Author Topic: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?  (Read 54967 times)

tahimik_24

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 196
  • Alright!
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #280 on: July 16, 2016, 07:35:45 am »
Sorry bayaran ng tuition ni kapatid.
Pasensya na kabibigay ko lang ng pera sa parents ko.
the greatest mistake you might make are the risk you will not take
GOD is good all the TIME,all the TIME GOD is good

hisana

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1609
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #281 on: July 16, 2016, 08:09:18 am »
Wala masyado umuutang sa akin. Sabi ng ate ko it's because ang sungit ko raw tignan, mga desperado lang ang lalapit, LOL. But on the rare occasion na meron, I only lend what I can lend comfortably. Alam ko naman kasi may chance na matagal bayaran or magkalimutan na. Otherwise diretsahan ko sabihin na I want to but I can't.

Yung kapatid ng coworker ko, ang kapal lang ng mukha. Sorry to be blunt. Lagi humihitam ng anywhere between 500 to 3k, at may kasama pang sob story na hindi daw sya makauwi kasi walang pamasahe (parang linya nung mga scammer) at kung ano pa, pero magugulat ka, mamaya nasa sofitel, nag tour sa bangkok, nag shopping spree, etc. ang masama nyan eh ito naman matipid yung coworker ko, pero hindi naman makatanggi kasi kapatid daw nya. Minsan kung sino pa ang family, sya pa yung abusado.

britzm

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 252
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #282 on: August 09, 2016, 10:13:53 pm »
kapag may mga naglalakas loob na mangutang sa akin, most probably close kami. pinapa utang ko naman kasi alam ko nagbabayad sila.
kapag hindi naman kami close, papautangin ko pero less than the money na gusto nila utangin. say, pahiram ng 5k.
sabihin ko, ay 1k lang meron dito eh. ok lang? tapos sabihin ko balik mo sa sahod ha.
hindi ko tinatanong kung kailan sila magbabayad. nagkaka option pa sila na "babayaran ko pag nakaluwag ako"
tapos pag bayaran, ireremind ko siya once.
magbayad man siya o hindi, isipin ko na lang buti hindi nadale yung 4k.
pero pag hindi siya nagpaalam man lang na hindi muna makakabayad, markado na siya sa akin. gaano ba kahirap magsabi na hindi mo muna mababayaran utang di ba?
live like you're dying

D4thAngel

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 520
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #283 on: August 10, 2016, 06:54:02 am »
I tell them I have credit card dues to prioritize. Kapag di ko nabayaran agad, ako naman ang magbabayad ng interest. Mahirap talaga magsabi ng "NO" lalo na pag alam mo na super need nila ang money. Kapag close ko na man yung nanghihiram, up to amount lang na willing ako i-forego.

Surround yourself with people who encourage you, inspire you, and believe in your dreams.

SaffiyahEnglish

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 61
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #284 on: September 24, 2016, 06:09:13 pm »
I know someone ginagawa niya kapag nangutang may pinapatong na interes at kinuukuha ang CC. So kapag babawiin na ang CC i-withdraw na niya yung amount na need niya. At least patas ang labanan walang lugi.
"To thine own self be true." -Polonius

wifey

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 242
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #285 on: October 21, 2016, 05:49:11 pm »
Nagpapautang kame pag alam namin na magbabayad naman, pero kung sure kame na sa samaan lang ng loob mauuwi, ay NO talaga. Nung natutunan na namin humindi ng hindi nagi-guilty, naging madali na tumanggi kahit/lalo pa pag family member  :P Inuunahan na namin na wag kame ang utangan nyo, di na namin inaask how much at anong reason kasi hahaba lang at wala naman talaga kameng balak magpautang.
Be still, and know that I am God -Psalm 46:10

tinapay

  • baklang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2928
  • registered seller #129
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #286 on: November 02, 2016, 04:01:17 pm »
mahirap pag friend mo. like in my case. nangutang uli ang friend ko. at first medyo hesitant ako kasi the last time na nanghiram sya, inabot ng taon bago bayaran. e medyo maliit na amount lang yung noon. ngayon medyo malaki na. i told her a lot of stuff na iba na kasi ngayon, may asawa na ako, etc. etc. so i asked permission pa from my husband. pumayag naman. may usapan kami kung pano nya ko mababayaran. mag loan daw kasi sya, yun ang pambayad. need na nya kasi ng money kaya di na nya maiintay yung loan. lumabas na yun loan, pero di pa rin ako binayaran. dami nang nangyari sa family nya, reasons kung bakit di pa nya ko nababayaran. ngayon, nahihirapan akong singilin kasi may issues ulit sa familly nya, nakakahiya naman maningil sa ganung sitwasyon. pero kailngan ko na talaga syang kausapin para malaman ko kung kelan sya magbabayad. me and my husband needs to budget our funds na kasi. marami na kaming bayarin. ang mahirap kasi people think na marami kaming pera. di naman marangya ang pamumuhay namin....
To make a mistake is human. To make it obvious is katangahan.

Cafe @ Tinapay

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1129
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #287 on: November 03, 2016, 01:58:31 am »
Wala naman masyado nangungutang sa amin.
Pero there was one time BIL wanted to borrow money - as in big amount.
Told my husband to set the terms kung paano kami babayaran, siguro nahirapan sa terms namin sabi he'll just borrow somewhere else.

If ever there will be someone nangangailangan - we check first if its valid. otherwise, we give you some amount. tulong nalang. and explain why we cannot hand out the amount you wanted.

