watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 192044 times)

Purple_Power

  • Guest
Len0523 Tanong ko lang. Bakit sila naging second family mo? Deceased ba ang father mo or they were separated lang? I am thinking otherwise kasi na kaya nasabi na lang basta ng bf mo na hindi mo obligasyon na buhayin sila kasi second family naman sila meaning bakit hindi ang mother mo ang magbigay ng responsibility sa kanila? Parang ganun kasi siguro ang meaning niya. How soon ba are you planning to get married? Maybe your bf is worrying at the same time which is kind of understandable naman. Pero kung kaya naman paghatian yun why not. Siempre ang gusto niyang mangyari is magfocus kayo sa family lalo na kung mag-aanak kayo. Mas maganda nga to make sure na secured muna ang family mo before getting married mahirap kasi na kapag nakadepende sila sayo practically speaking siempre doble gastos niyo baka kinakatakot rin ng bf mo is maging obligasyon na rin niyang magbigay sa mismong family mo.

Len0523

  • Guest
End of this year Sis. Pero OMG. No concrete plans yet. Pero madali na kase yun as long as the budget is ready. He's asking hanggang kelan mo ba sila tutulungan? Hanggang kelan ba sila aasa sayo?
Separated lang mom and dad ko. Pero I grew up with my stepdad. Na nagsupport naman sa pag aaral ko. Kaya in return nagpatayo ako ng bahay para sa kanila bilang pagtanaw na din ng utang na loob.
I've been doing this for almost 3 years na. Dapat early this year pa kami nagpakasal. Since wala pa nga daw sa hinagap ko kaya ayun nauudlot. Pero he said we will naman my mom but not on a regular basis. If needed lang daw. So baka ako lang talaga may fault dito. Baka nga sobra sobra na yung ginagawa ko.

Girltalker2

  • Guest

^ Sis, walang masama tumulong.  At agree ako sa sinabi mo na 'normal' yun pagtulong sa mga Pilipino, kaso it does not mean it is right.

Feeling ko kasi ang bahay, necessity man, puede naman gawan ng paraan. 

Bad news for you sis ---  sa lahat ng cases na alam ko na sinasabi nila na ilan taon nalang nila tutulungan ang family nila, most cases ha, it extends to a lifetime tulong.  Kasi pag pinutol mo, ikaw ang masama, ikaw ang nagbago. Ikaw naman being so used to helping them, mak konsyensya ka because it is part of you to help them.  So it is really a vicious cycle.


lonelymiss28

  • Guest
^true, ang pinakamagandang maitutulong natin sa pamilya natin ay turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa, kung hindi habang buhay mo silang bibigyan at pag huminto ka ikaw pa masama.

For my siblings, tinutulungan ko sila makapag-abroad, mga hipag ko mag-business. Pero hanggang doon lang, never akong nagbibigay ng pera na hindi related sa mga bagay na yun, and I only help once, pag di sineryoso pag-aabroad or business then hanggang dun lang tulong ko.


cloudzy_09

  • Guest
Siguro mas maganda kung mag meet in the middle kayo ng bf mo about sa pag tulong sa family mo kung gusto lang naman niya makita ka nag iipon para sa future ninyo kausapin mo family mo na mababawasan ng onti yung bigay mo para may ipon ka din. Kailangan talaga mag kasundo kayo ng hubby mo about sa pag tulong sa family mo kasi pag kinasal kayo naku big time away yan. At the same time baka mag sawa si bf at umurong sa kasal.

mslcgrey

  • Guest
sis Len0523, i do understand na tumatanaw ka ng utang na loob especially as you have said, stepdad mo ang nagpaaral sa iyo. based sa kwento mo, you are also quite happy in helping them.

question, i guess buhay pa ang stepdad mo, wala na ba syang work and he can't pay for his own child schooling? as in lahat ba ng needs nila ikaw ang gumagastos like utility bills, food, aside sa pagtulong mo sa studies and pagpapatayo ng bahay? if that is the case, well, medyo sobra nga. (my own opinion lang)

tama yung ibang sis natin dito, yung ilang years na yan most of the time that does not happen. so dapat may limit ka especially if you want to have your own family in the future.

