa mga sis na nasa lending business ask ko lang po baka pwede mong makahingi ng document like SPA na nagsasabing they authorize you to get their last pay. Balak ko talagang pasukin ito pero gusto ko complete ang papers para hindi naman ako basta basta tatakbuhan.  Thank you!

working mom

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #2 on: February 14, 2013, 06:29:39 pm »
new home, im just starting to appreciate the infos about this business

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #3 on: February 19, 2013, 10:36:30 am »
Hi!  Sa mga sis na nasa lending business ask ko lang po baka pwede mong makahingi ng document like SPA na nagsasabing they authorize you to get their last pay. Balak ko talagang pasukin ito pero gusto ko complete ang papers para hindi naman ako basta basta tatakbuhan.  Thank you!

i highly doubt that they (customer) will give you an SPA... or the company where they're working at would honor the SPA that you'd present them

cheezecake

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #4 on: February 19, 2013, 04:46:34 pm »
^iniisip ko authorization letter na lang na they authorize me to get the last pay.  i'm really thinking about it

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #5 on: February 20, 2013, 09:01:16 am »
hindi ito honored sa HR because the loan was made outside the company jurisdiction... mas mabuting huwag magpa-utang sa mga hindi pa regular sa work

usually, i-release lang ang last pay ng taong nag-resign or AWOL after nya mag-clerance.  isoli ang ID ng company at pumirma ng resignation

hangga't di nya ginagawa ito, hindi i-release ang last pay... even then, it may take between 30days to 60days before ma-release ang pay, depending on company policy

i remember when hubby resigned sa work.  2months before ko nakuha ang last pay check nya including the paid VLs... worthless na kasi nagpapadala na sya ng remittance  :o

millarca

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #6 on: April 01, 2013, 09:04:00 pm »
Hi, sino po merong excel spreadsheet for lending business? May I ask for a copy?

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #7 on: April 25, 2013, 04:46:46 pm »
any update on this business


sis celsky, dolly, yummy05 ??? asan na po kau? kumusta business???

kiz_me1109

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #8 on: April 29, 2013, 11:21:15 pm »
My mom has this kind of business. Pero yung mga pinapautang niya e yung mga teachers and nagbebenta sa palengke.

Ginagawa lang ng mom ko to para yung pera na nakuha niya sa ani e umiikot and hindi nakatago lang.

Everyday, pumupunta siya sa palengke para maningil. I think the cheapest na binibigay sa kanya everyday is 80pesos. Tapos, yung iba naman e pumupunta sa bahay sa hapon para ihatid yung bayad. In that way, hindi mabigat sa mga tao ang pagbayad.

Ang problem lang kasi is si Nanay lang yung kilala ng mga umuutang sa kanya. So in case of emergencies (like this week, yung father ko sa hospital and ayaw siya paalisin para maningil ng utang), na stock na yung bayad nung mga may utang sa kanya.

I asked my mom kung pano yan since siya lang yung adult na nasa province ngayon. Sabi, yug iba daw e binibigay naman yung bayad for the days na wala siya. Yung iba daw e parang absent na.

Anyone here who knows how to resolve this issue? Dati kasi nag hire sila ng mag co collect ng pera. Pero dahil hindi na monitor ng maayos e naloko pa daw sila. =(

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #9 on: April 30, 2013, 09:20:08 am »
^---rare situation naman yata na wala ang mother mo para maningil... breath of air lang para sa mga may utang...

iyong iba naman talaga, ibibigay pa rin nila ang hulog nila para sa mga araw na wala ang naniningil.

mas less risky ito kaysa mag-hire ng collector na maaaring masilaw sa pera.  bukod sa mag-kakaaway ito ng mother mo... magkakaroon din sila ng hindi pagkakasundo ng mga umuutang sa kanya kung naka-bayad na pala sa collector tapos di naman ni-remit ng collector

ganito rin situation ko, when i have to leave the town or the country for a week, a month etc... minsan lumalagpas ang araw ng sweldo at hindi ako nakaka-singil kasi wala ako. ok lang, hinahayaan ko na lang.  per month naman ang patubo, so kung hindi nila ibibigay ang hulog for that payday, tutubuan ko na lang sila.