Other than that, we just flatly say - sorry, we don't have that much money to loan you at the moment.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

marywater

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 144
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #288 on: November 22, 2016, 08:39:15 pm »
Pag may nangungutang sakin, normally I'd ask how and when they can pay me back. Kung malabo sagot, di ko na pahihiramin. I won't even try to make an excuse. I just say "No. Sorry that won't work for me. Sa iba na lang." Natuto na talaga ako sa mga di nagbabayad ng utang.

hael2011

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 165
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #289 on: November 25, 2016, 01:26:11 pm »
I find myself very blessed that I am not in the position of those who ask for money. Kaya kung may nanguutang sakin, sige lang. Lalo don sa mga nagbabayad naman.

Pero dun sa alam kong di na magpapakita, 30%-40% lang binibigay ko, yung alam kong hindi ako masyado iiyak kapag di na nagbayad.

missyuko

  • Blue Clover Dreamer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #290 on: December 13, 2016, 11:47:55 am »
ako no-no ako magpapautang lalo na ngayun. gipit din naman ako kaya kahit na isipin ng tao na yun na maramot ako ok lang. mag dra-drama effect ako sa mangungutang sakin or di kaya ay I'll blatantly say no. regardless if friend ko pa sya. sguro magpapautang na lang ako kung may pera pera na talaga na hindi ako manghihinayang pagka hindi na mababayaran.
What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul? -Mark 8:36

leelou

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 628
  • fifth element
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #291 on: December 14, 2016, 08:54:07 pm »
hindi nangungutang pero nanghihingi ng donation para sa christmas raffle nya para sa mga tauhan nya (may negosyo sila). hindi naman kami magkasosyo sa negosyo  ;D close friend ko ito pero gulat levels talaga ito. at alam nyang bugbog ako sa gastos ngayon. haay.
Life always offers you a second chance. It's called tomorrow.

xtine

  • Certified Jetsetter
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1479
  • ...my next destination
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #292 on: December 16, 2016, 01:37:48 pm »
I try to make sure I am a person na HINDI nila unang maiisip if gusto nila mangutang.  Also, i ask many logical questions para mafilter ko sino ang desperado sa hustler.

There are people who are hustler pagdating sa utang, kasi alam nila madali maguilty yung mga mauutangan nila.  I make sure I am not included in those "madaling maguilty" list.

forsix10

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 75
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #293 on: December 22, 2016, 02:42:45 pm »
Nakakagaan ng loob magbasa dito at di lang pala ko nag iisa. halos same sentiments din tayo mga sis. kaming family strictly nagbabudget pero hirap to say No at yung mga nangungutang na yan nakakainis na ang bobongga ng lifestyle.latest gadget ang gamit, di nagpapahuli sa uso, me monthly out of town, dine in weekly, nagsusugal etc. kainis lang yung mga ganitong klaseng tao (iba ibang tao naman to) pero iba kasi nirereason kung san gamitin yung pera yung tipong nakakaawa talaga then makita mo me post sa fb ng kung ano ano. hays! then biglang di ka na replyan sa text/fb, etc.

layladesilva

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 50
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #294 on: January 23, 2017, 12:52:07 pm »
pag eto talaga ang topic, inis na inis ako. kasi di pa kami marunong mag-NO dati. yung may utang sa amin, patay malisya pa. walang balak magbayad. at nagagawa pang mag-attempt ulit mangutang. natural, tinatanggihan namin. makapal talaga mukha.

just say no.  kung may kapal ng mukha ang isang taong manghiram sa akin, dapat mas makapal din mukha kong tumanggi. di nga sya nahiya humiram sa akin eh, bakit ako mahihiya magsabi na hindi puede.


swtgrl_bee

  • ❤️❤️❤️
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4352
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #295 on: January 25, 2017, 07:22:46 am »
Yung post ko dito, just say NO! Infairness, until now hindi pa din naman kami yung tipong walang pera? Ay takbuhan natin si (ako)  ;D Broadcast na broadcast kasi kung gaano ako kakuripot eh.

Pero yung kamag-anak ni husband ko na paulit ulit na umutang ng small amount na sa ending eh wala na, nung huling utang binigyan ko ng medyo malaki laki at sabi ko last na yun. 2 years na din hinding dumadaing sa amin.
💻🏡

14 years ng GirlTalker! 💋

ember_sky

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 181
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #296 on: January 30, 2017, 04:29:26 pm »
How to say NO kapag kamag-anak mo? yung ka close mo tapos nakatira pa kayo sa isang bahay.
Yung tipong kahit sabihin mo na wala, ipipilit na niya na meron..  :(

britzm

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 252
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #297 on: February 07, 2017, 05:26:39 pm »
^there's got to be someone in the family na mag second the motion pag sinabi mong wala ka na pera. i remember a kamag anak na nanghihiram sa dad ko. sabi ni dad wala siya pera dahil wala pa sahod. ang sabi hihiram na lang muna si kamag anak sa iba tapos pagdating ng sahod ni dad, bayaran yung utang sa ibang tao. naku lahat ng dugo umakyat sa ulo ko nung nalaman ko. kung naabutan ko pag uusap nila malamang nakatikim sakin ng masasakit na salita. kung meron lang sana pumigil kay dad edi hindi nakaporma yun.
live like you're dying

pinkmoscato

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 220
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #298 on: February 07, 2017, 07:50:06 pm »
If he/she is someone I trust, and I know na makakabayad din, I lend.
But I encountered an officemate na nangungutang tapos pambili lang pala ng mga luho like shoes, bags, etc.  ::) So I always say "may pinaggamitan na ako nung extra money ko" or binigay ko sa parents ko.

shinies

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 717
Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
« Reply #299 on: February 07, 2017, 11:14:48 pm »
Pag kasal na - "tatanong ko pa kay mister/misis kung pwede"
Pag single - "tatanong ko pa sa magulang ko"

 ;D


 


Latest Stories

Load More Stories
Close