siguro, if close ka naman sa stepbrother mo, remind mo lang siya na mag-aral ng mabuti at huwag magloko, kasi after he graduates, graduate ka na rin for helping him.

the 100k needed for the house, how soon can you come up with that amount? siguro dapat magsabi ka na rin sa mom mo after that house eh plan mo naman magconcentrate on your own house. para mapilitan ka, then magplan na kayo ng bf mo na kumuha agad ng sarili nyong house para no choice ka but to help in paying that as well as pagbili ng gamit for the house.

medyo ganyan kasi ginawa ko, para sure na di na ako required to pinch in, nakita nila na may iba akong dapat bayaran. once in a while, humihiram mom ko sa akin but alam niya rin na she have to pay me back kasi may pinag-iipunan din kami mag-asawa which is our Christian wedding this december.

but i'm generous with them. kapag may special occasions, we treat them. kapag bday, kahit cake lang may ibibigay kami. if si mama ang may bday, either maghahanda kami sa bahay like we did last year or dine out as what we plan to do this year. sagot namin mag-asawa yun. though fortunately for us, small lang family namin. right now, mom, my niece, and my bro lang ang nasa house. my other 2 sisters are in abroad but di ganun kalaki ang salary nila.

i hope your mom is understandable enough to get this. marami rin kasing magulang sarado ang pag-iisip regarding this issue. ako, i know, i'm fortunate to have my mom na kahit i know marami siyang faults, she let us do our own thing regarding our lives especially if nakikita niya na hindi naman kami napapariwara.


Kimbap16

  • Guest
Eto ang madalas naming pag awayan ng asawa ko..

 May trabaho naman kasi ang mga in laws ko dati..4yrs ago, Nag resign sila ng sabay dahil ayaw daw nila ang ugali ng boss nila.. Meron silang 2 bahay. Yung una, dun nakatira yung mga kapatid ng hubby ko (isang may asawa at 2 anak at isang 2nd yr college), yung isang bahay naman, rest house lang nila.. Dun nakatira yung in laws ko sa unang bahay nila, hanggang sa nag away yung wife ng brother in law ko at yung mother in law ko... Kaya lumipat ang in laws ko sa rest house nila sa bulacan..it's their decision.. Para daw less away...  Ang problema, dahil nakahiwalay sila ng bahay, ang gusto nila weekly silang dalan ng pagkain, pambayad ng kuryente, tubig, gamit at allowance. Yes. Weekly.. Ayaw ipa LBC ang pera dahil ayaw nila mamalengke para bumili ng pagkain nila... 54yrs old lang ang mga in laws ko and yet they feel na sobrang weak nila at di na makalabas ng bahay para mamalengke. Kainis! One time, nagulat ako dahil they're asking my hubby to give them 5k para magpa albularyo at kinulam daw sila... Eto naman si hubby, bigay agad para daw walang masabi ang parents nya.. Imagine, 5k para sa albularyo? Ayaw sa ospital dahil di naman daw sila gumagaling. May rayuma at high blood lang naman sila pareho.. Haay..  Pag ayaw silang bigyan ng hubby ko dahil kulang sa budget at may sakit ang mga anak namin, nagagalit sila.. Kung ano ano sinasabi kay hubby na masama at pinag babantaan ang asawa ko na magpapakamatay nalang daw sila.. Haayy! Nagtutulungan ang hubby ko at ang bro in law ko sa pagbibigay ng sustento sa kanila at sa kapatid nilang bunso.. Eto pang bunso nilang kapatid na walang ginawa kundi manghingi ng pera... Hingi ng pera pamasahe, pambaon, pang project, field trip, ultimo pang date hihingin.. Ayaw mag trabaho at maapektuhan daw pag aaral nya.., duh? May panahon nga syang mambarkada at mag gf tapos ayaw magbanat ng buto? Pinag usapan na namin ni hubby to at ang sinasabi lang nya sakin lagi, magpasalamat nalang daw ako at maayos ang buhay ng parents ko... Sagot ko naman, syempre, masipag pareho ang mga magulang ko at habang sinisecure ng parents ko ang future namin, sinesecure din nila ang buhay nila.. Para daw di sila hihingi ng pera samin pag may pamilya na kami lahat... Hehe..

