Author Topic: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?  (Read 58890 times)

sugardrop

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4471
  • Loving life's simple pleasures.
    • J'adore Rougit
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #220 on: January 17, 2014, 05:07:59 pm »
I sometimes say, "Sige, pautangin kita pero pautangin mo din ako ngayon."
A little backreading won't hurt.

J'adore Rougit

Instagram: greenappletini

solepurplelife

  • E U P H E M i S T i C
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 330
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #221 on: January 17, 2014, 05:41:03 pm »
Ako rin I can't say NO. Nahihiya at naaawa kasi ako. Madali akong maniwala. Kaya pansin ko whenever may gusto mangutang sa mga friends ko ako lagi pinupuntahan. Yan tuloy wala akong masave dahil madalas nakakalimutan ko na. Hindi naman ako naninigil kasi nahihiya ako. Kasi diba kung balak talaga nila bayaran sila pa mismo magpapaalala sa'yo.

Pero natuto na ko at isa yan sa mga goal ko this 2014. Kelangan ko magsave. Kanina lang may tumatawag sa'kin na unknown number. Akala ko naman kung ano. Tapos yun pala a college friend na matagal ko ng hindi nakakabalitaan nangungutang ng 2.5K. Like hello? Magpaparamdam ka lang kapag may kailangan ka? Natuwa ko sa sarili ko kasi natiis ko na hindi sya pautangin. Pero I don't burn bridges naman. I told him na I bought an iphone (w/c is true) yesterday and kung he could have called me the other day baka napautang ko sya.  ;D
"Be kind whenever possible. It is always possible." -- The Dalai Lama

happie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 585
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #222 on: January 20, 2014, 12:07:34 am »
None of my friends have ever tried to borrow money from me. May pride naman and may kaya naman sila kasi either businesswoman, daughter of the owner, doctors sila :) Ok Lang naman to lend money if kailangan talaga. Kami p nga Ng friends ko willing to help out when a friend was sick, we are just waiting for her to show signs that she needs money.

Baby Madeline

  • Loving wipey sa hobby ko :)
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 267
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #223 on: January 20, 2014, 11:18:49 am »
^My friends are finacially stable din so walang lumalapit para umutang. When a dad's friend got sick naman and we felt that he needed help, we just sent money sa ATM account nya.

Kung may humihiram sa akin, mga family members yun. Pero technically, di siya utang. Bigay ko na yun although I only give the partial amount.
With all its sham, drudgery and broken dreams, its still a beautiful world. Be cheerful. Strive to be happy.-Max Ehrman

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #224 on: January 21, 2014, 12:35:52 am »
Pasensya na,wala akong extra.  :D diretso ko sinasabi. ahhe!

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2791
  • Anything could happen.
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #225 on: January 21, 2014, 04:46:59 am »
How can i handle naman yung friend/classmate na kapag mag lunch kami biglang uutang ng pambayad sa food nya kasi di pa sya nakakawithdraw ng pera. I am always hoping na babayaran nya yun pagkawithdraw nya pero parang wala lang. Kahit nakikita nya na isa kong friend nagbabayad sakin.. ang mahal pa naman ng food sa school at pareparehas naman kaming walang trabaho. Parang ako pa nahihiyang maningil sa kanya :(
I like games well played :)

msnowhere

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #226 on: January 21, 2014, 10:18:26 am »
How can i handle naman yung friend/classmate na kapag mag lunch kami biglang uutang ng pambayad sa food nya kasi di pa sya nakakawithdraw ng pera. I am always hoping na babayaran nya yun pagkawithdraw nya pero parang wala lang. Kahit nakikita nya na isa kong friend nagbabayad sakin.. ang mahal pa naman ng food sa school at pareparehas naman kaming walang trabaho. Parang ako pa nahihiyang maningil sa kanya :(

Hay nako sis! Wag ka mahiya. Dapat siya ang mahiya sayo. hehe. Just say no, wala kang extra. Pamasahe mo nalang. Or if nakahiram na, after niyo kumain sabihan mo agad na halika na withdraw na tayo. hehe.

