watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191974 times)

jmeangeL

  • Guest
Wala na pareho ang parents ni hubby, but he has 8 siblings.  Of the 8, only 2 are doing OK in life.  Kami ni hubby ang well-off since we both have high paying jobs and he's an OFW.  Dito kami sa parents ko nakatira and since 2 lang kami magkapatid, ok lang sa mom ko.  Dad is also an OFW kaya while saving for that big ticket item, house purchase, sama-sama muna kami sa bahay.

Maagang nag-asawa ang mga kapatid nyang babae at mga hindi nakapagtapos.  Iyong bunso nilang lalaki ang pinag-aral namin ng college.  I don't mind paying for his tuition and allowance while studying in Manila.  Maliliit pa naman ang kids namin noon, and sending him to college would give him a better chance of standing in his own 2 feet after he graduates; and graduate he did last year.

Minsan nahiram ang mga kapatid nya.  Maliliit lang naman, like 1k to 5k at never madalas.  I don't mind giving the money to them and never did I pressure them to pay it back.  Nakakatulong rin siguro na malayo kami sa kanila kaya mahirap hingian ng madalas.

Bata pa ang parents ko kaya di ko pa siguro iisipin ang pag-aalaga sa kanila.  Malamang mangyayari iyon by the time na college graduate na ang mga anak ko.  I won't mind taking care of them by then.  Matanda na rin kami ni hubby nun.  Sana retired na kami and enjoying our retirement.

For all of that to happen, ngayon pa lang nag-iinvest na ako ng pera for the kids' college and our retirement fund.

It's all in the planning and doing the money talk with your husband.  Pagtanaw ng utang na loob ang alagaan mo ang magulang mo sa pagtanda nila.  Swerte mo kung napaghandaan nila ang retirement nila.  Pero alam naman natin na ang buhay noon mas mahirap talaga ang magulang sa anak.  Education lang ang pamana nila.

andy2014

  • Guest
feeling ko it's so pinoy talaga. Minsan na lulungkot sa news kunyari their daughter/son dies, tapos sasabihin agad ng parents while crying na "sya lang po kasi bumubuhay sa pamilya". sorry pero sometimes it makes me think bakit ba sila umiyak kasi nawalan sila ng anak or kasi nawalan sila ng bread winner? so sad lang.

nageinna

  • Guest
ako rin i know a lot of people na sila parin nag susupport sa parents nila even they're married na. i think yan yung isa sa pinaka mahirap na situation. filipinos are known to be family oriented so hindi talaga maiwasan na magbigay sa parents/family even may sarisarili nang pamilya. and malaking issue din to sa mga mag asawa. sensitive issue din to for me since i grew up close sa family ko. especially sa parents ko. kaya siguro kung sa akin man mangyari yun hihingian ako ng parents ko hindi talaga ko makakatanggi.

lucky us, never naman naging issue yung pagbibigay sa parents. first, parents ni hubby well off naman, they have their own money and business. sila pa madalas nag bibigay kay hubby ng panggastos.

sa side ko naman, both my parents may ipon. they never asked anything from us. but kami nagbibigay ng kusa. hindi naman palagi. like pag may occassion, birthdays, christmas etc, we give them money as their present. medyo malaki na binibigay namin kasi madalang lang naman kami nag aabot. and never naman naging issue samin ni hubby yun. siya pa nag eencourage sakin to give more sa parents ko. every month daw para they can do shopping once a month at least. but ayaw naman nila tanggapin. so pag may mga pasyal, out of town trips, libre na namin magkakapatid yun sakanila.

ok lang siguro magbigay, afterall family parin. but i agree dapat we should know our priorities. once nagkaron na tayo ng sariling pamilya, i think it should come first before anything else. ang hirap bumuhay ng dalawang pamilya ng sabay. minsan nga hindi lang dalawa kasi pati pamilya ng mga kapatid mo eh binubuhay mo rin.

heybeybey

  • Guest
Hindi ito obligasyon... Kusang loob at appreciation lang siguro... Infact hindi tayo makakrating kung nasaan man tayo kung di dahil sa kanila... Isipin niyo nalang pano na sila kung wala tayo. Matanda na sila... This is my opinion lang naman mga sis... Kahit di naman ako inoobliga ng mama ko kusang loob akong tumutulong dahil gusto ko at mahal ko sila. Time is gold i believe.

