watch now

Author Topic: The Dog Food Thread  (Read 243583 times)

enitsirhc

  • Guest
The Dog Food Thread
« on: November 08, 2012, 01:38:18 am »
as a continuation of this thread:

Best Dry Dog Food

hopefully, this thread also includes canned/wet dog foods.

 8)

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #1 on: November 08, 2012, 02:25:25 am »
to those who are using Orijen, kamusta ang poop nila? the boston of my sis is currently on Orijen puppy and according to my brothers, super baho daw ng poop, parang mainit-init pa and lingering in the air ang drama ;D

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #2 on: November 09, 2012, 02:48:58 pm »
^ kapareho ng Annamaet (not sold ata in Pinas pa).  Pero halos same ingredients siya ng Orijen.  Ambaho ng poop ni Max.  Natatawa nga kami ni hubby e. 

sis abuan, ang bigat na agad ni Max after letting her shift sa premium dog food.  nag-start lang kami nong Sunday di ba.  Inisip ko meron pa kasi halos 1/4 nong old food niya from the breeder.  Gusto ko na sana wag na lang ipakain kasi nangangati ata siya don.  Sayang naman kasi kaya naghahalo ako ng super konti sa Annamaet niya. 

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #3 on: November 09, 2012, 06:34:34 pm »
^so totoo nga na mabaho ang poop sa Orijen ;D yung mga kapatid ko inis na inis pag magpoop yung Boston, sya lang kasi nakaOrijen sa mga dogs namin.

ganyan din pansin ko pag premium dogfood, biglang bigat kahit ilang days pa lang natry. kaso mabilis din sila gumaan ;D etong tzu ko kasi minsan umaarte onti lang kakainin, ang bilis nya gumaan pero pag bumalik ang appetite biglang bigat kahit 3 days pa lang. yung poop nya ba is solid na? kung solid na okay ng pure Annamaet, pero pag lumambot haluan mo ng onting old food hanggang sa umayos ulit.

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #4 on: November 12, 2012, 02:15:58 pm »
^ oo sis, solid na kahit na nilalagyan ko ng water para lumambot yong Annamaet.  ngayon nga deadma na siya sa mga iniiwan namin na treats sa kanya e.  dati pag nagiiwan kami ng treats, sa uwi ni hubby ng 4pm, minsan ubos ang treats niya.  ngayon, di na niya kinakain mga nilalagay namin sa kanya :) 

though nong first time talaga, nagka-teary eyed siya.  pero i've read naman thru mga links na shared mo sa isang thread na usually pag first time mag-premium, parang me 'detox' stage pa yung dog.  ngayon, ok na ok na, wala na rin siyang amoy na dog.  :)

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #5 on: November 29, 2012, 11:36:57 am »
yung aso ko naman, acana, dati, go natural. nagpalit lang kami kasi mukhang nagsawa na sa go natural. i feed her once a day, 2-3 cups a day lang.

jhenpretty

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #6 on: December 06, 2012, 04:45:36 pm »
Nakakaloka.. Bakit ganun ang dalas pa din magpoop ng mga baby ko sa Acana Lamb and Apple? Go natural sila before kaso mahina sila kumain.. Nag-Hollistic kaso ang dalas pa din magpoop.. Nag-Vitality kaso ganun pa din.. Nag-Orijen kaso ang baho ng poop lalo na kapag 6fish and ang taas ng protein.. Toy poodle lang sila and ang exercise nila tumakbo lang sa kwarto..  Ano na kaya ang best dry dog food para sa mga baby ko? Thanks in advance.. ^_^

May nakapagtry na po ba ng Solid Gold Just A wee bit? Thanks in advance.. ^_^

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #7 on: December 06, 2012, 04:58:26 pm »
^pero buo naman yung poop niya? dahan-dahan ka ba magpalit? gaano kadalas? hindi kaya sobra yung napapakain mo?

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #8 on: December 06, 2012, 05:11:50 pm »
^^gano kadami binibigay mo baka nga nasobrahan. may water ba ang dogfood nila? malakas ba sila uminom? how long na kayo sa acana? yung poop ilang beses/day?

it can take 2-3mos. bago makita ang full effect ng isang brand, wait pa kayo kung kakashift nyo lang. yung shih tzu ko pansin ko mas marami na sya magpoop ngayon than the first few weeks, pero di naman super dami, 2x/day ang poop nya, almost 4mos na kami sa acana lamb and apple.