candid_girl

  • certified loving daughter, best friend for my sister, a sister for my friends, a good housewife and mommy to be
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #227 on: January 21, 2014, 10:32:30 am »
it's good to say alibi sa mga naghihiram, but as much as possible kung short ka or wala kang extra sabihin mo ng totoo for sure maiinitindihan ka nila . may iba kasi kahit na kesyo my babayaran ko or etc. naku babalikan at babalikan ka nila para hiraman sila mapapagod at mahihiya kung lagi mo silang tatangihan ska kasi dalawa lang naman pwedeng mangyari sa inyo pag ngpautang either ikaw magalit dahil hindi ka mabayaran or sya magalit dahil hindi mo sya pinautang, pili ka na lang sa hindi ka hehe
Pray, Hope and Don't Worry; Worry is Useless. God is Merciful and will hear your prayers. - Padre Pio of Pietrelcina

hornboy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 105
  • Lalaki po ako
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #228 on: January 21, 2014, 04:29:47 pm »
Madalas sinasabi ko. "We're on the same shoe, need ko din yan", hahahaha.  But If I have an Extra, why not.  kaso wala talagang Nagiging extra. 
to be or not to be . . .  that is the question

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #229 on: January 21, 2014, 10:06:32 pm »
FOURever - remind mo nalang sa kanya sis. Well minsan mahirap talaga maningil. May mga tao kasi na kahit naaalala nila na may utang sila, wala silang kusa magbayad. Feeling nila eh libre na yun. Kaya dapat ikaw ang mauna. May mga tao na uutang na ganyan talaga, then pag siningil eh sila pa ang galit. Sabihin mo nalang "Name, ask ko lang if may money na ikaw dyan? May paggagamitan din kasi ako and medyo nashiort ako sa allowance" sana lang wag mag alibi.

sugardrop

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4471
  • Loving life's simple pleasures.
    • J'adore Rougit
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #230 on: January 21, 2014, 10:14:15 pm »
Simula nung isang ex-friend eh tinaguan ako ng dahil sa utang (pati iba naming friends that time), medyo nadala na talaga ako unless ka-close ko talaga yung tao. :)
A little backreading won't hurt.

J'adore Rougit

Instagram: greenappletini

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #231 on: January 21, 2014, 10:19:34 pm »
I can still remember, yung officemate ko dati, nangutang sya sakin dahil itutuloy daw nya ang studies nya. Paresign na ako nun, and nalaman nya na may back pay ako. and since "wala pa" naman ako paggagamitan that time, pinahiram ko tutal pang tuition naman nya. She promised na ibabalik nya pag nag padala na daw ng allowance yung mommy nya. Eh kaso, bigla nalang sya nawala na parang bula. nakagraduate na sya lahat lahat, at nakapunta ng Singapore, nakabalik narin ng Pinas ni maalala yung inutang nya eh wala. hehe! Inadd pa nga nya ako sa facebook dati and finollow sa instagram, pero deadma. Wala syang nabanggit about dun sa utang nya. Pero yung mga taong ganito, lumiliit ang mundo nila kapag nagtatago sila sa utang. hehe!

lisse

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 298
  • Half-Filipina, Half-crazy!
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #232 on: January 22, 2014, 12:03:19 am »
Naalala ko may nagsabi sakin na wag mo daw sasabihin na "wala akong pera", kasi parang ino-own mo na yun, na wala ka pera and baka nga magkatotoo. it's much better talaga mga suggestions here na walang extra or no more budget for that.

