watch now

Author Topic: The Dog Food Thread  (Read 243565 times)

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #40 on: February 25, 2013, 05:05:40 pm »
^alam ko yung acana and orijen mas mura, not sure sa ibang brands, pag dumaan ako check ko.

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #41 on: February 25, 2013, 05:45:09 pm »
^really? sa adult na acana 1950 lang kasi kuha ko sa big bag na adult. usually sa pet express nasa 2k. anyway, siguro nasa 150 or less lang yata difference e.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #42 on: February 25, 2013, 07:19:05 pm »
^naku baka naduling ako haha! anong variant yan sis? yung tinitignan ko kasi mostly for als, di ba mas mahal pag als? i think nasa 2400+ yung als na big bag sa pet express

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #43 on: February 26, 2013, 11:39:52 am »
ang na-compare ko naman e yung acana adult, yung blue, als din yun ang alam ko...then yung mga lamb and apple and ibang variant pa, 2400 sa pet express, sa tiendesitas mga 2100. hindi ko na rin naman na-che-check masyado. nagsara kasi utak ko na mas mahal sa pet express. bumibili lang ako doon kapag hindi ko madadayo yung mga binibilihan ko. pet express na pinaka accessible kasi nasa mga sm siya. kung malayo ka sa tiendesitas or cartimar or macapagal(tulad ko), sulit na yung mahal nang kaunti nang pet express.
« Last Edit: February 26, 2013, 11:45:18 am by rinapie »

honeybunny

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #44 on: February 28, 2013, 01:49:05 pm »
Meron bang store ng dog food na may free taste?

I have an 8week old labrador retriever. Pedigree puppy yung food nya from the breeder. Pero i fed him beef pro kasi i forgot to ask yung food nya from the breeder. Anyway, when i found out, pinagmix ko para di maLBM si puppy.

Then just last week i bought him Gonatural in salmon. Sabi nung seller sa tiende for adult and puppy daw. Pero when i opened it pinatikim ko ayaw nyang kainin. Sakto may free taste dun sa store Zenith yung brand, yun yung gustong gusto nya. Kaya lang sample lang daw yun at wala silang binebenta na ganun. So pinapalit ko na lang ng chicken flavor.

Ngayon hinahalo ko yung 3. Pedrigree beef pro at go nat in chicken. Pansin ko di nya masyado kinakain pag yung go nat lang ilagay ko. Isip ko tuloy palitan ng acana for puppy kaso baka naman di na naman nya magustuhan kagaya nung sa go nat? Help! :)

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #45 on: February 28, 2013, 02:18:19 pm »
^ang go natural and acana merong trial pack. mga half kilo lang siguro. di ko lang sure kung may nagtitinda pa nang kinikilo na acana. dati kasi may nabibili akong ganoon, wala pang trial pack.

yes, all life stages naman ang go natural, and acana may pang all life stages at meron din na pang puppy, adult, large, small breed. baka ayaw niya nang amoy nang isda. try mo acana for puppy or lamb and apple.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #46 on: February 28, 2013, 05:49:21 pm »
^^yung mga alaga ko ayaw rin pag may fish yung dogfood, kahit yung super takaw kong bulldog, umiiwas pag may salmon yung binigay ko. I think it has something to do with the smell hehe. I agree with sis rina, try mo muna bumili ng trial pack, around 300grams sya. skip mo muna yung mga may fish, check mo mabuti ingredients, meron kasi chicken yung first pero may fish pa rin. yung shih tzu ko ayaw pa rin kainin pag ganun, mga nagustuhan nya acana lamb and apple, go nat chicken and canidae als (4 meats meron dito). Wala na ako nakikitang trial pack ng go nat, acana and orijen na lang nakikita ko. wala na rin atang per kilo ng acana?