My hubby is trying to give them a sari sari store. Para daw may pag kaabalahan at di na hihingi lagi sa kanila.. Eto namang mga in laws ko, ayaw tanggapin.. Di na daw nila kayang mga benta benta at matanda na daw sila.. They're only 54 yrs old... Haay! At isusumbat pa kay hubby na nung panahon na nag aaral daw sila (hubby and his bros), di daw sila nagrereklamo sa gastusin at never daw silang pinag trabaho habang nag aaral.. Bakit daw ngayong maganda na ang trabaho ni hubby, puro sya reklamo sa pag sustento sa kanila.. Haay! Bakit ba may mga taong ganun ang pananaw sa mga anak nila... Na kailangang suklian lahat ng ginastos sa anak...  :'(


mrsdee

  • Guest
can relate much kasi ako rin ang pinagkukunan ng parents ko but it's actually a distorted thought because the truth is, instrument lang ako ng God Almighty. He is the Great Provider. I know it's a bitter pill to swallow, lalo na when parents get too demanding. Pero sa ganang akin, especially now that I have a son already, kung anuman ang nararanasan ko, I don't want him to experience the same so I am also securing my retirement. :)

Purple_Power

  • Guest
Napapansin ko rin sa karamihan na nagpost rito is kapag yung anak binibigyan ng pera para sa puhunan sa negosyo ayaw pang tanggapin ng magulang?  :o Wow lang ha? Yung iba nga ang nangyayari pinanggastos na rin nila. Yan na nga yung mismong way ng pagtanaw ng utang na loob pero ano ginawa ng magulang? Tinanggi nila yung utang na loob na hinahangad nila. Saka natural hindi dapat magreklamo ang magulang sa gastusin nila sa responsibilidad sa anak dahil ginusto nila yan diba? Ang problema kasi sa mga humihingi ng kapalit eh kapag binigay niyo na gusto nila aside from the fact they will demand for more magrereklamo pa rin sila. Unlike yung parents na hindi humihingi ng kapalit sila pa itong nahihiya sa mismong offer ng anak sa kanila. Parents should ask help in proper way with respect to their child hindi yung parang pinamumukha mo sa anak na dapat siya tumanaw ng utang na loob. I don't know if napost ko na dito before yung sa akin although not so much big deal, kasi yung mom ko dati she is complaining na hindi raw ako nagbibigay ng gift kahit christmas card man lang to show gratitude. I told her na in my own expense I cooked last Christmas so parang gift ko na yun pero nagreklamo pa Nanay ko na wala pa rin yun. Grabe ha!  :o I am really offended with that. Kaya hindi ko rin sinunod yung sinasabi niya na I should give kasi nararamdaman ko yung sobrang pressure eh! At saka kapag nagbigay ako alam ko naman na yung susunod na magrereklamo pa rin sila. Noon pa lang naisip ko na magbigay sa kanila pero there are things na madali lang talaga ako maturn off o masiraan ng momento kasi kapag ganun ang nangyari sa umpisa I will never do what I am sincere to do at kapag sinunod ko yun hindi na manggagaling sa puso ko yun kundi sobrang napilitan na ako for the sake lang na manahimik sila. Ayokong gawin ko yun and that is my choice.

nicola_juliano

  • Guest
My mom and dad has this mentality. I could feel it to my Dad. My mom naman, she tell this and that to my sister (ako kausap at kaharap, hehe). Nagretire na si dad and they have savings left but it's enough for his retirement (though I'm not sure how much). My mom is a proud housewife. My sister is a single mom.

MY CHOICE is to help them in their everyday needs and I know my sister can't help me right now to sustain those needs. Pero na-feel ko na nagiging obligasyon na sya right now because wala naman sila makukuhanan to sustain their needs. Pero ayos lang sa akin yun. Hindi yun pambayad sa lahat ng paghihirap nila to sustain our needs since bata pa. Honestly, this is my number one problem now. I'm concerned na kapag nag-asawa at nagkaanak na ako, baka hindi ko sila mabigyan--which I don't want to make that happen. Ayaw ko mangyari sa punto na sila mismo yung humihingi to me. Ang awkward tingnan. Ayaw ko mangyari din na iparamdam nila sa akin na obligasyon ko ang magbigay. Mas magandang kusa ka na lang magbigay. I love them so much and I want na maging masaya naman sila sa buhay nila habang sila ay nabubuhay. Because dad used to be a seaman, puro dagat nakikita nya and he's staying there for a longer time para sa amin. My mom, on the other hand, always stay sa house, never gumala. Kung gumala hanggang SM North lang. Yun lang. Gusto ko sana ipa-experience sa kanila ang ganda ng buhay, maganda Pilipinas, masayang mabuhay because somehow hindi nila naramdaman yun dati. PANGARAP KO YUN FOR THEM. Pangarap kong makapunta sila sa iba't-ibang lugar sa Pinas.

