watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191919 times)

Girltalker2

  • Guest

^ and ^^, thanks for your response.  Maybe I just cannot relate. Dont get me wrong, hindi parents ko ang dinedescribe ko kasi.

My parents worked hard and all, but they made sure they have their own retirement.  I also give them gifts and pay for their travels from time to time, kasi alam ko pinagpaguran nila.  Pero sila, laging sabi, ibabalik sakin in cash ulit na tipong mas kailangan ko in raising my kids and all.  To think my parents ang naghirap pa to raise their siblings and support my grandparents, send us to the best schools, provide for all our needs. Kaya nakikita ko ang mga sacrifices nila, kaya ko super na-appreciate.

My question was the parents of my ex actually. Lagi kasi sila nanghihingi ng pangluho. Maybe wala kasi ako sa shoes ni ex kaya di ko sila ma appreciate.  They like to spend for things they cannot afford.  Then they would just say na bahala na si ex sa kanila once they retire. I guess I am already out of the picture, pero hindi ko kasi ma appreciate ito. Maybe pinagpaguran din nila ang education ni ex, pero yung mga luho nila eh hindi na naman nila afford, pero ok lang nga na walang retirement at sasandal sila sa anak nila.  For me kasi I view it as a trap.  As parents, hindi mo na binibigyan ng choice ang mga anak mo but rather spend and be happy now, kasi later, i-o-obliga mo sila suportahan ka kasi alam mong hindi mo sila matitiis.











xtine

  • Guest
^Sis, same kayo ng friend ko.  Her hubby's family yung medyo nanghihingi.  To the point na pati business nila dati, inangkin na ng family ng hubby nya. 

I think it also varies sa magulang.  We are lucky that we were given to parents who are not superficial to ask for luho na mahirap ibigay.  God is good to give us parents who will love us no matter what we shower them with.

Normal and loving parents will understand kung san lang ang kayang ibigay ng kanilang anak at ano ang capacity nila to give.  Asking for more than what the children can give is probably not healthy. 

bellalicious

  • Guest
Hi! I'm newbie here.. gusto ko lang mag-share ng sama ng loob.. i dunno kung tama ba nararamdam ko towards my parents.. pero naiinis na talaga ako, minsan nga gusto ko na sumuko at maglaho na lang bigla. Sobrang nakaka- relate ako dito.

I'm an only child, but never naging maginhawa ang buhay ko since bata pa ako.. but i'm proud kasi dahil dun naging independent ako. I can say naging mabuti naman akong anak, halos di ako nanghingi ng tulong sa mga assignments ko, projects since kindergarten. Iniwan kame ng tatay ko when I was 9 months old, pumunta siya ng State kasama ng Lolo ko. After a year, wala na kame balita.. we just found out na may iba na siyang wife and baby (they're not married though.). After a 7 years, umuwi yung tatay ko sa Pinas and nagkabalikan sila ng nanay ko(ewan ko ba). Dahil dito naging magulo buhay ko. Nag-stop magwork si mama at naging housewife na lang siya, dahil ang pangako ng tatay ko.. "ako bahala sa inyo, wag ka ng magwork".

Sobrang hirap ng naging buhay namin kasi halos hindi nagpapadala yung tatay ko ng pera, di ko alam pero talagang irresponsible siya. Buti na lang sa public school ako nag-elementary, at 5 pesos lang baon ko araw araw. Di ko alam kung paano ako napagtapos ni mama ng high school, pero awang awa talaga ako sa mga sakripisyo niya. And thankful ako, kasi magagandang values yung tinuro niya sakin.
After kong nakapag tapos ng college, halos di talaga nagpapadala ng pera yung tatay ko. At first, okay lang kasi single naman ako, at above minimum ang salary ko.. so i have a lot of money to give my mother. Si mother, nag-buhay donya. Gastos dito, gastos dun.. okay lang sakin kasi i think it's time para mapasaya ko siya. Kaya lang naging dependent na siya sakin. Okay lang ang tumulong sa magulang, pero ang nangyari naging obligasyon ko na.. si mother, ayaw talaga magwork, kahit noon pa, after niya magresign nung 7 yrs old ako, di na siya nagwork again.. as in ako ang full time sa pagwowork, kahit may anak na ko.. ako pa din ang gastos sa lahat.. buti na lang mabait yung tatay ng anak ko, at tinutulungan kame, pero syempre di nya obligasyon yung nanay ko.