Naalala ko nga, nung andami kong nilapitan na mga kamag-anak at kakilala kasi naaksidente sa middle east brother ko and we need to send money to him ASAP. yung tita ko lang ang tanging nag-pautang samin non. yung iba deadma lang ako. habang naiisip ko yung bro ko inooperahan don mag-isa, walang nag-aalaga, walang tagabili ng food, halos magdilim talaga paningin ko sa hate ko sa mga taong yon. never pa naman kaming nasira sa mga utang and lahat kami may work, kaya may ways and means kaming mabalik yung money, talagang wala lang kaming malaking cash that time na malakihan at once. eventually nakagawa din kami ng paraan.

Ngayon, yung mga taong nilapitan ko, sila naman ngayon lalapit-lapit sakin. nung hindi umubra sakin, sa mother naman namin. I know hindi healthy magtanim ng sama ng loob, honestly wala n akong ma-feel sa kanila kasi nakabangon na kami sa incident na yon, even my bro. maganda na din work niya. pero kahit wala n akong sama ng loob sa kanila, hindi ko talaga magawang pahiramin sila. kasi kung sila nga walang tiwala samin, bakit kami magtitiwala sa kanila?

sheng_kah

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 103
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #233 on: January 23, 2014, 02:38:44 am »
@fourever
sis pag alam mong may cash sya at nakaupo sya sa upuan nya puntahan mo at tumayo ka sa harap nya sabay lahad ng kamay pag tinanong kung bakit sabihin mo "utang mo"

naalala ko yung officemate kong tumagal ng ilang month ang utang sa isang officemate ko kung hindi pa namin sinabi sa gf nya na may utang sya hindi pa sya magbabayad *under kase hehe* ngayon pag nangungutang sya sasabihin muna namin sa gf nya kung papautangin o hindi sya kasi nagmamanage ng pera nila :)
 meron pang isa yung girl officemate ko [textspeak!] mahilig mamahiya may nangutang sa kanyang 1k eh ilang beses nya ng sinisingil umabot ng isang taon hindi pa nagbayad one [textspeak!] gipit na sya talaga kaya siningil nya ulit eh wala pa daw pera ayun pinahiya nya after nun pagkasahod na pagkasahod nagbayad na.

RushDB

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 54
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #234 on: February 01, 2014, 01:51:07 am »
Good thing, none of my friends borrows money from me. Kaming magkakapatid lang dito sa bahay nag-uutangan, pero siyempre, nagbabayaran din naman kami. Alam naman ng mga siblings ko na yung pinapahiram kong pera -allotted para sa allowance ko, so binabalik, or else, hindi ako makakapasok sa office.
Pero nung college days, nagdorm kami w/ my friends/classmates, laging late dumadating pangrent ko, never naman akong nagsabing manghihiram ako ng pera, ginagawa ng friend ko, laging siya muna sumasagot ng part ko sa rent, tapos bibigay ko na lang sa kanya pagdating ng bayad; pero sobrang nakakahiya pa rin.
I guess, wag mangutang para di ka rin utangan.
« Last Edit: February 01, 2014, 01:53:56 am by RushDB »

FOURever

  • My username does not fit me anymore :X
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2791
  • Anything could happen.
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #235 on: February 01, 2014, 08:36:27 am »
Thanks mga sis. Nahihiya kasi ako maningil kasi baka sabihin, pera lang naman yun o baka masyado akong "excited" maningil. This past few weeks, halos sakto na lang dinadala kong money, may pasobra lang na mga 50 o 100 para maiwasan na rin na mahiraman ako tapos di mabayaran. Siguro kaya bothered din ako kasi kung ako yung nanghihiram (hindi naman madalas, kapag nashort lang talaga), i make sure na babayaran ko the next day para di naman nakakahiya at hassle sa hiniraman ko..
I like games well played :)

Ms.Cacao70%

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 250
  • Wookie ❤ DaHae
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #236 on: February 01, 2014, 01:21:34 pm »
hindi ako pala-utang at di ko matandaan kung kelan ako huling umutang and i hope na hindi ito mangyari sa akin *knock on wood*. kaya hindi rin ako basta-basta nagpapautang unless immediate family pero sa awa ng Dios both sides naman namin ni hubby walang utangero at utangera. i mean magtitiis kami sa wala, magtitipid to the max basta wag lang humingi ng pera sa iba. ganon ang motto namin.