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #9 on: December 06, 2012, 05:27:23 pm »
^true... and check mo talaga yung katawan nila, lalo kapag premium, kahit hindi ganoon karami ang kinakain pero maganda ang katawan, i mean, hindi payat or mataba. yung aso ko na large breed 2 1/2-3 baso lang, yung baso ng kape/peanut butter na maliit, once a day lang, last august she's 48kg, this november nag 50 pa siya. maintain lang naman...

jhenpretty

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #10 on: December 06, 2012, 05:32:20 pm »
Nung november 29 lang po kami nagpalit ng dog food nila.. Gradually naman namin sila pinagshift ng dog food.. We prepare them wet dog food kasi masmabilis nila maubos.. Twice lang namin sila pakainin.. Sa morning and evening.. Lagi silang may water sa drinker nila.. Sa isang food bowl nila puno ng wet dog food.. Bukod kasi sa twice or thrice a day sila magpoop may time na loose yung stool nila.. Effect pa din kaya ng transition yun o baka po sa weather? Thanks po sis abuanddiego and sis rinapie.. ^_^

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #11 on: December 06, 2012, 05:49:35 pm »
^too early pa bago natin masabi na hiyang sila, normal lang ang loose stool pag nagpalit ng food. wait for at least one month, pag hindi pa naging firm ang poop, hindi talaga hiyang. baka sobra kayo sa pakain. kasi yung shih tzu ko (around 5kgs) once a day ko lang pakainin, 1cup minsan mas onti pa. try nyo bawasan ang food. yung tubig na hinahalo nyo madami ba? pwedeng weather or stress, pero mas malaki ang chance na food ang dahilan ng loose stool nila since kakashift nyo lang.

aiden

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #12 on: December 16, 2012, 08:45:17 pm »
Nakaka-inis yung Aspin. Local brand pero parang in demand. Ang hirap hanapin! Hiyang pa naman dogs ko dun. :( as in mataba sila, no itchies and shiny coat.

pooka08

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #13 on: December 24, 2012, 08:30:20 pm »
Fave ng shih tzu ko ang Acana Lamb & Apple. 2 years na and counting :) I try to avoid Orijen or yung mga fish kasi hindi ko gusto smell ng poop. Chicken din kasi mabilis mag-allergy.

jhenpretty

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #14 on: December 24, 2012, 09:40:04 pm »
Good day po. Tagal ko hindi nakapag-update ng forum.. Thanks sis abuanddiego sa advice. Madami nga siguro yung pakain namin sa kanila. Try kaya namin ulit sa kanila Go Nat? Ano po feedback nila sa Go Nat? Thanks in advance.. ^_^

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #15 on: December 26, 2012, 01:11:04 am »
^Okay naman ang Go Nat sis, same ang quality nya with Acana and Orijen, nagkaron lang sila ng recall pero parang okay na sila ulit. Most of their variants nga lang are chicken and fish based, unlike sa Acana na mas maraming choices.

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #16 on: December 26, 2012, 08:54:32 am »
^ sis, nag-try ka na ng lamb and apple sa tzu mo di ba? since fave ni max kasi ang apple, and medyo nagsasawa ata siya sa annamaet na food niya.  di naman sila nagka-allergy don?

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #17 on: December 26, 2012, 10:46:35 am »
i agree, okay ang go nat, less feeding pero maganda ang katawan. go nat and acana brands na palitan kapag nagsasawa yung aso ko.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #18 on: December 26, 2012, 04:12:31 pm »
^^yung shih tzu ko lang ang naka-acana lamb and apple. dun sya nahiyang nung nagstop kami sa raw, last october yun. pag chicken and fish variant kasi ang hina nya kumain, lalo pag may fish naku umaalis talaga. okay naman sya sa acana lamb, walang allergic reaction, sana mahiyang din si max.

phurple0515

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #19 on: December 26, 2012, 10:24:18 pm »
^ sis, speaking of fish, di ba nakwento ko na binili ko yong salmon variant ng annamaet nong super kamot siya.  after a week, sus, hinihindian ang food.  so we went back and bought the red meat formula. ayun, kumain ulit.  e nong na-try ko malagyan ng milk yong food niya (mixed with the salmon variant), inubos. so tinry ko naman na pure fish, umayaw, hehe. so i therefore conclude, hate niya talaga ang salmon variant, heehe.  dami pa naman non :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close