Kapag nanghihingi yung nanay ko sa tatay ko, lage sinasabi na "bakit, wala daw ba akong trabaho.. ano pa daw purpose nung trabaho ko kung wala naman pera.", sana lang tulungan nila ako sa gastos, sa bills. Hindi kame married ng tatay ng anak ko, dahil ayaw din ng tatay ko. Wag daw muna kaming magpakasal para ma-petition niya ko, 30 yrs old na ko, pero hawak pa din ako sa leeg ng magulang ko.. nasasakal na talaga ako..

Gusto ko ng kumawala, at gusto ko ng umalis sa bahay namin.. pero naaawa akong iwan yung nanay ko.. at kapag di mo sinunod yung magulang mo, parang napakalaki ng ginawa mong kasalanan.. parang never ka ng naging mabuting anak.

Girltalker2

  • Guest

^ sis, hindi ka naman siguro hinihingan ng tatay mo ano? 

For your mom naman, may obligation ka rin kahit papano. Pero kelangan magset ka ng limit.  Sabihin mo kelangan mo pa kasi pag ipunan ang education ng anak mo, gusto ba nya na danasin mo ang dinanas nya dati, hindi di ba?  Para kamo in the long run, mas giginhawa kayo kapag lahat nakabudget (may limit).

 

bellalicious

  • Guest
Di nanghihingi ng pera yung tatay ko, since nasa ibang bansa siya.. pero di din siya nagbibigay, kung magbigay man.. masama pa loob.. ang dami pang sinasabi.. nakakainis diba.

Di ko alam, pero gusto ko na talagang umalis at magbukod kame ng partner ko. Kasi there were times na nakakarinig nako ng sermon at sumbat sa nanay ko.

At tsaka di ako makapagipon kasi utang siya ng utang. Sabi ko nga sa kanya, tigilan na niya yung pangungutang kasi wala naman siyang inaasahang pera. Siguro kasi wala siyang nahahawakang pera kaya nangungutang. Pero me and my partner provided everything what we need at home.

We even ask my mom, to make her self more busier. Like pagtitindahin namin siya dito sa bahay and we're going to set up a small business for her. Ayaw naman niya. Gusto ko nga siyang pagaralin ng caregiver or any training available for her.. pero di ko magawa kasi di talaga ako maka-ipon dahil yung extra money ko, nababayad sa utang niya. Minsan nga, yung kahulihulihang pera sa wallet ko, nawawala pa dahil pinambabayad ko sa utang niya.. tuwing sahod ko, panay katok sa pinto ng kung sino sinong tao, naniningil ng utang.. surprised talaga ako.

Sabi nga ng partner ko, kung kailangan daw ng mom ko ng pera, bibigyan na lang niya kaysa mangutang. Hirap talaga.. sobrang sama na ng loob ko.. sana nga nagkaroon na lang ako ng kapatid para di ko pasan magisa yung obligasyon nato. Kahit hindi sabihin ng nanay ko, may mga parinig siya ginagawa na.. dapat talaga tulungan ng anak yung magulang..

But i'll never do this to my child, I'll make sure na di ako aaasa sa kanya in the future..

cyren29

  • Guest
For me hindi obligasyon ng anak na buhayin yung parents nya but it's a choice. Isang way kasi yun para iparamdam ng anak yung Love nya and pasasalamat sa lahat ng sacrifice and love sakanila lalo pa na kung yung naging buhay ng anak is naging maganda then yung parents eh need ng support I think hindi din matitiis ng anak yun, kumbaga may guilt pag walang ginawa o naitulong yung anak.. Although some parents na hindi nadin nagdedemand or humihingi ng tulong sa anak whether nahihirapan sila o hindi..

vhanya

  • Guest
your kids should not be your retirement plan. Kusa ok lang but not an obligation. baliktad ako. I beieve in paying it forward.

CITIgirl_04

  • Guest
For well-educated parents, the answer is NO. Pero sa tipikal na pamilyang Pilipino, YES.

That's the sad reality.