ang karaniwang sinasabi ko "sorry, wala akong pera ngayon kase wala akong work, stay at home ako". tapos ang usapan  :) hehe. totoo naman kase. pero noong working pa ako ang karaniwan kong sinasabi "kakabayad ko lang ng bills at wala nang natira sa amin". i try not to get too emotionally involved sa nangungutang, di ko tinatanong kung para saan dahil most likely, magdadrama yan para maawa ka. naiinis din ako pag namimilit, black listed sa akin yon. mas gusto ko pa yung nangungutang pero hindi nage expect kung magkano lang ang maibigay mo at kung wala ok lang. mas naawa pa ako sa ganon. kesa yung makulit na akala mo may pinatago sila. grrrr... binabara ko yun.
May you be happy. May you be healthy. May you be peaceful. May you be safe.

Ms.Cacao70%

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 250
  • Wookie ❤ DaHae
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #237 on: February 01, 2014, 01:27:14 pm »
^^ ako din sis, hindi ako pala singil ng utang. isang beses ko lang sasabihin sa yo na magbayad ka at yon e after kong abutin ang pera ko sa yo. i will give you my full trust. ngayon nasa sa yo na kung hindi mo sisirain ang tiwala na yon. pag hindi ka nagbayad on time kahit kalahati lang ng inutang mo or pag iniwasan mo ako, wala kang maririnig sa akin lalo na kung below 1k lang naman pero asahan mo na hindi na hindi na tayo close. that's it at kung sakali man magkrus ang daan natin uli, never na kita papautangin ever.
May you be happy. May you be healthy. May you be peaceful. May you be safe.

swtgrl_bee

  • ❤️❤️❤️
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4596
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #238 on: February 02, 2014, 08:28:28 pm »
Derecho ko din sinasabi, "Sorry wala akong extra ngayon at madami pa kaming mga bayarin." Wala ng paikot-ikot pa.  :P
💻🏡

14 years ng GirlTalker! 💋

contala

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
  • eat.pray.love
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #239 on: February 02, 2014, 10:20:19 pm »
mailahad ko nga din ang hinanaing ko dito.It's true na mahirap talagang tumanggi pag alam mong may pera ka,pero sa mga pinagdaanan ko,nagkasira kami ng bestfriend ko dahil sa UTANG.2009 nag start siyang humiram sakin ng 1k,2010,another 1k,2011.another 1k,tapos 2012 sinasanla niya sakin yung videocam nila ng 2k,so pinahiram ko siya ng 1k at diko kinuha yung videocamera nila,sabi ko ihanap nlng niya sa iba para mabuo niya yung kailangan niyang 2k.naging maluwag ako sknya at inaantay ko din yung pinangakong araw niya,nung nakikita kung medyo nakaadjust na siya kasi may trabaho na asawa niya,kinapalan ko na mukha kung maningil,ang ending ate pa nya nagbayad sakin at galit pa siya sakin ngaun.

ngayon naman ninang ko sa kasal,humiram ng 4k,since dipa nalalagyan yung account namin,sabi ko hiramin muna niya kasi galing mismo sakanya na ibabalik niya after 1 week,syempre ninang ko,nahiya talaga akong tumanggi,kaso magdadalawang buwan na naman mga sissies,wala padin.kagabi lang nagpadagdag na naman siya ng 1k,ikaw ba naman sabihan na talagang walang wala sila,at gabi pa siya nanghiram,diko na naman natanggihan.kasi nangako talaga siya na itong february maibigay niya lahat.Sabi ko sa sarili,sa susunod talaga kailangan ko ng matutong tumanggi.kahit idahilan mo pang maclose account na,dipadin eepekto,sana lang talaga mabayaran na niya ako nitong february.
--life can only be at its best one's you start loving it--

 


Latest Stories

Load More Stories
Close