
tama ka sis sabi ng professor ko sa credit lending matututo kang kumilatis ng tao if pwede ba siya pautangin, tawag doon credit worthiness, then credit scoring naman ito yung pinagaaralan mo yung background ng tao kung magaling ba siya magbayad on time or late, yung teacher ko may lending business siya... more on businessman mga clients nya... Matututo ka magsabi ng white lies like "Ubos na yung money kasi napalend mo na lahat at wala pa nagreremit."
Sabi ng teacher ko may 4 kinds ng tao sa pagpapautang:
1. May pera na tao na kayang magbayad ng utang.
2. May mahirap na hindi kaya magbayad.
3. May pera na tao na hindi naman magbyad ng utang, yung taong may pera pero halos ayaw bumitaw ng pera para pambayad.
4. May mahirap na tao pero willing magbyad like kahit paunti unti or good payer sya.
I'm into lending din, bago lang last week lang ako ng March ako nagstart so far so good naman yung kita kasi inaapply ko yung natutunan ko sa prof ko. Maga 2 months pa lang ako. Kumuha lang ako ng kaunti sa tubo then yung natira pinautang ko rin =) . Yung clients ko pala mga co-workers ni papa, kaya tuwing 5 at 20 ng month naniningil ako. 10-15 % lang yung tinutubo ko depende sa tao at trabaho nya. Pag co-workers ni papa 10% lang pag iba 15 %. Uso sa amin yung 5-6 yung 20 % tubo. Pero di kami nagpapatongng ganon, takot kasi kami sa karma then sabi ni mama nagpapautang ka nga para makatulong sa mga tao hindi yung mas papahirapan mo sila.
Kaya siguro maganda yung balik sa amin kasi mababa lang kami magtubo.
Napag-aralan din namin na ang promissory note is malaking katibayan lalo na if your into lending business may habol ka kung saka sakali. Hindi mawawala ang risk sa pagpapautang kaya kelangan matuto ka kumilatis ng tao. Start from small na puhunan like tig 5 thou, 3 thou or 500 hundred lang pinapautang mo sa bawat tao. Kelangan yung pinapautang mo may trabaho.
Si mama ay into lending din.. Nakakapag utang sya dati pag bigla namin kelangan ng money tapos wala pa yung payday, kaya kilala nya rin yung ibang tao na magaling magbyad sa hindi. Biro ko nga maapply nya yung hilig niya

.
Pinapractice muna kami sa avon ng prof ko kasi sabi nya mas matututo yung student sa actual hindi lang sa kung ano sinasabi nya. Ang base ng grade namin is hindi sa laki ng kita kundi kung paano mabalik at mabyaran yung utang sa company. Lalo na utang yung sa avon 1 month to pay kelangan mo lang magdown then makuha mo na products. Bale sa obligation namin sa credit kami natrain.6 months din yun kaya dami ko natutunan. Doon mapag-aaralan namin paano kumilatis ng tao. Like for instance pagnagpautang kami ng product sa student tingin nyo how much lang ang kaya nya byaran? sabi ng teacher ko 200 plus lang daw ang ilimit namin sa ganito. Pero if may work yung tao pwede kami magpautang like price ng product is 500 to 1000... then tinuro nya rin don't put both of your feet to 1 basket... why? paano if hindi nakapagbayad yung isang tao then yung inutang nya sayo is worth 5 thou then yung capital mo sa 5 thou lang din.. ubos ang puhunan mo.
3 things to define credit:
1. Trust & confidence - trust mo sa tao at confidence mo na willing at kayang kaya niya magbyad.
2. Futurity & time- may due date ka dapat kung kelan sila dapat magbayad, dapat my due date na nakaindicate sa promissory note. May habol ka dito. Kasi sabi ng teacher ko pag walang due date nakalagay hindi mo sya mafoforce magbayad ng utang kahit ihabol mo pa sa korte kahit 5 years to 10 years hindi mo siya mapipilit magbayad.
3. Risk- sa credit at lending hindi nawawala ang risk kaya dapat choose carefully like for example sa mga co-worker mo lang ikaw magpautang hindi ka hirap maningil. Wag ka magpapautang sa hindi mo kilala. Sa promissory note namin lagi may co-maker or guarantor na tinatawag na kilalang kilala mo.. Sa guarantor lagi namin sinasabi base narin sa turo ng prof ko para malinaw, ipaliwanag daw sa co-maker at guarantor ang obligation nila na incase hindi makabayad si debtor (nangungutang) is sya ang hahabulin. Malaking obligasyon daw to sabi ng teacher ko kaya wag basta basta magco-maker. Base na rin sa experience ng prof ko nagco-maker sya sa isang tao na 3-5 years nya ng kilala then si debtor hindi nakapagbyad yung prof ko nakapagbyad ng 150 thou sa banko.
I'm new sa lending money, pero sa 6 months kong natutunan sa avon nagamit ko to kasi lending din ang avon sa products

... dahil pinag-aralan ko to bago namin pinasok. so far wala pang balasubas kami na naencounter, pati si mama lagi ko pinaaalalahanan tinuturo ko yung mga natutunan ko. Kasi laging marami pumupunta sa bahay para maghiram ng pera... sinasabi ko wag ka maexcite sa kikitain pagaralan mo mga 2-3 days yung tao if kaya at willing magbayad. Kasi pwedeng mawala pera mo pag nagpahiram ka sa hindi worthy lalo na kung hindi ka sigurado... Kaya tinatanong ni mama mga debtor bago nya release-san ng money like may tatanggapin ka bang pera na pangbyad sa utang mo sa due date na sinabi mo.. sasagot sila oo kasi may padating sila na pera like loan, or bonus then tanong-tanong sa background normal yun lalo na anong work etc.. Ganong process kasi ginagawa lalo na ng mga lending company,then ayon bago pagagawin ni mama ng promissory bago release ng pera.
So far so good.. All thanks to may Professor. Sana Magboom pa ng husto
P.S. si papa at 2 kong kuya naganito na rin sa nakabangko lang nila na money, kasi nakikita nila yung kinikita namin ni mama hahaha.. kaya ginagabayan namin.

Pasensya na mahaba pero sana makatulong lalo na sa papasok din sa business na to.