I know some friends (and also read some here) na their parents doesn't want to receive money from their kids and are still working despite their old age dahil ayaw maging pabigat sa mga anak nila. Not because they hear bad or complaints from their kids but because that's what they really feel deep inside their hearts.

Girltalker2

  • Guest
For well-educated parents, the answer is NO. Pero sa tipikal na pamilyang Pilipino, YES.

That's the sad reality.


True. Kaya given a choice, ayaw ko sana pinoy ang mga mapangasawa  ng kids ko at baka sila pa bumuhay sa ibang tao imbis na magfocus nalang sila sa family life nila.



I know some friends (and also read some here) na their parents doesn't want to receive money from their kids and are still working despite their old age dahil ayaw maging pabigat sa mga anak nila. Not because they hear bad or complaints from their kids but because that's what they really feel deep inside their hearts.

Totoo iyan. Kasi may long term vision ang mga parents na ganyan.  Nakikita nila ang future at inuuna nila ang needs ng mga anak nila kesa sa sarili nilang kapakanan. And I have witnessed that to my parents. Never sila nagpaparty or any luho.  Kapag bibigyan mo, sasabihin to keep it nalang kasi mas kailangan ko daw for the kids. Sila naman daw matanda na at wala nang gastos.





lisse

  • Guest
^yan, ganyan din naririnig ko sa parents namin. pag-aabutan namin ni hubby ng money or tatanungin if may papabili, ang sagot, matanda na daw sila at wala na daw silang mga gusto-gusto na ganyan. yung mga batang kapatid ko na lang daw.

CITIgirl_04

  • Guest

sis Girltalker2, i salute you and your parents... kung buhay pa ang dad ko, im sure he wouldve been like that... but my mom, haay... ano pa nga ba ang magagawa namin eh nag iisa nalang siya.. i have to admit na pangit at mali ang pagpapalaki sa kanila ng magulang nila which are my lolo and lola ofcourse(now they're gone)... na basta marunong na magbasa at magsulat ok na tapos na wala nang aral aral trabaho na agad... ok naman na sana kasi nag iisa nalang siya kaso kung kani kanino niya lang tinutulong at pinamimigay pag pera ang binibigay namin sa kanya kaya hayun puro goods ang nakukuha nya samin... damit,sapatos,spa,manicure,pedicure,pakulay ng hair,accesories, etc. magkakaron lang siya ng money pag uuwi ng province at kelangan niya ng pamasahe at onting extra para sa kanya...

pag kasi nagkaron siya ng marami raming pera eh ipinamimigay niya lang sa mga kapatid niyang walang trabaho at wala nang ginawa kundi ang umasa nalang sa mga nakakaalwan nilang kapatid... ganun ang nagiging siste sa kanila...


hhaaayyy pero sabi nga ni Lord love our parents daw... so eto kahit na minsan eh may pagtatampo eh tuloy parin ang bigay at suporta....

*yvainne*

  • Guest
Naging tanong ko rin sa sarili ko yan. sabi ng mentor ko kung bible babasihan, nakalagay daw na " ang magulang ang magpupundar sa anak at hindi ang anak sa magulang" pero kung ang parents mysakit, at kung sa edad nila ay hindi na nila kaya magtrabaho, dapat tulungan ng anak parents nila.
May mga kakilala ko kahit may trabaho anak nila, trabaho pa rin sila. Proud sila na tumulong parin sa anak nila para mapaayos buhay nila.
Meron naman na katwiran nila pinag aral nila anak nila at kahit hindi naman malaki income ng anak at kaya pa nila magwork eh hindi na nagtrabaho. Kasi obligasyon naman daw sila ng anak nila ngaun.