Right now, I'm doing my best to make it happen. Na ma-enjoy nila ang buhay. Somehow, I was able to sustain the expenses of going to different places. So far, 3 places pa lang napupuntahan namin. Medyo mahal expenses kaya tatlo pa lang so I'm doing my best para magawa ko sya--FOR THEM. Like hindi ako maluho, limit ang trips with other friends, do my best sa work, do my best sa sidelines, and etc. Mahal ang gumala ngayon and I know mahal yung pangarap ko for them. hehe. We don't have trip this year dahil nag-iipon ako ng bongga for a new trip next year. Kaya ko yan! I can do it! hehe.

In the end, it's your CHOICE if you will give money or sustain their everyday needs. And my CHOICE is to live with them right now (I'm not sure if I get married), sustain their needs, and do my very best na makapunta sila sa ibait-ibang lugar.

I hope yung some part ng story ng life ko and insights ko somehow help others here. :-)

I <3 my PARENTS.  Period. :-)

Cheers,

burgundy

  • Guest
Obligasyon' is a harsh word, LOL. If your asking if its an obligation to support them financially, the answer for me is NO. :) Although Its the parents obligation to take care of their kids, but not vice versa. kaligayahan na sa mga parents pag-lumaking mababait at mapagmahal ang mga anak nila. Bonus na lang pag-naging galante pa!  :)
« Last Edit: September 14, 2013, 12:50:09 pm by burgundy »

Mama G

  • Guest
Napakaswerte ko dahil hindi ganyan parents ko. Bago ako mag-asawa, ang tanging itinoka sa akin ng parents ko eh cable na parang less than 1k lang yun noon pa. Sa ate ko naman, pldt. Kuya ko, hindi nila tinokahan kasi nag-asawa sya nung naglo-law school pa sya meaning nung nagkawork sya, may obligasyon na sya sa sarili niyang pamilya. Nagkataon lang siguro na hindi kailangan ng magulang ko ng tulong dahil malakas kumita father ko. Ngayong may asawa na ako at dito kami nakatira sa kanila, hinihingan lang nila ako ng pandagdag sa kuryente 1-2k max para sa konsumo namin ng kuryente na pandagdag lang. Sila pa nga ang nagbibigay- bigay pa rin sa aming magkakapatid kapag may kailangan kami. Never kaming inobliga magbayad sa mga ginastos sa pagpapalaki samin.

Sa case naman ng husband ko, naondoy kasi sila and since then parang nahirapan na bumangon in-laws ko dahil washed out [textspeak!] poultry nila kaya since nagwork si hubby, inobliga sya magbigay ng 3k monthly, ate niya(since malaki sahod) 9k naman. Mag1year na kaming kasal ng husband ko pero di ko alam kung ano naging usapan nila ng mom nya kasi nagstop na sya magbigay kahit naman sinabinnya sa akin bago kami ikasal na nagsabi sya sa mom nya na itutuloy pa rin niya yung 3k monthly. 3 months ago naman, yung older brother nya nagstart na magwork, yun naman ang hiningan ng monthly( kaya siguro inistop na yung sa husband ko kasi may pumalit nang mag-aabot.

Sa tingin ko, kaya lang nanghihingi ng "bayad" yung ibang magulang eh pwedeng gusto lang nilang mafeel yung konswelo.. Yung iba naman, talagang wala namang source of income kaya binabatas nila mga anak nila.. O yung iba naman baka gusto lang nilang turuan ng konsepto ng pagtanaw ng utang na loob mga anak nila.