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #47 on: February 28, 2013, 06:22:49 pm »
^ si max, me topak, pag nagpapaantok kasi kumakain, so pag nilalaro ko yong tira niya na salmon kibbles, kakainin naman niya.  aamuyin nga nila talaga muna. pag matapang at di nila type, retreat ang drama nila. :P

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #48 on: March 01, 2013, 10:51:18 am »
3 or 2 years ago na yata nung huli akong nakakabili sa may macapagal nang per kilo nang acana at trial pack nang go nat. meron din trial pack sa dog city sa cartimar. yun kasi mga panahon na nag-aaral pa ako sa maynila. mahirap na yata maghanap ngayon e.

swerte ko naman ang hilig nang aso ko sa isda kaya wala akong problema sa salmon. yun ang pinaka gusto niya maliban sa amoy nang pacifica na acana. ang tapang talaga nang amoy, nababahing yung aso ko.

aiden

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #49 on: March 02, 2013, 12:25:24 pm »
Nalungkot ako kasi stop production na yung local brand na Aspin. Ag ganda ganda pa namanng katawan at coat ng parehong aso ko sa dog food na yun. Mura pa. Balik Acana yung lab namin,beef pro kay aspin naman. Sana ibalik ang Aspin. :(

AngelicFez

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #50 on: March 02, 2013, 12:40:19 pm »
mas ok ba ang acana compared sa royal canin?

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #51 on: March 02, 2013, 10:01:58 pm »
^yes sis, ingredients pa lang mas lamang na ang Acana. Royal Canin is made by vets kaya mabango sa pet owners. Sikat and pricey but try to check their ingredients, daming inappropriate for dogs. When choosing a dogfood, don't look at brand names, sa ingredients kayo lagi tumingin  ;)

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #52 on: March 02, 2013, 10:23:37 pm »
^ i tried royal canin to max din dati nong time naghahanap siya ng right foo for her.   di nga ok RC.  Nangangati siya tapos iba ang bigat niya.

honeybunny

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #53 on: March 03, 2013, 02:44:19 pm »
Thanks rianpie and abuanddiego :)

nakabili nako nung acana for puppy kaso for small breed. E dapat large breed binili ko kaso wala naman maliit. Ok lang ba yun? Kasi hindi naman small breed ang labrador retriever diba? hehe

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #54 on: March 04, 2013, 12:33:01 am »
^ur welcome sis. actually kung check nyo ang analysis and ingredients ng mga dogfood, wala naman masyado pinagkaiba kahit sabihin pang for small or large breed. madalas sa protein lang pero hindi naman ganun kalaki ang difference, so okay lang yan. check nyo lang yung poop, minsan pag loose, pwedeng nasobrahan sa feeding or sobra yung protein content. observe nyo lagi reaction ng katawan nila para malaman kung hiyang or hindi  ;)

^^madami kasing grains ang RC, number 1 fan sila ng corn lol! at may by-products din sila ::)
_____
I was at Pet Express SM North kanina, at may mga nadagdag sa premium dogfood nila, Canidae Grain free, Now Grain Free and Eagle Pro. Gusto ko itry yung Eagle Pro kasi may lamb variant sila. In fairness mukhang okay ang ingredients at mas mura, 345 lang yung 1.5kilo. Yun nga lang may ibang meat, di ako sure kung kakainin ng shih tzu ko. Di muna ako bumili, I have to do some research on this brand, pag okay try namin

AngelicFez

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #55 on: March 09, 2013, 08:45:09 pm »
thx sis abuanddiego! ngayon ko lang ulit na check tong thread.. naku nakakatakot naman pala ang RC kawawa naman ang shih tzu namin.. sayang di ko pa nacheck kanina sa pet express moa yung acana

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #56 on: March 11, 2013, 09:53:53 pm »
^hi sis welcome to gt! medyo mahirap nga magsimula pag newbie, madami na kasing posts, pero backread ka lang from time to time, marami ka makukuha info ;)

Try mo na wala munang snacks in between meals, baka sakaling gutumin. Pag ayaw pa rin, gawin mo na yung 2x/day, try mo rin magbigay ng vitamins para ganahan. Medyo picky kasi talaga ang mga shih tzu, ganyan lagi ang reklamo ng mga owners.