Naiisip ko pano kaya sa case ko na and dad ko lahat ng pera ariarian naya binigay nya sa mga kabit nya. Pati mum ko hingan pa nya at pineke pirma ng mum ko para maisalin lang sa pangalan ng kabit nya mga house n lot nya. At mum ko may business tapos ang dad ko hindi na nagbigay, nanghinge pa.
Ngaun naghirap sya, source lang nya sss nya. Gusto nya bigyan ko sya. Eh kahit nagkakapera sya ng malaki minsan, never sya nag share.
Mum ko naman that time naging mataas ang ere.. lahat binigay sa dad ko. Pareho sila walang naisip na may anak sila na dapat pagpundaran. Busy sila sa buhay nila. Ngaun pareho na sila bumagsak financially. Ang mum ko kahit kaya pa nya magwork, ako na inasahan. Disappointed ako kasi binibigyan ko naman pero busy sa tsismisan at kung anuanu pa..ang bahay namin wala sa ayos. Nag asawa ko last year. Nagresign ako kasi pregnant ako ngaun. Gusto nya husband ko mag obliga sa kanya. Mali naman ata yun. Bakit yun ibang parents hindi ganun. Hindi nga nila ko naalala nun panahon na andami nilang pera tapos ngaun ako pa kokonsensyahin nila? Pero sila hindi nakonsensya sa ginawa nila.
Anhusay nila imanipulate isipan ko para mapasunod nila ko sa gusto nila para sa kapakanan nila pero gising ang isip ko at hindi ko sila hinayaan gawin sakin un. Nalulungkot ako pero may magulang pala na ganito.
« Last Edit: May 04, 2014, 02:00:29 am by *yvainne* »

Len0523

  • Guest
Ang lungkot naman at saklap ng ganyan sis yvaine. Sorry ha pero ang kapal naman ng mukha na sabihan ka na obligahin ang husband mo. Nakakahiya sobra!

Nakakasad talaga mga ganyan, parents ko nasa early 50's at malalakas pa naman. Pero ewan ko ba pareho silang inaasa na lang saken pag aaral ng mga kapatid ko. Sabi ko magreresign muna ako kase nga buntis ako aba patapusin ko daw naman ang kapatid ko kase dalawang taon na lang naman.
Then ai asked my brother na magpartime job sya kase tths lang naman sched nya. Hindi at never nya inasikaso pag aapply! Ito na magssummer na sige remind ako mag apply sya magsummer job sya, nagpaalam pa uwi daw muna sya ng probinsya kase fiesta! Pagbalik nag asikaso ng mga requirements at nagswimming pa kasama mga classmate! The I asked kamusta pag aapply mo, sorry ate nakalimutan ko!
Pwede bang uwi muna ulit ako ng province asikasuhin ko pagbalik? Ha!? Hindi pwede mag apply ka ngayon at wag mong sayangin oras mo. Aba sagutin ba naman ako na ate naman pagpahingahin mo naman ako! s*** talaga sarap sampalin. Ako nga putlang putla dahil sa sama ng pakiramdam dala ng pagbubuntis ko hindi ako nagpapahinga kase kelangan ko silang tulungan. Tapos sumbong pa sa mami, ako pa masama!

*yvainne*

  • Guest
^nakow sis masakit man isipin pero tama ka. Kung ano lang kaya namin ibigay sa kanya, yun lang muna sa ngaun since malakas pa naman sya. Nagagawa nga nya ubusin oras nya sa tsismisan at kakagalit sa dad ko arawaraw eh. Hindi naman kami millionaire para hindi magbbudget. Yun parents ng hubby ko mas matanda sa kanya pero nagtratrabaho pa. Katwiran nya umaalalay naman daw sya samin. Parang kami pa walang utang na loob. binibigyan naman sya monthly pero hindi para lahat ipaako nya samin.nakakahiya na iisipin ng hubby ko na tutulong sya pero may kapalit na bayad. Gusto daw nya makatulong. May tulong ba ng ganun?! Manugang mo gaganunin mo. Pinanindigannko talaga na kung ano lang ibinigay namin, yun lang talaga. Nagsisimula pa lang kami ng hubby ko. Hindi naman kami sobra sobra pera para hindi mag budget. Gusto pa nya awayin ko asawa ko para mabigyan sya. Aynaku nagsalita talaga ko.
yun case mo sis. May kilala ako. Nagconsult sya sa attorney. Sabi ng attorney na obligasyon ng parents pag aralin yun anak pero kung hindi na magampanan, dapat gumawa ng paraan si anak na makatapos sa pagaaral o magtrabaho muna. At ang kapatid hindi pwedeng pilitin na pagaralin sya lalo na kung ganyan na may pinaglalaanan na o may pamilya na.kase kelangan din daw na maglaan para sa future mo o ninyo magasawa. Kung ano lang maitulong mo eh sapat na yun.
minsan kelangan matuto tayo huminde o maglagay ng limitation. Kahit sa pamilya natin kasi minsan sila pa hihila pababa satin. Kasi kung hindi, aabusuhin tayo.