Swerte kami ng husband ko dahil reasonable parents namin and until now, di pa rin sila tumitigil sa pagpapafeel na sila ang magulang at sila ang dapat nagproprovide sa mga anak not out of obligation but out of malasakit at paggabay sa anak kasi wala pa rin silang tigil sa pagbigay samin ng mga gamit lalo na para kay baby. :)

aira416

  • Guest
In my case nung aaral marunong na akong dumiskarte sa buhay hanggang nakapagtrabaho ako at lagi akong tumulong sa maliit man o sa malaking bagay kasi mahal na mahal ko ang pamilya ko  pati mga pamangkin ko..pag may blessings ako share ko lahat sa kanila hanggang ngayon,nagka problema lang ako sa magulang ko malaki sahod ng papa ko 30k a month nung ako nalang isa ang nagaaral lagi pa akong promissory at pinapalabas kasi di ako nakabayad sa skul pero hindi ko maintindihan mama kung bakit ganun siguro dahil sa dami niyang utang isang linggong utang kaliwa kanan..kasi lahat ng sahod ng papa ko si mama ang humawak pati grocery wala basta mabili lang niya pangangailangan ng papa ko ok lang sa kanya sa sapat na..minsan wala pa kaming bigas at ulam kaya di ko maintidihan sa laki ng sahod ng papa ko at hindi pa siya makabayad ng kuryente at tubig yun na ang kinalakihan ko kaya nag sumikap ako para sa sarili ko,4 kapatid kung lalaki puro na nag asawa lahat at ako ang nagiisang bunsong babae at may mga trabaho kahit papano at yung isa lived in sa magulang ko pero tumutulong kahit papaano kahit unti unti.nung marunong na ako mag chat sa internet may nagbibigay sa akin kahit hindi ako humihingi pero sinishare ko sa pamilya nag grogrocery na ako..at nawala yun nag trabaho ako sa batangas kahit walang wala na nag text sa kin mama ko kung pwede hingi siya ng 500 para bayad sa utang niya binigyan ko na walamg salita kasi mahal na mahal ko mama ko.umuwi ako sa amin ganun parin yung situation nila walang ulam walang bigas kahit stable naman yung job ng papa ko as ive said 30 k a mos.nakahanap ulit ako ng job  tapos may nainvest na alahas nung nag kaproblema mama ko sa kuryente dahil wala xang pang bayad lagi nalang halos buwan mag advance ako sa amo ko or sanla ko alahas ko same thing lang talaga ang situation lagi dahil hindi siya hinahapan ng sahod ng papa sabi niya dahil. Marami daw kami sa bahay yun lagi dinadahilan niya eh hindi na man bumili ng grocery isang beses pang ulam for 3 days pag may sahod si papa after 4 days wala balik sa dati hanggang sa naka pag asawa ako ng forener mabait sinabihan nila ako na manghiram  ng pera pangbayad sa bahay namin for 250k in peso pero di ako pumayag kasi kakasal pa namin nun dahil ayaw kung  masama yung tingin ng asawa ko akin at may malaki akong respeto sa,kanya kahit di ko pa siya masyadong kilala..naging proud sila  hindi para sa akin na maging maayos ang buhay ko kundi para sa sarili nila na may anak silang pupuntang amerika at nakapag asawa ng puti.pero di ko parin sila pinabayaan nag trabaho parin ako kahit nagpapadala asawa ko at iniipon ko yun nung kukunin na ako ng asawa ko papuntang america yung naiipon bili ko ng ticket at binigyan ko mama ko ng 18 k sabi nya ito lang daw tapos binilhan ko din pamangkin ko ng laruan lahat sila 10 pamangkin pero binilhan ko yung iba ng cp at laruan para maalala nila ako lahat kasi mahal na mahal ko sila at mama ko ng 18 k bukod pa dun binilhan ko sa oven yung pang luto ng cake ate pinalagyan ko siya ng pustiso up and down..lahat bigay ko nung nandito na ako sa america hindi ko pa rin sila pinabayaan wala pa dalawang o wala pa ako nakapag adjust nagparirinig naman sila na walang pera pero every 15 days may sahod papa ko 15 k..kaya di ko sila maintidihan nag taka asawa ko bakit daw ako umiiyak kasi ayaw ko humingi sa kanya para sa pamilya dahil alam ko hindi responsilibidad yun alam ko yun dahil sa awa niya sa akin at ayaw niya ako malungkot pinadalhan niya agad...hindi lang yan isang beses marami ng beses kami