Author Topic: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?  (Read 58858 times)

mom_G

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 165
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #240 on: February 03, 2014, 01:03:19 am »
Ginagamit kong excuse yung husband ko... "ayaw kasi ni-- na nagpapautang ako, sorry". 

aiden

  • .aspiring hermit.
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 408
    • My Cluttered Desk
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #241 on: February 03, 2014, 12:53:29 pm »
^Yan ang excuse ng hubby ko kapag may nangungutang sa kaniya lalo na kapag kamag-anak niya nangungutang! Ako daw ang ayaw magpa-utang. :-P okay na rin siguro? Haha

smua2014

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 102
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #242 on: February 22, 2014, 02:10:45 pm »
It's really difficult to say no. From time to time my friends would always ask me if they could borrow money from me. Not that I don't want help them, I just don't want to ruin our friendships just because of money that's why every time they do ask me, I stop communicating with them for a while and later naman they will forget na. Probably they already borrowed from someone else or whatever.
Vir sapit qui pauca loquitur

shinta

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 894
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #243 on: February 22, 2014, 10:10:53 pm »
i say, wala akong extra or may paggagamitan/pinaglalaanan ako.

pero one time, yung ninang namin sa kasal ang nanghiram at isinama pa si MIL. di kami makatanggi. sinabi na lang namin na isoli agad kasi nakalaan yun sa panganganak ko. 2+ years ago na yun at hanggang ngayon di na kami binayaran, kahit ilang beses siyang siningil ni hubby. eh si hubby pa naman diretso maningil, as in "kelan po ba kayo magbabayad ng utang nyo". pero di din marunong mahiya. tapos nalaman namin na ang dami pala niya inutangan na di na din binayaran. even with my MIL, when she passed away, may utang pa ninang namin. di ko nga alam ba't namin naging ninang sa kasal yun eh.

parents ko laging biktima, di kasi sila makahindi. kaya di ako nagpapa-utang hanggat maaari para walang sakit ng ulo. di din ako mahilig mangutang.

smua2014

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 102
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #244 on: February 22, 2014, 10:26:55 pm »
i say, wala akong extra or may paggagamitan/pinaglalaanan ako.

pero one time, yung ninang namin sa kasal ang nanghiram at isinama pa si MIL. di kami makatanggi. sinabi na lang namin na isoli agad kasi nakalaan yun sa panganganak ko. 2+ years ago na yun at hanggang ngayon di na kami binayaran, kahit ilang beses siyang siningil ni hubby. eh si hubby pa naman diretso maningil, as in "kelan po ba kayo magbabayad ng utang nyo". pero di din marunong mahiya. tapos nalaman namin na ang dami pala niya inutangan na di na din binayaran. even with my MIL, when she passed away, may utang pa ninang namin. di ko nga alam ba't namin naging ninang sa kasal yun eh.

parents ko laging biktima, di kasi sila makahindi. kaya di ako nagpapa-utang hanggat maaari para walang sakit ng ulo. di din ako mahilig mangutang.

That's right sis. Nakaka stress ang maningil lalo na yung feeling na ikaw na nga inutangan, ikaw pa nagmumukhang masama.  :-\
Vir sapit qui pauca loquitur

aquarius

  • Supermom
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 64
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #245 on: February 24, 2014, 10:24:10 pm »
ay madali ko lang masagot ang tanong na yan kasi wala naman kaming maiipautang.  ;D

pag nagpapahiram ako ng pera, usually maliit lang na halaga kasi yun lang ang kaya namin.

pag parents ko ang nanghihiram, di na ako nagpapabayad.
pag mga kapatid ko, ok lang kasi nagbabayad naman sila.
pag mga friends naman naman na may history na ng pagbabayad ng utang, ok lang din.

pero pag mga taong once kong napahiram at nahirapan akong singilin, never ko na silang pinapahiram ulit. sinasabi ko na lang na may malaking ginagastusan. that's it. totoo naman.
Mom to a very wonderful girl and brave twin boys.