cutemama

  • Guest
Im so lucky to have a parents na hindi umaasa samin. Never sila nghingi ng pera. Well bata pa naman kasi sila my mom is 49 and my dad is 57. My father is still working and my mom naman hands on sa business.
Never sila nghingi ng pera nung single pa ko. I just give them gifts like bags, shoes or watch pag christmas and birthdays. Pero now na may family nako hindi na masyado. Ako pa nga nghihingi sa kanila minsan hehe and sila nagpapasweldo sa yaya ni baby. Kaya nakukukonsenxa ko kasi hindi ko man lang nasuklian lahat ng gastos and paghihirap nila sakin. Kaya im hoping na sana someday makabawi rin aki sa kanila :)

bonita111809

  • Guest
Naalala ko tuloy yung dad ko.he would always tell me na hindi ko obligasyon ang tulungan or buhayin sila kasi pinag-aral nya ako para sa future ko.kahit adopted ako,never nyang sinabi na kelangan kong suklian ng monetary ang tulong na binigay nya.mag-aral lang daw akong mabuti,sapat nang sukli yun.technically he's my uncle kasi 1st cousin nya ang tatay ko.pero para saken sya lang ang nag-iisang tatay ng buhay ko.ang mahirap lang kasi hindi magkapareho ng iniisip si dad at [textspeak!] adoptive mom ko.gusto nun pag nakapagtrabaho ako kelangan nasa kanya sweldo ko.when I graduated college,nagtrabaho ako agad kasi si dad nabaon sa loans dahil sa pagpapa-aral saken.mahal magpa-aral ng nursing pero pinilit nga kase yun ang gusto ko.

Every sweldo binibigay ko kay dad yung pera pero ayaw nyang tanggapin.ibigay ko daw sa mom ko.malaking gyera kase pag hindi sya ang may hawak ng pera.sinabihan ako ni dad na bumili ng something para sa akin like dress or kaht na anong gusto,tutal pera ko naman daw yun.so I did at nag-grocery din ako.pero nagalit pa yung adoptive mother ko kasi daw ba't pa ako nag-grocery.dapat binigay nalang sa kanya yung pera at sya nalang yung nag-grocery.8 months kameng ganun until my dad passed away.after nun,hindi na ako nagtrabaho at umalis na din sa bahay.hindi ako magtratrabaho para sa taong kahit kelan hindi ako tanggap at puro sakit lang ang binigay.yung pag-aalaga nya saken lagi nyang sinusumbat na ginawa nya lang dahil kay dad kasi pinangakuan daw syang hindi nya kailangan magtrabaho,maalagaan lang ako.may yaya naman ako nun at hindi talaga sya hands-on.

Para sa mga tunay na anak,obligasyon ng mga magulang ninyo na alagaan at pag-aralin kayo.after all,they are the ones who brought you into this world.hindi nila dapat isumbat sa inyo yun.nasa sa inyo yun kung tutulong kayo sa kanila.and they should have saved for themselves para hindi na sila umasa sa inyo.ang lagay eh nag-anak sila para may magtustos sa kanila paglaki nyo?parang twisted idea naman yun.hindi kayo mga baboy na paglaki eh pwede ibenta para magkapera sila.

April30

  • Guest
Hindi po obligasyon ng anak na buhayin ang magulang. But in our culture, some parents have this thinking. Pero ako, never ko naranasan sa parents ko na obligahin akong gmastos or buhayin sila. As a parent now, I prepare my children for their bright future, responsibility ko as parent, na pag-aralin sila para maging maganda ang kinabukasan nila. Yun naman ang dapat maging goal ng magulang sa pagpapa-aral sa anak. As parent it will be their achievement na mapatapos ang mga anak nila.

But somehow, sa mga anak, think about this, if you are living in an average family, yung sapat lang ang kita ng parents para pag-aralin ka, yung tipong wala silang maitabi para sa pagtanda nila, maybe it's time for you to repay back lahat ng sacrifices nila. Tandaan po natin, by the time na makatapos tayo ng pag-aaral, their age is nearly retiring age na. Hindi na po sila makakapagtrabaho, as I've said panu if wala sila naitabi para sa pagtanda nila? Maswerte if meron. Sa mga anak na may sariling pamilya na. Tama po na unahin ang needs ng family but please don't set aside your parents, tulungan pa rin sila sa abot ng makakaya... In the first place, marami rin sila sakripisyo sa atin tulad na lang mga sakripisyo natin para sa anak natin.