nagpapadala kahit halos maubos na savings namin maliban pa dun may mga package pa.nung dumating na nagkasakit si mama padala kami ng padala everyweek walang reklamo o ni hindi ko hinihingian  mga kapatid ko kasi naintidihan ko sila ok at hindi din sila humihingi sa kin dahil,alam nila para sa magulang namin lang ako lahat gumastos ng gamot niya..ng nagkatrabaho na ako nag retire yung papa ko 1.5 milyon yung natanggap nila nakiusap ako sa kanila kahit 1 or 2 buwan wag muna ako magpadala para naman may ipon kahit kunti pero ni hindi pa nila ako pinatawadn..at tinago pa nila yun sa kin nalaman ko nalang ubos na..humingi pa sila ng pera pang bayad ng pang asikasong papers ng bahay at bayad sa buwis binigyan ko na walang niisang salita na narinig nila or reklamo dahil magsahod kami 2 beses sa isang buwan yung unang beses para sa kanila lahat yun papunta sa kanila at yung pangalawa para sa asawa tulong sa pangbayad ng bills namin kasi nagaaral pa siyanat walang trabaho at kalahati para sa sarili ko nama at minsa pa nakikiusap pa ako sa asawa ko na di ako magbigay muna kasi may emrgency sa bahay..naintindihan ko asawa ko forener at gusto ko makapagtapos siya ng  pagaaral kaya nag titis kami pero tumutulong parin ako sa magulang ko .nung nakatanggap sila ng milyon tinago nila lahat sa akin yun nalaman ko nalang ubos ni wala tinitira ni singko sa  bangko binigyan nila kami mga anak 25k lahat kami pero yung sa kin nilagay " daw" sa bangko pero alam ko sa looblooban ko walang laman yun.take note nagpapadala pa rin  ako every mos 12 to 15 k  para lahat sa bills nila tubig at cable grocery at may maid pa sila ako ang nagbayad internet..ngayon apat na buwan na nilayasan sila ng maid ni hindi nila sinabi sa akin at ngayon lumala na ang] situation at hindi ko na sila kaya kasi lumabas na lahat yung totoo kasi sabi ko nun na sakanila lahat dapat mabayaran lahat ng bills at wala na kayong utang para focus na ako dun ngayon nung di nila naayos yung padala ko so dun ako sa panganay nagpapadala sobrang galit nila sa akin at sa kuya bakit daw sa kanya tapos para daw silang nililimusan para walang gulo at di na magtampo magulang ko binalik ko sa kanila ang pagpapadala yun at nag promise nila sila naayusin. Na pero 4months tinago nila na lumayas na ang maid namin dahil may attitude ang papa ko tapos ngayon nagkautang utang na naman sila at yung mga bills di nababayaran at sumali pa sila sa net working na herbal life na sobrang mahal tapos gusto nila mag invest ako at hindi ako pumayag nagalit sila sabi ko bakit kailangan nyo pa yan kung magrelax nalang kayo at  at may sarisari store dun nalang kayo mag focus. Lahat ng nito nalaman ko sa mga pamangkin ko at sa dalawa kong kapatid at sinabihan pa kami na mga walang utang na loob at kampon daw kami ng diablo dahil nag sipsip daw yung kuya ko sa akin naawa ako sa kuya nakatira sa kanila kasi iniinsulto na nila pati mga bata nadamay nah...bakit pa daw kailangan kung malaman na lumayas yung maid.at bakit daw sinabi lahat ng kapatid ko.nung tumawag ako sa phone kausap ko mama ko dahil sobra na sila sumigaw pa papa ko hindi daw niya ako kailangan kahit ngayon daw wag na ako padala..pero nga para silang nabubuang dahil wala na silang pangbayad sa utang bills nila dahil hindi na ako magpapadala at dahil ubos na yung  milyon ng magulang ko binayad sa bahay at nagpapaayos sila ng bahay kahit di nakailangan bayad sa hospital mama at bayad ni mama sa utang..kasi gusto nilang dalawa mayaman sila sa lahat at tingin ng mga tao sa kanila.at sa akin kawawang kawawa sila sa paningin ko...at ngayon talagang wala silang ipon...sa tingin nyo masama ba ako anak para ipagtabuyan nila ako at  pati asawa ko dinamay pa nila wala daw trabaho at walang pera at  maliit lang daw pinapadala ko 15 k a month.at sinisisi pa nila mga kapatid ko dahil sinabi nila lahat sa akin...ay diosko patawarin mo ako kung naging masama akong anak