jenrb

  • citizen of the world
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 521
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #246 on: February 25, 2014, 05:30:04 pm »
i usually don't lend money to relatives, friends or co-workers. i had several bad experiences na nung may nangutang sa akin, pinautang ko agad dahil kailangan daw nila. tapos pag kailangan na singilin, ang daming excuses or ayaw na talaga magbayad. nakakasama lang ng loob.

so kapag may nangungutang sa akin, as much as possible, i try to give an amount na lang na maluwag sa loob ko at hindi na nila kelangan bayaran. for example, if may nangungutang dahil may namatay, or nagkasakit, or pang-tuition, or whatever, i will give money na lang as tulong, usually 1k or 2k.

if my siblings, nagpapautang ako, they always pay naman. my mom and grandma do not make utang pero i give them money naman lagi.

hindi rin ako nangungutang, sa bangko lang for real estate purchases or for investments.

Bhabes_hots

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 59
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #247 on: March 02, 2014, 06:07:49 pm »
Correct ka dyan sis! mahirap magpa utang sa mga kapatid or anyone close to you.  Either they pay up voluntarily or pahirapan ang singilan! 

Sa workers naman easier to give vale.  It also easier to disapprove a request for vale because you have a lot of reasons to tell them.  Sa mga kapatid mahirap mag say ng NO!

Myealexis21

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1407
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #248 on: March 02, 2014, 08:50:17 pm »
^Buti na lang yung brother ko walang problema sa singilan hahaha! Actually hindi naman sya nangungutang pero ako yung nag-aabono ng padala namin monthly to our parents.  Tapos kapag sweldo na sya, saka nya ibibigay sa akin yung part niya.

Wala akong problema kase hindi ako nahihiya maningil sa kanya hehe! pero pag sa iba naku kahirap!

Although kapag alam ko marunong magbayad, hindi na ako kelangan lapitan, minsan ako pa nagaalok kapag nakikita kong medyo gipit.  May bilin lang ako sa kanya na wag sasabihin na pinautang ko sya.  :)
Trapped in between yesterday and forever

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3231
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #249 on: March 05, 2014, 07:45:13 am »
It's really difficult to say no. From time to time my friends would always ask me if they could borrow money from me. Not that I don't want help them, I just don't want to ruin our friendships just because of money that's why every time they do ask me, I stop communicating with them for a while and later naman they will forget na. Probably they already borrowed from someone else or whatever.

Sometimes it is also important to choose our friends.  Relatives fine, wala tayong choice. Pero for friends na mahilig mangutang, parang for me, it is a disrespect of our friendship.  Kasi the fact na may kaibigan ka gusto kang utangan (not a life/death situation pa) at madalas, he/she is simply putting you in a difficult spot.  Ang totoong kaibigan iniisip ang kapakanan mo, at hindi gagawa ng ganyan unless last resort, at talaga emergency situation.

I guess I am just blessed on not having friends na umuutang.  Or baka I choose my friends as well, I respect them and they respect me.  It is as simple as that.

 


bluish_mommy

  • ako ang bluish na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2239
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #250 on: March 05, 2014, 09:53:31 am »
i have a set of friends na sinabihan ko from the very beginning na "kung gusto nyong magtagal ang samahan natin, wag tayo mag-utangan."

kaya from the start talaga alam nilang hindi ako nagpapa-utang.

Se7en8ight

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 840
    • EXCLUSIVE CAT MERCH.
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #251 on: March 31, 2014, 10:18:38 pm »
Honestly, I don't have a hard time saying NO. Unang una, may mga taong hindi nagbayad sakin at totoong nakakadala. Mahirap maningil and I hate reminding those people to pay up. Ako yung nahihiya. I always tell them na may kelangan ako bayaran kaya I cannot lend them the money.