Pwede naman ang table food pero dapat in moderation, kumbaga treats lang nila. As much as possible, iwas sana sa table food, mas lalo kasi silang magiging maarte, at hindi rin maganda kung table food parati, masama ang condiments, cooked bones, skin and fat sa organs nila, kawawa rin in the long run. Usually at 6mos pwede na magshift to adult food, merong mga brands na may All Life Stages (ALS) from puppy to adult di na magpapalit, sa serving na lang.

I am using Acana Lamb and Apple ALS sya, ito kasi nagustuhan, pag may fish kasi yung dogfood di kinakain, so dito kami nagstick. But I add boiled meat lagi sa meal nya, ayoko rin kasi ng super dry. Im lucky kasi malakas sya sa water, 200-300ml naiinom nya in a day lol! Punta ka sis sa Dogfood and Shih tzu thread, maraming info dun.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #57 on: March 13, 2013, 12:52:37 pm »
Is corn good or bad as part of our pet’s food?
http://dogingtonpost.com/corn-in-dog-food-dispelling-the-myths/

bambi_md22

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #58 on: March 13, 2013, 09:42:25 pm »
Thanks sis abuanddiego! Naloloka na ko kasi everyone at our house panics pag naglolose ng weight si Pep at hindi kumakain. Naisip ko din kasi baka nagsasawa na sya sa food nya. I want to shift him to another brand kaso hindi ko alam kung anong brand.  :P Does ACANA have a sample bag na pede ko i-try? Mahirap ba sya hanapin? Vitality lang kasi ang usually ko nakikita sa vet e, although I haven't asked if they have it.

Can you recommend a good brand of vitamins? Para magkagana sya kahit papano.

How do you get your dog to drink water. Parang marathon ang drama namin e, habol habol ko sya na may dalang syringe. Is it safe to give him iced water? Or ice chips? Parang dun lang sya nagkakagana na uminom e.  :) Thanks!

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #59 on: March 14, 2013, 09:50:42 am »
^walang anuman sis. Try your best to calm down in every situation, panic can only worsen a situation, mas lalo lang kayo magwoworry at di makakapagisip ng tama. yung mga alaga ko pag medyo nalate ako ng pakain feeling ko lumiliit tyan nila hehe pero active at normal pa rin naman kaya di ko na masyado iniintindi. It will take time bago natin sila makilala ng lubos, you're a new owner kaya nangangapa pa, everyone went through that, just hang in there mahaba pa ang journey nyo ;)

Acana has their trial packs, nasa 350grams around 130pesos, I usually buy at pet express, madami silang products doon always available naman ang Acana, try to visit a branch sis. To be honest, I don't trust vets when it comes to dog nutrition lol I do my own research hehe.

Vitamins: Okay samin ang Raffavit (all natural, made from fruits and veggies) been using this for more than 2 years. at yung latest Papi, hindi sya organic pero okay din results, okay na appetite stimulant. I also give human grade fish oil madami syang benefits, good for the skin, coat, heart, bones, brain ito. Sya rin yung first aid ko for allergies, it helps stop inflammation kasi, so far effective lagi sa kanila.

Re water, maswerte ako kasi mahilig uminom mga alaga ko. Yung bulldog parati lang sya may water bowl, automatic na iinom pag uhaw. Pero nakaraw feeding sya kaya di gaano need ng water, he gets moisture from the raw meat. Yung shih tzu ang super hilig sa tubig, everytime iinom yun, I use the c2 solo bottles, half-full bottle naiinom nya 3x or more a day. ako na lang nagcocontrol kasi di sya titigil unless alisin ang tubig. Dami din nya magwiwi haha!

Buy ka ng water dispenser, yung may steel ball na inaattach sa mineral bottles then ililick. Patok sa dogs yun, tsaka very helpful sa long coated dogs para di basang basa ang mouth pag uminom. Okay lang ang iced water and ice chips, try to add plain broth din sa food nya for added moisture.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close