Wala naman akong isyu sa pagpapadala ang akin lang sana ayusin ang buhay nila at mababayaran yung mga bills at may grocery sila pangkain araw araw.saka yung sa maid pwede naman nila ako kausapin bakit di nila ako sabihan bakit kailangan pang itago.binuhos ko lahat ng luha ko para sa kanila bago ako nakipagusap dahil ayaw ko silang masaktan pero sinaktan nila ako sobra nah.nagpakahirap akong nagtrabaho kahit maysakit pumasok para may maipadala kaya naman akong buhayin ng asawa ako kahit di ako magwork pero dahil sa kanila gusto kung tumulong at makatulong dahil mahal na mahal ko sila wala akong hiningi kundi ayusin nila buhay nila at wag maging pasaway.at mabayaran yung needs nila at maging maayos sila.at malaki bahay nila ha maayos hindi talaga yung tipong magulang na dapat tulungan ok lang siguro kung magsasaka o magbubukid or hirap na hirap sa buhay pero hindi eh pag sa harap ng mga kaibigan nila bongga kahit wala lagi nagpapakain bongga ang okasyon imbitado sa lahat halos lahat ng tao sa subdivisyon nadun pagnakakaproblema kaibigan o kapatid nila nagpapautang kahit wala na matira sa kanila pero sa akin lagi nagpaparinig walang pera akala ko natuto na sila nung nagkasakit si mama walang walang ako nagmamalimos ako sa mga kaibigan para panggamot niya kasi wala pa akong work nun pero parang lumala pa yung kayabangan pa nila ngayon..ano yun? At masama na ba ako?
« Last Edit: October 09, 2013, 01:26:48 am by aira416 »

lisse

  • Guest
^sis, hindi ko na binasa ng buo. opinyon ko lang ha, hindi mo dapat kasi sila sinanay ng ganyan. when you look right down to it, talaga bang nakakatulong ka sa kanila ng ganyan na isang hingi bigay agad kahit meron naman silang pagkukunan pero hindi na natuto magdisiplina or magbudget? sa tingin ko hindi nakatulong eh. kasi ang tulong na binibigay mo, hanggang dun lang sa pag-address ng kailangan nila nung time na yun. pero kung tinuruan mo sila ng leksiyon - wag umasa sayo - malamang siguro kahit pano natuto silang dumiskarte sa buhay. at yun, yun long term ang epekto non sa kanila. hindi ko dina-down ang pagtulong mo sa pamilya mo. kung jan ka masaya, e di okay lang. iba-iba aksi tayo ng prinsipyo sa buhay eh. ako mas nanaisin kong magalit sila sakin ngayon pero matuto naman sila sa buhay. eventually mare-realize din nila na para sa kanila yun especially pag wala na ako kasi kung magkaganon man, I can rest easy na hindi gutom aabutin nila. sis, hindi forever nanjan ka for them. sana lang matuto sila habang hindi pa huli.

aira416

  • Guest
Uu sis,na realized ko na ngayon kung bakit ko sila inispoiled at kasalanan ko dahil sa sobrang mahal na mahal ko magulang ko kaya galit nagalit sila ngayon kasi hindi na ako magpapadala dahil sa ugali nila at sa isang hingi bigay talaga para silang one day millionaire at gusto nila sa tingin ng tao mayaman sila at sa akin dumadaing at naghihirap sila...