Wag rin kayo magpautang sa kakila or friends na taon na nung huli nyong makita at susulpot lang if they need to borrow money from you, chances are, maglaho nanaman sila ng hindi pa nakakapagbayad.  ;D
FEED THE STRAYS.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2192
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #252 on: April 09, 2014, 03:21:33 pm »
Pag napapadaan ako sa thread na to naalala ko nanaman tuloy kaibigan ko na may utang sa akin.  Nakakainis lang kasi nung pinautang mo nagpaalam na agad na after 2 months ka pa babayaran but yet pinahiram mo pa rin, here comes two months, ngayon halos 7months na wala pa rin.  Twice palang nagparadaman na madedelay sa pagbabayad, yung isa pa dun siningil ko pa siya. Hayst, gusto ko nga tumulong ulit at pautangin isa pang kaibigan ko na again nagpaalam din na babayaran lang ako pag nakaluwag na siya, kaso naman sana ko kukuha papahiram ko di pa nga ako nababayaran.

By the way kaya ko pala pinahiram yung unang friend na tinutukoy ko kasi nakahiram din ako sa kanya dati ng same amount, but take note nagbayad naman ako after one month, all i thought ganon din ang gagawin niya sa akin.
« Last Edit: April 09, 2014, 03:23:54 pm by marssie »

caramelli

  • Yeah, I'm a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 373
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #253 on: April 09, 2014, 03:42:02 pm »
Yung dati kong bestfriend umutang din sa akin kasi nagkasakit yung anak nya. Maliit na halaga lang naman, she promised na babayaran by the end of the month.. 2007 pa yun at hanggang ngayon, hindi na nya ako binayaran. May mga instances na nagparamdam sya, sasabihin babayaran na tapos di naman tutuloy hanggang sa nagsawa na ako. Last nyang paramdam 2009 ata. Ok lang sana, diretsuhin nya ako kung di nya pa mababayaran, maiintindihan ko naman kaso nga lang, alam ko namang kaya nyang bayaran, ok ang sahod nya, may mga kapatid syang nagbibigay din ng pera sa kanya since bunso sya kaso AYAW lang talaga nyang magbayad. Honestly, hindi ko inexpect na ganun kakapal yung mukha nya, haha. Hanggang sa wala na, pati friendship namin naapektuhan na, never na sya nagparamdam uli and I no longer consider her as my friend.. syempre naman!
Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else. - Mitch Albom

caramelli

  • Yeah, I'm a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 373
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #254 on: April 09, 2014, 03:46:24 pm »
Yung dati kong bestfriend umutang din sa akin kasi nagkasakit yung anak nya. Maliit na halaga lang naman, she promised na babayaran by the end of the month.. 2007 pa yun at hanggang ngayon, hindi na nya ako binayaran. May mga instances na nagparamdam sya, sasabihin babayaran na tapos di naman tutuloy hanggang sa nagsawa na ako. Last nyang paramdam 2009 ata. Ok lang sana, diretsuhin nya ako kung di nya pa mababayaran, maiintindihan ko naman kaso nga lang, alam ko namang kaya nyang bayaran, ok ang sahod nya, may mga kapatid syang nagbibigay din ng pera sa kanya since bunso sya kaso AYAW lang talaga nyang magbayad. Honestly, hindi ko inexpect na ganun kakapal yung mukha nya, haha. Hanggang sa wala na, pati friendship namin naapektuhan na, never na sya nagparamdam uli and I no longer consider her as my friend.. syempre naman! Kaya mula noon, nadala na ako. Kahit sa kamag anak, madalas lista sa tubig kaya gagawin ko, bibigyan ko nalang ng certain amount, yung hindi masakit sa damdamin pag binitawan, para kahit di na mabayaran ok lang.
Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else. - Mitch Albom

leelou

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 628
  • fifth element
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #255 on: April 09, 2014, 04:04:39 pm »
@marssie sis lesson learned na next time wag na pahiramin hehe.