Girltalker2

  • Guest
sis Girltalker2, i salute you and your parents... kung buhay pa ang dad ko, im sure he wouldve been like that... but my mom, haay... ano pa nga ba ang magagawa namin eh nag iisa nalang siya.. i have to admit na pangit at mali ang pagpapalaki sa kanila ng magulang nila which are my lolo and lola ofcourse(now they're gone)... na basta marunong na magbasa at magsulat ok na tapos na wala nang aral aral trabaho na agad...

I guess di nga natin controlado pano sila pinalaki. Nakita ko naman sa dad ko na di rin nakapagtabi ang grandparents ko. Marami din sila magkakapatid.  Kaya ang dad ko panganay na una nagwork kaya sya ang bumuhay sa pamilya nila.  Kaya late na nag asawa dad ko.  At nakita ko sa kanya, na lagi syang tipid mode. Kahit feeling ko afford na nya, tipid lagi kasi nga nakasanayan na nya. Way of life kung baga. At di nya tinalikuran ang parents nya. Kasi kita ko rin naman, mga grandparents ko, hindi rin sila nakapagtapos. So kahit papano, they tried their best to raise their kids the best way they know how to.  Dad ko naman nag pursige mag aral (scholar all the way), so he was able to find the right balance - nung nagka job sya, raising his siblings and taking care of his parents, late mag asawa and setting aside retirement, and providing the basics samin magkakapatid.

And isa sya sa mga blessings na pinasasalamat ko kay Lord. Kahit hindi maayos ang buhay pag aasawa ko, I am blessed with a loving dad.

 



ok naman na sana kasi nag iisa nalang siya kaso kung kani kanino niya lang tinutulong at pinamimigay pag pera ang binibigay namin sa kanya kaya hayun puro goods ang nakukuha nya samin... damit,sapatos,spa,manicure,pedicure,pakulay ng hair,accesories, etc. magkakaron lang siya ng money pag uuwi ng province at kelangan niya ng pamasahe at onting extra para sa kanya...

pag kasi nagkaron siya ng marami raming pera eh ipinamimigay niya lang sa mga kapatid niyang walang trabaho at wala nang ginawa kundi ang umasa nalang sa mga nakakaalwan nilang kapatid... ganun ang nagiging siste sa kanila...


Call nanga rin nya yun. Kung may "fixed" allowance naman sya sa inyo, nasa sa kanya na how she wants to spend it. Oo, sayang. Pero yun yung gusto nya. 

Basta, fixed allowance yun na afford ninyo. Kasi ang problem is if you sacrificed na nga some things just to give her money tapos saan saan pa nya gagastusin, yun yung masakit.



But somehow, sa mga anak, think about this, if you are living in an average family, yung sapat lang ang kita ng parents para pag-aralin ka, yung tipong wala silang maitabi para sa pagtanda nila, maybe it's time for you to repay back lahat ng sacrifices nila. Tandaan po natin, by the time na makatapos tayo ng pag-aaral, their age is nearly retiring age na. Hindi na po sila makakapagtrabaho, as I've said panu if wala sila naitabi para sa pagtanda nila? Maswerte if meron. Sa mga anak na may sariling pamilya na. Tama po na unahin ang needs ng family but please don't set aside your parents, tulungan pa rin sila sa abot ng makakaya... In the first place, marami rin sila sakripisyo sa atin tulad na lang mga sakripisyo natin para sa anak natin.

Ang argument ko dito, sige, sa parents, wala ka nangang magagawa. Andyan na. Matanda na sila, walang source of income, you have to support the BASIC needs.  Anything beyond that, nasa sa inyo na iyan kung afford ninyo.