kiz_me1109

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #10 on: April 30, 2013, 09:56:00 pm »
^ Thanks sis. My dad's at the hospital right now kasi. They're at the province and ayaw niyang paalisin si Nanay sa paningin niya. So it's impossible for her na maningil ng mga utang. I asked her na sana sinasama na niya yung pamangkin ko na 15 years old para at least kilala and in case hindi siya pwede e yung pamangkin ko na. Minsan kasi may mga nag uutang talaga na pasaway e.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #11 on: May 01, 2013, 06:52:02 pm »
meron po ba nagpapa-lending dito sa BPO (call center)? kumusta naman po ang business??  ;D

cheezecake

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #12 on: May 01, 2013, 07:03:05 pm »
mahirap magpa utang sa BPO dahil the employees there tend to hop from one BPO to another.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #13 on: May 01, 2013, 07:20:20 pm »
^^ mas maganda po siguro magpautang kapag matagal na ang tenure niya sa company di ba?? :)

nakatry na po ba kayo sis?

kiz_me1109

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #14 on: May 02, 2013, 03:36:44 am »
@pinksapphire0821
Mahirap magpautang sa BPO employees. Most of the time malaki ang uutangin sayo. tapos kapalit daw e ATM nila. Pero wini-withdraw naman nila over the counter kapag oras na ng sweldo. And I agree with what sis cheezecake said. Mahirap na kasi baka takbuhan ka lang nila.

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #15 on: May 02, 2013, 08:25:42 am »
^^ mas maganda po siguro magpautang kapag matagal na ang tenure niya sa company di ba?? :)

nakatry na po ba kayo sis?

only if dun ka rin nagtatrabaho or kasamahan mo sa trabaho ang nahiram.  i never advise anyone to lend outside your secondary circle.  wag ka rin magpapa-utang sa primary circle   ;D ;D ;D

primary circle mo kasi ay mga kamag-anak mo at kaibigan (daw).  lugi ka sa emotional stress sa mga iyan.

ok ang mga kasamahan sa work na hindi super close, pero meron kayong mutual respect.

wag din magpapa-utang ng mas malaki sa 5k sa isang tao lang.  wag kang masilaw sa laki ng tutubuin mo kung ipapa-utang mo ang 10k sa isang tao.  mas malalamang na abutin ng 1year yan bago nya mabayaran, kaysa ipa-utang mo sa 3 hanggang apat na tao na tig-2k to 3k lang.

kahit pa-500 + tubo lang ang ihulog sa iyo ng mga nangutang na iyon, mas mabilis pa rin maibabalik ang pera mo.  At sa isang buwan lang, pwede ka na ulit mag-labas ng 2k mula sa koleksyon mo.

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #16 on: May 02, 2013, 04:45:25 pm »
^^^ thanks po sa mga tips mga sis ..  ;D

actually nagtatrabaho po ako ngayon sa isang call center and dito ko rin po gusto i-open ang lending business ko..matagal tagal na rin ako dito so marami na rin ako kilala..naisip ko po itong business na ito kasi wala nag-o-offer na ganitong business dito sayang naman ang opportunity..mag start lang naman ako sa maliit like 20K

kasi ganun po ang nabasa ko sa unang thread, 20K lang napalago na nila ...  ;D (sana ako din)

paano po pala kayo nagsimula at paano nyo ino-offer?

thanks po ulit!

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #17 on: May 03, 2013, 12:08:51 pm »
di ko na yata maalala kung paano ako nag-simula... more than 5years na kasi

as usual, meron nagtatanong kung pwedeng manghiram... sila rin naman ang nag-alok na kahit tubuan ko daw yung uutangin nila

isa lang sa umpisa... at iyong isa na iyon, marami sila na laging kapos, kaya once nalaman na nag-papahiram ka ng pera, sunod na ang lahat

para kang bagong bukas na deep well sa gitna ng disyerto... sila na lang ang lalapit sa'yo

the funny thing is, after 5years, sila sila pa rin ang na-utang sa'yo.  re-new lang ng re-new tuwing huling hulog na nila
« Last Edit: May 06, 2013, 03:08:02 pm by jmeangeL »

pinksapphire0821

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #18 on: May 03, 2013, 05:52:57 pm »
I see ... so if you don't mind me asking sis...

how much ka nagsimula and nasa magkano na pinapaikot mo ngayon??

thanks po ulit.. for inspiration lang po :)

jmeangeL

  • Guest
Re: LENDING BUSINESS PART 2
« Reply #19 on: May 06, 2013, 03:10:00 pm »
I see ... so if you don't mind me asking sis...

how much ka nagsimula and nasa magkano na pinapaikot mo ngayon??

thanks po ulit.. for inspiration lang po :)

started with only 15K... nadagdagan unti-unti hanggang umabot ng 90K, for about 18months, i think
but we had to stop kasi kinaylangan namin ng pera

this year, it started with only 12k

 

Latest Stories

Load More Stories
Close