ganyan din yung close friend ko, ginawa ako pahulugan. usually in a year, 2-3 times mangutang, ang bayad, ranging from 2-6 months tsk tsk. as in for years nya na ginagawa sa akin yan. latest scenario, dahil hindi ko na napautang sa 2 times nya nagsabi sa akin kasi naman wala talaga ako extra, aba eh nakisuyo naman na makikigamit sa credit card ko kasi pinacancel na nya raw yung credit card nya kasi nga para hindi na daw sya ma-tempt gamitin kasi almost always, maxed out ang credit card. importante lang daw yung pagbili nya at she will pay also pay the interest kasi after a month nya daw babayaran. ako naman, hindi na natuto, napapayag na naman only to find out na nag-upgrade pala ng phone, to Iphone 5s! kainis! di na ako natuto knowing she's always been maluho. so promise talaga, never ever ko na sya papahiramin.
Life always offers you a second chance. It's called tomorrow.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2192
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #256 on: April 09, 2014, 07:09:03 pm »
^Sis Leelou grabe na rin no, pati cc naki-ride on pa tsk tsk...

msals2007

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 732
    • http://www.myshmyshoppinghaven.multiply.com
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #257 on: April 10, 2014, 04:51:41 pm »
About a month ago, my neighbors borrowed money from for the first time. Yung mother sinamahan yung anak niya kasi yung anak talaga ang magbabayad since sya ang may work. Nashort daw sila ng budget for the medications ng father niya who had stroke over a year ago. Promised me ibabalik agad after a week kasi sweldo na niya yun. May nakatabi akong pangbayad sa credit card ko na hindi pa naman due so pinahiram ko. Day after bumalik pa sa akin yung anak, asking if pwede maki ride sa cc ko for the airfare ng ka team niya. ang kwento kasi biglaan daw pinatawag ng former company para ayusin ang papers nila for the backpay kaya need pumunta agad nun from Minadanao to Manila ha, and around 7 days maukuha na niya backpay niya na about 30k kaya maibabalik agad yung 3k na inutang sa akin na cash plus airfare na nasa 4k. A week had passed, nagtext kesyo nadelay ang processing, etc, after a week pa daw uli. Another week passed, di na nagparamdam, I sent him a message sa fb and send several text messages dinedeadma na ko. Then send another fb message to the mother who replied naman na she will remind her son and pasensya na daw. Then finally nagparamdam yung son, nagkaproblem daw sa papers. Hay ang pangbayad ko sa card wala na, pati yung airfare ng kaibigan nag due na lahat di man lang ako binigyan. What if wala silang matanggap na backpay, sorry na lang sa P7k. Kakaiyak naman. Ngayon lang ako nagpahiram kasi akala ko since katabing bahay mahihiya naman na di tumupad sa usapan. Try ko ifollow up uli after a week and tell him hulug hulugan. Di naman pwede aasa din ako sa backpay niya paano kung wala na pala yun.

leelou

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 628
  • fifth element
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #258 on: April 10, 2014, 05:08:42 pm »
^Sis Leelou grabe na rin no, pati cc naki-ride on pa tsk tsk...

oo nga sis eh, pakonswelo ko na lang at least mag-earn ng points yung cc ko. nasa 30K pesos din yung ira-ride  ::) pero that will be the last time na, i swear, keeping my fingers crossed hehe.
Life always offers you a second chance. It's called tomorrow.

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 633
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #259 on: April 10, 2014, 05:18:06 pm »
eto nangyari kay hubby...may co-worker sya nanghiram ng 5k last year pa, promised to pay once makuha daw nya separation pay nya..she needed money kasi sa application nya papuntang saudi..ipinaalaam naman sa akin before sya nagpahiram and since kilala ko din naman, pinautang na...come december, nagsabi na ibibigay na daw nya dapat nung satuday but since wala si hubby, sa monday na lang daw...aba, after that wala ng paramdam..ang nakakainis pa, si hubby pa nahihiyang magfollow-up, so ayun utang kalimutan na lang, naging christmas gift na lang namin sa kanya >:(...there's this hubby's colleague naman na hirap kaming tanggihan kasi naaawa kami since gipit nga pero kahit  madalas mangutang, magaling naman magbayad, never had a problem pagdating ng promised date nya, kaya everytime magsabi sya, nagbibigay kami pero limit namin is hanggang 20k lang :P

 


Latest Stories

Load More Stories
Close