Now, if ever this happens to anyone of us, na sakto lang kinikita for our day to day, make sure you set aside for your retirement.  Para naman hindi maranasan ng anak ninyo ang naranasan ninyo. Marami akong naririnig, na sakto lang kasi. Tapos igagapang ang anak sa studies. Then later sisingilin ang anak na wala nang natira sa kanya, kawawa sila at binigay lahat sa anak then wala silang napala.  ::)

Sabi ni Suze Orman, prioritize your retirement over your child's studies. Reason for this?  Pag gradeschool at HS, may public school naman.  Pag college, puede sila magworking student or mangutang.  At least once maka graduate sila, hindi ka na nila pasanin and everyone lives happy.  Ang problem is kung inubos mo ang pera mo sa pagpapaaral sa anak mo (feeling martyr ka pa), tapos what if may nangyari sa anak mo (knock on wood) - nag asawa ng maaga, di naka graduate, lumayas, etc.  San ka ngayon pupulutin? Moreso, as April30 has said, once makagraduate ang mga anak, nasa retiring age na ang parents. So pano ka makakapagtrabaho pa to support yourself?  So kung walang tumulong sa parents, papano?  Pero ang anak, kung umutang sya for his college tuition at mag working student, he has all his life ahead 50-60 years to pay for that tuition. It also gives the child some sense of responsibility at hindi puede pa banjing banjing lang sya at may loan syang kelangan bayaran.
















« Last Edit: June 18, 2014, 09:40:12 pm by Girltalker2 »

xtine

  • Guest
^I am not sure I can agree with you sis. :)  In my case, my mom lost her retirement just to send us to a private college (me assumption college while my sister in De la salle university - taft).  Both me and my sister are studying at the same time kaya malaking burden talaga para sa mommy and daddy ko.  My dad went bancrupt on his business kaya naubos halos ang savings ng mommy ko (retirement).

But modesty aside, I am able to spend a lot for her now.  Every now and then, she goes to US for vacation, come here in Singapore to spend time with me.  I was able to buy her a lot of things, put my other sister to college and even buy her luxurious things.

I guess my point is, we cannot really tell our parents to put themselves first kasi natural tendency is for them to work harder, spend their savings just to give us a good future (which is college degree). 

In this case, it may not be an obligation to provide for them but giving back is a simple thank you for whatever hardship they have encountered just to provide for me.  I wouldn't be working as an IT professional here in SG if it weren't for their hardwork.  :)

As for your argument na wala na magagawa kasi matanda na sila,  If they took care of us when we were younger until we are mature enough to stand on our own, why not give back and take care of them as well?  I really don't want to just leave my mom behind just because I am already grown up. 

It all depends really on how you see your parents, how you've seen them nurture and provide for you. 

Taking good care of them is a privilege for me, its not just a task.  Just my POV.

Girltalker2

  • Guest
^ thanks sis for your insights. Very good to hear your parents arrangement worked out fine.  However, we can say that there are some families who are not as blessed.

I think you misunderstood me in some points - especially yung hindi pagtanaw ng utang na loob. That's not what I meant, siguro short cut kasi pagkasabi ko. Anyway here it goes.


I guess my point is, we cannot really tell our parents to put themselves first kasi natural tendency is for them to work harder, spend their savings just to give us a good future (which is college degree). 

Kapag inuna ng parents ang retirement nila, it does not mean they are being selfish.  In fact, they are thinking long term na never nila i-burden ang mga anak nila no matter what. And para sakin, this is one of the best gifts a parent can have for their kids.  Imagine mo at your age of 21yo, you have your own life to live and not be obliged to work for your siblings/parents.  So sa parents na inuuna ang retirement over kids education (which is very rare by the way in Pinas, parang never heard ko pa nga ata), iniisip din nila ang future ng mga anak nila na all the kids need to do is be able to stand on their own and eventually, hindi i-obliga ng parents yung mga anak nila.

Sa case naman na binuhos nila ang retirement nila to the kids education (minsan nga KID lang, isa lang), it also does not mean they are putting the kids welfare first. As we have seen with some parents, ginagawa nilang milking cow ang first born to fend for the rest of the siblings.  Which I think is more selfish. 

Pero admittedly, in some other situations naman where parents spend all their money to kids education - ang argument ko naman dito - because that is the best they know how to fend for their kids.  May genuine naman talaga na parents na gusto ipag aral ang mga anak and NOT thinking that their kids will eventually feed them lifetime.  And I think this is what happened to your parents.  They were sincere na igapang kayo sa pag-aaral ninyo because they want the best future for you guys.  Hindi para best ang future retirement nila.  ;D  Because that's the best way they know how to.