chedz.03

  • Guest
Yung mga officemates ko na foreigners actually pag nalalaman nila na ganito ang madalas na ginagawa natin for our parents eh minsan humahanga sila or they find it weird. Kasi nga naman sila madalas pag 18 na alis na sila sa family house and hindi nila inaako na suportahan yung parents pagdating ng time na matanda na sila. Madalas daw nila kasi naririnig sa mga OFW na they are working abroad for their parents, siblings etc kaya hindi sila makaalis sa employer kahit maliit ang sahod or pangit ang management. Pero for me, i feel proud pa nga na I work mainly because I want to give monthly allowance for my parents. Kasi they are the type naman na hindi nakaasa samin mga anak. Kahit paano napaghandaan nila ang pagtanda nila. Masarap lang talaga magbigay sa parents lalo nakita ko kung paano nila kami itinaguyod ng kapatid ko. saka sila kasi yung tipo na hindi palahingi kung magbigay kami o hindi eh ok lang. Kaya mas lalo ako natutuwa na bigyan sila. Kabaligtaran sa side ng husband ko hindi man nila sinasabi pero halos sa husband ko na nila iasa ang lahat. Kahit nabigyan na sila ng sasakyan pangkabuhayan eh nagpapadala padin sya monthly.
« Last Edit: November 01, 2013, 03:10:18 pm by chedz.03 »

jmeangeL

  • Guest
^---the thing about other nationality is that they do move out of the house at age 18... at hindi lahat sila umaasa na pag-aaralin hanggang uni ng mga parents nila

you're lucky if your parents would spend for your degree.  usually sa US, they work for their degree or use college fund loans

sa pinas, pag-aaralin ka talaga ng parents mo until college at makatapos.  then after that, we don't move out of the house.  doon pa rin tayo nakatira sa bahay ng parents natin.  umaalis lang kapag may sarili ng pamilya, pero madalas hindi rin.

bakit? kasi kahit magkaroon ng work, hindi sapat ang sweldo para buhayin ang sarili.  syempre, since may trabaho na tayo, kung uupa tayo ng sarili natin tirahan, mapupunta pa sa ibang tao ang sweldo natin (pambayad sa upa) kaya sa magulang na lang i-abot.  isipin na lang na upa mo yon for that month.  at least free pa rin ang food, kuryente at may taga-laba ka pa  ;D ;D ;D

di masama ang tumulong or tumanaw ng utang na loob. pero dapat maintindihan ng mga magulang at kapatid na may sarili ka ring buhay ay binubuhay.

nicola_juliano

  • Guest
^ Isama na din natin pensions ng mga Seniors nila. Di hamak na mas maganda ang benefits na nakukuha nila (hindi ko nilalahat ang mga countries ha, yung mauunlad lang) compared dito sa atin, right? SSS Pensioner ka nga, super karampot naman. Musta naman ang PHP4K a month? This is the lowest I've heard so far. Kaawa nga mga seniors dito.   :-(   Then, all businesses and companies here in the PH do not hire seniors and elders. Above 30 nga parang ang hirap na mapasok (for some jobs out there). Kaya wala talaga maaasahan kundi tayong mga bata bata pa especially for our parents with no job + businesses to take over.

graZiousa

  • Guest
Hindi natin obligasyon. Its more on love kasi sa parents natin, sa nakita na pagsisikap nila para maibigay ang mga pangangailangan natin at mapagtapos ng pag aaral. Meron akong friends na gusto ng magulang nila na tumulong muna sa pag aaral ng ibang mga kapatid bago mag asawa or gumawa ng sariling buhay. But majority sa parents na kilala ko, kung merong ibibigay ang anak happy sila and kung wala naman ok lang.. Depende din siguro sa magulang mga sis, meron din kasi na pag nakapagpatapos ng isang anak di na magsisikap kasi yong nakatapos na yon na ang obligado sa pagpapaaral ng ibang anak nila.

Janelc

  • Guest
IMO hindi obligasyon ng anak it's more of kagandahang asal. Nasa abroad kami magkakapatid at share kami sa pagpapadala for my dad's allowance kasi kung hindi naman kami pinag tapos sa pag aaral di namin mararating itong buhay na meron kami ngayon. Pero ayokong ma feel ng mga anak ko na kailangan din nila akong  suportahan pag tanda ko that's why I am saving for my retirement I feel na iba ang generation nila kasi dito sila sa abroad pinalaki.

nicola_juliano

  • Guest
^ Korek! Choice ng magulang yun if pag-aaralin kayo or hindi. Choice ng mga magulang natin if kayod kabayo at kalabaw at bubuyog sila para lang makatuntong tayo sa College at makapagtapos. :-)  I'm thanking God they chose na pag-aralin kami sa College at makapagtapos.

megansmomma

  • Guest
This is the current issue of my cousins, since their mother is used to being "wealth off" they expected their only brother to shoulder all the expenses which includes the youngest' fees at school. Its okay, my cousin is the only one working for their family. until my cousin found a girl with a child then chooses to be with that girl and say goodbye to all his responsibilities on their family. For me, yes our parents did their part on raising us well, giving us food and shelter. but, Its up to you if you know how to give thanks for what they've done. Lucky are those whose parents don't obliged their kids to take part on every financial aspect of their household. but for me, It is just to still give thanks, they are still the main reason why we are breathing. :)

Cheesecak3

  • Guest
Hindi obligasyon pero kung nakapagtapos ka dahil sa ginawang pagkayod ng magulang siguro mas maganda din kung magbigay ka every month. Ako nga na hindi naipagtapos ng magulang ay hindi ko sila tinalikuran.