Kaya ngayon natauhan na ako at may paborito pa silang anak kahit isang kilong isda bigay sa kanila masaya na agad sila pero sa akin kahit buwanbuwan nagrereklamo pa dahil kulang.
« Last Edit: October 09, 2013, 05:12:30 am by aira416 »

rainbowmom

  • Guest
hello to everyone.  nakaka relate ako sa topic na ito at natutuwa ako may ganitong discussion at least mailabas ko ang saloobin ko.  ang hirap kase kapag nasa abroad ka, at walang makausap at masabihan.
yung husband ko kase ang parents nya parehong retired na.  dati pang housewife ang mom, ang dad naman maagang nag retire ng work sa saudi.  wala silang naipundar na house at pinatira lang ng kapatid ng mom na nasa abroad.
dumating sa point na may conflict at naisipan nilang lumipat ng house. nagulat ako kase nga wala naman silang pambayad ng rent, 12k a month! bakit may mga ganung magulang na nagpapadala sa emosyon, at ang kawawang mga anak magpasan ng consequence.
may kapatid si husband na nurse working abroad. at kahit pa sabhin na hati sila sa rent, di pa din talaga ako convince. kase si husband ko na ang nagpapadala ng monthly panggastos nila, si nurse naman ang nagbabayad sa kinuhang lupa. so ngayon dagdag na bayarin sa pa sa magkapatid yung renta ng bahay.
galit ako, pero di ko masabi dahil lalabas akong kontrabida at di maunawain.  pero kase gusto ko maiparating sa mga inlaws  ko na di obligasyon ng anak buhayin sila. dapat pinaghandaan nila ang kanilang pagtanda. sana nakipagayos na lang, at nag stay sa tirahan tutal wala naman silang pambayad ng upa.

theshopaholicprincess

  • Guest
^ sis, 12k a month is already big for a rent... pwede ka na nga bumili ng bahay at magbayad nalang ng monthly na mas mababa dyan especially kung nasa Pag Ibig loan. Sana konting consideration na kahit nag rent sila eh yung medyo mababa dyan. Kausapin mo rin husband mo regarding sa issue na yan.

Samin naman my husband supports his parents and before naman kami ikasal napag usapan namin na continue nalang kasi may edad na rin parents nya. Nagbibigay si hubby sa kanila plus pag nag grocery kami sinasama namin sila sa pamili ng basic items like bigas, bread, milk, fruits and even toiletries kasi konti lang naman. Saka yung MIL ko naman rumaraket yun ng pananahi pag free time nya so technically hindi talaga sila fully nakaasa samin. Yung ibang kapatid ng husband ko para ata nakalimutan nila na may magulang sila. Ayaw naman akuin ng husband ko yung full responsibility dahil for sure aasa lang yung iba nyang kapatid na walang pakialam sa parents nila pero hanggat kaya namin magbigay eh hindi issue saka alam ko naman magkano inaabot ng asawa ko parents nya. Isa pa sila din nag aalaga sa anak namin kaya ok lang din sakin. 
« Last Edit: October 17, 2013, 12:39:40 pm by theshopaholicprincess »

cmax

  • Guest
Sa ngayon we don't give sustento to both sides since our parents can manage pa naman pero we are saving for their rainy days. Para pag kelangan na nila, meron agad maiaabot.

Touchy ako sa ganitong subject kasi ang dami kong nawitness na mga kaibigang naging parang slaves ng family nila financially. Yung tipong silang mga breadwinners ang nanghihingi ng baon, nagpapacked lunch at hindi makasama sa paglabas-labas dahil sila ang natitipid sa sarili nilang sweldo. Walang masama kung magsusustento sa magulang basta wag naman maagrabyado yung bumubuhay.

Isa isa mga pinaghahandaan namin ni hubby ang financial future namin pag nagretire na sya. Kasi sa tingin ko isa ito sa pinakamagandang pamana namin sa mga kids - financial self-sufficiency pag tumanda na kami.

sima

  • Guest
One of the reasons why husband and I save is also for our retirement.  We do not and will not oblige our kids na buhayin kami after nilang makapagtapos.  We want them to enjoy the fruits of their labor.

theshopaholicprincess

  • Guest
Yan din palagi ina-advise ng parents namin samin... save for our retirement and wag aasa sa anak pagdating ng panahon. Sa akin I don't have issues on him helping his parents kasi hindi naman talaga fully asa parents nya. Basta ang usapan namin unahin muna lahat ng dapat paghandaan, savings para sa anak namin and yung for the future namin.   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close