In this case, it may not be an obligation to provide for them but giving back is a simple thank you for whatever hardship they have encountered just to provide for me.  I wouldn't be working as an IT professional here in SG if it weren't for their hardwork.  :)


Agree with you on this.  But what if you did not grow up to have such a mindset (say walang utang na loob yung anak sa parents pero wala nang napundar ang parents kasi ginastos na lahat sa education ng mga anak)?  Or what if you were not successful, then how? 

I have seen families na maayos naman pinalaki ng parents, used up the retirement for kids education, and yet pagkagraduate ng kids - marami puede mangyari.  Of course we always pray na huwag naman mangyari ito - pero what if magpass away or na-abuse yung graduate na panganay sa Middle East?   (sama man pakinggan but it is a possibility) Or worse, the working panganay passed away first before the parents do?  What happens next? Or say, what if hindi naging successful ang kids sa careers nila, paano na?



As for your argument na wala na magagawa kasi matanda na sila,  If they took care of us when we were younger until we are mature enough to stand on our own, why not give back and take care of them as well?  I really don't want to just leave my mom behind just because I am already grown up. 


Sis, this is where I think you misunderstood me.  What I meant here when I said "wala na magagawa kasi matanda na sila" is just accept it as it is - we have to support them as they did their best, and they did not know any better.  Wala na rin silang magagawa kasi matatanda na sila, too late for them to start their retirement ipon at sinong company ang mag a-accept sa kanila for them to work.   

But for us, I still believe we also want to do our best, mas maswerte nga lang tayo kasi di tayo ginawang milking cow ng parents natin.  Pero pagdating nga dyan - retirement vs kids education, kanya kanya ngang strategy siguro if ever. So sabi ko sa sarili ko, kung saka sakali I will be in that boat (single mom kasi ako with 2 kids) na I have to choose - of course we need to plan for both pero if ever we need to choose, I will have to seek help from my kids by explaining to them the situation.  Help from them na mag aral sila mabuti, if makatrabaho sila ng part time, please do so, etc.

I am not saying not to give back what our parents have done for us.  As I have said, aalagaan dapat sila sa abot ng makakaya natin. But what if ikaw mismo and your family, naghihikahos?  So how do you provide for your parents if you yourself cannot afford your basic needs? Tapos what if, naka depend sayo ang buong pamilya (with several siblings) but you want to get married na?  I am talking about some Filipino families I have seen na parang ang pag-a-abroad nalang ang solution to be able to feed the whole clan. And mind you, hindi lang pag a-abroad, but panghabang buhay na pag-a-abroad at bawal mag asawa; para lang ipagtapos ang mga kapatid at i-sustain ang lifestyle ng parents.



* So in summary, 4 situations can happen. Mamili nalang tayo which outcome we want for us and our families.

1.  Perfect Scenario:  (I think I am blessed to be in this situation)
Parents send kids to school at may naipon na retirement
- pagkagraduate ng kids, kids stand on their own.
- We hope this happens but it does not often happen, kasi most often Parents need to choose between retirement vs kids education.

2.  2nd ideal scenario:  (sis, likewise, you are blessed to be in this situation)
Parents use up retirement funds but was able to send kids to school.
- Kids graduated and had a successful career.
- Kids have to take care of parents.

3. WORST Scenario:  (No one would want to be in this position)
Parents use up retirement funds but was able to send kids to school.
- For some reason, kids cannot provide for the parents. San kayo lahat pupulutin?

4. Compromised Scenario:  (This is my suggested route to avoid #3 above)
Parents prioritized the retirement fund, kids helped in their own schooling
- Kids graduated man o hindi, can do whatever they want and have the OPTION to take care of parents or not.  Kahit successful or hindi successful ang anak, you as a parent can still stand on your own. At kung may extra ka bilang parent, you can also help your kids or others. Remember at this age, you are most likely in your 60s-80s, retiring na, so mahirap na magkaron ng income (unless you have your own biz)' while your kids are still young in their 20s, has a full 40-60 years of future ahead to work for.  Kids get to experience and enjoy life, Parents get to enjoy their retirement.

« Last Edit: June 19, 2014, 08:18:25 am by Girltalker2 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close