Mas maganda na yong ikaw ang magbigay kaysa ikaw ang bigyan.

sassy_lady

  • Guest
Yes siguro if your parents are retired na and wala namang other source of income.But if say, may negosyo naman sila or pensionado then I guess you only give when you're able to. Unless of course kung may sarili ka nang pamilya na dapat buhayin.Then the obligation is passed sa younger siblings mo... and so on.

graZiousa

  • Guest
mga sis..  magkaiba ang obligasyon sa kusa.. Msarap naman talaga magbigay sa magulang pag nakakaluwag, pero hindi yong obligasyon na lahat lahat. kaya lang sadyang merong magulang na ganun na pag nakapagpatapos na ng unang anak  obligado na magpaaral ng mas batang kapatid at provide sa lahat ng kailangan sa bahay dahil nga rin siguro hindi naman maluwang sa buhay ang ganitong klase ng magulang. pero meron ding mga magulang na nagpapasalamat na may nakatapos na, nasa sa anak nalang kung gustong magbigay o hindi, ito naman mga magulang na may sariling kinikita or medyo nakakaluwang sa buhay.. Sa akin lang ok naman magbigay sa magulang syimpre magulang yon eh.

bettyboop1322

  • Guest
parang no objection naman sa buhayin pero sa sustentuhan ang pangLUHO ibang usapan na yun.. syempre pinalaki naman tayo at pinagaral ng parents natin saka out of love kung kukupkupin natin sila walang problema dun pero pangLUHO my gosh may mga anak na din naman tayong dapat buhayin at pag aralin

funstuffjoan0109

  • Guest
obligasyon? partly, utang na loob na lang din, lalo na kung mahal mo talaga sila. for the sake of love

snowflakes

  • Guest
may mga magulang na gusto nilang gawing obligasyon mo silang bigyan. na pag di mo napagbigayn magagalit sila sayo. isusumbat ang kung ano ano. so i think it depends sa parents.

Girltalker2

  • Guest
parang no objection naman sa buhayin pero sa sustentuhan ang pangLUHO ibang usapan na yun.. syempre pinalaki naman tayo at pinagaral ng parents natin saka out of love kung kukupkupin natin sila walang problema dun pero pangLUHO my gosh may mga anak na din naman tayong dapat buhayin at pag aralin

Papano naman yung parents na hind nagsa-save kasi gusto daw nila i-enjoy ang pinaghirapan nila - like pa travel travel, naka latest gadgets lagi, etc.?  Tapos iaasa ang retirement sa mga anak?


xtine

  • Guest
^I think as a parent who worked hard just to put food on the table and to send their children to school, it is just right for them to enjoy the fruit of their hardship.  There are times when they get to enjoy these things pag nakatapos na ang mga anak or nalagay na sila sa magandang lugar. 

I think its just right to give something as a sign of our heartfelt thanks for the love and the sacrifices they have made for us. 

I am saying this because my parents are my heroes.  They were the ones who tried to do everything just send us to good school, I do owe them what I have achieved in life.  Every luxury I have is especially thanks for them.  As a token of my gratitude to them, I treat them to trips (abroad and local) every now and then.  I also buy them gadgets which are useful (candy crush just to keep their boredom away).  Ako kasi ang meron at ang kayang mag provide, whereas they are already retirees. 

It feels good when I see my parents enjoy those things that they were not able to afford before.  It also give me a good sense of fullfillment when its my money that they spend (not their own savings).

I think with all the sacrifices that our parents have gone through just to give us a good life, it is just right to give back. 

But it all depends on how deep your level of appreciation is to your parents to fully tell if giving back is necessary or not. 

chedz.03

  • Guest
I can relate to sis xtine post. I grew up seeing how my parents worked hard just to give us the education we need to have a better future, a house of our own, simple joys and luho. Ibibigay ng parents namin lahat ng kaya nila minsan higit higit pa just to see us happy and hindi namin maranasan lahat ng hirap sa buhay tuad nung bata pa sila. Both my parents did not finished school due to financial problems but they did what a responsible parents will do for their child nung nagpamilya sila. Tiniis nila magkalayo, ang gabi ginagawang araw na parang walang kapaguran.

Dahil sa nakita ko na yun, lumaki ako na nangarap balang araw maibalik din lahat ng kabutihan nila sa akin. Di ko man mapantayan but sana at least makita ko man lang mapapangiti sila sa simpleng bagay na galing naman sa pinaghirapan ko. At tama din, di naman ako magkakaroon ng maayos na buhay ngayon kundi dahil sa pagsisikap nila mapagtapos ako.

Even now, my mom does not want to stop yung sideline nya. I know nagtitiis pa din sya till now dahil pa din sa amin. Ayaw nila iasa yung pangangailangan nila sa amin lalo may asawa na ako. Pero i am proud to say hindi na kinailangan manghingi o manglimos ng parents ko sa amin, kasi lumaki kami na malinaw na malinaw how deep their love for us kaya di namin kaya ng brother ko na di sila tulungan financially kahit paano.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close